Chapter 1 - OPP

Chapter 1

 

 

Cielo's  POV

 

Kalalabas ko lang galing ng laboratory.  Kakatapos lang din kasi ng subject ko dito at ngayon nga ay nagbibihis na ko ng pangcivilian.  Tutal naman eh last subject ko na ito ngayong araw at papunta na ako sa lugar kung saan madalas kaming magkita ng mga kaibigan ko.

Naglalakad  na ako sa corridor ng biglang may humarang sa dadaanan ko.

Tinitigan nya ako ng masama mula ulo hanggang paa pagkatapos ay ngumisi sya sakin ng nakakaloko.

"Anong kaylangan mo?"  mariing tanong ko sa kanya.

"Layuan mo na sya!"  galit na sabi nya sakin.

Hindi ko nalang sya pinansin sa sinabi nya bagkus ay nagtuluy-tuloy lang ako ng lakad.

Pero bigla nyang hinawakan ang kanang braso ko.

"Mahal na mahal ko sya Cielo, Please lang ibalik mo na sya sakin."  Binawi ko ang mga braso ko sa kanya at hinarap ko sya.

"Bakit Claire, hindi ko ba sya mahal hah?"  galit na tanong ko sa kanya.

"Pero ako ang nauna sa kanya"

"Pero ako ang gusto nya ngayon!  At gusto ko rin sya, dati na syang naging sayo pero pinabayaan mo sya, tapos ngayon nagmamakaawa ka?"  balik na sabi ko sa kanya.

"Pero nagsisisi na ako! Hindi mo lang alam ngayon kung gaano ako naghihir---

"CLAIRE!" narinig ko ang boses ni Michael mula sa likuran.  Agad ko syang tinignan at ngayon nga ay papalapit na sya samin.

Agad akong inakbayan nito at itinago sa likuran nya.

"Hindi ba't sinabi ko na sayo na h'wag mo na kaming pakialaman pa?"  galit na sabi nya.

"Michael please,"  nakikita kong niyayakap nya ngayon ito.  "Let's get back together the way we use before, please"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na kita mahal"  sya sabay tulak dito.

"Hon let's go"  iyon lang at inakay nya na ako paalis sa lugar na iyon.

....

"May ginawa ba sya sayong hindi maganda, sinaktan   ka ba nya?  San ang masakit?"

"Wag ka ngang OA, kahit naman ganun ang Ex mo mukha namang hindi gagawa yun ng masama, bakit ba kasi hanggang ngayon ehh hinahabol ka pa rin nya."  Pagalit kong tanong dito.

"Aba, ewan ko, siguro ganun lang ako kagwapo"

Ayan na, at hindi na sya galit.  Nakakapagbiro na ehh.

"Kaya ikaw, wag mo akong iiwan dahil kapag iniwan mo ko bak..

"Baka ano?"  sabi ko sa kanya habang magkadikit pa ang mga braso ko sa dibdib.

"Baka hindi ko kayanin."  Sya sabay yakap sakin.

Ayan, spell K-A-M-A-T-I-S

Ako yun ehhh.

"Uy, wag ka ng mamula, ikaw naman ang dali mo talagang pakiligin"  hahahahhahahah

Sabi nya sabay tawa.

"Bahala ka nga dyan" hinagis ko sa kanya ang mga libro na dala ko at nagtuluy-tuloy na akong umalis.

"Uy wait hon, ikaw naman, hindi kana mabiro." 

"Halika na, hatid na kita pauwi."  Pero hindi ko pa rin sya pinapansin.

"Hey, ano ba, ito naman, parang nagbibiro lang, pero totoo naman ahhh"  sabi pa nya.  Pero mas binilisan ko pa ang lakad, inaasar ko na sya ngayon.

"JACKY CIELO VILLAZAR, MAHAL NA MAHAL KITA!  WAG KA NANG MAGALIT PLEASE!" isang malakas na sigaw nya sakin na nakapagpahinto sakin.  Grabe, pinagsisihan ko na kung bakit ko pa ba hindi sya pinansin.

Tinitigan ko lang sya ng masama.  Ramdam ko at pansin ko ang mga tao na pinagpipyestahan na kami ng tingin.

"Grabe, ang swerte nya naman sa boyfriend nya talaga noh"

"Oo nga eh, gwapo na, sweet pa"

Ilan lang yan sa mga bulung-bulungan na narinig ko sa paligid.

"Ano papansinin mo na ba ako?"  sumilay sa mukha nya ang isang maliit na ngiti.

Grabe, mas lalo lang talaga akong nahuhulog sa lalaking ito.

Pero hindi ko sya sinagot.

Maya-maya pa ay nakikita ko na syang lumuhod.

Agad ko naman syang nilapitan.

"Ano na naman bang trip ito hah M.A?"

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako pinapatawad"  nakanguso nyang sabi.  Grabe parang isip bata lang eh no.

"Tumayo kana dyan, kung hindi sa iba ako magpapahatid." 

At lumapad pa ang ngiti nya at tumayo na sya sa harapan ko.

......

Xander's  POV

"Yosh"

 

"Kuya"

 

"Yosh"

 

"Natatakot po ako Mommy."

 

"No, don't be, okay?  Nandito lang ang Mommy at Daddy." 

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip na iyon.  Gabi-gabi nalang, lagi ganun ang panaginip ko.  Nagising nalang ako sa ospital ng walang maalala.  Kahit nga pangalan ko ay hindi ko na rin maalala. 

Nakita kong bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa niyon si Nanay.

"Anak ayos ka lang ba?" 

Lumapit sya sakin at umupo sa gilid ng kama ko.

"Narinig kong umuungol ka sa baba kaya naman inakyat kita dito."  Hinawakan nya ako sa noo at may kinuha syang towel at ipinunas ito doon.

"Anong nararamdaman mo?  Madalas, hindi na maganda ang mga napapanaginipan mo  ahhh"  sabi nya.

"Ayos lang po ako, matulog na po kayo, naabala ko pa tuloy kayo sa pagtulog"  nakangiti kong sabi sa kanya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?  wala ka bang kaylangan?"  nag-aalala pa rin nyang tanong.

"Nanay, wala na po"  niyakap ko sya.  "Mas kaylangan nyo pa pong magpahinga"  dagdag ko pa dito habang yakap-yakap ko pa rin sya.

"O sya sige, bababa na ako."  "Aba't wag mong kalimutang magdasal hane?"  sya.  Tumango naman ako sa kanya.  Iyon lang at tumalikod na sya then nagtuluy-tuloy na syang lumabas.

Ako naman ay tumayo sa kinahihigaan ko at sumilip sa bintana.  Masyado ng madilim sa labas.

Sino nga ba talaga ako, at ano nga ba ang talagang nangyari sa akin.

....

"Nay, tay aalis na po ako"  dala-dala ko ang bag ay dumiretso na nga ako palabas.   Nakita ko naman na naghihintay si MJ sa labas ng bahay.

Si MJ ang matalik kong kaibigan simula pa noon.  Sya lang ang nagiisang tao na nakakasama at nakakausap ko ng maayos at matino.  Pag kasi nasa eskwelahan na kami, kanya-kanya na kami ng mundo at wala din naman akong ganang makipagusap sa ibang tao.

Yung iba kasi kapag kaharap ko mga nakatulala lang, yung iba naman maiingay.

Nang makita nya ako ay agad na syang pumasok sa driver's seat at ako naman ay sumakay na sa tabi nito.

Third year college na kami sa Universidad de la Portaleza, ang pinakasikat na eskwelahan dito sa Portaleza.  Karamihan dito ay mayayaman, nagkataon lang na iskolar ako ni Governor kaya nga nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makapag-aral.  BS Accountancy ang kinukuha naming kurso.

Pinarada na ni MJ ang sasakyan nya sa parking lot at ako naman ay bumaba na.

Naglalakad na kami ngayon sa kahabaan ng corridor ng bigla nalang may humarang sa daraanan namin.

"Hi Xander, pinaghanda kita ng breakfast at lunch"  sabi ng babae sa harapan ko habang napakalaki ng ngiti nito. Pilit din nitong inaabot sa akin ang dala-dala nyang lunch box ata ito.

Hindi ko naman ito pinansin at nilagpasan ko lang sya.

Pero dahil nga sa makulit ito, hinabol pa rin nya ako.

"Xander, please, tanggapin mo na itong niluto ko, maaga pa akong gumising para dito"  pagmamakaawa nito sakin.

"Sinabi ko bang paghandaan mo ang isang pobreng katulad ko?"  seryoso kong sabi sa kanya.

"Bakit ganyan ka ba magsalita?"  naiiyak na tanong ng babae.

Pero hindi ko sya sinagot bagkus ay nagtuluy-tuloy lang ako ng lakad.

Gustuhin ko mang makisalamuha sa kanila ay hindi pwede, magkakaiba kami ng sitwasyon, at ako naman ay nagsusumikap para maiahon ko sila nanay at tatay sa kahirapan. 

Simula ng pumasok ako ng kolehiyo ay nangako akong hindi ako makikisalamuha sa mga mayayaman dahil ayokong may masabi sila tungkol sakin.  Si MJ naman ay talagang kaibigan ko na sya simula nung nakarating ako dito sa Portaleza.  Ang tatay nya kasi ang nagpapaaral sakin, in short, Gobernador ito dito.

Hindi naman ako nagsisisi sa kalagayan ko ngayon, pangarap ko lang talaga na madala sila nanay at tatay sa lugar kung saan nila gustong makarating at iyon ay sa Maynila at makapasyal doon.

Pero syempre higit pa doon ang lugar kung saan ko sila dadalhin.  Kaya nga ngayon, dalawang taon nalang at makakatapos na rin ako ng kolehiyo.  At isa pa sa pangarap ko ay ang maging top CPA ng bansa.

"Ang lupit mo talaga sa mga babae, paano ka magkaka-girlfriend nyan?"  pangaasar sakin ni MJ.

"Alam mo naman ang priority ko ngayon di ba?"  sabi ko sa kanya.

"Yeah I know that, pero hindi naman  masama ang makipag-flirt diba?  Sabi nito.

"Kung makikipag-relasyon man ako, yung seryoso" sabi ko sa kanya.

"Hay naku Xander, masyado ka talagang seryoso sa buhay."

Nasa tapat na kami ng classroom namin at pumasok na kaming dalawa dito.

....

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2