FBBF - Chapter 2

Third person's POV


Kasalukuyang nagaayos ng gamit si Yoshabelle ng  kanyang mga anak para sa pagbalik nila sa Pilipinas.  Patayo na sya ng biglang may yumakap sa likod niya.

"Mommy, is the Philippines a beautiful country?" Yosh asked.

"Yes it is mahal, there's a lot of things there that I'm sure you will love," she said.

"Dun ka po galing diba?  Nandon din po sila Nanay at tatay diba?  I'm excited to be there already and to see it Mommy!" – her son said joyfully.

Jayden Yosh is a very sweet and happy son.   At the very young age, she  cannot imagine that he can think the way a young adult can do.  He never ask anything about his dad.  

Sa  bawat pagkakataong may nakikita si Yosh na isang buong pamilya, tatahimik na lamang ito o kung di naman kaya ay aalis.  

Pag sa bahay naman aysobrang sweet sweet nito.  Sa labas, hindi mo makausap o walang sino man ang nagtatangkang makipaglaro sa kanya dahil hindi naman nya pinapansin ang mga ito. 

Hindi sya sanay na makipagusap  sa mga taong hindi nya lang talaga kilala.   Just like his father, he's one protective man.   

Jayden dominated his physical features.  Sa bawat oras na nakikita ni Yoshabel  si Yosh, parang kaharap lang din niya ang batang itsura ni Jayden.   Pagdating naman sa pagtatanggol sa kanya o sa kapatid nito, lumalabas talaga ang pagiging matapang nito.

Kahit alam nyang mas malaki sa kanya, lumalaban talaga 'tong bata 'to, tapos uuwi sa bahay na sobrang dungis at magkasalubong pa ang dalawang kilay sa sobrang galit.

"Hayy bata nga talaga." Bulong nito sa sarili.


She's in the middle of thinking things when someone entered her room and caught her attention.

"Mom, I'm ready!" – Her daughter exclaimed.

"You don't need to shout Drew." – her boy said.

"It's just that I'm excited kuya, besides I really wanted to be in the Philippines where mom was born." Sabay tingin sa Ina, "Right, Mom?!"- Drew said and hugged her.



******************

Nagising siya sa tunog ng kanyang cellphone.  Dahan-dahan niya itong kinapa sa table na malapit sa kanyang kama and answered it without even looking on the screen of the phone.

"Yes?!" – Jayden said straightly while caressing his forehead.

"Sir!  Your meeting today will start at 10  am and you will also have a meeting  with Mr.  Arturo Sy to close the deal"  - his secretary said on the other line.

"Okay!  I'll be there an hour from now" tumayo ito sa kama ng walang saplot sa katawan. Papunta sya ng CR ng biglang may nagsalita.

"Hey Honey, it's too early to wake up!"  the girl on the bed said.  "Let's have a morning round,"  the girl said naughtily while walking closer to him.

"Sorry Monica pero wala ako sa mood" – he said lazily and went inside the cr.

..................

Flashback



Yoshabel's POV

Sabado ngayon at maaga akong nagising, kaylangan ko kasing makapunta sa mansion ng Montereal dahil magkakaroon ng isang welcome party sa pagbabalik ng kaisa-isang anak na lalaki nila.

Bilang isa sa sinusuportahan nila, hindi man nila sinabi pero nagkusa na akong pumunta sa kanila para na rin tumulong at makita na rin ang aking mga magulang.


It's almost four days since it happened.  Hanggang ngayon, lagi ko pa rin naaalala ang lalaking iyon.  Hindi ko akalain na kaya niya palang gawin iyon sa kung sinu-sinong babae lamang.  

Sayang, may itsura pa naman kaso katulad din pala sya ng iba na nabigyan lang ng sobrang kagwapuhan, kakisigan at lahat lahat na, eh ganon na lamang kung paglaruan o yayain ang isang babae sa mga ganoong bagay.



Dala dala ang backpack ko, dali-dali na akong bumaba ng hagdanan ng apartment ko at tuloy tuloy na akong lumabas at nag-abang sa labas ng Jeep na masasakyan.



After 45 minutes, nakarating narin ako sa Montereal residence.  Binati ko ang gwardya at pumasok na sa parteng likod ng bahay—este mansion nila.  Hay, malaki sana bahay nila kaso wala namang masyadong pamilya na nakatira.  Sabi nila mama na madalang lang daw kung pumunta dito ang mag-asawang Montereal.  Kalimitan daw ay nasa abroad ang mga ito.  Balita ko, nakauwi na raw dito ang prinsipe nila at dito muna titira habang tinatapos ang pagaaral, siguro for good na rin daw. 



Hindi ko pa nakikita ang anak nilang lalaki dahil bago lang din ako dito sa Maynila.  Dali dali akong pumunta sa kusina at dun ko nga nakita si Mama.  Agad ko syang niyakap at hinalikan.




"Ma, ako na po ang tatapos nyan"  inagaw ko sa kanya ang sponge at tumabi sa kanya.  Akma pa sana syang tututol pero inunahan ko na agad sya.. Magpahinga na lang po muna kayo.



"Hay nako, ikaw talagang bata ka, o sya sige, tapusin mo na yan at kaylangan ko na rin pagpatuloy ang niluluto ko sa loob.



Malapit na akong matapos sa paghuhugas ng mga hugasan ng biglang may nagsalita sa likuran ko. 



"So your one of the scholar of my parents, they are supporting you financially, your parents are also working with us!" the man at my back said.


The voice is very familiar.  Ayokong tumingin dahil ayokong makumpirma kung sino nga ba ang nasa likuran ko dahil parang alam ko na talaga na sya talaga yan.




"Isn't it that when somebody is talking to you, you should face them!  Where's your manners lady!"  sabi niya sa mababang tono habang pigil na pigil ang galit sa kanyang pagsasalita.




Dahan dahan ko syang hinarap

"Sorry Sir.  It's just that I'm do—"



"I want you to bring me Pineapple Juice and chicken sandwich with stress ball in my room."  Pagpuputol niya sa sasabihin ko at dali-dali syang tumalikod.


STRESS BALL?!     MERON BA DITO NUN? Yoshabel exclaimed to herself.



Agad-agad syang naghanap ng iba pang mga tao sa bahay upang magtanong kung meron nga ba nun dito.  At buti nalang nakasalubong niya si Ana, isa sa katulong din dito sa bahay at inabutan nga sya ng isa.




Pineapple juice – CHECK!

Chicken Sandwich – CHECK!

Stress Ball – CHECK!


Nasa tapat na ako ng kwarto at nagbilang pa talaga ako hanggang tatlo  habang lakas loob ko ng binuksan ang kwarto niya.




The room is very manly.  Napakaluwag nga nito at halos parang pinagsamang tatlong apartment ko na ang kwarto ng mahal na prinsipe.. MAHAL talaga?


Hinanap ko sya sa loob ng kwarto pero hindi ko sya nakita. Siguro nasa baba pa ang loko at halos lahat pinagiinitan nun.  Umupo ako sa kama niya.  Grabe sobrang lambot.  Ang bango ng amoy, lalaking-lalaki talaga.  Inusog ko pa ang sarili ko sa gitna ng kama.  "Hindi ka lang engot, tamad ka pa!" sabi ng isang boses sa likuran ko.  Agad akong napaayos ng upo at patalikod na tumingin sa kanya only to find out na..."WAAAAh-  agad kong nakuha ang unan sa tabi ko at binato ito sa kanya "BASTOS KA ALAM MO BA YON?" I shouted


"at pano naman ako naging bastos? Hah?!"


"bakit ka lumabas ng nakahubad?! At bakit hindi ka pa umaalis sa tapat ko?" I said as I keep on covering my eyes.



"hindi ako nakahubad, Miss-  may suot pa naman ako ahh, tingnan mo" – natatawa niyang sabi habang palapit ng palapit sa akin.




Dahan dahan naman akong umatras hanggang sa napasandal na ako sa pader ng kanyang kwarto.  He's only wearing a white brief at kitang kita ko ang bukol sa gitna nya.  Bakit ganun yun.



"Kung hindi mo natatandaan, ipapaalala ko lang sayo, nasaktan mo ang pagkalalaki ko noong huling nagkita tayo" sabi nya sakin habang palapit ng palapit ang kanyang mukha sa akin.  "at gusto kong subukan ito sayo kung dadami pa nga ba ang lahi ko o hindi na" he whispered to me.



Anong ibig sabihin niya dun?  Agad akong tinaasan ng balahibo sa katawan at gusto kong sumigaw, tumakbo pero nahawakan niya na agad ang aking mga kamay.











Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF