Chapter 40 FBBF

 

Chapter 40  FBBF 

 

 

Yoshabel's  POV

"Let's go Kids, your Mommy and Daddy need to talk"  rinig kong sabi ni Alex at sumara na ang pinto.

Hindi ko makita ang mukha nya dahil hanggang ngayon ay nakayakap pa sya sakin and I'm doing the same thing.

"Hon, the pictures, our pictures, it didn't mean any---

"Ssshhhh," pagpipigil ko sa kanya at napatingin sya sakin.

Nginitian ko lang sya then I carry her in our bed pagkatapos ay umupo na sa kama. 

Kitang-kita ko sa kanya ang pagod sa mga mata ngunit ang kakisigan nito at taglay na angas sa mukha ay nandoon pa rin.  Siguro ng malaman nya na may nagpadala sakin ng pictures nila ni Elaine ay agad itong umuwi.

"You don't need to explain everything, I trust you!"  sabi ko sa kanya.  "Aaminin ko, the moment I saw the pictures, bigla akong nasaktan at nagduda sayo, but part of my heart said that I have to trust."  Dagdag ko pa.

"And now that you're in front of me, I don't care what that's pictures are all about, kahit ba dalawa kami o marami kami dyan sa puso mo.  Ang mahalaga,"  I suddenly paused and looked at him.

"Wag mo lang akong iiwan.  Dahil hindi ko na kakayanin."  At mas lalo pang lumandas ang mga luha ko.

Pagkasabi ko niyon ay mabilis nya akong ikinulong sa kanyang mga bisigy nya.

"Hinding-hindi na talaga kita iiwan, at hinding-hindi ka na mawawala pa sa piling ko Hon."  Rinig kong sabi nya.

Lahat ng takot ko kanina ay nawala at lahat ng pangamba ko ay napalitan na ng kasiyahan.

"Hon."  Rinig kong bulong nya.

"Ano yon?"  Agad nya akong nilayo sa kanya at magkatapat na ang aming mga mukha.

"Sorry hah, we're almost there."  dagdag pa nya.

"What do you mean?"  humiwalay nako sa kanya.

"Sa condo ko, pumasok si Elaine doon, and we make out, but when she kissed me, that's when I remembered you.  That's when I realized that it is your lips whom my lips were keep on looking for.  That's also the time when I have gotten back all my senses. "  hinawakan ng isang dalari nya ang mga labi ko.

"Pinaalala nito na ito lang talaga ang pinakahinahanap-hanap ng mga labi ko"  - He said then I kissed him and hugged him.

"Na-miss mo ba ako?"  tanong nya.

Bigla ko naman syang binatukan.

"ARAY!  WHAT'S THAT FOR?"  rinig kong tanong habang hinihimas ang ulo nito na binatukan ko.

"WALANG HIYA KA!  BAKIT HINDI MO KINO-CONTACT HAH?"  pagalit na tanong ko sa kanya.  "WALA KA MAN LANG TAWAG O TEXT MAN LANG!  PINAPAG-ALALA MO PA KAMI DITO."  Dagdag ko pa sa kanya.

"O wait lang ang puso, sige ka, magiging mainitin ang ulo ni baby natin, isang buwan nalang oh"  pag-aalo nya sakin.

"Wag mo kong madaan-daan dyan hah!"  - ako

"Kapag kasi tumawag ako at marinig ko man lang ang boses mo at ng mga bata, baka bigla akong umuwi at hindi ko na matapos ang kaylangan kong gawin doon."  Paliwanag nya.   Pero hindi ko parin sya tinitingnan.

"Hon sorry na ohh"  sabi nya sakin sabay yakap.  

"Uyy, wag ka nang magalit"  he touched my face and face it to him.

"I promised, pagbalik ko don, I'll contact you right away." – Jayden

"WHATTT?" malakas na sigaw ko.

"O dahan-dahan naman, naku baka maging maingay ang anak natin dyan"  - Jayden

"Don't tell me na babalik ka pa don?"  tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman syang tumango nang hindi nakatingin sakin.

"HINDI KA PA BA TAPOS DYAN?  AKALA KO BA ISANG BUWAN LANG?  EH LAGPAS-LAGPASAN KA NA NGA OHH!"  sabi ko sa kanya.

"May importante lang po akong dapat tapusin."  Sya

"Bahala ka!  KAPAG UMALIS KAPA!  HINDI MO NA KAMI MAABUTAN DITO NG MGA ANAK MO!"  pagalit kong sabi sa kanya.

"I'm sorry talaga melabs, but I have to do this, this one is very important hon, I hope you'll understand."  He said then hug me.

....

 

Kinabukasan nga, umalis na sya, pang-inis lang, at mas may importante pa pala sa aming pamilya nya.  Na-disaapoint nya talaga ako don.

"Mommy, where are we going?  Why are there so many bag here?"  -Drew

"We're leaving."  Maikling sagot ko sa kanya habang inaayos ko pa ang isang bag ko.

"And why naman po?  Is Daddy coming with us?"  dagdag pa nya.

"Drew, hindi sya kasama, at wala syang balak na unahin tayo sa lahat."  Sabi ko pa.  "Kaya kunin nyo na yan at bitbitin"  dagdag ko pa.

"No Mom, I'm not coming with you without Daddy!" pagalit nyang sabi sakin.

"Drew that's enough, stop arguing, Mommy, can we first drop-by in the mall?"  tanong ni Yosh.

"And why?"  tanong ko dito.

"May kaylangan po akong bilhin doon Mommy, don't worry, we can bring our bags with us!"  - Yosh

 

 

Fast forward (Sa mall)

"Yosh ano ba kasi hinahanap mo?  Kanina ka pa naghahanap, kawawa naman si baby ohh"  kanina pa ito palinga-linga.  Nandito na kasi kami ngayon sa mall.

"Hindi ko pa po makita Mommy."  Sabi nito sabay haba ng leeg. 

"Ayun po"  tumingin ako kung saan ito nakaturo.  The event center of this mall.  May mga bilog na lamesa ito at may mga upuan just like in the formal gatherings.  Nakaayos din ito na para bang any moment ay may magaganap na malaking salu-salo.  Sa pinakadulo nito ay may malaking stage.

"Anong gagawin mo dyan?"  nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mommy, umupo po muna kayo dun while I'm searching for the thing I'm looking for"  nakangiti nitong sabi sakin.

"What?  Hindi pwede, sasamahan na kita."  Pagtanggi ko dito.

"Wag na po, mapapagod lang po si baby, hehehe, perhaps, Drew will be coming with me."  Sabi nya sabay hatak sa kapatid.

"Sandali lang po kami Mom,  I promise!"  sya sabay taas ng kanang kamay.

"Okay, I'll wait for you're here mga anak."  Sabi ko.

"Mom, dyan ka lang hah sa upuan na yan para madali ka naming makita, okay po ba?"  - Drew

"Okay!  Just make it faster or else I'll look for you!"  yun Lang at umalis na nga ang kambal.

Lumapit ako dito at may isang parang waiter ata na nakatayo sa paligid nito.

"Excuse me Sir, may I sit here?"  nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sure Mam"  at pinaghila nya naman ako ng isang upuan.

"Thank you"  -ako.

Umupo naman ako sa upuan kung saan sinabi ni Yosh. 

Inikot ko ang paningin ko sa paligid nito.  Sa pinkaunahan nito ay may medyo kalakihang stage at may mga nakapwesto na doon na mga instrument.  Mukhang may tutugtog ahh.

Ang tagal naman ng dalawa, tatayo na sana ako ng biglang may dumating na isang lalaki na hindi ko kilala.

"Excuse me po, flowers for you,pinabibigay lang"  sabi nito ng nakangiti.

Nabigla naman ako sa isang bouquet of flowers na nasa harapan ko.

"Kanino po ito galing?"  tanong ko.

"Hindi ko din po kilala, basta inorder lang samin, sige po una na ko"  at nakita ko na syang umalis.  Tiningnan ko ito and I saw a card.

"These flowers represents your beauty.  The way I see how beautiful you are inside and out keeps me wanting you more.  WILL ___   ___  ___"  huuh?  Ano yun?  Is this correct?  Parang may kulang.

Ginala ko ang paningin ko, hinanap ko ang lalaki kung saan ito umalis kanina.

"Good afternoon Madam,  chocolates for you"  nakangiting abot sakin ng sales lady.  Pagkakuha ko nito ay agad nalang itong umalis.  Magsasalita pa sana ako pero nawala na ito.

Ano bang nangyayari dito?  May card.  Binuksan koi to at binasa.

"This chocolate represents how much I love you and I care for you.  Please stay where you are and answer my question.  ___  YOU   ___  ___"   I looked on the flowers to arrange the two words.  "WILL YOU ___ ____"

Feeling ko talaga pinaglalaruan ako ng kung sino dito, if ever that Jayden is here, I might think that he's the one behind all these things.

Maya-maya pa ay may nakikita akong dalawang tao isang babae at isang lalaki na papunta sa pwesto ko.

"Excuse me Mam, kayo po ba si Ms. Yoshabel?"  tanong ng lalaki sakin.

"Yes, ako nga, ano po ang maipaglilingkod ko?"  tanong ko sa kanila.

"Someone has told us to give this to you!"  I get the box to them  "We should be going, have a great day."  Nakangiti nitong sabi sakin.  "Salamat."  Sabi ko sa kanila.

I opened the box only to find out that there's an Infinity necklace inside it.  I'm really amazed the way the necklace was being designed.  Sobrang ganda lang.  I looked on the card and there I found it.

"The love knot necklace is a beautiful and timeless piece of jewelry.  This represents my never-ending love for you.  The beauty of flowers might fade and the sweetness of chocolates might gone but never my love for you. Will you answer my question now? ___  ___  ___ Me"  

Nilapag ko sa lamesa ang mg natanggap ko at binubuo ko na ang mga salita na nakalagay sa card.   Kulang pa ng isa.  Busy ako sa pag-aayos nito ng biglang dumilim ang paligid at namatay ang lahat ng mga ilaw, as in total darkness.  Bigla naman akong kinabahan sa nangyari. 

 

itutuloy....

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2