Chapter 15 OPP

Chapter 15 - Mall

 

 

 

 

"Mommy, sino po ang hinihintay natin?" tanong sakin ni Zian.

 

"Yung pinaka-boss ng building na to baby. Sya yung kailangang kausapin ng Mommy." Nakangiti kong sabi sa kanya.

 

Agad namang nanlaki ang mga mata nito. "Talaga po? Siguro napakayaman nya, ang laki po kasi nito 

ehh. Gusto ko po Mommy ng maraming-maraming cars" sasagutin ko pa sana sya pero hindi ko na ito natuloy ng may biglang lumapit samin na lalaki

 

"Mam Cielo, the CEO is free now and you may now enter his office, but I'm afraid..." huminto ito saglit at tumingin kay Zian. "You have to leave your child here" sabi nya sakin.

 

"Baby, mommy needs to go inside that office, you just have to wait for me here is that understood?" sabi ko sa kanya.

 

"Yes mommy" nakangiti lang na sagot nito.

 

"After that mommy, let's eat in Jollibee po" maliit ang boses na sabi nya.

 

"Okay baby, wag kang aalis dito hah" tumayo na ako at inayos ang sarili ko saka tinungo na ang daan patungo sa pintuan ng opisina ng tao na kaylangan kong kausapin.

 

Kumatok muna ako saka ko pinihit ang doorknob nito. Kung malamig dito sa labas ay mas doble pa ata ang lamig dito sa opisina nya. Grabe lang, ganun ba talaga kapag sobrang yayaman. Hayysst

 

Bumungad sakin ang isang napakaluwag na opisina at talaga namang wala akong masabi sa sobrang ganda ng pagkakagawa at ng design. May nakita akong isang pa-oblong na table na may sampung upuan na nakapaligid dito. Sa kabilang sulok naman ay mga lagayan ng libro. Very classical ang tema ng opisina nya at talagang nagpapakita ito ng authority ng kung sino man ang nagmamayari nito.

 

Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at nandito na nga ako sa center table nito. Mula doon ay nakita ko ang pangalan na nakasulat "Jayden Yosh Montereal" CEO at ang  ang isang upuan na nakaharap sa labas ng building.

 

"What can I do for you?"

 

Nabigla ako sa boses nya na sobrang pamilyar sakin. Bigla akong kinabahan, as in yung sobrang lakas na kabog ng dibdib ko ngayon. Para bang may mga nag-uunahan sa loob nito.  Ito yung boses na kung saan muling nakapagpabalik ng aking mga masasayang ala-ala way back five years ago.

O my god! Bigla kong naisip na nasa labas lang pala si Zian. Paano na lang kung makita nya ito. Hindi maari ito. Kaylangan ko nang makaalis.

At mas lalo akong naestatwa at hindi na nakapagsalita ng humarap na ang tao na nakaupo dito. His eyes, face, nose, all of him, its him, that's him. "Xander." Sambit ko sa mahina at mababang boses.

 

"Alam ko talaga na darating ka, sabi ko na nga ba na kahit na saang lugar ka man, basta ang hacienda nyo na ang usapan, lalabas at lalabas ka sa pinagtataguan mo.  Tama ba? Cielo."

 

"Hindi ako nagtatago!" pambawing sabi ko sa kanya.

 

"Whatever you call it, Cielo" raging look is seen on his face.

 

"So what now?" nakakaloko nyang tanong.

 

"Ang hacienda, ikaw ba talaga ang bumili?" - ako.

 

"Ako nga, bakit?" tumayo sya at umalis sya sa lugar kung nasaan ang table nya at lumapit sakin. bigla akong kinabahan sa ginawa nya. "Don't worry, dahil papagandahin ko lang naman ang hacienda mo, gagawin kong resort at...." He paused "... at pasugalan?" bulong nya sakin.

 

"Balak kong bilhin ito mula sayo!" diretso kong sabi sa kanya.

 

"Sigurado ka ba? Sa tingin mo ba ay kaya mong bilhin ito mula sakin? Gigibain ko at papatayuan ko ito ng Resort at Casino!"

"Xander alam mo kung gaano kahalaga sakin ang hacienda ng mama." Tumaas na ang boses ko.

 

"Call me Yosh! Patay na ang dating Xander na kilala mo! At para sa kaalaman mo doktora, wala na akong balak ibenta pa ang bagay na binili ko na! Pwera na lang kung...." Bigla nya akong hinimas sa kanang kamay ko paakyat sa leeg.

 

Hindi naman ako makagalaw sa kinatatayuan ko. natatakot ako. Dahil hindi ito sya. I know, sobrang laki ng kasalanan ang nagawa ko sa kanya!"

"Susunod ka sa lahat ng mga ipag-uutos ko sayo!" iyon lang at muli syang nagpakawala ng nakakalokong ngiti.

"Nababaliw ka na!" agad ko syang tinalikuran at dali-dali akong naglakad para lang makaalis sa lugar na to. Kaylangan kong malayo dito ang anak ko. Si Zian, hindi pwedeng magkita sila.

"AND WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?" hindi nya pinansin ito bagkus ay nagtuloy-tuloy lang syang lumabas. Agad na hinanap ng mga mata nya ang anak pero ganun na lang ang kabang naramdaman nya ng wala ito sa lugar kung saan nya ito iniwan.

"Sir, nasaan po ang bata na nakaupo dito kanina?"

"I'm sorry mam pero hindi ko po napansin." Malungkot na sambit sa kanya nito. "Ipahanap na lang po natin, madali lang naman iyon dito."

....

 

"Woahhhh, great" kasalukuyang tinitignan ni Zian ang miniature village na nakalagay sa pinaka-sentro ng silid kung saan sya naroroon. May maliliit na bahay, buildings, mga puno at may mga tao pa. nahagip ng paningin nya ang mga maliliit na kotseng nakakalat sa paligid nito.

 

Mula sa lamesa ay inilipat nya ito sa lapag at umupo na rin sya. tinanggal nya ang babasagin na nakatakip dito at nakangiti sya habang isa-isa na pinag-aalis ang mga maliliit na modelo sa loob nito.

"WHO ARE YOU? WHAT ARE YOU DOING HERE?" nagulat ang bata sa lakas at taas ng boses na narinig nya kaya naman ay agad syang nagtago sa ilalim ng lamesa at nagsumiksik dito.

Sa pagtataka nya ay agad na lumapit si Yosh dito.

"I'm sorry kid if I scared you" binaba nya ang sarili para tingnan ang bata. Laking gulat nya na lang ng mamukhaan ang bata. Hindi nya maipaliwanag ang naramdaman nya ng makita nya ang kabuuang itsura ng bata habang nakipagtitigan din ito sa kanya.  

"Daddy?" sabi nito sa mahinang boses. He was shocked upon hearing that from him and at the same time ay bigla syaang kinabahan.

 Anong ibig sabihin ng batang 'to. A part of his heart became happy hearing this small kid called him that. "This kid seems very familiar" bulong pa nya sa sarili.

"DADDDY!!!!" sumigaw na ng malakas ang bata at lumabas na ito sa tinataguan at lumapit kay Yosh.  Pero ang mas ikinagulat nya ay ang biglang pagyakap pa nito sa kanya ng sobrang higpit.

"Finally, I knew it! Sayo po itong building and you own this big and tall tower!" tila hindi makapaniwala si Yosh sa sinasabi ng bata. Deep inside of his heart was saying na anak nya ito. This child is part of him. Kitang-kita nya ang ebidensya. Pero paanong nangyari ito.

"Wait, what do you mean how come?" naguguluhan nyang tanong.

"Your picture, your face daddy, the same with Mommy's picture in her wallet" 

 Mommy daw nya? Saka wallet? Alam nyang marami na syang na-ikama na mga babae pero sinisigurado nya na lagi syang protektado.

"What's your name?" tanong ni Yosh sa mababang boses habang hindi inaalis ang tingin nito dito.

"Zian Xander Villazar po and I'm 5 years old" ngiti nito sa kanya habang tinapat pa sa mukha nya ang limang daliri. Dahil dito, agad nya itong niyakap ng mahigpit.

"You really came from me, I made you" sabi ni Yosh habang hindi nito inaalis ang bata mula sa pagkakayakap ang bata.

"Daddy, hindi na po ako makahinga" agad nyang hiniwalay ang sarili nito sa kanya.

"Bakit po ang tagal nyong hindi nagpakita?" Yosh heard his son asked this question.

"Where is your Mommy?" Tanong nya dito dahil hindi nya rin alam ang dapat na isagot sa tanong nito.  

"Hala! Lagot!" agad-agad na tumayo ang bata at mabilis na naglakad palabas sana nang opisina. Namamangha nya namang sinundan ito ng tingin, at maya-maya pa ay nakita nyang natigilan ito at bumalik sa kanya.

"Daddy, are those toys are yours?" tiningnan nya ang mga maliliit na modelo ng building at nakaturo ito sa mga maliliit na sasakyan.

"Yes, why? You want cars?" mabilis na tumango ang bata sa kanya habang nakangiti. Tumayo sya at binuhat ang anak.

"Let's go to your Mommy and we'll go to your mall, you can have everything you will like"

"Talaga po? I have mall?" namamangha na tanong sa kanya ng anak

"Yes you have"

Tinungo na nila ang daan palabas. At ngayon nga habang buhat buhat nya ang anak ay unti-unti na rin nyang nakikita si Cielo na nakatalikod habang kausap ang Assistant nya.

"MOMMY!" halos mabingi sya sa tinig ng boses ng bata. Buhat-buhat pa rin nya ito.

"ZIAN!!!" sabay tingin nito sa kanila at gaya nga ng inaasahan nya ay nabigla ito ng makita syang buhat-buhat ang anak nya, este anak pala nila.

Lumapit sa kanila si Cielo

 

"Saan ka ba nagpupuntang bata ka, diba sabi ko naman sayo na wag kang aalis dito?"

"Sorry na po Mommy, please, hindi na po ulit mauulit"

"Okay, next time, hah"

"Promise po, sya nga pala, nakita ko na po si Daddy!" bumalik ulit sa pagiging masiyahin ang boses nito.

Hindi alam ni Cielo kung ano nga ba ang dapat nyang gawin lalo na nga ngayon na nagkita na talaga ang mag-ama niya.

She looks at Yosh's face and it remained cold at hindi man lang sya binigyan ng pansin.

"Let's go, we will go to mall" iyon lang at nagtuloy tuloy ito ng lakad papunta ng elevator.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2