Chapter 28 FBBF

 

Chapter 28  FBBF -  Where's Daddy?

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

"Starting tomorrow, wag ka nang pumasok"  sabi nito habang busy sa pagmamaneho pauwi na kami sa Maynila.

 

"Hindi pwede, kaylangan ko rin syempreng magtrabaho."  Ako

 

"Ako na ang bahalang bumuhay sayo at sa mga anak natin"  tanong nya sakin.

"Ehh ano ang magiging ganap ko sa mga bata?  Wala?  Eh ikaw?  Anong magiging ganap ko sayo?"

Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya dahil hindi na sya nagsalita.

Tinuon ko nalang ang tingin ko sa labas upang maitago dito ang pagkadismaya ko sa kanya.

Buong byahe ay tahimik lang kami at gabi na nang makarating kami sa apartment.

 

Inakyat na nya ang mga bata sa kwarto nila habang ako naman ay dumiretso na sa kusina.

Naiinis ako dahil ganyan sya.

Masakit na hanggang ngayon may parte pa rin sa amin na hindi pa ayos.

Uminom ako ng tubig.

"Bakit hindi ka pa umaakyat para magpahinga?"  rinig kong tanong ni Jayden.  Hindi ko sya tinignan o pinansin.  Tumayo na ako at hinugasan ang baso.   Nilagay ko na ito sa lagayan at saka ko sya nilagpasan.

"WHAT'S YOUR PROBLEM WITH ME?" sigaw nya nang nasa hagdan nako.

"Why not try to answer your own question!"  I said.

"Alam mo ang labo mo rin ehhh, binibigay ko na nga sayo lahat, ako na nga ang bumababa pero ganyan ka!  I don't know what will I do"  sya.

"Ano ba ang plano mo sa amin ng mga anak mo?  Sa akin, ano ang plano mo?  Sa fiancé mo?  Sa mga magulang mo?  Anong plano mo hah?"  tuloy-tuloy kong tanong.

Natameme naman sya sa mga sinabi ko.  Speechless kung baga.

"See?  Wala kang plano, wala kang konkretong plano!  Eh ako?  Parausan?  Kapag naiinitan ka?  Magiging kabit mo?"  dagdag ko pa.

Nakita kong tulala pa rin sya.  Para bang ngayon lang ulit nya naisip ang mga bagay-bagay.

Bumaba ulit ako ng hagdan at lumapit sa kanya.

"Jayden, kahit wala kang plano sakin,  kahit hindi na ako kasama sa mga pangarap mo, but please,  nakikiusap ako,  wag na wag mong kukunin sa akin ang mga anak ko!  Ang mga anak natin!  

"Pag nawala sa akin ang kambal! Ikakamatay ko!  Please!"  naiiyak kong sabi.  Tumalikod na ko at nagpatuloy sa pagakyat sa taas.

Nanatili pa rin syang walang imik.

Pumasok  na ako ng kwarto.

....

It's Thursday at maaga akong gumising, maghahanda muna ako ng agahan.

Agad kong hinanap si Jayden, hindi ko na sya naramdaman simula pa kagabi.

Bumaba na ako, baka nauna syang bumaba!

Pero wala pa rin sya.  Kung ganon, umalis nga sya kagabi.  May narinig kasi akong tunog ng sasakyan.  Hindi siguro sya umuwi.

After an hour, hinahanda ko na ang agahan ng kambal.

"Good morning Mommy!"  rinig kong bati ni Drew.

"Good morning Mom!" –Yosh

"Where's Daddy?"

"Pumasok na sya sa office, melabs"  sagot ko sa tanong ni Drew.

"Ayy, why so early?"  malungkot na sabi nito.

Binigyan ko na sila ng breakfast.  Kumakain na sila, papasok na sila.  Hindi rin pala ako pumayag sa sinabi ni Jayden na ilipat ang kambal.  Mahihirapan lang sila.

....

Papunta na ako sa eskwelahan ngayon ng kambal, hindi muna ako pumasok, ayoko pa kasi sya makita.  Hindi pa ako ready, saka na kapag maayos na sila.

"Mommy"  sigaw nang dalawa, agad ko naman silang nilapitan.  May nakita akong papel na hawak-hawak ni Drew.

"Mommy, kakanta po ako, napili po ako ni teacher na magperform sa family day po."  Masayang balita nito.

"Wow naman melabs, ang galing ahh, Mommy is so proud of you!"  saka ko sya niyakap.

"Let's go"

"Where is he mom?"  nagtatakang tanong ni Yosh habang nasa taxi kami.  Yosh is talking about Jayden, ewan ko ba dito kung bakit hindi pa rin tinatawag na daddy itong si Jayden.

"He's still in the office Yosh, why? are you missing him already?"  tanong ko sa kanya.

"Of course not Mommy,  better if he's not here, he's  annoying"  kumento nito.

"Oops, you should not say that hah, Daddy loves you so much."  Sabi ko dito.

"Okay po.  I'm sorry"  - Yosh

....

 

 

Saturday morning.

 

Bumaba ako para maglaba.  Naabutan ko sa sala si Yosh na mag-isang nanonood ng TV.

"Where's your little sister Yosh?"  tanong ko dito.

Nakita ko namang tumingin ito sa may pintuan.  Sinilip ko ito doon at nandun nga ang prinsesa ko na nakaupo.

Lumapit ako dito at umupo sa tabi nya.

"At bakit ka naman malungkot?"  I asked.

"Mommy, bakit po hanggang ngayon wala pa rin si Daddy?"  malungkot nyang tanong

Hindi ko alam kung ano na naman ba ang isasagot dito.

"Baka busy sa work?"  sabi ko nalang sa kanya. Sige Yoshabel, convince yourself also.

Bulong ko sa sarili ko.

"Mas mahalaga pa po ba iyon kaysa sa amin?  Hindi po ba nya tayo mahal?  Iiwanan na naman po ba nya tayo?"  naluluha nyang sabi.

"No, Daddy loves you so much and also kuya Yosh, mahal na mahal namin kayo."  Pagpapaliwanag ko.

"Eh bakit wala po sya?  Nagsawa na po ba sya sakin?  Satin?"

"Mommy, ayaw ko pong umalis si Daddy" at tuluyan na ngang umiyak si Drew.

Kasalanan ko to ehh, kung sana hindi ako naging demanding sa kanya nandito pa sana sya. 

"Daddy, daddy uwahhhhh uwahhh Daddy"  iyak nya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.  Tumingin naman ako sa likod at nakita ko si Yosh na nakatingin sa amin, agad naman syang tumakbo paakyat sa taas nung makita nyang tiningnan ko sya.

"Drew, tahan na, diba ate kana, wag ka nang umiyak, Mommy is still here"  pag-aalo ko dito.  Pinasok ko na ito sa bahay at pinaupo sa sala para manood ng tv.  Umakyat ako sa taas para kausapin si Yosh.

Naabutan ko naman syang naglalaro ng PSP nya.

"Yosh, aalis lang muna si Mommy hah, kaw muna bahala dito."  Sabi ko.

"Okay po!"  sagot nya.

Nilapitan ko sya.  "Take charge of your little sister okay?"  sabi ko sa kanya.

Bigla nya akong niyakap. Naramdaman ko na may tumulong tubig sa leeg ko.  Umiiyak din sya.

"Ohh, namimissed mo na rin ba ang Daddy?"  tanong ko dito.

Tumango naman sya.

Mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap sakin.

Nilayo ko naman ang sarili ko sa kanya.

"Listen"  sabi ko dito, nakapikit lang sya habang nakatakip ang mga kamay nito sa mga mata.

"Mommy will go to Daddy's office and will visit him, I will tell him to go home already because you two are missing him already, is that okay with you?"

"No Mommy, only Drew"  sabi naman nito.

"Ikaw talaga!"  sabi ko sa kanya at umalis na nga ako.

Sumakay na nga ako ng taxi para pumunta sa MGC.

Nakarating na nga ako dito and I continued walking approaching the entrance of the tower.

"Good morning Mam,"

"good morning Mam"

Mga bati sa akin ng guard pati narin ng mga receptionist.

Nagtuloy-tuloy na ako palakad ng elevator at bumukas na nga ito sa 45th floor.

Hindi ko naman nakita si Sebastian sa office nito kaya dumiretso na ako sa office nya.

Nakaawang na ang pintuan, bubuksan ko na sana ito kaso may narinig akong boses ng babae na biglang nagsalita.

"Mahal na mahal kita Jayden" boses ng babae sa loob.  Sinilip ko naman sila at nakita ko naman si Jayden at Elaine na naghahalikan.  Nakatalikod sakin si Elaine at si Jayden naman ay nakapikit.

Habang tinitingnan ko sila ay bigla nalang may tumutulong mga luha sa mukha ko.

"Good morning po Mam Yoshabel,"

Nagulat naman ako sa pinanggalingan ng boses na iyon.  Agad kong pinunasan ang mukha ko at humarap sa kanya.

"Ahh Sebastian, pakibigay naman ito kay Big Boss ohh, sabihin mo kaylangan nyang pumunta dyan"  agad ko itong inabot sa kamay ni Sebastian at naglakad na paalis.

"Patawad mga anak, mukhang Malabong bumalik na ang daddy niyo"  bulong ko at bigo akong naglakad paalis sa lugar na iyon.

Ako na ang bahala sa kanilang dalawa.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2