Chapter 31 OPP

 

Chapter 31

 

 

 

...

"WAG KANG OA,  ISANG BUWAN PA LANG AKONG BUNTIS, KAYANG-KAYA  KO PANG MAGTRABAHO!!"  sigaw nya kay Yosh.  Tama, maagang-maaga palang ay nag-aaway na kami.

Ano bang problema nitong lalaking 'to at pati sya ay gusto pa nitong magmukmok sa bahay buong maghapon.

 

"Wag mo na akong awayin, please, para sayo din naman 'to" si Yosh habang sinusuot nito ang medyas at sapatos.

Lumapit sya at umupo sa tabi ng Lalaki.

"Alam mo ba na nagtatrabaho pa rin ako kahit na 8th months pregnant ako kay Zian?"

Tiningnan sya nito habang bakas sa mukha ang pagkairita.

 

"Iba na ngayon, kasama mo na 'ko"

"Okay lang sige, hindi ako papasok ng MGC, mag-aaply na  lang ako sa iba.

 

"Gamot, wag nang matigas ang ulo, papasalubungan na lang kita pagdating ko?"  pagkatapos ay hinalikan ako nito sa labi pero umiwas ako palayo sa kanya para hindi nya 'ko mahalikan.  Kaylangan hindi sya magpadala na naman sa mga kamatamisan na dinadala sa kanya ng lalaking 'to.  She has to control herself.  Passion nya na ang nakasalalay dito.

 

"Okay fine, I surrender!  Hahayaan kitang pumasok sa trabaho." agad naman akong natuwa sa sinabi nya at hinarap ko sya.

 

"Sa isang kondisyon."  nakapikit pa nyang sabi habang nakataas pa ang isang kamay nito emphasizing his pointing finger.

 

"Ano na naman?"  - I asked in a very frustrated tone.

 

"You and me will share the same office"

 

"THE HECK?????  DOKTOR AKO HINDI PANG-OFFICE"

 

"For now only Gamot, pinagbigyan na kita, can you also grant my favor too?"  tanong nya.  At dahil nga bakas na dito ang pagmamakaawa sa itsura nito ay pumayag na rin ako.  Basta ang mahalaga ay makakapagtrabaho pa ako.

 

Ayoko kasi talaga ang walang ginagawa sa mag-hapon. 

 

Pababa na kami ni Yosh para pumasok.  Pero syempre ihahatid muna namin sa eskwelahan si Zian.

 

Hawak-hawak nya ang kamay ko habang bumababa kami ng hagdan. Bumalik na ang dating Xander na kilala ko simula nung maganap ang mga pangyayaring iyon at mas dumoble pa ang pagiging maaalalahanin nito at maalaga.

"Mommy, Daddy, aalis na po ba tayo?"  rinig kong sabi ng anak namin.

Nakangiting sinagot ito ng Daddy nito pagkatapos ay kinarga na si Zian.

 

"Paalala ko lang po sa inyo ang family day namin sa Sunday na po 'yon."

 

"Aba syempre, kahit di mo yan sabihin son, hindi yan nakakalimutan ng daddy at mommy mo"  - si Yosh.

 .......

 

Ipinarada na ni Yosh ang sasakyan nya sa parking lot ng building habang ako naman ay nanatili lang nakaupo sa tabi nito.

Nang huminto na ang sasakyan, ay tumingin sya sakin.

"Kanina ka pa tahimik, masama ba pakiramdam mo?"  tanong nya pagkatapos ay hinawakan ako sa leeg tapos ay inakyat sa noo.

 

"Wala akong sakit, nag-aalala lang ako"  - mahina kong sabi.

"About what?"  mababakas sa maaliwalas nyang itsura ang concern.

"Kung papasok tayo dyan, maglalakad ng sabay sayo, at gagamit ng iisang opisina kasama ka, baka kung anong isipin ng mga empleyado mo sa 'tin.  Baka masira  ka pa"

Narinig ko namang tumawa ito.

 

"Anong nakakatawa?"

 

"Yesterday diba hindi tayo pumasok?"

 

Panimulang sabi nya.

 

"JCVM" 

Hindi ko naman naintindihan ang gusto nyang sabihin.  Kaya naman ay tinanong ko sya tungkol dito.

"Right, before you were asking me about what JCVM stands for?"  he said while a little smile still seen on his face.

"Oo nga pala, ano na nga ba ibig sabihin nun?"  I pouted my lips.  Nakita ko namang bumaba ang tingin nito sa parteng labi ko.

 

"JCVM stands for JACKY CIELO VILLAZAR MONTEREAL" tuluy-tuloy nyag sagot sa'kin.

 

"When you did that thing, and left me, I was so angry, all I wanted to do is to take my revenge.  The night you left me, sobra akong miserable."  Tumingin sya sa ibang direksyon habang sinasabi iyon.

 

"It seems that half of my life has been taken away from me, no, my whole life.  Naaksidente ako non, nabangga ng sasakyan, and that was the incident when my memory starts to return"  tumingin ulit sya sakin.

"Knowing that it was not just an accident, may tatlong lalaki na mga pulis ang lumabas doon at hinuli ako, dinala sa kulungan, sa isang kwarto, binugbog and they almost killed me, the worst, it was your Dad who did that"

He drew closer to me at ngayon nga ay ikinulong na naman ako nito sa kanyang mga bisig.

 

"Iyon din ang gabi na namatay sila nanay at tatay dahil sa sunog" Naramdaman ko na lang ang paghikbi ni Yosh at ang pagbabago ng tono ng boses nito.  Maya-maya pa'y may mga tumulo ng luha galing sa kanya.  

"No please, don't move, just stay still"  Yosh said in a very calm voice ng sinubukan ko sanang lumayo at dumistansya sa kanya.

"That time, mas lalong tumindi ang galit ko sa papa mo, at pati na rin sayo.  Hanggang sa babarilin na sana ako ng isa sa mga lalaking kumuha sakin, pero hindi 'yon natuloy dahil dumating si Drew na may mga kasama pang mga pulis."

 

"Hindi ko masasabi na naging maayos ang buhay ko simula ng magbalik ako sa pagiging isang Montereal at maalala ang lahat ng mga nawala kong ala-ala.  Dahil na rin siguro sa pagkawala mo, sa mga sinabi mo, at sa mga pinagdaanan natin.".

"Maagang nagretiro si Papa sa MGC bilang Chairman nito at ako na ang pumalit sa kanya.  With his permission, ibinigay nya sakin ang buong second floor para tayuan ng panibagong business venture ng MGC at ipinangalan ko yun sayo.  Siguro ginawa ko yun para at least, lagi kitang maaalala at sabi mo nga, gusto mo maging doktor."

After that, walang sabi-sabi ay agad kong sinakop ang labi nya.

O God, how I really really love this man.  I really and trully love him.  Sobrang saya ko po talaga ngayon dahil muli ay ibinalik nyo po ang taong pinaka-importante sakin.  Sya lang talaga ang tunay na nagpapatibok ng puso ko.  Ang dahilan kung bakit ngayon, hindi na ako natatakot o nangangamba.

"Woahh woahh, that's enough gamot, baka mamaya hindi ko na mapigilan ang sarili ko at may mangyari pa satin dito"  sabi nya nang inilayo nito ang sarili nito sakin.

"By the way, na-orient na pala ang buong MGC tungkol sayo.  Naayos na lahat ni Patrick, so wala ka nang dapat na ikatakot pa"

"What do you mean?"

"That we are already engaged"  sya habang nakangiti.

"What??!  Ganon na lang 'yon?  Ehh hindi ka pa nga nagpo-propose"  sabi ko

"Kaylangan pa ba 'yon?"

"Aba!  Syempere naman"  -ako

"Wag na, may anak na nga tayo ehh, for sure hindi mo naman ako hihindian."

"Bahala ka nga"

 

.....

 

Kinuha ng lalaki ang cellphone pagkatapos ay tinawagan nya ang kanyang anak.

"Yes dad?"  boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Liz, ano nang nangyayari sayo?  Hanggang kaylan ka magtatago hah?  Nauubusan na tayo ng oras, malapit ng ikasal ang Montereal na 'yon kay Cielo!"

"Relax ka lang daddy, everything that is happening is still under my control at pabor satin.  Malapit na akong bumalik, makukuha ko ulit sya pabalik."  sabi ng dalaga.

 

"Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi lagot ka sakin, paubos na ang pera ko, ang pera natin, at mapapatay tayong pareho ng pinagkakautangan natin ng pera"

Pagkatapos niyon ay pinatay na nya ang tawag.

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2