Chapter 16 OPP
Chapter 16 - Room
Pagkabukas
ng elevator ay parking lot na agad ang nabungaran ko. Buhat-buhat ngayon
ni Yosh si Zian habang ako naman ay nasa likuran lang nila habang tinitignan ko
sila.
Isa
ito sa matagal ko nang pinapangarap na makita. To see both of them
together. Ang mag-ama ko. I know, I can feel it, I can see how
happy Zian with his father.
"Mommy,
bilisan mo po, naghihintay sayo si Daddy oh!" natigil ang pag-iisip
ko sa sigaw ni Zian. Doon ay nakita ko si Yosh na nakatayo sa harapan ko
habang nakatingin sakin.
Naiwan
na pala nila ako. Patakbo akong lumapit sa kanila. Nakita
kong nakatayo si Yosh sa nakabukas na pintuan katabi ng Driver's seat.
"Excited
na po akong makita ang mall ko."
"Zian,
humawak ka lang dyan." At agad naman syang umupo
Nakita
kong tinapunan ako ng saglit na tingin ni Yosh at sinimulan na nyang paandarin
ang kotse.
"Wear
your seatbelt Honey" Yosh said seriously. Mabilis ko namang
ginawa ang sinabi nya pero 'bang tigas lang nito at hindi ko alam kung pano to
maila-lock.
Naramdaman
ko nalang ang paglapit nya sakin at sa itsura namin ngayon, para bang nakayakap
sya sakin. I can smell his manly scent from here. Biglang
nagrigodon sa bilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin
kaya ibinaling ko na lang ang aking tingin sa labas.
Kanina
lang nung kaharap ko sya ay hindi ko alam ang gagawin ko dahil sa galit na
pinakita nya sakin. Pero iba ngayon, hindi sya nagsasalita o wala
syang sinasabi man lang.
.....
"Dun
na lang ako sa kwarto ni Zian matutulog"
"At
ano ang sasabihin ng bata? Na hindi magkasundo ang mga magulang
nya? Share room with me.
"Hindi
mo naman kaylangang gawin to!"
Tinitigan
ulit sya ng masama nito. "I'm not doing this because of you
Miss! I'm doing this because of my son."Dito kayo titira sa
pamamahay ko! Pero hindi kesyo pinatira kita dito, ay didiktahana mo na
ako sa lahat ng mga gagawin ko."
"Asa!" I suddenly said.
Yosh
glared at her.
"Hindi
kita papakialaman sa lahat ng mga gagawin mo, even flirting around, pero
kaylangan hindi nakikita ng anak natin."
"Hindi
ko gawain yon." Mabilis kong depensa sa kanya. Pero para bang
wala itong narinig. Busy ito sa kung ano mang kinakalikot nito.
"Tomorrow,
we will go and find Zian's school to transfer"
"But
he is already enrolled"
"And
not in that far-away place again! I can give him more better and best
education here in the Philippines"
"And
what about my work?"
"You
may leave and work, but you're not bringing Zian with you, hindi na sya
pwedeng mawala sa paningin ko"
"WHAAAT?"
"Isa
syang Montereal, Cielo, ibig sabihin nun ay isa syang prinsipe, and sooner, or
maybe tomorrow, he will carry my name."
Agad
na tinalikuran sya nito at naglakad papasok ng cr. Pero agad nya itong
hinabol at hinampas sa likod.
"ANO
BANG PROBLEMA MONG LALAKI KA HAH!"
"Aray!!
What's that for???" daing nito.
"WHAT'S
THAT FOR-IN MO MUKHA MO! CHE!" sa sobrang sama
ng loob nya ay tinalikuran nya ito at tinungo ang hagdan.
"And
where do you think you're going?"
"AS
IF YOU CARE!!!"
sigaw nya at nagtuloy-tuloy na syang bumaba. Diretso na rin akong lumabas
ng bahay. Agad akong pumunta sa swimming pool na kung saan sa kanan nito
ay may swing na pormang parang bahay.
Kung
sana lang mapatawad nya na ako sa kasalanan na nagawa ko sa kanya. I'm
still hoping that he will find forgiveness on his heart. Gusto ko na
talagang magkaayos kami para na rin kay Zian.
Lumipas
pa ang ilang sandali ay nakaramdam na 'ko ng lamig.
"Mam,
pinapapasok na po kayo ng Sir" narinig kong sabi ng isang babae mula
sa likuran ko. Isa siguro sya sa katiwala dito sa bahay nya, bahay nga ba
to o mansion.
"Okay
lang ako dito manang, sige mauna kana at h'wag mo na akong alalahanin."
"Hindi
po pwede, baka po mapagalitan ako."
"You
heard me right" malamig kong sabi. May sa kakulitan din sya eh
no.
"Papasok
ka ba sa loob o bubuhatin pa kita paakyat ng kwarto, pumili ka sa dalawa!"
Umalingawngaw
mula sakin ang mga salita nyang ito. Pero hindi ko sya pinansin.
Nanatili lang akong walang imik.
"So
giving me no choice huh" pagkatapos nyang
sabihin yon ay naramdaman ko nalang ang mga braso nya sa katawan ko at ganun
din ang biglang pag-angat ko mula sa lupa.
"Heyy,
ano bang ginagawa mo, ibaba mo ko" ngayon ko lang din nalaman na
halos wala pala syang saplot sa katawan. Ramdam na ramdam ko ang init ng
buong katawan nya. His broadened shoulder, hardened chest, his
biceps. Tanging boxer lang ang nagtatakip sa hubad nyang katawan. Patuloy
pa rin sya sa paglalakad sa kabila ng pagpupumiglas ko.
"I
said let me go!"
"Just
so you know Miss, pagod na ko sa trabaho, at ikaw naman pa hard to get
pa."
"Bakit,
sino ba may sabi sayong puntahan mo pa ako, wala naman hindi ba."
Pagalit kong sabi sa kanya
"kaya
mas maganda pang ibaba mo na 'ko" dagdag ko pa.
......
Naglakad
si Yosh palapit sa couch at doon ibinagsak nya ang ina ng anak nya.
"NAUUBUSAN
NA KO NG PASENSYA SAYO HAH! BASTA SIGURADUHIN MO LANG NA SA KWARTO KO
IKAW MATUTULOG KUNG HINDI AY ILALAYO KO SAYO ANG ANAK KO AT PAPASABUGIN KO ANG
PINAKAKAMAMAHAL MONG HACIENDA! DON'T PUSH ME TO MY LIMIT
CIELO!"
Sigaw
sa kanya nito sabay talikod at naglakad na paakyat sa kwarto nila. Naiwan
namang nakatulala si Cielo sa sobrang gulat na tinuran nito.
Nakatitig lang sya sa likod nito habang papalayo ito sa kanya.
Nabaliktad
ata ahh, di ba dapat sya yung galit? Sya yung nag-walk out ehh.
Pagtatanong nito sa sarili.
Wala
syang nagawa kundi yakapin na lang ang sarili. Marami syang mga bagay na
naiisip. Unti-unti ay may mga luha ng tumulo sa kanyang mga pisngi.
Luha na kung saan ay kanina pa nya pinipigilang tumulo. She feels so
helpless.
Ang
taong pinakamamahal nya simula pa noon at hanggang ngayon ay iba na ang
nararamdaman sa kanya. Pasalamat na lang talaga sya dahil meron syang
Zian na kung saan ay nagsisilbi nyang kalasag mula dito.
"Iha,
ayos ka lang ba? Panyo oh" may inabot sa kanya ang matandang
katiwala ng mansion. Kinuha ng dalaga ang inaabot sa kanya at agad nya itong
pinunas sa basa nitong mga mata.
"Ayos
lang po ako manang, salamat po hah"
"Alam
mo bang ganyan na talaga ang sir simula nung maghiwalay sila ni Mam
Liz?" nabigla sya sa narinig mula sa matanda.
"Sino
po yung Liz?" nagtataka nyang tanong.
"Si
Mam Liz ang fiancé nang sir. Naging magkarelasyon sila sa loob ng apat na
taon. Limang taon ang nakakaraan, bago pa man nya makilala si Mam Liz ay
hindi mo makausap ito, sobrang seryoso, magagalitin at mainitin ang ulo. Hindi
rin ito makitang tumatawa o ngumingiti man lang. Pero nagbago sya nung
dumating sa buhay niya si Mam Liz." Pagsisimulang kwento sa kanya ng
matanda.
"Tatlong
buwan ang nakakaraan, iyon dapat ang araw ng kasal nila." Nanlaki
ang mga mata ng dalaga sa naririnig nya mula sa matanda.
"Pero
hindi ito natuloy." Biglang nalungkot ang boses nito kasabay din ng
itsura nito.
"Dahil
sa mismong araw ng kasal ay hindi nagpakita si Mam Liz, tanging isang maliit na
papel lamang at sulat ang iniwan nito."
Mas
lalo pa syang naguluhan sa lahat ng mga nangyayari. Bakit ito sa kanya
sinasabi ng matanda. Isa pa, bakit hindi nagpakita yung Liz sa
kanya. Ibig sabihin din nito ay may minahal na rin pala si Xander simula
nung maghiwalay sila. At malamang na magpa sa hanggang ngayon ay mahal pa
rin nya ito.
"Bakit
nyo po ito sinasabi sakin?" out of no where na tanong nya dito.
Muli
syang tinignan ng matanda. "Simula ng mawala si Mam Liz ay kung
sinu-sino na ulit na babae ang kinakasama ng sir. Pero iba ka, dahil
bukod kay Mam Liz, ay ikaw pa lang ang babae na dinala nya dito."
So
totoo nga ang hinala ko. bulong ni Cielo sa sarili. Minahal nga nya
talaga ang fiancé nya. "What a silly question and conclusion
Cielo" sabi pa nya sa isip. Malamang!. E ikakasal na nga
sila di ba.
"Anak
ninyo ang bata hindi ba?" biglang tanong sa kanya ng katiwala.
"Ah
ehh opo." Sagot nito.
"Kung
ganon, ayy may pag-asa pa ulit na bumalik ang dating sir." Sumilay
sa itsura nito ang ngiti.
"Pero
galit po sya sakin, malaki po ang kasalanan ko"
"Daig
ng pag-ibig ang galit"
"Pero
hindi ganun kadali po 'yon"
"Nakikiusap
ako sayo" hinawakan nito ang dalawa nyang kamay at pinagdikit ito sa
pagmamakaawa.
"nakita
ko kung pano ka tingnan ng Senyorito, kung pano sya bumaba kanina para lang
yayain ka, ibang-iba sya sa paraan kung paano nya itrato si Mam Liz."
"Sa
tingin ko po ay hindi nyo naiintindihan ang sitwasyon...
"Tandaan
mo lang iha, lahat ng galit, poot, sama ng loob, kakulangan lahat ng iyon ay
mawawala at maghihilom kung babalikan mo ng isang tunay na pagmamahal"
"AAKYAT
KA BA O HINDI? I'M GOING TO LOCK MY ROOM!"
Parehas
silang napalingon sa boses na pinanggalingan nito.
Comments
Post a Comment