Chapter 48 FBBF
Chapter
48 FBBF
Yoshabel's
POV
"Mommy!
Daddy! Mommy! Daddy! Mommy!" nagising ako sa
sobrang lakas ng tawag at hampas galing sa pinto.
Dinilat
ko na ang mga mata ko, ramdam ko pa rin ang sakit sa panggitnang parte ko at
ngayon nga ay nakayakap sakin ang kanang kamay ni Jayden. tiningnan ko
naman sya at mahimbing pa rin syang natutulog.
Tinitigan
ko lang naman ang sobrang gwapo nyang mukha.
May
nangyari samin kagabi. At hindi lang iyon isang beses bagkus ay naka 3 pa
ata kami. Ramdam ko rin ang sobrang pag-iingat nya sakin habang ginagawa
namin iyon at hindi ko talaga maipaliwanag ang sobrang saya na nararamdaman ko
ngayon.
"Daddy,
ilabas mo ang Mommy dyan!" muli ko na namang narinig ang
sigaw nito sa labas. Natawa naman ako dito.
"King,
baka tulog pa sila" rinig ko ang boses ni Drew.
"Ehh
anong oras na po eh" sya
Hinila
ko ang comforter at inilagay iyon sa dibdib ko at akma nasana akong tatayo ng
biglang dumiin ang braso nya sakin.
"Wag
muna tayong bumangon." Sabi ni Jayden.
"Hindi
pwede, anong oras na ohh, at papasok ka pa" ako
"Pwede
naman akong pumasok kahit na anong oras ehhh" -sya
"Tumigil
ka nga, kaylangan din nating labasin ang anak mo don, nagwawala na"
sabi ko sa kanya.
"Halikan
mo muna ako" sabi nya habang nakangiti.
"Magtigil
ka nga, masyado pang maaga" ako.
"Tanghali
na kaya, halik lang naman ahhh" nakanguso nyang sabi. grabe,
ang cute nya lang tignan. "Pili ka, halik lang o making love?"
Pinanlakihan
ko naman sya ng mata.
"Halik
nga lang, promise."
Lumapit
ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi. Inihiga nya naman ako sa kanya
at niyakap. Buti nalang at may kumot na nakabalot sakin. Ramdam ko
naman ang biglang pagtigas ng ano nya sa baba, kaya bago pa na may mangyari ay
humiwalay na ako sa kanya.
"Tama
na, halik lang" nakangiti kong sabi sa kanya at tumayo na ako.
Umalis na ako sa kama pero narinig ko ang pagtalon nya at mula sa likod ay
bigla nya akong niyakap.
"Salamat
dahil ngayon ay kasama na kita" sabi nya sakin.
Nakapagbihis
na ako at bubuksan ko na ang pinto ng kwarto paalis. Nung nabuksan ko na
ito ay may isang batang maliit ang nakaupo sa sahig. Sya namang pagtayo
nito.
"MOMMMY!" si King.
Niyakap
ko naman sya at kinarga. "Bakit po ba ang tagal nyo sa
loob?" pagtataka nito.
"Istorbo
ka talagang bulinggit ka" sabi ni Jayden kay King.
"At
bakit naman po ako naging istorbo, aber?" natawa naman ako sa
kinilos nito. grabe, hindi ko talaga akalain na ganito na ito mag-isip at
magsalita.
"Eh kasi, gagawa pa sana kami ng magiging kapatid mo kaso istorbo ka nga!"
iyon lang ang sinabi ni Jayden at nagtuluy-tuloy na itong bumaba.
Naiwan
namang nakatitig lang sa kanya si King. At tumingin ito sakin.
"Ano
po ibig sabihin ng Daddy doon?"
Walang
hiyang lalaking iyon, ako pa tuloy ang sasagot sa iniwan nyang tanong kay
King. Ito pa naman itong batang to, masyadong matanong talaga.
"Ahh
wala yun anak, excited lang talaga ang Daddy mo na makita ang mga kapatid
mo" nakangiti kong sabi sa kanya. Pero mukha namang hindi sya
kumbinsido sa sagot ko pero nagsalita nalang sya.
"Let's
go downstairs na po Mommy, I'm hungry, I want to eat with you."
Nakangiti na sya nayan.
"Kamusta
school mo?" tanong ko dito
"Okay
naman po" sagot nito sakin. "Mommy, hindi pa po ba
bumabalik memories mo?" tanong nito sa kin.
"Hindi
pa, pero nararamdaman ko na malapit na" sabi nito sakin.
Patungo
na kami sa dining area ng may biglang lumapit sakin.
"Yoshabel!"
narinig kong sabi nito at bigla naman akong niyakap. Kinuha sakin ni
Jayden si King.
"Ano
ba, Monika hindi ako makahinga." Sabi ko sa kanya.
"What
did you say?" bumitiw sakin ito ng yakap. Nagkatinginan
sila ni Jayden, at may isa pa syang babae na kasama. Para bang nag-uusap
sila sa mga mata at halata dito ang pagtataka.
"You're
Monika, right?" pagkukumpirma ko dito. Tumingin
naman ako sa kasama nito.
"Alex?"
tanong ko sa kanya.
"OMG!"
rinig kong sabi nya at niyakap ako nito. hinawakan naman ni Jayden ang
kanang kamay ko at pinisil iyon.
"Hon,
nakakaalala ka na?" nagtatakang tanong ni Jayden. Naguguluhan
man ako pero humarap ako sa kanya.
"Hindi
ko alam, pero bigla ko nalang nasabi pangalan nila, tama ba ako?"
tumingin naman ako sa kanilang dalawa.
......
Kasama
ko ngayon silang dalawa at nandito kami sa supermarket ng mall na pag-aari ni
Jayden. Napangasawa na pala ni Alex si Zach na bestfriend daw ni Jayden
at si Monika naman ay si Sebastian na P.A. ni Jayden. Busy pa rin kami sa
pag-uusap ng biglang may lumapit samin.
"Ikaw
ba si Yoshabel?" tanong ng babae. Nagtataka ko naman syang
tinignan. Nagtataka rin syang tinitigan nila Monika at Alex.
"Anong
kaylangan mo" tanong ko sa kanya matapos kong makabawi sa
pagkakabigla.
"GUSTO
KONG LAYUAN MO ANG FIANCE KO! IKAKASAL NA KAMI!"
"WHAAAT?"
pasigaw ko ring tanong sa kanya.
"Excuse
me lang Miss hah, baka nagkakamali ka lang!" si Monika.
"WAG
KANG MAKIALAM DITO!" sigaw nya kay Monika.
"ABAH
E GAGO KA PALA EHHHH! GUSTO MO BA NG GULO HAH?" nakita ko
namang tumayo na si Monika sa galit at hinarap na ang babaeng humarap sa kanya.
"GUGULUHIN
KO TALAGA ANG BUHAY NG KAIBIGAN NYO KAPAG HINDI NYA NILAYUAN ANG FIANCE
KO!" sigaw ng babae sa harap ko at tinuro-turo pa nya ako.
Pagkasabi nya non ay sya naman pagtalikod nito.
"BUMALIK
KA DITO! DUWAG KA PALA EHHH!" pahabol pang sabi sa kanya ni Monika.
"Hwag
mo nalang iyon pansinin," sabi ko sa kanila.
......
Tatlong
linggo na ang nakakaraan simula ng mangyari ang engkwentrong iyon.
Nagtataka lang ako dahil ang sabi naman ni Jayden ay ako lang daw ang babaeng
gusto nyang makasama at kapag okay na daw ang lahat ehh papakasal na kami.
Katatapos
ko lang ihanda ang kakainin ni Jayden para maihatid ito sa opisina nya.
Nitong mga nakaraang araw ay sobrang busy sya sa kumpanya. Madaling araw
na rin sya kung umuwi ng bahay. Nakakatampo pa nga dahil parang nawawalan
na rin sya ng oras sa mga bata. Maya-maya pa ay naramdaman ko namang may
yumakap sa likuran ko.
"Mommy,
pupunta po ako mamaya sa bahay ng classmate ko hah, dyan lang naman yon sa
kabilang kalsada." Sabi ni Drew sakin.
"Sino
ang kasama mo?" tanong ko dito.
"Ang
kuya po" sagot nito.
"Sigurado
ba kayo na ayaw nyong sumama samin para sa Daddy niyo?" tanong ko dito.
"Hindi
po muna ngayon Mommy, kaylangan din po kasi ito para sa project sa
school."
Pinayagan
ko na rin sa bandang huli itong si Drew.
Tumigil
ang taxi sa tapat ng MGC tower at nauna ng bumaba si King. Napaka-gwapo
nito sa suot –suot na maong short at naka-rubber shoes at backpack pa sya.
"Good
morning Mam!" bati samin ng mga guard sa entrance ng tower.
Ngumiti
naman ako at binati ko sila pabalik.
Patalon-talon
pa kung maglakad si King habang tinatahak namin papasok ang elevator.
Pagkabukas
nito ay nauuna pa ring maglakad si King. Grabeng bibo lang ng batang ito
pagdating talaga sa mga bagay nama'y kinalaman sa Daddy nya.
Paliko
na kami ni King ng biglang niluwa nito si Sebastian. Halata naman sa
panlalaki ng mata nito ang pagkabigla nito dahil sa pagkikita samin.
"Mam,
napadaan po kayo ano po ang kaylangan nyo sa CEO?" nakabawing tanong nito
sakin.
"Hahatiran
lang po namin ang Daddy ng lunch." Nakangiting sabi ni King.
"May
ginagawa ba sya, pwede ba syang istorbohin?" dagdag na tanong ko sa
kanya.
"Ahhh
ehh andyan po, may ginagawa ahhh ehh pero bawal po ata sya ngayon
pero doon lang po kayo sa office nya ahh-----
"Hindi
ko po ikaw maintindihan" biglang kumento ni King. Kahit ako
nga ay hindi rin sya maintindihan.
"Sige
Sebastian, tutuloy nalang kami." Nakangiti kong turan sa kanya.
Tumango
lang sya at nilagpasan na namin ang pwesto nya.
Nakita
ko namang nakaawang ang pintuan ng office ni Jayden. Bubuksan ko na sana
ito ng makita ko si Jayden na may kahalikang babae.
Bigla
naman akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nakita ko pang nilagay ng babae
ang dalawang kamay nito sa batok nya. Teka, namumukhaan ko ang babaeng
ito, sya yung sumugod sakin sa Restaurant. Tama ba na si Jayden ang
tinutukoy nyang fiancée nya? Tanong ko.
Akala
ko ba ako lang ang mahal nya, akala ko ba okay na kami. Pero bakit nya
nagawa sakin to. Ito rin ba ang dahilan kung bakit wala na syang oras
samin, at ito rin ba ang pinagkakaabalahan nya.
"DADDY!"
bigla namang nakuha ang atensyon ko sa malakas na pagsigaw ni King at gawa na
rin ng pagbukas nya ng pinto. Agad naman silang napatingin sa pwesto
namin at tila nabigla sa prisensya naming dalawa.
"I
HATE YOUUUUU!!!!!!"
"WAIT
LET ME EX----
Hindi
ko na pinatapos ang sinasabi nya. Agad kong sinara ang pinto nito at
kinuha ko ang kanang kamay ni King sabay walk-out sa lugar na iyon.
Halos
tinatakbo ko na ang corridor nito para lang hindi kami mahabol ng Jayden na
iyon.
"YOSHABEL!
STOP! LET ME EXPLAIN" sumisigaw na sabi ni Jayden.
Agad
na may bumukas na elevator at agad na pumasok kami ni King dito. Nakita
kong tumatakbo na si Jayden palapit samin pero buti na lang at bigla itong
sumara. Ayoko syang makita o makausap. Nakakainis sya. Sabi
nya mahal nya ako pero may pahalik-halik pa syang nalalaman sa ibang
babae. Nagagalit talaga ako sa kanya.
"Mommy,
wag ka na pong malungkot, galit din po ako kay Daddy, kakampi mo po ako!"
Nandito
ako ngayon sa kwarto ni King. Ayoko munang manatili doon sa kwarto ni
Jayden, alam ko na anumang oras ay pauwi na sya, yun eh kung importante nga ba
ako sa kanya.
"Okay
lang ang Mommy, don't worry anak, mabuti pa ay matulog ka na!" sabi
ko sa kanya.
"No
Mommy, matutulog lang po ako kapag matutulog ka na!" nakangiti
ito. Magsasalita na sana ako pero narinig kong may kumatok sa labas ng
pintuan.
"Hon,
buksan mo itong pinto, mag-usap tayo sa room natin, let me explain." Boses
ni Jayden.
"Wala
ka nang dapat pang sabihin, nakita ko na ang dapat kong makita!"
sigaw ko pabalik sa kanya.
"Hon,
please, I'm tired, hear me first" ulit pa nito.
"Ayokong
makita ka! Umalis kana!" sabi ko pa sa kanya.
Wala
na akong nakuhang sagot galing sa labas. Pero maya-maya pa ay
narinig ko ang pagtunog ng doorknob at bumukas ang pinto.
Agad
akong kumuha ng unan sa kama ni King at binato ito kay Jayden.
"Wag
kang lalapit!" kumuha pa ako ng isa pa, "Di ba sabi ko
sayo na ayaw kitang makita!" may nakita akong isang aklat at ibinato
ko ito sa kanya. Pero ang loko, magaling umilag.
"Hon,
hindi natin to maayos kung ganyan ka!"
"HWAG
KA NGA DAW PO LUMAPIT EHH!" nakita ko namang
nagbato din ng mga damit si King pero hindi nito ito natamaan si King.
"King,
isa wag kang makisali" pagbabanta nito sa anak.
"Manloloko
ka, at wag mo akong matawag-tawag na Hon!" binato ko naman sa kanya
ang isa pang aklat, pero yumuko lang sya.
"Hon
naman,"
"WAG
MO NGA DAW PO SYANG TAWAGING HON EHH!" sigaw ni King at
"King
hindi ka kasali dito." Muling sabi ni Jayden sa anak.
Kumuha
din ng libro si King at binato ito sa ama. Bigla naman syang napatingin
sakin dahilan para mapatigil din ako. "
"Eh
Mommy, ano nalang po itatawag ng Daddy sayo?"
nagtatakang tanong nito. Bigla namang nawala ang pagkaseryoso ko dahil
para bang gusto kong matawa sa tanong at itsura ni King.
"Oo
nga naman Hon, ano itatawag ko sayo!" si Jayden habang
malungkot na nakanguso.
"Ano
pong nangyayari dito?" nakita ko si Drew na nakatayo na sa pintuan
at sumunod na tumayo dito si Yosh.
Magsasalita
pa sana ako pero naramdaman ko na parang umikot ang buong paligid ko and
everything went black.
itutuloy
Comments
Post a Comment