Prologue - OPP
Reminder: Please support my story by hitting the "vote" button of this Chapter as your support. Thank you po!
Prologue
Cielo's POV
"Class dismissed" narinig kong sabi ng professor ko at iniisa-isa ko nang ipinasok sa bag ko ang mga gamit ko.
"Cielo ano? Sasama ka ba sa gig?" tanong sakin ni Jane. Nagdadalawang isip ako kung sasama nga ba ako sa kanila o hindi. Friday ngayon kaya nagset silang magbar, bakit ako nagdadalawang isip? May trabaho kasi ako bukas at hindi ako pwedeng mapuyat ngayong gabi.
"Sige na naman, sumama kana ohh, bigyan mo naman kami ng oras kahit ngayon lang" si Alexis.
"Pero kasi---
"Ahh basta, sasama ka samin ngayon and we will take no for an answer, halika na" wala na nga akong nagawa kundi ang magpatangay sa dalawang ito.
Ako nga pala si Jacky Cielo Villazar, 17 years old, first year college dito sa Ricafort State University. Taking up Medicine. Yung dalawa kanina ay ang mga matatalik kong kaibigan, si Jane na ang kinukuha ay Business Management at si Alexis naman na Architecture ang kurso. Ang layo ng mga courses namin diba. Actually, magkakaklase lang kami sa minor subjects, so ibig sabihin ay irregular kaming tatlo at wala kaming isang permanenteng section.
Meron nga pala akong part-time job, 'yon ay Modelling sa isang sikat na agency. Although pinapadalhan ako ni Daddy ng allowance, itinatabi ko lang ito sa bangko at hindi nagagalaw ang kabuuan non para na rin may extra akong pera. Nung una pa nga sinabi ko sa kanya na kahit wag nya na akong padalhan ng pera, pero hindi daw sya makakapayag.
"Excited na akong makakita ng napakaraming gwapong lalaki sa bar na pupuntahan natin mamaya" kinikilig na sabi ni Alexis. Pikit mata pa ito habang ngumingiti.
"Tumigil ka nga dyan, lagi na lang yan ang hinahanap mo sa mga pinupuntahan natin, sana lang ehh tigilan mo na ang kakahanap sa kanila, kung gusto ng lovelife, let love finds you and chase you." Mahabang sabi ko sa kanya.
"Ang drama lang ng peg? Eh parang ganun lang sinabi ko ang haba-haba na ng litanya mo dyan?" angal ni Alexa sakin.
"Ang KJ mo pa nga eh no." dagdag pa nito.
"Alam mo kasi Cielo, minsan, sakyan mo nalang ang mga kagagahan ng babaeng ito, iyon na nga lang ang kaligayahan nya pipigilan mo pa" nangingiting sabi ni Jane.
"Teka nga" huminto ito sa paglalakad at hinarap kami, nauuna kasi sya sa paglalakad samin. "Pinagtutulungan nyo ba akong dalawa?"
"Uy hindi ahh, kaw naman, napaka-negative thinker mo talaga!" sabi ko sa kanya pagkatapos ay natatawa ko syang nilagpasan dahil nga nakikita ko na ang love of my life ko. Isang lalaking nakangiti ang papalapit sakin. Patakbo akong lumapit sa kanya at hinalikan nya ako sa labi.
"Kamusta hon? How's your subject?" magkasunod na tanong nya sakin.
"Eto okay lang naman, ikaw ba?" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Mabuti na ako dahil nakita na kita." Hindi ko naman naitago sa kanya ang pamumula ng mukha ko. Sya nga pala si Michael Angelo Suarez, boyfriend ko, sya lang naman ang lagi kong kasama everytime na magkakaroon ako ng mga photoshoot sa iba't-ibang panig ng Luzon. Magtwo-two months pa lang kami pero para bang matagal na kaming mag-on. Sya rin ang first boyfriend ko. He's taking up Civil Engineering at the same school.
"Bawal PDA huy!" SIGAW ni Jane samin. Natawa naman ako sa tinuran nito at magkahawak kamay na kaming naglakad palabas ng gate.
"San ka pupunta ngayon hon?" tanong nya sakin.
"Ahh may gig itong dalawa, gusto akong kasama, sasama ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Ayaw mo ba?" balik na tanong nito sakin. Binuksan nya ang passenger's seat nito at pumasok na ako. Nakita ko naman syang umikot ng sasakyan at pumwesto na sya sa Driver's seat.
"Hahah, nangako ka kung nasan ako dapat nandun ka" natatawa kong sabi sa kanya.
"Yan ang gusto ko sayo hon" sabi nya habang yakap-yakap ako "Bantayan mo ko hah para walang makaagaw sakin mula sayo." Bulong nya sakin.
"Hon, ang lamig" pangaasar ko sa kanya.
"Sa iba nalang tayo dumiretso, papainitin kita" balik nya sakin. Tinitigan ko naman sya ng masama. At sumilay sa mukha nya ang napakagandang ngiti nya, grabe lang kakaiba talaga itong lalaking ito, sa itsura pa lang nito ay panalong-panalo na.
"Why? Dun kita dadalhin sa may hotspring, para mainitan ka?" rinig kong sabi nya.
"Ikaw kung anu-anong pumapasok sa isipan mo hah." Pinisil nya naman ang ilong ko.
"Aray! Ano ba ang sak----
"BEEEEEEP BEEEEEP BEEEEEEP!" hindi ko na natapos ang pagrereklamo ko dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Nakuha naman nito ang atensyon naming dalawa ni Michael.
Sila Jane lang pala at Alexa, mukhang nawili kaming dalawa dito ahh. At nakita ko na ngang nauna na ang sasakyan nilang umandar.
"Tara na nga, mukhang inip na inip na talaga ang mga kaibigan mo sayo." Natatawang sabi nya at umaandar na nga ang sinasakyan namin.
.......
Nasa kalagitnaan na kami ng pag-uusap namin ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bag. Binuksan ko ito at kinuha ang cp mula dito. Pangalan ni Daddy ang naka-flash sa screen. Agad akong tumayo at nagpaalam sa kanila.
"Gusto mo bang samahan kita?" sabi ni Michael.
"Nahh, I can manage, don't worry!" nagtuluy-tuloy na ako ng lakad papunta sa comfort room.
"Hello Dad." Sagot ko sa kanya. Buti nalang at sound proof ang bar na ito at hindi rinig mula dito ang ingay na nanggagaling sa dance floor.
"hello, anak, nasaan ka?" pambungad na tanong nito sakin.
"Nandito po ako ngayon sa bar, kasama ng mga kaibigan ko, anything you want Dad?" tanong ko sa kanya.
"Anak, kaylangan mo nang bumalik dito sa Hacienda natin" sabi nya sa kabilang linya.
"WHAAAT?" nagulat kong tanong sa kanya. "Why all of a sudden naman Dad. What's wrong?" sabi ko sa kanya. Nabigla talaga ako doon. Bigla ba naman akong pauwiin pauwi ng Portaleza.
Narinig ko namang umubo ito. "Dito ko nalang sasabihin sayo ang dahilan anak, sa susunod na linggo dapat nandito ka na." sabi nya.
"Ganon kabilis? Dad, pano naman ang pagaaral ko dito? Saka ang trabaho ko dito?" angal ko sa kanya.
"Dito mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo, anak, kaylangan ka ng Hacienda natin ngayon. Sa trabaho naman, bitawan mo muna yan."
Ayan at ginamit na nga nya ang hacienda namin. Alam ng Daddy na kapag iyon ang usapan, agad akong lalambot at susunod dito. Ang hacienda namin ang kaisa-isang kabuhayan ng mga Villazar. Ispesyal ito sakin dahil bago mawala ang Mommy, inihabilin nya ito sa akin at sobrang mahal na mahal nya pa ito. Si Mommy kasi talaga ang mismong nagtayo nito sa Portaleza katulong si Daddy. At nangako naman ako na hinding-hindi ko talaga ito papabayaan.
"O sige Dad, uuwi ako dyan sa susunod na linggo para alamin kung ano ang problema dyan." Sabi ko sa kanya. "Is that okay with you?" tanong ko sa kanya. Alam ko naman na doon sya liligaya.
"Salamat anak, miss na miss ka na ng daddy, sige, ingat ka dyan hah" sabi nya.
"Okay Dad, I love you." - ako.
"I love you too anak, mag-ingat ka lagi." iyon lang at namatay na nga ang linya sa kabila. Lumabas na ako ng CR at dumiretso na ako sa table naming kanina.
Heto na naman ako at naiiipit sa isang sitwasyon. Umupo na nga ako at ininom ko na ang wine na nasa lamesa.
"May problema ba hon?" tanong sakin ni Michael.
"Wala naman." Maikli kong sagot sa kanya. Ayoko munang sabihin sa kanya dahil ayokong masira ang gabi namin kahit na sira na nga ito para sakin.
"Anong sabi sayo ng Daddy?" nakangiting tanong nya.
"Nangangamusta lang" ngumiti na ako sa kanya at niyakap ko sya.
Agad naman nya akong ikinulong sa mga bisig nya.
"hon, may problema ka talaga ehhh, tell me, ano ba 'yon?"
"Wala, gusto lang kitang yakapin." Sabi ko sa kanya habang nakadiin ang mukha ko sa dibdib nya.
"Asus, gusto mo lang atang hawakan ang mga abs ko." Natatawa nyang sabi. "Gusto mo bang maghubad ako ng t-shirt dito?" bulong nya sakin.
"Aba, subukan mo lang M.A. hah!" pananakot ko sa kanya.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro" sya. "Hon, mahal na mahal kita" bulong nya sakin.
"Mahal na mahal din kita" nakangiti kong tugon sa sinabi nito. Hindi ko pa masabi sa kanya ang pag-alis ko dahil ayokong makikita syang malungkot.
Comments
Post a Comment