Chapter 12 FBBF

 

Chapter 12  FBBF

 

 

 

Yoshabel's POV

 

Kadarating lang namin galing sa lunch break.  Grabe lang, magkasama nga kami sa isang sasakyan, pero hindi naman kami nag-uusap.  Until now, he's so unpredictable.  

 

Masyadong moody, hindi ko maintindihan ang mga nangyayari  sa amin.   Oo inaamin ko na malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.  Pero ginawa ko yon para na rin sa kanya at para rin sa mga magulang ko.

 

Gustuhin ko man na piliin sya, hindi ko pa rin sya pwedeng piliin.  Ano ba naman ang laban ko diba?  Sa pamilya pa lang nya.

 

 

Flashback

"Mahal na mahal kita!"  bulong nya sa kin habang yakap-yakap nya ako.  Nandito kami ngayon sa sala ng apartment.

 

"Wag kang aalis hah, wag kang bibitaw, dapat pangako mo sa akin na ako lang ang pipiliin mo sa lahat.  Ipaglalaban kita, kaya dapat ipaglaban mo rin ako."  Tuloy tuloy nyang sabi.

 

 

Ba't ganon, sobrang lapit nya sakin pero parang ang layo-layo pa rin nya.

 

 

"Jayden." Pabulong kong tawag.

 

"ano tawag mo sakin?"  tanong nya.

 

 

"Ok!  my loves" nahihiya kong turan.  Yan lang naman kasi ang tawagan namin sa isa't-isa.  Actually, sya lang naman ang nakaisip nun.

 

 

 

"my loves"  mahinang tawag ni Jayden.

 

 

"ohh"  sabat ko naman

 

 

"let's get married"  sabi nya.

 

 

"WHAT?!!"  gulat na sabi ko.

 

 

"tsssss!  I said let's get married soon" – Jayden

 

"Pero mga bata pa tayo, hindi pa nga tayo nakakatapos ehh"  -ako

 

 

"SOON nga diba?!" sabay irap pa nya at talikod sa kin

Ang cute nya lang tingnan.

 

"Jayden"  tawag ko sa kanya pero nanatili syang nakatalikod

 

"my loves, ui"  kinalabit ko na sya pero nakatalikod parin.  Kaya ang ginawa ko ay pumunta ako sa harapan nya.

 

"Bakit ba ang sungit sungit mo hah" tanong ko sa kanya.

Hindi pa rin sya nagsasalita.  Hinalikan ko sya sa pisngi na sya namang nagpangiti sa kanya.

 

"ahh so yun lang pala ang dapat kong gawin para lang mapaamo ka" sabi ko sabay pinagtiklop ang mga kamay ko sa dibdib

 

"Ehh ikaw naman kasi,  ayaw mo ba akong maging asawa?" parang bata na nagtatampong sabi nya.

 

"Syempre, gustong gusto ko, pero masyado pang maaga Jayden, hindi pwede mangyari kaagad ang gusto mo."

 

"Kahit iregalo mo nalang sakin yun, hindi na ako hihingi pa ng iba." Sabi nya.

 

 

"Are you insane? Ehh next month na ang birthday mo tapos ireregalo ko sayo yung kasal, hindi pwede nga, masyado pa tayong bata." – ako

 

 

"Yun lang ba ang dahilan mo?  Eh yung iba nga dyan, 14 pa lang buntis na, may anak na, ehh tayo?  Papakasalan kita"  sabay irap uli.  Aba't nasasanay na tong lokong to ahh, tinalo pa ang babae, naku kung hindi lang cute ang mga mata nito.

 

Pinisil ko ang ilong nito,  "Kaylangan mo munang magtrabaho para sa magiging mga anak natin"  sabi ko

 

 

"Mayaman ako di mo na kaylangan mag-alala"  pagyayabang na sabi nito

 

 

"Mayaman ang mga magulang mo"  pagtatama ko

 

 

"Mamanahin ko rin yun"  sabi pa niya.

Naiinis na ako, kaylan ba ako mananalo dito?

 

 

"ahhh bahala ka nga jan,"  I walked out.

"Oyy teka, my loves, sige na, hindi muna tayo papakasal"  - sya

 

"Bahala ka dayn"  sabi ko .

 

Actually, hindi naman talaga ako takot makasal sa kanya, gustong gusto ko pa nga, kaso nag-aalala lang ako sa mga magulang nya.  Malamang sa malamang hindi sila papayag.  Hindi ko alam kung hanggang kaylan kami magtatagal.  Ang alam ko lang ay takot akong mawala sya at takot akong iwan nya ako.

 

 

 

..............

 

"Yosh ha, sa totoo lang, kanina pa tayo paikot-ikot dito, ang dami na naming sinasabi sayo na pangregalo pero wala ka pa ring mapili, ano ba talaga?"  -  Alex

 

"Naguguluhan kasi ako, hindi ko naman alam kung ano ba ang mga bagay na gusto nya."  - ako

 

 

"Alam ko na"  biglang sigaw ni Monika.

 

 

Nandito kasi kami ngayon sa Mall  at naghahanap ng pangreregalo ko kay Jayden.  Tuesday ngayon at sa Sunday na ang birthday nya.

 

Nahagip ng paningin ko ang isang newspaper. 

 

"THE ONLY PRINCE OF MONTEREAL:  SET TO STOP THE WORLD ON SUNDAY FOR THE MAJOR TIE-UP"

 

Nanghina ako sa nabasa ko.  Alam ko naman na talaga na sa simula pa lang impossible na ang mga salitang kami sa huli.  Pero ang sakit pa rin pala talaga kapag nasa mismong sitwasyon kana.

 

Mahigit isang linggo nang hindi kami nagkikita ni Jayden.  Isang lingo na rin syang hindi pumapasok.  At alam ko na ang dahilan nito.  Mukhang kaylangan ko na nga talagang magpaalam sa kanya.  Pero kakayanin ko ba?

 

 

 

 

Jayden's POV

 

"Kahit ano pang gawin nyo, o sabihin nyo, hinding-hindi ko susundin ang gusto nyo"  sigaw ko at sabay talikod sa kanila.  Nagsisisi ako kung bakit sila pa ang naging mga magulang ko.  Dali-dali akong naglakad palabas ng bahay.   Si Yosh, kaylangan ko syang makita, panigurado hinahanap na ako nun.  Nagaalala na sya sakin.  Sh*t hindi talaga ako sanay nang hindi sya nakikita araw-araw.  I'm so deeply, madly and truly in love with her.  Ayokong isipin nya na iiwan ko sya.  Naalala ko pa ang sinabi ko sa kanya nun.

 

 

"HULIHIN NYO SYA" rinig kong sigaw ni Mama

 

Mas binilisan ko pa ang lakad ko ng biglang may humawak sa braso ko.  Agad ko itong hinarap at sinuntok.  Bumagsak ito.  Maya-maya lang sunud-sunod pa silang dumating, kaylangan kong makaalis sa lugar na ito.  Inisa-isa ko silang lahat, pero nakaramdam na lang ako ng pagkahilo at panghihina ng parang may biglang humampas sa akin sa balikat dahilan para bumagsak ako sa sahig.

 

....

 

Nagising ako na nasa kwarto na ako.   Agad ko namang nakita sa isip ko ang malungkot na mga mukha ni Yoshabel na naghihintay sa akin sa bahay.  Bumangon ako at agad agad na lumabas ng bahay.  Kaylangan ko syang puntahan.  Ayokong isipin nya na iniwan ko  sya.  Ang babaeng pinakamamahal ko.

 

Pababa na ako ng mabungaran ko na naman si Mama na nakaupo sa sofa.

"Aalis ako!" walang gana kong sabi.

 

 

"At para ano?  Para puntahan ang hampas lupa mong babae?"  -sya

 

Lumapit ako sa kanya  "Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Yoshabel" madiin kong sabi

 

"Kita mo na, natututo ka ng lumaban sa akin, bakit may maipagmamalaki ka na ba ha?"  tanong nya.

 

 

"Sya! Sya ang ipinagmamalaki ko sayo Mama, ang babaeng pinakamamahal ko" sabi ko sa kanya.

 

"TIGILAN MO NA ANG KALOKOHAN MO JAYDEN, ang KABALIWAN MO.  Bukas na bukas din, darating na ang Tito Alfonso mo at kasama nya si Elaine, gusto kong tumigil ka na sa mga kahibangan mo.  At ayokong gagawa ka ng kahit anong makakasira sa ating pangalan." Tuloy tuloy nyang sabi.

 

 

"KASAL NA NAMAN BA? Ha MA?  IPIPILIT MO PA RIN BA YANG LINTIK NA KASAL NA YAN?" – ako

 

 

"Wag na wag mo akong susubukan!  Alam mo kung ano ang mga kaya kong gawin!"

 

 

"Subukan mo lang lumagpas sa pintuan na 'yan, may mangyayaring hindi maganda sa kanya."  - sya at umalis na paakyat sa itaas.

 

 

 

" ahhhhHHHH" sigaw ko sabay kuha ng mga bagay na malapit sakin at pinagbabato iyon, " pinagsusuntok lahat ng mga dingding na pwede kong masuntok. Bakit ba hindi ako pwedeng maging masaya.   Bakit!  Napaluhod na lang ako sa sobrang kawalang pag-asa.

 

 

Dumating na ang araw na pinaka-ayaw ko sa lahat.  Ang daming mga tao, napuno lang ang bahay namin ng napakaraming mga naggagalawang palamuti na kumikintab.  Ito ang araw ko kung kaylan ako isinilang, pero bakit parang ngayong araw din ako mamamatay.  Hindi ako papayag, kaylangan kong gumawa ng paraan para makaalis sa lugar na ito.  

 

Eto na kami ngayon, kami na ang nasa pinakagitna ng mga taong nakapaligid sa amin.  At heto ang mama ko na wagas lang makapag-bida.  Kung anu-anong mga bagay ang mga pinagsasabi nya na walang kakwenta-kwenta para sa akin.

 

Maya-maya lang nahagip ang atensyon ng lahat sa isang lugar.  Parang nagkakagulo ata.  Nagtinginan ang halos lahat ng mga bisita.  Dahilan para  tingnan ko rin kung ano nga ba ang nagiging sanhi nito.   

At nabigla ako sa nakita ko!  "Yoshabel"  sabi ko.  Pilit syang lumalaban sa mga securityguard  para makalagpas sa kanila.  Papunta sya sakin.  My Yoshabel, my Yoshabel, agad akong nabuhayan ng dugo, at may unti-unting pumatak na luha sa aking mga mata sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko sa ngayon. 

 

....itutuloy

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2