Chapter 10 FBBF
Chapter
10 FBBF
Yoshabel's
POV
Nandito
ako ngayon sa sarili kong opisina at busy sa mga iba't-ibang mga papel na
nakakalat sa akin. HR nga diba. I know this job, sobrang dami na
dapat gawin. Interview dito at interview doon. Punta dito at punta doon.
Buti na lang at maaasahan tong secretary ko rin dito.
Naalala
ko na naman ang mga nangyari sa amin kagabi. I just can't imagine that I
can do such thing. Totoo naman at inaamin ko, na magpasahanggang ngayon
sya pa rin talaga.
Pagkatapos
naming gawin yun, agad naman syang nakatulog. Kinumutan ko lang sya ng
comforter nya at umalis na ako kaagad. Hindi rin kasi ako pwedeng
magtagal doon dahil hindi pwedeng magising ang kambal ng wala ako sa tabi nila.
Company's
annual retreat camp, manpower, training, and conventions are only a FEW that I
have to finalize for this month.
My
secretary, Andy, opened the door to my office.
"Mam,
Mr. Renz Villa, our Head Marketing Director would like to have a meeting with
you today, at 9 am in the morning. Would that be ok with you?"
"Wala
ba akong schedule sa ganyang oras?" I asked her.
"So
far wala pa naman po". She answered
"Ok,
set me in," I said.
Inaayos
ko na ang mga papeles para sa mga record ng employee ng kumpanya.
Kaylangan ko na rin kasing simulan ang tinatawag nilang "Annual
retreat na yun".
Ang
dami ring pakulo ng kumpanyang to ehh nuh. Pero in fairness, sobrang
galante lang nila sa mga employees nila.
I
am fixing now my table because any moment, darating na rin daw yung kameeting
ko sa oras na ito.
Narinig
kong may kumatok sa pintuan ko sabay naman ng pagpasok ni Andy.
"Mam,
Sir Renz is already outside, should I let him in?" She asked.
"Ahh
yes please, Andy, thank you" nakangiti kong sabi.
Bigla
naman pagpasok ng isang anghel na nakingiti sa opisina ko. Wow lang, ang
swerte ko naman dahil itong tao pa nato ang humiling na maka-meeting ako.
Ang ganda lang ng mga mata nya, singkit na may matangos na ilong. sabay
ng pagngiti nya ang pagngiti rin ng mga dimples nya sa pisngi. Tantya ko
nasa mga 6'3 ang height nito. He's wearing silver colored Americana with
white polo inside.
"Good
morning Ms. Martinez" bating turan nito sabay abot ng kamay nya.
"Good
morning Sir....?" "Renz, just call me Renz," he said and
I offered my hand to him at sabay halik nya naman dito. Wow
gentleman lang ang peg. "Have a seat, please" I uttered
to him.
"Anything
you want, coffee, tea, water, or anything?" I offered.
"Just
a cup of coffee Mam Martinez". Sabay tawag ko sa intercom at
nagpahatid ng dalawang coffee kay Andy.
"call
me Yosh nalang din" ngiti kong sabi.
"What
can I do for you, Renz?"
"Ahh
wala naman, I just wanted to meet the new HR head. And the CEO didn't
tell me that she is a she and a drop-dead gorgeous" he said in a
matter of factly
"Hahah,
bolero lang?"
"ikaw
pa lang ang nagsabi sakin nyan, kaya hindi ako naniniwala!" may sa
pagka-ano rin pala tong taong to ehh.
"Oh
no kidding Yosh" "By the way, I am the Marketing Head of this
company, and usually our department are partners in every event that this
company is conducting." Sabi pa nya.
"So
ilang taon ka na nga pala?" tanong nya sakin.
"23"
sagot ko dito.
"Talaga?
Hindi pala nagkakalayo ang mga edad natin, I'm 24 if you want to ask. Do
you have any you know" sabi nya.
Ano
daw, anong "you know" sinasabi nito.
"huhh?"
Napamaang na tanong naman ako sa kanya.
"You
know, are you in a relationship or what." Pagtutuloy pa niya.
"Ahh
ok! Wala pa naman!" sabay sabi ko sa kanya. Medyo hindi na ako
komportable sa isang to. Masyadong straight forward at mabilis lang.
Magsasalita
pa sana si Renz ng biglang tumunog ang intercom ko.
"Excuse
me" paalam ko sa kanya at sinagot ang tawag.
"Sorry
to interrupt Mam, but the CEO would like to talk to you ASAP daw po"
Binaba
ko na ang intercom ko. Ano na naman kaya ang kaylangan nya.
"ahh
Renz, sorry to say this but I have to go, may kaylangan lang akong
puntahan, alam mo na ang Kataas-taasan." Sabay sabi ko sa kanya.
"Nahh
it's ok! Paalis na rin naman ako, anyway, san ka nga pala maglunch?
Gusto sana kita, I mean sabayan..." sabi nya. Wow lang hah,
masyadong mabilis magparamdam si Mr. Chinito, "Pwede ba? Kung wala lang
sana," dagdag pa nya.
"ahh
hindi ko pa alam kung saan ako kakain, at kung ok lang sayo na kasabay ako,
then shoot! I'll go for it." Sabi ko sa kanya na nagpangiti sa
kanya.
Lumabas
na kaming pareho. At ako naman, eto nagtuloy-tuloy na papasok sa elevator
paakyat sa opisina nya.
Lumabas
na ako dito at nagtuloy tuloy na ng lakad sa hallway. Kita ko na may
makakasalubong akong tatlong empleyado.
"Alam
mo hindi ko rin maintindihan si Sir ehh, kanina lang nakangiti sya pagpasok,
tapos ngayon Handsome Monster na naman sya." Rinig kong sabi ng isa.
Seriously,
BIPOLAR LANG SYA? Sabi ko nalang sa isip. Pero natutuwa ako kasi
napalapit ulit ako sa kanya. Totoo, nakakatakot sya. But I have
this feeling na kahit ganun man sya, hinding-hindi nya pa rin ako kayang
saktan.
Nakarating
na nga ako sa open office ni Sebastian, I opened his transparent slash glass
door at naabutan ko sya doon na nakatayo katabi ng pintuan ng amo nya na
animo'y pinapakinggan ang nasa loob.
Agad
naman syang napatingin sa akin. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng malakas na
ingay na nagmumula sa loob tapos biglang may nabasag pa. Patakbo naman
akong lumapit sa pinto nito at lumapit kung saan naroroon si Sebastian.
"Anong
nangyayari sa loob?" tanong ko dito.
"Kanina
pa yan ganyan Maam, puro pagbabasag ang ginagawa nya tapos
sisigaw." Sabi nito
"Bakit
ano bang nangyari?" pagtatakang tanong ko.
"Hindi
ko rin po alam, kanina naman maayos sya, nakangiti pa nga ng pumasok, pero
maya-maya bigla nalang nga sya nagbabasag ng kung ano-ano." Turan pa
nito.
Akmang
bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla nya akong pigilan.
"Teka
lang po, hindi po kayo pwedeng pumasok pag ganyan ang CEO!" nag-aalala
nyang sabi ng pigilan nya ako.
"Don't
worry, I can manage this one" nakangiti kong sagot para lang mawala ang
pag-aalala nya sakin.
Binuksan
ko na ang pintuan at nagulat na lang ako sa mga nakita ko.
Itutuloy
.......
Comments
Post a Comment