Chapter 37 FBBF
Chapter 37 FBBF
Jayden's POV
"Nauubos na ang pasensya ko! Kaylangan ko ng matunton kung sino man ang nasa likod ng mga kaguluhang ito!" sabi ko habang nakatalikod sa kanila.
"It's pretty obvious that the person behind this is a powerful one, he or she has a very big connection in the business world!" Zach commented.
"Wala akong pakialam kung sino man sya, ang kaylangan ko lang ay makilala kung sino syang duwag sya at ako na mismo ang magpapabagsak sa kanya. Sebastian anong balita sa pinapagawa ko sayo?" I asked Sebastian.
"As of now Sir, negative result pa rin, masyado pong malinis kung magtrabaho ang tao o mga taong nasa likod nito.!" Sabi nito.
"Isipin mo nga dude ng maigi, wala ka bang nakaaway man lang na tao? Well, anyway I know marami sila, at mahirap nga palang i-identify sila! Pero kaylangan mo syang maunahan o baka ikaw pa ang maunahan." Zach
"Pero Sir Zach, nahalata ko po na hindi si Sir Jayden ang kaylangan nila, they're after Mam Yosh!" Sebastian added.
Agad akong napatingin kay Sebastian. "What do you mean?" ako
"Napansin ko lang po, na nung oras na tumakbo palayo sakin si Mam Yosh para hanapin ka, kagad na nagsunuran ang mga lalaking iyon." paliwanag ng Personal Assistant nya.
"Dalawa lang yan, pwedeng gamitin nila si Yosh para pabagsakin ka o si Yosh talaga ang gusto nilang pabagsakin para makuha ka!" - Zach!
"Isipin mo yan ng maigi! At malamang sa malamang, nasa paligid lang ang kalaban mo!" makahulugang sabi ni Zach! Agad ko naman syang tinignan. "O pano, aalis muna ako at susuyuin ko pa ang Attorney ko!" dagdag pa nya at sabay na lumabas na sya ng opisina.
Tumingin ako sa orasan, 5 o'clock na ng hapon.
"Sir, may iba pa po ba kayong ipag-uutos?" - Sebastian.
"Wala na, pauwi na rin naman ako" - ako
"Okay Sir!" - sya.
.....
Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na sa mansion. Pansamantala muna kaming dito tumira habang hindi pa namin nahuhuli kung sino man ang nagbabanta sa buhay ng pamilya ko.
Papasok na ako sa pintuan ng mansion ng makita ko si Yosh sa garden, nakatingin lang ito sa bike na nasa tapat nya.
Lumapit ako sa kanya.
"Hey son, hindi aandar yan kung tititigan mo lang!" sabi ko sa bata.
"I don't know how to ride a bike!" sya
"Gusto mo bang turuan kita?" sabi ko sa kanya.
Napatingin naman sya sakin! Nakita ko ang saya sa mga mata nya pero agad ding napawi iyon.
"Why? What's wrong?" tanong ko dito.
"I'm big na, hindi dapat ako nagpapaturo sa mga malalaki!" sabi nito.
Kinarga ko sya na agad naman nyang kinabigla. Pagkatapos ay kinuha ko ang bike.
"Ang bigat bigat mo Jayden!" sabi ko sa kanya at nilagay ko na sya sa bike.
"Kumapit ka lang ng maigi hah! Wag kang titingin sa manibela! Kaylangan doon ka sa daan titingin para hindi ka masemplang, nakuha mo ba?" mahabang sabi ko sa kanya.
"Opo!" tango nya naman.
After 1,2,3,4 5 thousand years, ayun natapos na din kami. Inabot pa kami ng gabi. Pero worth-it naman dahil natuto talaga sya.
"O ano, napagod ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman po, salamat Daddy!" sya sabay yakap sakin.
"Hep hep hep, ano po iyan?" rinig kong tanong nang isang babaeng boses.
Napatingin naman kami sa kanya.
"YEYYY FAMILY HUGGGG!" sigaw nito sabay takbo sa lugar namin.
"I love you po Daddy! I missed you po!" malambing na sabi ni Drew.
"Mahal na mahal kayo ng Daddy!" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Nasaan ang Mommy?" tanong ko dito.
"Kitchen po, katatapos lang naming magluto!" sagot nito sakin.
"Let's go baby" sabi ko dito at binuhat ko si Drew.
"Drew, pwede ba, wag ka nang magpabuhat, malaki ka na ohh!" - Yosh
"Baby pa ko ni Daddy" depensa nito, "Di ba Daddy?" baling nya naman sakin.
"Oo naman baby!" sabi ko sabay halik!
"Grow up!" - Yosh
"Hindi mo pa ba nakikita?" - Drew
"Oy tama na yan, punta na tayo sa kitchen, your Mommy is waiting for us." Hinawakan ko na rin ang kaliwang kamay ni Jayden at dinala na ang dalawa sa dining table.
"Daddy, kaylan po kayo ikakasal ni Mommy?" Nabigla naman ako sa tanong ni Drew! Hindi ko akalain na ganito rin pala ang iniisip nito.
"Gusto mo bang ikasal si Mommy at Daddy?" tanong ko dito.
"Aba syempre naman po!" masiglang sabi nito.
"O sige, may gagawin tayo, kaylangan tulungan nyo si Daddy hah, pero wag muna kayong maingay dahil secret lang natin to, okay?" sabi ko ditto.
"Yeyy secret! I love secrets!" pasigaw na sabi nito.
"You're too noisy Drew!" - Yosh
"Ooops, I'm sorry!" sabay takip sa bibig nito.
"Hello Manang, where's Mommy po?" tanong ni Yosh sa katulong.
"O andyan na pala kayo" nakita ko namang biglang lumabas si Yoshabel galing sa kusina.
"Umupo na kayo dyan at maghahanda na ako" sya.
Inupo ko na sa upuan si Drew at pumunta ako sa kanya.
"Hello melabs, I miss you and I love you" ako sabay halik sa kanya.
"Ilang buwan nalang at lalabas na si bunso." Bulong ko sa kanya.
"Excited ka na ba?" tanong nito sakin habang nakangiti.
"Oo naman, excited na akong gumawa ulit" ngisi ko sa kanya.
"ARAY!" "Bakit ba bigla-bigla mo nalang ako kung hampasin." Reklamo ko sa kanya.
"Hindi ko kasi gusto mga pinagsasabi mo!" sabi nito sakin.
"Let's go! nasa harapan mo pa naman ang mga anak mo!"
"Sa susunod talaga, bawat hampas mo sakin paparusahan kita." Bulong ko sa kanya at pinaghila ko na sya ng upuan.
Kumakain na nga kami. Hay ang sarap lang sa pakiramdam na kasama ko sila and we are complete. Si Drew naman as usual, maingay pa rin talaga. Si Yosh, hayun kabaliktaran ng kapatid,parang ako din, tahimik lang.
......
"But Dad hindi po pwede! Isang buwan nalang at manganganak na si Yoshabel, hindi ko sya pwedeng iwanan! And I'm planning to have my 1 month vacation leave! For Pete's sake!" sunud-sunod kong salita kay Daddy.
"Pero Jayden, anak, ikaw nalang inaasahan kong pumunta don to close the deal! Hindi ako pwede dahil nasa US ako nyan. Ang Mommy mo naman ay sa Singapore. Gustuhin ko mang hatiin ang katawan ko only to meet the investors gagawin ko! Isang buwan ka lang naman doon!" -Daddy
"Paano ang Asawa ko Dad? I mean si Yoshabel? Papabayaan ko lang sya, pati ang mga anak ko?" - sagot ko sa kanya.
"Nandyan naman si Monika ahh! Akala ko ba kaya mo sya pinapunta dito ay para mabantayan ang pagbubuntis nya?" - Daddy
"At isa pa, going to 8 months pa lang ang tyan ng asawa mo, the early you close the deal with our clients, the early you'll get home!" dagdag pa nito.
I just sighed as a sign of defeat. What's the use of arguing with him where in fact at the end I know that he's leaving me no choice.
"Okay Dad! I'm in!" sagot ko sa kanya.
"Salamat anak at naintindihan mo rin ako!" iyon lang at niyakap nya ako.
Nakauwi na rin ako sa wakas. Ginabi na ako masyado. Panigurado tulog na ang mga yon. Dumaan muna ako sa kwarto ng dalawa. Inuna ko muna si Drew at nakita ko syang mahimbing na natutulog yakap yakap ang teddy bear nito. I kissed her forehead and leave the room.
Sunod naman ay si Yosh. Lumapit ako dito para ayusin ang kumot nya. Grabe, ang bilis lang nilang lumaki. Mahimbing lang syang natutulog. Hinalikan ko na rin sya at tumalikod na pero napahinto ako dahil narinig ko syang nagsalita.
"Daddy" sambit nito. Tiningnan ko sya kung gising ba pero mahimbing pa rin itong natutulog. Natuwa naman ako sa sinambit nito. Ibig sabihin, kahit sa panaginip nya ay kasama nya ko.
Lumabas na ako ng kwarto nito.
Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto ng kwarto namin at tanging ilaw na lang na nanggagaling sa lampshade ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito. Dumiretso na ako sa banyo para magshower at lumabas. Hindi nako nagsuot pa nang damit at short, gabi gabi naman ay naka-boxer ako kung matulog.
Humiga na ako sa kanya. Inabot ko sya at inilapit ko sya sa tabi ko pagkatapos ay niyakap ko sya sa likod. Malaki na rin talaga ang tyan nya. Dalawang buwan nalang ay manganganak na sya at gusto ko sana ay nandon ako para masaksihan iyon.
"Ginabi ka ata. Bakit naman?" bigla naman akong nagulat sa tanong nya.
"Gising ka pa?" tanong ko.
"Pwede ba, wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko" malamig na sabi nito.
"melabs naman, busy lang ako sa trabaho! Sorry na, ang sungit mo naman sakin." Paglalambing ko sa kanya habang sinisiksik ko ang mukha ko sa buhok nya.
Itutuloy...
Author's corner:
Last 15 chapters. May bago po akong ipa-Publish na story. "The Poor Prince" po ang title. Wala lang baka gusto nyo lang ding basahin.
Merry Christmas Kaunti nalang at 1k reads na ko after 35 chapters.
Comments
Post a Comment