Chapter 45 FBBF

 

Chapter 45  FBBF  

 

 

Jayden's  POV

 

"SEBASTIAN NASAAN ANG MGA PICTURE DITO NAMIN NG ASAWA KO?" 

Hindi ko makita dito sa opisina ang tatlong picture frame na magkakasama kami ni Yoshabel.  Nakalagay lang naman iyon dito sa table ko.

"Sir, inayos po kanina ni Mam Hanah ang table niyo."  Sabi ni Sebastian.

"WHAAAT?"  gulat kong sigaw sa kanya.  "Nandito sya?  At bakit mo naman hinayaan na pakialaman nya ang mga gamit ko dito!"  hinampas ko ang ibabaw nito.

"Makulit po Sir, sabi nya, fiancée niyo naman daw po sya."  Sebestian

"AT NANIWALA KA NAM----

"Ano bang problema mo?  Ang aga-aga boses mo ang naririnig ko!"  naputol ang sinasabi ko sa bigla nyang pagsalita.

"AT SINO ANG NAGBIGAY SAYO NG KARAPATAN NA PAKIALAMAN ANG MGA GAMIT KO DITO SA OPISINA?"  sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko kaylangang humingi ng permiso kahit kanino para sa karapatan na yan, responsibilidad ko yan bilang mapapangasawa mo!"  balik na sigaw nya naman sakin.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang balikat.

"MANGARAP KA!"  sabay ko syang natulak at tumalikod sa kanya.

"ALAM MO HINDI KA SASAYA KUNG PURO YUNG NAMATAY MONG GIRLFRIEND MO ANG LAGI MONG IISIPIN, HELO STOP LOVING THE DEAD!"

Nandilim na ang paningin ko at sinugod ko na sya.

"Jayden bitiwan mo ko hindi na ako makahinga."  Binitiwan ko na ang pagsakal sa kanya pero hinawakan ko sya sa kanang kamay at hinila ko na sya palabas ng kwarto.  Dire-diretso ay tinutungo ko ngayon ang elevator.

"Saan mo ko dadalhin?"  tanong nya.  Bakas sa boses nya ang pag-aalala.  Pero hindi ko sya sinagot. Bumukas na ang elevator at lumabas kami doon, nandito na kami ngayon sa parking lot at mula doon ay itinulak ko sya.

"WAG NA WAG KA NANG TATAPAK DITO SA MGC!"  iyon lang at tumalikod na ako.

"BEEEEEEEEPP BEEEEEEEEPP!"  isang malakas na busina ang narinig ko.  At pagtingin ko sa likod, there I saw Hanah lying on the floor.  Nasagasaan sya ng motor.  Agad akong tumakbo palapit dito at wala syang malay at duguan ang parteng noo nito.   Binuhat ko sya, isinakay sa kotse para madala sa pinakamalapit na hospital.

......

 

Nandito na ako ngayon sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Hanah.

Bumukas ang pinto ng kwarto sa hospital kung saan naroroon ito.

"Oh my god!"  rinig kong sabi ng Mama.  "What did you do to her"  lumapit ito sa amin at bigla akong hinampas ng bag na dala-dala nya sa likod.  Wala naman akong nagawa kundi ang saluhin lang ito.

"I'm sorry, Mom."  Iyon lang ang nasabi ko.

"H'wag mong sabihin sakin yan!  Tell that to her!"  turo nya sa natutulog na babae.   Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Now, ano na ang plano mo hah?"  humarap sya sakin ng galit na galit pero wala naman akong maisagot.

"HINDI KA PA RIN BA MAGSASALITA HAH?  JAYDEN!  ANO NA ANG PLANO MO SA KANYA!  ANO ANG GUSTO MONG MANGYA---

"OKAY!  I'LL MARRY HER OKAY!  ITO NAMAN ANG GUSTO MO DIBA?  PAPAKASALAN KO NA SYA!"  sabi ko sa kanya sabay naman ng isang malakas na tunog ang nanggaling sa may pintuan dahilan para mapatingin kami dito.  Dalawang plastic bag ang nalaglag at naglabasan doon ang mga delata at mga lamang bottled water.  Pagtingin ko sa kanila, there I saw Yosh, Drew at King.  Lungkot at pagkabigla ang makikita mo sa mga mukha nila at kapwa na walang nagsasalita samin.

"Is it true Dad"  naiiyak na sabi ni Drew.  Wala naman akong mahanap na isasagot sa tanong nya.  Nanatili lang akong tahimik at tumingin sa baba.  I don't know where to get the courage to answer them.  But I know, kaylangan din nila ng tatayong ina para sa kanila.  Hindi oras-oras ay nandito ako para sa kanila upang alagaan sila.

"Mga apo, oo totoo ang narinig nyo kanina, sooner, you'll have your Mommy"  sabi ni Mama habang palapit sa kanila.

"What Dad?  Totoo ba?"  paguulit na tanong nya.

"Yes it's true."  Mahinang sagot ko sa kanila.

Nakita kong biglang tumakbo si King.

"KING!"  malakas na sigaw ni Yosh at tumakbo rin ito para habulin ang kapatid.

Naiwan naman si Drew na masamang nakatingin sakin.  At tumakbo na rin ito paalis.  Sinundan ko naman sila.

 

 

 Third Person's  POV

 

"Manong ano pong tawag sa tinitinda nyo?"  tanong ni King sa lalaki na nagtitinda sa parke.  Sobrang haba ng nilakad at tinakbo nito palayo sa lugar kung saan sya nanggaling na ospital.  Sobrang nalungkot ito ng malaman na magpapakasal ang Daddy nito sa ibang babae.  Iisa lang naman kasi ang gusto nitong maging Mommy at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na makikita nya ito.

"Ahh eto ba?  Ito fishball, yang sa harap mo naman kikiam, ayun kwek-kwek at kalamares."  Sagot nito.

"kinakain po ba yan?"  masayang tanong nito.  Tiningnan naman ito  ng bata isa-isa.

"aba oo naman, masarap kaya to, siguro hindi ka pa nakakatikim nito noh?"  sagot

"Oo nga po ehh, pwede po bang humingi?" pagmamakaawa ng bata sa tinder.

"Naku, hindi ito hinihingi, kaylangan mo itong bilhin, mukha ka namang mayaman bata, ilabas mo na pera mo para makatikim ka nito."  mahabang sabi ng tindero.

"Pero wala po akong pera." King said sadly.

"Kung wala kang pera, umuwi ka na sa inyo at humingi ng pera, SIGE ALIS NA."  pagtataboy sa kanya nito.

"Please po, I'm starving, hindi ko pa po alam daan papunta samin.  Kanina pa rin po ako hindi kumakain." Pagmamakaawa nito sa nagtitinda.

"Aba't ang bata-bata mo pa lang eh sinungaling ka na, umalis ka na dito, umuwi ka na lang sa inyo."  Patuloy na pagtataboy pa rin sa kanya nito.

"Manong, please po bigyan nyo na po ak----

"IBIGAY NYO NA PO ANG GUSTO NG BATA, AKO NA LANG ANG MAGBABAYAD."

Bigla namang nanlaki ang mga mata ng bata sa mukha ng babae na nasa harapan nya.  Agad naman itong ngumiti. Lumapit sa kanya ito at  kinuhanan sya ng stick.

"Ito oH kumuha ka na para makauwi ka na rin"  nakangiti ang babae.  Kinuha naman ito ni King at magiliw na nagsimulang kumuha ng mga pagkain.

Tapos nang kumain si King at nabusog naman sya.  Nakita nya na may kinuha ang babae sa kanyang bulsa at naglabas ng wallet.

"Maraming-maraming salamat po"  malaki ang ngiti nitong sabi sa babae.

"Walang anu man, o pano I'll go ahead!  Ikaw din, umuwi ka na at baka hinahanap ka na sa inyo."  Sabi ng babae at tumalikod na nga ito sa bata.

Habang naglalakad ang babae ay nakakaramdam sya na para bang may tao na sumusunod sa kanya.   Tumalikod ito para makita kung sino nga ba sya at pagharap nya dito ay ang bata lang pala na nilibre nya kanina.  

Nakita nya naman itong ngumiti.  The way this child smile, she remembered something pero napaka-labo nito sa kanya.   Para bang may gusto syang maalala pero hindi nya alam kung ano iyon.

"Ahhhhhhh" biglang sumakit ang ulo nya sa sobrang pagiisip at napaupo hawak-hawak ang parteng ulo nya.

Agad naman syang dinaluhan ng bata.

"Mommy!  Ano pong nangyayari sayo?"  rinig nyang sabi ng bata.  nakuha nito ang atensyon nya dahil sa sinabi ng bata at nagtataka nyang tinignan ito.

"Hindi ako ang Mommy mo bata, mabuti ay umuwi ka na."  sabi nya ito.

Nakita nyang umiling ito. 

"Kaylangan nyo pong sumama sakin, kaylangan po kayong makita ni Daddy, kung hindi ay magpapakasal na sya sa iba."  Sabi ng bata sa kanya.

....

Author's corner:

Na-post ko na ang Prologue ng "One Poor Prince"  wala lang, baka gusto nyo lang pong basahin.  One Poor Prince is Jayden Yosh Montereal's story.  Twice to thrice a week po lagi ang update ko.  Konti na lang at 2000 reads na.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2