Chapter 2 - OPP

 

Chapter 2

 

 

Cielo's  POV

 

"Anong ibig mong sabihin?  Hon, hindi kita maintindihan."  Hindi ko alam kung seryoso ba sya sa sinasabi nya sakin ngayon o hindi.

"Gusto kong maghiwalay na tayo!"  tumalikod sya sakin.

"Bakit may nagawa ba akong mali?  Tell me."  Pagsusumamo ko sa kanya.

"Wala kang ginawang mali, ako ang nagkamali.  Ako ang may problema!"  sabi pa rin nya.

I just cursed on the air.

"Hindi na maganda ang mga sinasabi mo hah!  Pwede ba, harapin mo nga ako!  Ano ba talaga ang problema mo?"  hinarap ko sya pero hindi nya pa rin ako pinapansin.  Hindi rin sya nagsasalita at nananatili lang na nakatikom ang bibig nya.

"Michael ano ba, kausapin mo naman ako ooh!"  pagpupumilit ko sa kanya.

"Tingnan mo ko!" inabot ko ang mukha nya at hinawakan iyon.  "Please, stop this nonsense.  Pag-usapan natin to at kung may problema man, pagtulungan nating ayusin."  Halos pagmamakaawa kong sabi ko sa kanya.

"MAHAL KO PA PALA SYA!" 

Paulit-ulit na nag-echo ito sa tenga ko ang mga huling kataga na sinabi nya.  Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko na kanina ko pa talaga pinipigilan na bumagsak mula sa aking mga mata ko.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat gawin sa mga sitwasyon na ganito.  Masyado na syang magulo. 

Dahan-dahan ko syang tinalikuran at naglakad na ako palayo sa kanya.

Umaasa ako na hahabulin nya ako at babawiin nya lahat ng mga sinabi nya at babalik kami sa dati.  Pero habang naglalakad ako ay wala pa ring Michael na tumawag sakin para pigilan lang ako.

Nagising ako sa paulit-ulit na tunog ng doorbell.  Tumingin ako sa nakalagay na alarm clock sa ibabaw ng lamesa ko at napag-alaman kong 11 na pala ng  tanghali.

Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa CR upang mag-ayos.  Saglit lang ako dito at dumiretso na ako sa baba.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sakin sina Jane at Alexis.

Pagkakita ko sa kanila ay agad namang lumapit sakin si Jane at bigla nalang akong niyakap.

Akala ko ay naubos ko na ang mga luha ko kagabi pero hindi pa pala.  Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina. 

"Bakit pa kayo pumunta dito, okay na ako kagabi ehh."  Sabi ko sa kanila habang umiiyak.

"Tandaan mo, nandito lang kami, kahit anong mangyari."  Si Alexis habang hinihimas ako sa likod.

Kinwento ko sa kanila kung ano nga ba ang nangyari.   Pumunta sila dito dahil nga nakita nila si Michael at si Claire na magkasama.  Nakakapit pa daw itong si Claire sa braso ni Michael.  Nang nalaman ko ito ay parang mas dumoble pa ang sakit na naramdaman ko.

Kinagabihan ay napagdesisyunan kong kausapin sya.

Nagsuot lang ako ng blue jeans at plain na blank t-shirt.  At lumabas na ako ng apartment.  Nag-abang ako ng taxi at buti na lang ay may nakuha agad akong sasakyan.  Sinabi ko sa driver ang address ng condo ni Michael.  Alam kong may mabigat syang dahilan kung bakit nya nagawa iyon at hindi ako naniniwala na dahil lang mahal nya pa ang ex-girlfriend nya. 

Huminto na ang taxi sa condominium kung saan nakatira si Michael at nagtuluy-tuloy na ako sa loob.  Dahil kilala naman ako ng mga receptionist at guard nito ay dire-diretso na akong pumasok sa elevator paakyat sa unit nya.  Nang makarating na ako sa tapat nito ay nagsimula na akong kumatok at magdoorbell, pero lumipas ang isang minuto ay wala pa ring sumasagot.

Hinawakan ko na ang doorknob at napag-alaman kong hindi naman pala ito naka-lock.  Pinihit ko ito paikot at dahan-dahan kong binuksan ito hanggang sa makapasok na ako.

Walang tao sa sala at tumuloy na ako sa kitchen, pero hindi ko pa rin sya nakita doon.  Naglakad naman ako papunta sa kwarto nya.

Kumatok ako ng tatlong beses, makalipas ang ilang sandali ay narinig ko ang doorknob at gumalaw ito.  Kinakabahan ako at the same time ay excited dahil muli ko syang makikita.  Pero ganun na lang ang sakit na naramdaman ko ng iba ang tumambad sakin.  Dahil sa sobrang galit na naramdaman ko ay sinugod ko sya at inabot ko kaagad ang buhok nya.

"WALANG HIYA KA, MALANDI KA!  YOU'RE SUCH A BITCH!"  hinihila ko sya ngayon at binagsak ko sya sa kama, halos matanggal na ang tumatakip na kumot sa katawan nya and there I saw her naked body na kung saan underwear nya na lang sa baba ang tanging suot nya.  Mas lalo akong nakaramdam ng sakit.  The pain I'm feeling right now is really unbearable.

"ANO BANG GINAWA MO SA KANYA AT BAKIT NYA AKO HINIWALAYAN!"  galit na galit ko pa ring sinasabi sa kanya.  Sinasampal sampal ko na rin sya.  At ngayon nga ay nasa ibabaw na nya ako.

Pilit nya namang inaabot ang mukha ko pero dahil nga mas lamang ang pwesto ko sa kanya ay nahihirapan syang gawin iyon.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang higpit na humawak sa balikat ko dahilan para mahiwalay ako sa kanya.   Tinulak ako nito at bumagsak ako sa sahig.

Nakita ko ang galit sa mga mata nya.  Nag-uunahan na tumulo ang mga luha ko sa mata dahil sa sitwasyon ko ngayon.  Seeing him naked and wearing only his under garment at kasama pa nya ang babae nya habang ako naman ay nahihirapan sa nararamdaman ko ngayon.

I just came here to save and fix our relationship.  Pero sa nangyari ngayon, at sa mga nakita ko at ginawa nya sakin ay mukhang ito na nga ang oras para tanggapin ang lahat-lahat at wala na nga talagang pag-asa pa na maisalba ang relasyon namin.

Nakita ko syang tumalikod sakin at inabot nya si Claire at pinaayos ito ng upo.  Pagkatapos nya ay humarap sya sakin.  Inabot nya sakin ang kanang kamay nya pero hinawi ko lang ito. 

Tumayo na ako at tumalikod sa kanya then naglakad na ako palabas ng unit nya.

"Cielo!  Wait!"  narinig kong sigaw nya.  Naramdaman ko naman ang bigla nyang paghawak sa kamay ko.  Hinarap ko sya at isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.

"OO ETO NA!  PINAPAKAWALAN NA KITA!  WAG KANG MAG-ALALA DAHIL HULI NA TO!  HULING IYAK KO NA TO SAYO!"  sabi ko sa kanya habang tumutulo pa rin ang mga luha ko sa mata.  "HULING IYAK NA TO NG GAGONG KAHARAP MO PARA SA GAGO AT WALANG KWENTANG LALAKING KATULAD!"  sabi ko sa kanya.  Nanatili naman syang walang imik.  At dali-dali na akong naglakad palayo sa lugar nya.  Palayo sa pinaka-unang lalaki na minahal ko ng buong-buo.   Palayo sa pinaka-unang lalaki na nagparanas sakin ng isang matinding sakit.

....

"Seryoso ka ba sa gagawin mo?"  malungkot na tanong sakin ni Jane.

"Oo naman"  pilit akong ngumiti sa kanya. "Isa pa, kaylangan ko naman talagang umuwi sa Portaleza, kaylangan na din kasi ako doon ng Daddy.  Ganun din naman, kaylangan ko ring umuwi, kaya eto, inagahan ko lang."  Iyon lang at  kinuha ko na ang dala kong isang maleta.

"Ma-mimiss ka talaga namin, hindi na kumpleto ang powerpuff girls"  naiiyak na sabi ni Alexa.  At niyakap nila ako.

"Ano ba kayo, pwede naman kayong dumalaw don ahh, sa sembreak bisita kayo o magbakasyon para naman hindi nyo ma-miss ang pinakamaganda sa ating tatlo."  Pagbibiro ko at isang pilit na ngiti ang pinakita ko sa kanila.

Mahigit labing-dalawang oras din ang byahe mula Manila hanggang Portaleza.  Gaano katagal na nga ba akong wala dito.  Siguro mga higit apat na taon na rin.  Apat na taon na rin simula ng mamatay ang Mommy, napagdesisyunan namin ng Daddy na dito na ako sa Maynila mag-aral ng high school hanggang college.  Pero eto na nga, nagbabalik na ako, siguro ay mabuti na rin ito para makalimot sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sakin sa Maynila.  Sana lang ay mabilis ko na syang makalimutan.

Nandito na ako sa bayan ng Portaleza.  Dahil malapit na lang din naman, isang bukid nalang ang pagitan, napagdesisyunan kong lakarin nalang ito.  It's going to six and for sure hindi na rin masyadong mapanganib dito.  Gusto ko rin namang maglalakad-lakad.  It is my best way of relieving my self from the stress that I am feeling.  Kaya heto.  Hila-hila ang isa kong maleta ay nagsimula ko nang lakarin mula dito patungo sa Hacienda.

Habang naglalakad ako ay naramdaman ko na parang may sumusunod sa likuran ko dahilan para lingunin ko ito.  Pero wala namang tao.

Pero maya-maya pa ay bumalik ulit ang mga yabag.  Huminto ako at dahan-dahan akong lumingon pero wala pa rin akong nakita.  Pag-harap ko ay may isang lalaki na nakangisi ang nasa harapan ko. 

"Hi Miss, hindi mo ba alam na mapanganib gumala ang isang magandang binibini na katulad mo sa ganitong oras?"  tanong ng lalaki na nakasampay pa sa kaliwang balikat nito ang damit na puti at kita ko pa ang malaki nyang tyan.

Tatalikuran ko na sana ito pero may isa pang lalaki sa likod ko at bigla ako nitong hinawakan.

"At saan ka sa tingin mo pupunta hah!  Hindi ka pwedeng lumayo, mas mapanganib"  sabi ng lalaki na patayu-tayo ang buhok.

"Bitawan nyo ako!"  "TULONG!  TULONG!"  sigaw ko habang umaasa na may makarinig sakin sa kabila na nandito kami ngayon sa kabukiran.

"Kahit gaano ka pa kalakas sumigaw, walang makakarinig sayo dito, nasa gitnang parte tayo ng bukid.  Hahahahhah!"  sinipa ko sya sa gitnang parte nya dahilan para mamilipit sya sa sakit.  At kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para sana tumakbo. 

Pero agad namang nahawakan ng isa pa ang dulo ng buhok ko at halos mapadaing ako sa sobrang sakit na naramdaman ko.

Inihiga ako ng lalaking malaki ang tyan sa lupa at sinimulan nya na akong hawakan at himasin ang braso ko.

"Grabe Miss, ang kinis mo na, ang ganda mo pa"

"Please maawa po kayo sa akin!"  pagmamakaawa ko sa kanya.  Pero sadya atang napakasama nang taong to dahil humalakhak lang sya ng nakakatakot.

Sisimulan na sana nyang buksan ang blouse na suot ko ng bigla akong nakarinig ng isang kotse at huminto ito sa amin.

Nakita ko nalang na bumagsak ang isang lalaki sa lupa gawa sa suntok na nakuha nito.  Mabilis akong umatras palayo sa kanila.

"BAKIT KASI SA GANITONG ORAS NG GABI EHHH PAGGALA-GALA KA PA!"  rinig kong sigaw sakin ng lalaki na may katangkaran at kalakihan ang katawan.

"Bakit kasalanan ko ba na walang ilaw ng poste dito sa lugar niyo hah?"  sagot ko sa kanya.

"ABA'T TINGNAN MO TONG BABAENG TO!"  humarap sya sa kasama nyang lalaki.

"AHHHHHHHH!"  tili ko ng makita ko ang isang lalaki kanina na tumayo na may kinuhang kutsilyo at tumakbo sa lalaking tumulong sakin.  Nakita kong nasaksak sya nito sa braso.

Pero agad namang nakabawi ang lalaki sa pagkakasaksak  nya pagkatapos ay sinuntok ito sa panga at tuluyan ng hindi nakatayo.

Pagkatapos ay nakita kong hawak-hawak nya ang braso na may dugo tapos ay pumasok sya sa loob ng sasakyan nila.

Lumabas ang lalaking kasama nya mula sa driver's seat at lumapit sakin.

"Halika na Miss, hatid kana namin"  sabi nung lalaki na kasama nya.  Nakita kong kinuha nya ang bag ko pagkatapos ay lumapit ulit sya sakin.

"Ako nga pala si Mark Jayson, but you can call me MJ!"  ngiti nya sakin,

"At yung kanina na tumulong sayo ay si Xander"  dagdag pa nito. 

 

itutuloy

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2