Chapter 27 OPP

 

Chapter 27

 

 

 

 

 

"Ano ba kasi ibig sabihin ng JCVM?"

"Bakit ba sakin mo tinatanong, at bakit ba masyado kang matanong?"  irita na sabi sa kanya ni Yosh.

"Eh kanino ako magtatanong?  Wala ngang nakakaalam, kahit nga si  Jared hindi alam ehh, ang sabi naman ng iba dun, ikaw daw ang nagpangalan." Nilapit pa ni Cielo ang sarili nya dito.  Nasa kama sila ngayon at kasalukuyan silang nasa Japan for Xander's business trip.

 

"TSSSSK!!!"  tinalikuran lang sya nito at nagtalukbong nang unan para hindi na sya kulitin pa ng dalaga.

Mas nilapit pa lalo ni Cielo ang sarili nya.  Yes, she's seducing him, partly, but for she doesn't know reason, parang gusto nyang malapit lang sya dito, yun bang physical contact, syempre hindi dahil sa sex o ano pa man, pero para bang tinatawag ang pangalan nya ng katawan nito.  

 

"ANO BA???  Dun ka nga, ang luwag-luwag naman ng kama, sinisiksik mo pa ako!!"  pasigaw na sabi ni Yosh.

Bigla naman syang nagulat sa pagsigaw nito.  All of a sudden, nakaramdam sya ng sakit at pagkapahiya mula dito.  Yung kaninang masaya nyang pakikipag-usap dito ay biglang napalitan ng sobrang kalungkutan.   He then once again dismissed her feelings.

 

Walang sabi-sabi na tinalikuran nya ito.  Umusog sya sa pinaka-dulong bahagi ng kama at ngayon nga ay isang malaking space ang pumapagitna sa kanilang dalawa.

Cielo is doing her best to win his heart again.  Pero bakit nga ba everytime na akala nyang okay na ang lahat, bigla pa ring nagbabago ang mood nito.

Minsan nga ay hindi nya na rin ito maintindihan.  She knows for a fact that the reason why they are still together is because of Zian.  She's helping him to win over their son.  Pero bakit nga ba hindi nya rin mapigilan ang umasa.  That time will come, babalik at babalik din sila sa dati.

"Don't fool your self Cielo, in the first place wala ka naman dapat pang isipin.  And everything that is happening to you is because of your son."  pangungumbinsi nya sa sarili.

 

 

After a couple of minutes, ay nakaramdam sya ng pagkagutom.  Tumingin sya sa orasan at saktong ten na ng gabi.

She is about to leave the bed when she heard him speak.

"Where are you going?" lumingon sya dito and there he saw him habang nakahiga ito pero syempre wala na ang unan na kanina ay nakatakip dito.

 

"LALABAS, MAGHAHANAP NG MAKAKAYAKAP!!"

"WHAT THE HELL IS THAT FOR?????"  mas nagulat pa sya ng lalo pang tumaas at lumakas ang boses nito.

"Pwede ba, di ba ayaw mo naman akong kausap?  Ayaw mo ring dumikit ako sayo.  Saka wag kang OA, maghahanap lang ako ng makakain sa kusina"  pagkatapos ay lumakad na sya patalikod.  Hindi na nya ito hinintay pang magsalita at baka hindi nya lang magustuhan at masaktan pa sya sa  sasabihin nito sa kanya.

Kahit na nasa ibang bansa sila, meron pa ring pagmamay-ari na condo itong si Yosh.  Dito nya lang din napag-isip isip na sobrang yaman nga talaga ng ex-boyfriend nya.

Pumasok na sya sa kusina at nagbukas ng ref para maghanap ng makakain.  May mga nakita syang mga mansanas at ubas sa loob ng ref at agad nya itong kinuha pagkatapos ay nilagay sa babasaging bowl saka hinugasan at dumiretso sya sa sala.

Binuksan nya ang  flat screen na TV at inilipat sa isang cartoon channel saka sya umupo.

Isa sa pinaka-paborito nyang cartoon ang pinapanood niya ngayon, yung pusa saka daga na walang sawa na naghahabulan, pukpukan dito at pukpukan doon.

 

Nang maubos na ang pagkain nya ay dinalaw na rin sya ng antok kaya naman bumalik na sya sa kwarto nila.  

Nadatnan nya itong tulog na kaya naman ang ginawa nya ay sumampa na rin sya dito at binalot na ang comforter sa katawan.

Humarap sya kay Yosh at nakita nga nyang mahimbing na itong natutulog.  Kaylan kaya sya nito mapapatawad ng lubusan sa ginawa nya. 

Sa totoo lang ay ginawa nya lang naman 'yon para rin naman sa kanya.

Sa ngayon ay hindi nya alam kung ano nga ba ang estado nila ngayon.  O kung dapat pa nga ba nyang alamin.

 

"Xander"  wala sa loob nyang sabi.

Pero nagulat sya ng biglang magmulat ito ng mga mata.

"Why?"

"I'm sorry"

"For what?"  seryosong sabi nito.

"For everything, for what happened before"

 

Nakita nyang gumalaw ito at tumalikod sa kanya.

For another time around ay nasaktan na naman sya sa pambabaliwala nito sa kanya.  Para maitago ang sakit na nararamdaman nya ay tumalikod na lang din sya.  Hindi nya namalayan ang unti-unting pagbagsak ng mga luha sa mga mata nya.

.......

 

"Daddy, bakit ang sarap niyo pong magluto?"  magiliw na tanong sa kanya ng anak nya.

"syempre kapag gwapo ka, dapat masarap ka rin magluto"  sagot nya sa anak.

"Ganon po ba dapat yun?  So si Mommy kaya pala hindi sya masarap magluto at marunong dahil hindi sya gwapo???"  sunod na tanong ulit nito.

"Ahhh yang Mommy mo?  Oo, dati pa yan hindi masarap magluto.  Hanggang ngayon pa rin ba?"  natatawa nyang tanong sa anak.

 

"Yes Dad, but because I love her, I always eat her foods"  masiglang sabi ulit nito.  Tumingin si Yosh sa wrist watch nya.  Tapos na kasi syang mag-luto ng agahan nila and it's already 7:30 am pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto nila si Cielo.

 

"Just wait here okay, tatawagin ko lang ang Mommy mo"

Sumagot naman ito sa kanya pagkatapos ay naglakad na sya papuntang kwarto para tawagin ito.

 

As he opened the door, nakatalukbong lang ito  ng kumot.  Lumapit pa sya dito para gisingin na ito.  Tinanggal nya ang kumot na nagtatakip sa ulo nito and there he saw her sleeping soundly.  His beautiful world.  Kahit saang anggulo talaga tignan ay lumalabas ang kagandahan ng dalaga.  Ang napakainosenteng itsura nito na para bang hindi kumukupas.

 

Pagkadampi ng kanang kamay nya sa mukha nito ay naramdaman nya na agad na mainit ito.

"Damn!"  nasabi nya nalang dahil abnormal nga ang init ng katawan niya.

"Cielo."  Mahina nyang tawag.

"Hmmmmmmmmm"  unti-unting bumukas ang mga mata nito at nagtama ang mga paningin nila.

"Mainit ka, masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala nyang tanong.

"Yapp, I'm okay, aalis ka na ba?"  bumangon na si Cielo sa kama.  Sumandal muna sya sa may uluhang bahagi nito.

 

"Hindi pa, mag-aalmusal na kaya kita ginising"

"Sige, mauna muna kayo, mamaya na lang ako"

 

"Hindi pwede"

"Wala din kasi akong gana"

"Pero.....

...okay, if that's what you want"  hindi nya na lang din ito pinilit.  Wala din naman syang magagawa.  Bumalik na ulit sya sa kusina at silang dalawa lang ng anak nya ang kumain.

......

 

Kanina pa sya nandito at nakaupo sa conference room ng pinaka-sikat at maimpluwensyang corporation sa Japan pero wala talaga sya sa wisyong makinig dahil iba ang tumatakbo sa sistema ng pag-iisip nya.

Sa totoo lang ay hindi sya mapalagay dahil nga iniwan nyang nakahiga at masama ang pakiramdam ni Cielo.  Ang hindi nya rin maintindihan ay paanong magkakasakit ito samantalang ang takaw-takaw naman.  O baka naman she's trying to trap him.

Aware sya na that girl is trying to win his heart again, kaya nga dapat ay doble ingat na sya dito.  Pero hindi nga ba? 

Kanina pa maraming nagpepresent sa harapan nya, iba-ibang tao,  at wala syang ganang magsalita o magtanong man lang dahil sigurado naman sya bandang huli ay makukuha nya rin naman ang "oo" ng mga 'to.

Nahagip ng atensyon nya ang tumutunog na cellphone at sa screen nito ay pangalan ng anak nya ang makikita dito.

Tumingin sya sa likod at sinenyasan nya si Patrick, ang kanyang P.A,. to take charge for a while para sagutin ang tawag.

 

Lumabas muna sya ng conference room and he pressed the answer button.

"Yes son?"

"DADDY, UMUWI KA PO SI MOMMY NAHIMATAY PO SYA!!!!!!!"

"What?  Where is she now?"  tanong nya dito habang naglalakad na patungong elevator.  Sobrang lakas ng kaba nya ngayon.  Sabi na nga ba ehh, dapat talaga hindi na nya ito iniwan kanina.

 

"Nasa kotse po kami, humingi ako ng tulong sa mga tao sa lamesa na mataas kanina at tinulungan po nila kami, papunta po kaming hospital ata ngayon Daddy"

"Okay sige, papunta na ako dyan, susundan ko nalang ang cellphone mo, keep it active son okay."

"Copy Dad, bilisan mo po I'm afraid po Daddy"

"Don't be, sige take care son, I love you"  iyon lang at nakababa na sya ng elevator at dumiretso na sya ng kotse.  He just texted Patrick to take charge of everything, na hindi na sya makakabalik pa.

 

......

 

Pumasok na sya sa loob ng bar at doon nga nya nakita ang lalaki na hinahanap nya.

Naglakad na sya palapit at umupo sa katabing upuan.

"What are you doing here?"  nakatitig lang si Jarred sa baso na may lamang alak.

"Para uminom?" si Drew.

"Pwes, wala ka sa tamang lugar, may be you should not do that here!"

"Pwede ba, ikaw hah, bakit ba pagdating sa ibang babae ang sweet sweet mo, ang bait bait mo, pero pagdating sakin ang hard mo!"

"Eh di itanong mo sa buwan!"

 

Biglang umingay sa loob ng bar dahil sa pagpalit ng tugtog.

Inagaw ni Drew ang hawak-hawak nitong baso na may lamang alak pagkatapos ay ininom 'yon.

Tinitigan ito ng masama ng binata.

But Drew just smirked on him at naglakad na ito patungo sa drance floor. 

 

Sa totoo lang ay matagal na talaga sya naiinis dito.  Simula pa nang magtrabaho sya sa MGC Corp, hindi nya rin maintindihan kung bakit nga ba panay ang sunod nito sa kanya. 

Siguro ay iniinis lang talaga sya nito.

Pero hindi nya ito papatulan.

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2