Chapter 24 FBBF

 

Chapter 24  FBBF -  Father AGAIN?

 

 

Jayden's  POV

 

Nang nasa tapat ko na sila, umupo ako para pumantay sa kanila.  Una kong hinawakan ang batang babae, nanginginig ito.  Siguro ganun nalang ang takot nito sa mga humahabol sa kanila at ng makakita ito ng baril.  Mga walang hiyang guard yun, pati anak ko sasaktan nila.

 

Naramdaman siguro nito ang hawak ko kaya tumingin sya sakin.  Sabi ko na ehh.  Kaya ganon na lang ang naramdaman ko nung makita ko itong batang to.

 

"Daddddy!"  biglang sigaw nito at yumakap sakin.

Nagulat ako sa ginawa ng batang babae.  At niyakap ko na rin sya.  Oh God, bakit parang muling nabuo ang pagkatao ko.  Hindi ko napapansin na may mga luhang tumutulo na pala sakin.  Bigla itong bumitaw.

 

"Why are you crying?  Did I make you cry?"  sunud-sunod na tanong nito.

"No! No baby.  Daddy is just happy of seeing you and being able to hug you"  at niyakap ko ulit sya.

"What's your name Baby?"  tanong ko dito.  Umalis ito sa yakap ko at bibong sumagot, parang kanina lang ay takot na takot ito pero ngayon ay masaya na ulit.

"My name is Yeshabel Drew Martinez"  magiliw na sagot nito.  Wait my Drew din ang pangalan ko ahh.  Natatawa kong isip.

"And this is my twin slash big brother Jayden Yosh Martinez" tiningnan lang ako ng mapanuring mga mata nito at yumakap ulit kay Yoshabel.

Tama ba ang narinig ko?  This little boy of mine was named after me?  Grabe lang ang saya na nararamdaman ko.

 

"How old are you both?"  tanong ko ulit

"6 years old"  sabi nito.  Kung ganon, tama talaga ang hinala ko.

I'm a daddy here.  A daddy of twins.  And they are my children

"My name is Jayden Andrew Montereal"   "I am your Daddy"  lumuluha kong sabi.  At niyakap ko ulit ang batang babae.

"MOOOMMYY!"  - sigaw ni Yosh

Agad kong binuhat si Yoshabel, nawalan sya ng malay.  Anong nangyari sa kanya, dali-dali akong tumakbo palabas ng conference room.  Nakasunod naman sakin ang dalawang bata.  

 

Dinala ko sya sa clinic ng kumpanya.  Wala naman akong dapat na ipag-alala dahil magagaling ang mga kinuha kong medical team for MGC.

"What happened to Mommy?"  malungkot na tanong ni Drew.

"I don't know yet baby, but I'm sure that she's okay now"  - ako

Tumingin naman ako sa batang lalaki.  Nahuli ko pa itong nakatitig sakin.  Para bang nakita ko ulit ang batang sarili ko sa kanya. 

Tinititigan ko sya ng biglang lumabas ang Doktor.

Agad naman akong tumayo at sumunod sa opisina nya.  Napansin ko rin na tumayo si Jayden yung anak ko ha at akmang susunod sa amin ng doctor ng pinigilan ko sya.

"You need to stay here!"  ako

"And why?  I have the right to know what's happening to Mommy!"  he insisted.

Aba't akalain mo nga tong batang to, sumasagot pa.

"I should be the only one to do that!"  - ako

"No!  I'm the son here"  sagot naman nito.

Nauubusan na ako ng pasensya hah!  Ayaw nyang patinag.

Lumapit ako sa kanya at binuhat ko sya.

"Let me go, you beast, let me go"  pagpupumiglas nito.

At dinala ko sya sa upuan ni Drew, 

"You stay there, my son, ako ng bahala sa loob"  nakangiti kong sabi sabay kindat.

"Daddy, you're so handsome"  nakangiting komento ni Drew

"Don't call me son, because I'm not you're son"  - sya

"Whatever!"  umirap ako at naglakad na sa opisina ng doctor.

Nakita ko naman syang may sinusulat sa papel.  Lumapit ako dito at umupo sa tapat nya.

"Sino po ang asawa ng pasyente Sir?"  tanong nito.

Asawa?  Wala pa ngang asawa tong babaeng ito ehhh.

"In front of you, Doc"  I said.  Nakita ko naman ang pagkabigla sa mga mata nya.  I know na hindi nya inaasahan iyon.

"What is wrong with her?" tanong ko, halata kasing hindi na maipinta ang mukha nya.

"Congratulations po Sir, because you're becoming a father..." nakita ko syang sumilip sa pintuan, nandun ang kambal  "AGAIN?"

Tama ba ang narinig ko?  She's pregnant?!  Natuwa ako sa nalaman ko.  I know 100% that that baby is mine.

 

"Yes! I got her pregnant again"  biglang sigaw ko.

"Gaano na sya katagal na pregnant dok?"  tanong ko dito.

"Almost 7 weeks na po Sir"  sagot sakin ng doctor.  Sobrang saya ko, totoo nga, iyon yung mga unang lingo na may nangyari samin.

"But Sir, I have some reminders to make that you need to do right away" seryosong sabi nito.

"What's that?" sabi ko.

"The baby is in the critical condition.  Sa estado nito ngayon, masyadong mahina ang kapit ng bata, I suggest, pumunta kayo sa OB nito for further check-ups and advice.  Sa kalagayan nya ngayon, bawal po syang ma-stress pa lalo." Tuloy-tuloy na sabi nito.

 

"DAADDDDY!"  rinig kong sigaw ni Drew sa labas.  Agad akong kumaripas ng takbo  to see what happened only to find out that Yosh is already awake.  Agad akong pumunta dito.

"How are you feeling?"  I asked her.

"I'm okay already, what just happened?"  tanong nito sakin.

"You passed out earlier, so I send you here!"  diretso kong sagot.

"Kaya mo na bang tumayo at maglakad?"  - ako

"Yepp!"  - sya.

"Okay, I think we have to go" inalalayan ko sya. " Kids come on!" inalalayan ko sya at palabas na kami ng clinic.

I get my phone and dialed Sebastian's number.  Agad naman nya itong sinagot.

"Sebastian, half day ako ngayon, cancel all my meetings and itineraries, I have some important things to do"

"Okay Sir"  sagot nito sa kabilang linya.

Narinig ko naman si Drew na nagpapabuhat kay Yosh.

"Mommy!  Karga, karga" bubuhatin na nya sana ito ng bigla ko itong binuhat. 

"Let's go" at sumakay na kami sa elevator.

"Where are we going?"  tanong ni Yosh habang pababa ang elevator. 

"We'll have your check up" sabi ko pa.  Hinanap naman ng mga mata ko si Jayden liit, at ayun mukhang inaantok na rin.

 

Kinuha ko rin ito at binuhat.  Bali dalawa na silang nasa braso ko.  Both of them are so big at halatang mga naalagaan talaga sila ng husto.

"Jayden, you don't have to do that, let me...."  Pinutol ko sya sa pagsasalita

"No it's okay!  I'm enjoying it anyway."  ako

 

 

 

Yoshabel's  POV

Bumukas ang elevator at lumabas na kami doon ni Jayden.  Buhat-buhat pa din nya ang kambal at nakatulog na nga ito sa kanya.  Grabe, pagod na pagod siguro tong dalawang to.

Napansin ko naman na nagtinginan samin ang mga tao sa baba.  Marahil ay nagtataka sila kung bakit ganoon ang mga nakikita nila samin. 

Sobra ang kasiyahan ko ngayon habang nakikita ko ang tatlo na magkakayakap.

Alam ko na sobrang saya ng kambal dahil kapiling na rin nila ang Daddy nila.

Nakarating na kami sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan nya.

binuksan ko ang likod ng sasakyan nya at inihiga nya ang dalawang natutulog doon.  Sinara ko iyon at sumakay naman ako sa tabi ng Driver's seat

"Jayden, magpapaliwa---"

"Wag na muna natin pag-usapan yan"  pagpuputol nya sakin

"Where do you usually take your check up?"  tanong nito sa kin.  Sinabi ko naman ang lugar at pumunta na kami doon.

Seryoso lang sya sa pagda-drive at maya-maya pa ay hininto nya na ang sasakyan ng makarating na kami sa lugar.

"Iwanan muna natin dito ang dalawa.  Stay there!" sabi nya.  Nakita  ko naman syang may kausap na guard.  Tumuro sya samin. After then, naglalakad na sya papunta sa kotse.

Binuksan nya iyon at pinalabas na ako.

"Let's go" he offered his hand to me.  "Kumausap na ako ng magbabantay sa dalawa habang natutulog sila."  Masaya ako ngayon sa mga pinapakita ni Jayden although ramdam ko pa rin ang lamig sa mga gawi nya.

At tinatahak na nga namin ang daan papunta sa OB ko, sumusunod lang sya sakin.

Nandito na kami  ngayon sa tapat ng clinic at kumatok na ako.

Nakaupo kami ngayon ni Jayden sa couch habang hinihintay ang doctor.  Maya-maya pa ay bumukas na ang kwarto nito at lumabas na sya.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Jayden sabay tumingin sakin.

Bigla syang tumayo at hinila ang kanang kamay ko.

"Wait Jayden, ano bang problema? Kala ko ba papacheck-up ako?"

"Hindi mo naman kasi sinabi na lalaki pala ang Doctor mo, we will go and find another one"  - sya yan habang hila-hila pa rin ako.

"Pero nasa kanya ang mga record ko"  ako

"I don't care!  I can give you the best doctor in the world at hindi sa isang lalaking doctor."  At nagtuloy-tuloy na nga kaming lumabas.

Dinala nga ako ni Jayden sa ibang doctor at nakapagpa-check-up na.

"May gusto ka bang kainin?"  tanong nya.

"Gusto ko ng Shrimp at tahong"  sabi ko

Napatingin naman sya ng may pagtataka

"Hindi pwede sayo yun"  - sya

"Bakit naman?"  nandito na kasi kami ngayon sa sasakyan at ang kambal naman ay tulog pa rin hanggang ngayon.

"Ayokong magmukhang hipon ang anak natin nuh"  - sya

Bigla naman akong kinilig sa sinabi nya. 

 

Anak natin

Anak natin

Anak natin

Parang paulit ulit kong naririnig iyon sa tenga ko.

"Tatanong-tanong ka tapos hindi mo naman pala ako susundin"  may himig na pagtatampo kong sabi.

"Yung maayos na pagkain kasi"  bumaba na ang boses nya.

"Maayos naman yun"  ako

"Kailangan na rin kasi kumain ng kambal, ano ba ang gustong-gusto nilang kainan?"  tanong nya.

"Jollibee"  sagot ko naman.  Okay we'll go there.

Sa mall kami pumunta.  Ginising niya ang mga bata. Nagulat naman at natuwa si Drew ng makita ang mataas na building ng mall.

"Wow Daddy, this is so big!"  manghang sabi ni Drew.

"Really baby?  This mall is yours"  sabi naman nya.

"Talaga Daddy?"  manghang tanong parin nya

"Oo naman"  -Jayden

Tiningnan ko naman ang reaksyon ni Yosh pero nanatili pa rin itong tahimik at walang imik.

Pumasok na nga kami sa loob ng mall at pumasok sa Jollibee.  Pumila na si Jayden para sa pagkain at kami naman ay naghanap nang table.

Maya-maya lang ay dumating na si Jayden dala-dalang ang napakaraming pagkain.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

FBBF - Chapter 2