Chapter 26 OPP

 

Chapter 26 

 

 

"Daddy, hanapin mo po ang Mommy ko!"  Zian said while sobbing and crying.

 

 

"Hinahanap na sya ng Daddy anak, I'm doing the best I can, and for sure, she won't leave us, mahal na mahal ka ng Mommy di ba?  Mahal nya tay...."                                            

 

Napaisip sya sa isiping pati nga rin ba sya ay kasama sa pagmamahal nito.

 

"XANDER!!!!"  Napahinto sya sa paglalakad ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan nya.

 

"MOMMMMY!!!"  malakas na sigaw naman nitong anak nya na agad bumaba sa pagkakabuhat at ngayon nga ay tumatakbo ito papalapit sa boses na pinanggalingan niyon.

 

"Bakit ngayon ka lang po dumating, kaganina pa kita hinihintay"  sambit ni Zian.

Nanatili lang si Yosh na nakatalikod sa kanila.  Pinapakinggan at pinapakiramdaman nya lang ang mag-ina.

 

"Yosh!"  narinig nya uling tawag nito sa kanya.  Dahan-dahan ay hinarap na nya si Cielo only to find out na nakalapit na pala ito.

 

"Patawad kung gabi na ko nakauwi, galing kas.....

 

Hindi na nito ito pinatapos sa pagsasalita dahil agad nya itong niyakap.

 

......

 

 

Wala syang masabi sa ngayon at sobrang bilis ng tibok ng puso nya sa mga sandaling ito.  Bigla kasi syang niyakap ni Yosh ng sobrang higpit.    Masayang-masaya sya dahil parang bumalik ang dating yakap sa kanya ng lalaking minsan na syang minahal.

 

"Sa susunod, bawal ka nang umalis ng hindi ako kasama"  He whispered to her.  Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Yosh, though ayaw pa nya, ay kaylangan nya na ring humiwalay.

 

"Ayokong magising na lang ako isang araw na tinakasan mo na pala ako!  Dapat magpaalam ka muna sa anak natin"  yun lang at iniwan siya nitong nakanganga lang sa hangin.  Wala syang ibang nagawa kundi ang tignan lang ito habang naglalakad papasok ng bahay nila.  Hence, part of her was very happy and was rejoicing.  Akala nya kasi ay susunggaban sya nito at sisigawan.

 

"Mommy, pasok na po tayo, inaantok na ko"  pagkarinig nya sa anak ay agad nya naman itong hinawakan sa kanang kamay at naglakad na rin sila papasok.

 

.......

 

"EH BAKIT KAYLANGAN KASAMA PA AKO! KAMI???  UMALIS KA NA LANG MAG-ISA!"  pagmamatigas nyang sabi.

"Hindi nga pwede, kaylangan kasama ko ang anak ko doon, at hindi sasama sakin si Zian kung hindi ka rin naman kasama!"

 

 

"E DI WAG MONG ISAMA SI ZIAN, PROBLEMA BA 'YON?" 

"Hindi din pwede, gusto syang makilala ng mga investors sa Japan"  - Yosh

 

"O sya, sige, sasama kami ng anak mo, sa isang kondisyon"  this time, mahina na ang boses nya.  Parang biglang may naisip kasi syang hingin dito. Actually, she's craving for it.

 

"What's that?"  nagtatakang tanong sa kanya ni Yosh.

"Nagugutom na kasi ako ehh, handaan mo muna ako ng singkamas na may suka at asin, saka itlog na maalat na may green na kamatis, saka haluan mo na rin ng kalamansi"  napupungay na mga matang sabi nya dito. Kanina pa sya natatakam sa mga sinabi nyang pagkain talaga.

Tapos na rin naman syang mag-agahan, so its okay kahit na iba-ibang pagkain na ang kakainin nya.

"WHAAT?  EH KAKAKAIN MO PALANG NG AGAHAN AHHH!"  malakas na sambit ni Yosh

"Kung ayaw mo edi wa.....

"DAMN!!!!!!!"  wala na syang nagawa kundi ang tumalikod para mag-utos sa isa sa mga katulong nila.

"Papatawag lang ako ng katulong"  pagalit na sabi nya.

"NO!"  bigla naman syang nagulat sa sigaw ng dalaga.

"ANO NA NAMAN?????"  Yosh asked in a frustrated voice again.

"Ikaw ang gusto kong maghanda para sakin."  sabi nya dito.

 

"Pwede ba, wala na akong oras Cielo" 

Bigla naman syang nalungkot sa narinig dito.  Wala syang nagawa kundi ang mapaupo sa kama nila.  At hindi nya namalayan na unti-unti na palang bumabagsak ang mga luha sa mga mata nya.

Maglalakad na sana palabas si Yosh ng magtaka sya dahil sa biglang pananahimik nito.  Nang binalikan nya ito ng tingin  ay nakita nya itong nakaupo na sa kama at nakayuko ang ulo.  Kaagad syang nagtaka. 

Maya-maya pa ay nakita na nyang nagtaas-baba na ang mga balikat nito.

"She's crying!"  sigaw ng isip nya.

Agad nya itong dinaluhan.

 

"TSSSK! Ang iyakin mo pa nga!  Let's go to the kitchen, ako na ang maghahanda para sayo!"  

"Talaga????  Yeheeeyy!" 

 

Nauna na ulit si Yosh maglakad dito habang masaya naman syang sinusundan ni Cielo.   Huli na rin ng maisip ng binata na kailangan pa pala niyang iutos sa mga katiwala ang mga gusto nitong kainin.

 

Bumaba na silang dalawa at pinatawag nya ang isang katulong.  Sinabi nya dito ang mga bagay na kakailanganin nya para lang maipakain kay Cielo.  Ilang sandali lang ay naihanda na ang mga kakailanganin nya na hinihingi ng babaeng ito.

 

Masugid na nakaupo lang si Cielo sa lamesa habang tinitignan nyang nagbabalat si Yosh ng singkamas.  Nauna nang ihanda nito ang itlog na maalat na may kamatis at kalamansi.

"Bakit mo ko tinitingnan?"  masungit na tanong sa kanya ni Yosh.

"Hindi ikaw ang tinitignan ko ang singkamas kaya."  Nakangiti nyang paliwanag dito.

"TSSSSK!"  nagulat si Cielo ng biglang ishoot ni Yosh ang singkamas sa basurahan.

 

"ANONG GINAWA MO?????" malakas nyang sigaw sa lalaki.  Mula sa pagkakaupo ay napatayo tuloy sya sa sobrang gulat sa ginawa ng binata.

"Tinapon ko ang singkamas sa basurahan, Isn't it obvious???"  simpatikong tanong  sa kanya nito.

 

"PATI BA NAMAN SINGKAMAS PAGSESELOSAN MO????"  sobrang ubos na talaga ang pasensya nya dito.

"HOY ANG KAPAL MO HAH, HINDI AKO NAGSESELOS, MADUMI LANG TALAGA ANG SINGKAMAS NA YON KAYA KO TINAPON, YOU SHOULD HAVE THANKED ME."  umupo ulit ito pagkatapos ay kumuha pa ng isang singkamas na babalatan nito.

 "GRRRRRRRRRRRRR"  halos nagpipigil nyang angil dito.  Ibinaling nya na lang ang tingin sa ibang direksyon.

 

"Here!"  narinig nyang sabi ni Yosh.

Sinulyapan nya lang ito ng tingin pagkatapos ay inirapan ito.

"ANO PA BANG GUSTO MO???  SINUSUNOD KA NA NGA DI BA??!!!"  nagulat sya pagtaas ng boses nito sa kanya.

 

Pero hindi pa rin sya nagpatinag.  Nanatili lang syang nakatingin sa ibang direksyon. Susubukan nya pa lalo ngayon ang pasensya nito.  Pero natutuwa talaga sya instead na matakot.  Dahil para bang sa huli ay si Yosh pa rin ang sumusuko.  Teka aware ba ang lalaking 'to?  Natatawa nyang tanong sa isip.

"Okay, kung ayaw mo nitong mga hinanda ko, ako na lang ang kakain." 

Bigla naman syang napatingin dito at isusubo na sana ito ng binata kaya agad syang tumayo at pinigilan ito sa kamay.

"Wag ka nga!!!!!  Ako kaya nagpahanda nito para sakin"  kinuha nya dito ang mangkok na may mga singkamas.

Sinimulan nya nang sunggaban ang mga pagkain na nakalatag sa harapan nya.

 

Sarap na sarap sya sa kinakain nya ngayon.  Ginawa pa nyang bagoong ang itlog na maalat sa singkamas kasabay ng kamatis.

Nahagip ng paningin nya ang itsura ni Yosh na kung saan ay bakas na bakas dito ang pandidiri.

 

"What's that face for???"  tanong nya dito habang hindi pa rin sya tumitigil sa sunud-sunod na pagsubo.

"Just can't imagine myself eating what you're eating now!!!"  - Yosh.

"Why??  Did I tell you to eat it?"  - Cielo

Inirapan lang sya nito.

"Bilisan mo na dyan, we need to prepare, we'll travel tonight."  Si Yosh habang ang focus nito ay nasa cellphone nya.

 

......

 

Hinahanap na ni Cielo ngayon si Zian.  Kanina pa kasi nya ito hindi nakikita.  Paakyat na sya ngayon sa kwarto nito.  As she opened the door, there she saw him sitting on the floor while busy on something. 

Hindi nya makita kung ano ang ginagawa nito dahil nakatalikod ito sa kanya.

Dahan-dahan syang lumapit dito upang tingnan kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan nito.

At iyon nga, nakita nya ito na cellphone pala ang hawak.

 

"Baby"

Nagulat naman ang bata sa bigla nyang pagsulpot at agad na tinago ang cellphone sa likod.

"Mommy, what are you doing dito po?"  tanong nito habang nauutal pa ang boses.

"Whose cellphone is that?"  tanong nya dito.

"wala po ito Mommy"  - Zian

"Zian"  tinitigan nya ito ng masama.

"Okay po, sakin po, Daddy gave it to me earlier"  pagsukong sabi nito.

 

"Give me that"  inilahad nya ang kamay dito.

"No Mommy, I'm attacking po"

"What?!!"

"I'm attacking po, clash of clans"

"What's that?"  pagtataka nya dito.

 

"It's an online game po, and it's hard to explain mommy"  sabi ng anak nya habang ngingiti-ngiti pa.

"Okay, hand it over!"  sabi nya ulit.

"Mommy naman"

 

"Bayaan mo na sa kanya yang cell phone Cielo"  mula sa likod ay narinig nyang sinabi ni Yosh.  

Lumapit sya kay Yosh pagkatapos ay nagsalita.

"Masyado pang bata ang anak mo para mag-cellphone." 

"Kaylangan nya yan, for communication purposes."  Walang ganang sagot ng binata pagkatapos ay naglakad na palabas sa kwarto ng anak.

 

"Bawiin mo sa kanya ang cellphone"  habang sinusundan nya ito.

Huminto si Yosh at humarap sa kanya.  Para naman syang nabunggo sa isang pader dahil sa tigas ng dibdib  nito.  Nailang pa nga syang tumingin dito.

 

"Doktora, may I remind you that Zian is a smart kid, and he will be needing that in case of emergency okay????"  may pagdidiin na sabi nito sa kanya.

Wala na syang nagawa dahil iyon na nga ang desisyon ni Yosh.  At ngayon ay paalis na silang tatlo papunta ng Japan.

 

....

 

Promoting my next story entitled "That Game Called Love".

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2