Chapter 19

Chapter 19

 

 

 

 

 

Biglang inilayo ni Yosh ang babae na wala atang balak paawat kahit pa may makakita sa kanila.  Nagulat sya kung sino ang nasa labas ng elevator.  Ang ina ng anak nya na masayang  nakikipagharutan pa sa isang singkit na lalaki.

 

Bigla-bigla ay parang nawalan sya ng gana na lumabas kasama ang babaeng 'to.  Nahagip rin ng paningin nya ang pang-babaeng bag na akay-akay ng lalaki.

 

"hah at may padala-dala pang nalalaman, ano to parang sa eskwelahan lang" galit na sabi nito sa isip.

 

 

"Tssssss!  Abala!"  rinig nyang sabi ng babae na katabi nya.

 

Yosh clenched his fist when he saw that man touches Cielo's right hand and put it to his right arm. 

Gustong-gusto na nyang suntukin ang lalaking iyon sa sobrang galit na nararamdaman nya ngayon.  Dito pa sila talaga sa harapan nya naglalandian.  

 

"Jacky, kain muna tayo bago kita ihatid, okay lang ba?"

Mas lalo pang nag-init ng husto ang ulo nya sa narinig.  Jacky?  Wow First name basis na agad sila?  Close na agad?  Damn that man! Gustong-gusto na talagang kumawala ng kamao nya sa sobrang galit na nararamdaman nya.

 

Tumunog ang elevator hudyat na ground floor na.

......

 

 

Lalabas na sana sya ng magulat sya dahil may isang kamay ang biglang humablot sa kanya at ngayon nga ay mabilis sya nitong hinihila.

 

Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kaliwang kamay nya.  Hindi man lang sya nito tinitignan.  Basta tuluy-tuloy lang sila sa paglalakad papunta siguro sa kotse nito.

 

 

.....

 

"Simula sa araw na to, hindi kana makakalabas ng bahay hanggang sa dumating ang araw ng birthday mo!"

 

"Hindi mo pwedeng gawin yan Dad, alam mong pumapasok ako"  pagalit na sagot sa kanya ng dalaga.

 

"hindi ka muna papasok hanggang sa pag-birthday mo dahil sa mismong araw na 'yon ay ang araw kung saan you will be engaged" tumalikod sya at pabagsak nyang isinara ang pinto ng kwarto ko.  Agad ko syang hinabol.

 

"YOU CAN'T DO THIS TO ME DAD!!!!"

 

"YOU CAN'T DO THIS TO ME DAD!!!!"  sigaw nito habang pinipilit buksan ito at hinahampas-hampas pa.  Cielo just closed her eyes as a sign of hopelessness.

 

 

 

Third Person's   POV

 

"Ito yung sinasabi ko sayong bata ka ehh, tingnan mo na, sabi ko sayong habang maaga pa ehh layuan mo na sya"  sabi nito sa anak nya.

 

"Inay, mahal na mahal ko po sya" akma sana syang tatayo pero pinigilan nya ito.

 

"At saan ka pupunta, hindi ka pa magaling."

 

"Nay, kaylangan ko po syang puntahan, baka po ilayo sya sakin ni Don Frederico."

 

"Hindi mo sya kilala.  Hindi mo alam kung ano ang kaya nyang gawin sayo at ayokong may mangyaring masama sa'yo."  Mahabang paliwanag nito sa anak.

 

"Mas kaylangan ko po syang puntahan nay."

 

 

......

 

 

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat.  Especially ni Don Frederico.  Iyon ay ang kaarawan ng unica-ija nya.  Si Cielo.  Ito rin ang araw kung saan ipagkakasundo nya ito sa napangakuan nyang business partner.  Arrange marriage in a very simple word. 

 

Everybody is busy with the preparation of the big event that will happen later tonight.  Kahit ang Don ay sobrang saya din dahil sa wakas ay muling lalakas ang papalubog ng hacienda nila. 

 

Ayaw man nyang nakikita na nahihirapan ang anak, ay ito rin ang alam nyang tamang gawin para na rin maisalba ang pabagsak ng hacienda.  Kahit ba ang kapalit nito ay ibenta ang anak nya sa iba.

Maya-maya pa ay tumunog na ang kanyang telepono at sinagot ito.

 

"Helo kumpadre.  Handang-handa na kami dito."  Tumawa ito ng malakas.  "Oo kayo na lang din ang kulang, excited na rin akong mapagkasundo ang mga anak natin at maikasal sila.".

 

....

 

"Girl, hindi ka ba masaya? Sayang ang ganda mo oohh.  This is your day beauty!"  Hindi magawang ngumiti nito kahit na ano pang sabihin ng stylist nya.  hindi pa nya nakikita kung sino nga ba ang escort nya sa gabing ito, pero isa lang ang alam nya, hindi ito makakabuti sa kanya. 

 

"May I ask you a question?"  tanong nya sa bading nyang stylist.

 

"Anything dear"  sabi nito.

 

"Bakit ang unfair ng mundo?  Bakit may mga bagay na kung saan ka sasaya, yun pa ang pinagkakait sayo?"  malungkot nyang tanong dito.

 

"Ang lalim ahhh, pero syempre, para sa unang tanong mo, unfair ang mundo sa mga taong hindi marunong lumaban ng patas.  At ipinagkakait satin ang mga bagay na kung saan tayo sasaya para malaman natin kung paano iyon ipaglaban, the bottom line is, learn how to fight, how to run the race and win the prize!  Dahil ang mundo, hindi ka pa man pinapanganak ay unfair na"

 

"So kaylangan ko lang palang lumaban?"  pagdidiin nya sa salitang lumaban.  "Paano ako lalaban kung sa simula pa lang talo na ako?"

 

"Bakit?  Nasulat mo na ba ang future mo hah?  Girl, sa labanan, hindi laging mahalaga ang manalo, ang importante ay lumaban ka.  Kung sa tingin mo ay talo ka na talaga bago mo pa simulan ang laban, lumaban ka pa rin ."

 

 "Naku, eto na nga ba ang sinasabi ko ehh, Girl, bawal kang umiyak ngayon, sayang ang kagandahan mo!"  nag-aalalang sabi sa kanya ng stylist nya.

 

Tumayo si Cielo at tinignan ang repleksyon nya sa salamin.

Nakataas ang kanyang buhok na may nakasabit na tiara doon na animo'y isa syang prinsesa sa kaharian.  She's wearing  a tube ball gown dress colored with pinkish-red at may mga nakalinya ditong mga diamond.

 

"Here"  inabot nito sa kanya ang isang napakagandang two-eyes mask, masquerade type ang tema ng kanyang debu sa gabing ito.

 

 

 

...

"Ladies and Gentlemen, from her highness, let us all witness as she say goodbye for being a lady and welcome her woman life,  Lady Jacky Cielo Villazar" malakas at sabay sabay na palakpak ang narinig nya mula sa baba at ito ang naging hudyat nya para sya ay magsimulang lumabas mula sa kanyang kwarto.  Mula sa itaas ay sinimulan nya nang iikot ang kanyang tingin, hoping that she will see the person she loves the most.

 

Pero ano pa nga ba ang aasahan nya, for sure, bantay sarado ang hacienda nila.

Mula dito ay nakangiti syang sinalubong ng kanyang papa.  Ikinawit nya ang kanang kamay dito at inalalayan syang bumaba ng ilang baiting ng kanilang hagdanan.

 

 

Nagulat sya sa lalaking umaakyat at tinatahak ang daan patungo  sa kanya.  His  suits is all white in colored at sumasalubong sa kanya ng nakangiti.

 

 

"Michael?"

 

"And let us all witness as his escort will meet tonight's Princess!"  pagkarinig nya nito ay malakas na palak-pakan ang narinig nya sa buong kabahayan.

 

 

"Ladies and Gentlemen"  sa pasimula ay rinig nyang sabi ng Daddy niya.

 

 

"Aside from the birthday of my daughter, I would like to share this good news to each and every one of you, that my daughter.."  tumingin sya sa dalaga  "is now engage to his boyfriend,   Michael Angelo Suarez"  mas malalakas na palakpakan pa ang narinig ko na pumuno sa kabahayan ng buong hacienda.

 

 

"Alam mo bang lahat ng 'to?"  mahina kong tanong kay Michael.

 

"Sorry Cielo, hindi ko rin mapigilan ang Papa"  tugon nito sakin.

 

"Gusto mo bang sumama sa kin sa ibang lugar?"  inabot ni Michael sakin ang kamay nya.  Nagtataka ko naman syang tinignan pero ngumiti sya at kinindatan nya lang ako.

 

 

Dinala ako ni Michael sa likod ng bahay.  Pero unti-unti ay may nakikita akong isang imahe ng lalaki na nakatalikod samin.  Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kagalakan. 

 

"Xander."  Mahina kong sabi pero sapat na para humarap ito samin.

 

"Enjoy the night my Princess"  rinig kong sabi sakin ni Michael at naglakad na sya palayo sakin.

 

Nanatili lang syang nakatayo at nakatingin sa kin ng may ngiti sa mga labi nito.

 

Unti-unti na rin akong naglakad papalapit sa kanya.

 

"Sasama ka ba sakin?"  sabi nito nang magkaharap na kami.

 

"Please" iyon na lang ang natugon ko at saka nya ako hinalikan ng sobrang lalim.

 

 

Hinawakan ni Xander ang kaliwang kamay nya at ngayon nga ay tinangay na sya nito palayo sa hacienda nila.

 

 

Nakarating sila sa isang lugar na minsan na nilang pinuntahan ni Yosh.  Isa itong maliit na bahay sa gitna ng gubat ng Portaleza. 

 

 

Nang makapasok na sila sa loob ay sinarado ni Yosh ang maliit na bahay at kaagad na niyakap ang dalaga.  

 

 

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasabik na makita ka.  Para akong mababaliw sa isipin na baka ilayo ka sa'kin ng Daddy mo" sabi ng binata sa kanya.

 

 

....itutuloy

 

 

....

Author's corner:

I would like to thank the one who created my cover photo both in "One Poor Prince" and "FBBF"—-RODZIKADOOPZKI

Pa-vote na lang po kung nagustuhan nyo, please po.... heheheh

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2