Chapter 14 OPP
Chapter 14
"Anong
plano mo?" tanong sakin ni Michael. Nandito kami ngayon sa
bahay nila sa Maynila at kasalukuyang nag-uusap patungkol nga sa malaking problema
na kaylangan ko pang masolusyunan.
Jayden
Yosh Montereal, ang panganay na anak ng Montereal, ang Prinsipe, ang
taga-pagmana daw ayon kina Michael.
Nandito
rin ang mag-asawang Jacky at Mj. After three days ng pag-uusap namin,
nakabalik na ulit ako dito sa Pilipinas after five years at kagabi pa kami
nakarating, kung hindi lang talaga ito para sa hacienda namin ay hindi ko ito
gagawin. Kaylangan ko pa itong ipaglaban.
"Pupunta
ako sa MGC Tower na yan!" tinapunan ko ng tingin ang papel na kung
saan nakasulat ang address ng kumpanya na bumili ng hacienda ng mama.
Kay
Daddy naman ay hindi ko na rin alam kung ano nga ba ang nangyari sa
kanya. Nung umalis ako dito limang taon na ang nakakaraan, I was really
broken, na kung saan kahit sya pinilit ko na ring kalimutan bilang ama ko.
"Gusto
mo bang samahan ka namin? – si Claire.
"Yapp,
we're in" - si Jacky.
"Maraming
salamat sa inyo pero kaylangan ko itong harapin na mag-isa." Sabi ko
nang nakangiti. "Si Zian na lang ang isasama ko." nakangiti
kong sabi sa kanila.
"Bakit
isasama mo pa sya e pwede mo naman syang iwan samin doktora" - si
Michael.
"Hahhaha,
kung pwede lang ehh, pero yang si Zian, hindi yan nagpapaiwan kung alam nya na
aalis ako." Sabay tingin sa natutulog na bata.
"May
contact ka na ba sa kanya?" mahinang tanong sakin niMJ.
"Wala
pa MJ, hindi ko na rin kasi alam kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya.
" pinilit kong magpakawala ng isang ngiti pero bakit nga ba kapag sya na
ang pinag-uusapan eh may parte sakin na masakit, na malaking kulang. Alam
kong napakalaki ng kasalanan na nagawa ko. He is broken when I left
him. Pero kaylangan ko iyong gawin para sa kanya. That was my only
option in order to protect himm.
"Since
nandito ka rin lang naman, wala ka bang plano na hanapin man lang ang One Poor
Prince mo? Para na rin kay Zian" - si Jacky
"Sa
totoo lang ay hindi ko rin alam. Natatakot ako na baka may pamilya na si
Xander? Ayoko ring ilagay sa kahihiyan itong si Zian!" -
pagdadahilan ko.
"Asus,
baka masaktan pa ako kamo, yun ata dapat ang sasabihin mo ehh" si
Claire.
"Hayy
naku, tama na nga, saka saglit lang din naman kami dito, hindi kami pwedeng
magtagal dahil nag-aaral si Zian at may trabaho akong naiwan sa
states."
.....
"Mommy,
where are we going?"
"MGC
baby, isang business tower yun na kung saan may kakausapin lang ang Mommy"
"Really?
Mommy, right my daddy is here?" nabigla naman ako sa sumunod na
tanong ng anak ko.
"I
remember you said mommy, that my daddy is in far away place and that place is
called the Philippines."
Grabe,
wala na talaga akong masabi sa talas ng memorya ng anak kong ito. That's
why I should be careful every time na nag-uusap kami dahil meron talaga syang
photographic memory.
"Yes
baby, you're correct, he is here in the Philippines." Pinilit ko na lang
ngumiti para maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon.
"Can
we pay him a visit po?" masayang tanong nya sakin.
"Ahh
I'm afraid we can't do that baby" malungkot kong sabi sa
kanya. Gustuhin ko man, imposible naman talagang mangyari iyon.
Hindi ko nga alam kung saan ko sya makikita.
Bigla
namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng anak ko, mula sa masaya ay napalitan
agad ito ng kalungkutan.
"Baby,
your Daddy is busy earning money for us." Pagsisinungaling ko na
lang sa kanya.
"Ganun
po ba, mommy kamukha ko po ba ang Daddy?" tanong nya pa ulit.
"Sobra
anak, sobra, mas matangkad lang sya sayo" eto, totoo na talagang
tong sinabi ko sa kanya. "But when you grow up, you'll be like
him" sabi ko pa.
"Talaga
po?" natuwa ako dahil muling sumilay sa mukha nito ang natural na
kasiyahan sa mga labi nito at mga mata.
"Mam,
nandito na po tayo." Nakita kong agad na tumingin si Zian sa labas
ng bintana ng taxi at namilog ang bibig nito sa sobrang paghanga.
"Sana
po dyan nagtatrabaho si Daddy." Bumaba na kami ng taxi at tinignan
ko. Grabe lang, sobrang taas at sobrang angat talaga ito kumpara sa mga
katabi nitong building. Totoo bang mga ginto iyan o pintura lang?
Totoo nga talaga ang sinabi sakin ni Michael na hindi basta-basta ang MGC.
Agad kong hinanap ang entrance door ng tower at nakita ko sa itaas nito ang
nakalagay na "MGC Empire"
"Let's
go baby" hinawakan ko na sya sa kanang kamay nya para pumasok na sa
loob.
Binati
kami ng mga gwardya na nagbabantay dito. Ang weird lang dahil yung dalawa
sa kanila ay nagkatinginan pa nung makita si Zian at binaling ulit ang
tingin sa kanya.
Pagpasok
dito ay agad kong tinahak ang daan papunta sa reception area kung saan ay may
dalawang babae at lalaki ang nakaupo dito.
"Good
morning Mam, how may I help you?" bungad na bati sakin nung magandang
babae.
"My
name is Cielo Villazar, I would like to talk to your CEO."
"Ahhhm
do you have your scheduled appointment with him?" tanong nito
sakin.
"Unfotunately
wala po, but this one is very important and urgent, please allow me to talk to
him, mabilis lang" pagmamakaawa ko habang nakatingin sa kanila.
"I'm
sorry Mam, much as I really wanted to help you, we can't do that, the CEO is
very particular with his schedule, baka po matanggal kami sa trabaho"
pagdadahilan nila.
"Ganon
ba" malungkot akong tumalikod sa kanila, paano ko ba sya
makakausap.
"Good
morning Young Master!" rinig kong sabay sabay na bati ng mga tao.
"XANDER??"
malakas na tawag ko sa lalaking kakapasok lang. Agad na tumingin ito
sakin dahil napalakas ang pagsambit ko ng pangalan niya. Nang humarap sya
ay nagkamali ako ng akala, kahawig lang pala nya.
Maglalakad
na sana ako palabas pero bigla nya akong tinawag at lumapit sakin.
"What
did you just called me Miss?" tanong ng lalaki na sobrang kahawig
talaga ni Xander, pero mukhang sobrang bata pa nito. Wait lang, kamukha
talaga nya ehh.
"Xander?
I'm sorry sir, may kahawig ka lang kasi."
"Mommy,
I want to go home na po!" biglang singit ni Zian.
Napatingin
din sya kay Zian.
"Anak
mo?" tanong nito ulit sakin.
"Ahh
yes sir."
"What's
your name Miss?"
"Cielo,
and this is Zian, say hi baby" nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hi
po" magalang na saad ni Zian sabay kampay din ng kamay nito.
"Ohhh"
nakita kong tinitigan nya pa ng maigi ang anak ko. Para bang kinikilala
nya ito.
"You
look like him" narinig kong sabi nya.
Bumakas
sa mukha ko ang pagtataka ng marinig ko itong sinabi nya. Kaya naman ay
agad syang bumawi ng ngiti sakin at muling nagsalita.
"Ahh
ehh wala, may kamukha lang sya, ang tigre kong kuya, hahahhah. Anyways,
what are you doing here Miss Cielo?" tanong nito sakin.
"Cielo
na lang, gusto ko lang sanang kausapin ang CEO ng kumpanyang ito pero hindi
pala talaga pwede" sabi ko sa mababang boses.
"Bakit
naman hindi pwede?"
"Kailangan
daw may appointment ako"
"Ahh
ganon ba? Let's see" tumalikod sya sakin at mula sa bulsa nito
ay kinuha ang cellphone at nilapit ito sa tenga nya.
"Tol,
busy ka ba? O come on, don't be too harsh big brother, can you meet
her for me??" rinig kong sabi nya.
"O
sige, ako na ang bahala sa trabaho mo sa Friday para may mahaba kang weekend,
basta gawin mo lang ang favor ko!"
"What's
the name? her name is Cielo....." humarap sya sakin,
"What's your surname Miss?" grabe ang gwapo nya, sumilay ang
mga dimples nito mula sa makikinis at maputi nyang pisngi.
"Villazar,"
sambit ko.
"Villazar
daw tol! O nawala ka na, papaakyatin ko na hahh!
Goodbye!" sabi nya.
"You
may now go up, 45th floor of this building, south wing."
Agad
naman akong nagkaroon ng pag-asa dahil sa sinabi nya.
"Maraming
salamat talaga....."
"King,
call me King, don't forget that" kinindatan ako nito pagkatapos ay
naglakad na sya paalis.
Comments
Post a Comment