Chapter 3 - OPP
Chapter 3
Cielo's POV
Sinundan ko na yung lalaki na ang pangalan ay MJ binuksan nya ang katabi ng driver's seat "Salamat" nakangiti kong sabi sa kanya at doon ako umupo. Nakita ko naman syang umikot at sumakay na rin sya. Mula sa likuran ay tinignan ko ang Xander na pangalan.
Nakahawak pa rin sya sa kaliwang braso nya, marahil ay pinipigilan nya iyong pagtulo pa lalo ng dugo mula dito.
At nakatingin lang sya sa labas. Grabe, nakakatakot ang awra nya na halata mong hindi siya gagawa ng mabuti, pero ang tangos lang ng ilong nya, ang ayos ng buhok nya na mas nagdagdag ng kagwapuhan nya at ganun din ang pagiging seryoso ng mukha nya.
"AYOKO SA LAHAT ANG MGA BABAE NA TUMITITIG SAKIN!" para naman akong napahiya sa sinabi nyang iyon. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni MJ.
"Pagpasensyahan mo na sya Miss, ganyan lang talaga ang bestfriend ko" hinging paumanhin nya.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong nya sakin.
"Cielo." Maikli kong sabi.
"Beautiful name, nice to meet you Cielo" sabi nito sakin.
"Saan nga pala kita ihahatid nyan Xander! Hindi ka pwedeng makita ng Nanay mo ng ganyan." Rinig kong tanong nya sa gwapo pero seryosong lalaki sa likuran namin.
"Sasama muna ako doon sa bahay nyo." Halata mong walang gana nyang sagot.
"MJ, pwede mo bang ihinto saglit ang sasakyan?" Sabi ko sa kanya. Nagtataka naman syang napatingin sakin.
Pero agad naman nitong inihinto ang sasakyan nya.
"Why? Is there's something wrong?" pagtataka nito.
"Wala naman" agad akong lumabas ng sasakyan nya at umikot patalikod. Binuksan ko ang pinto ng kotse sa likuran at pumasok ako. Nanlalaki naman ang mga mata ni Xander na tinignan ako pagkatapos ay kinuha ko ang braso nya na may dugo.
"ANONG GINAGAWA MO?" mataas ang tonong tanong nya sakin.
"Don't worry, medicine student ako. I know what I am doing" sabi ko sa kanya. Inabot ko ang bag ko sa unahan at kinuha ko sa loob nito ng maleta ang first aid kit ko.
"Pwede ba, kaya ko naman ang sarili ko! Wag mo na akong hawakan!"
Pagkatapos non ay tumalikod sya sakin. Binaling nya naman ang paningin nya sa labas ulit.
Pero syempre hindi pa rin ako nagpatalo.
"Pwede ba, wag nang matigas ang ulo mo! Ikaw na nga itong gaga—
"Oopps, andito na tayo, bumaba muna kayo dyan" pagpuputol sakin ni MJ. Tiningnan ko naman ang hinintuang bahay. Wow lang dahil ang ganda ng pagkakagawa nito. may sa pagka-classical house sya pero halata dito ang pagiging moderno dahil na rin sa mga nag-gagandahang mga nakapaligid dito.
Nakita kong agad na lumabas si Xander. Pinagbuksan naman ako ni MJ ng pinto at lumabas na rin ako dito. Nauna na yung lalaki na pumasok sa mansion habang hawak-hawak pa rin ang sugat sa braso.
"Kumain ka muna dito bago kita ihatid sa pupuntahan mo" si MJ.
"Sige MJ, salamat" magkasabay na kaming pumasok sa bahay nila.
"Saan nga pala pumunta yung kaibigan mong mainitin ang ulo?" tanong ko dito.
"Ahh, si Xander ba, baka nasa guest room lang sya, punta muna ako ng kusina, akyat ka nalang don kung gusto mo syang gamutin" sabi nito at saka nagtuloy nang maglakad.
Nakita ko pa syang tumingin ulit sakin at nagsalita.
"Ganun talaga yun, masyadong hard sa mga babae." Sabi nito sabay kindat pa.
Dinala ko lang ang first aid kit ko at umakyat na ako sa guest room na sinasabi ni MJ. Pagka-akyat ko sa ikalawang palapag ay may nakita akong kwarto na nakabukas.
"Baka dito yung sinasabi nya" sabi ko sa sarili. Agad ko iyong tinungo at dahan-dahang binuksan. Pumasok ako sa kwarto pero wala naman akong Xander na nakita.
"HANGGANG DITO BA NAMAN SUSUNDAN MO PA RIN AKO?! ANONG KAYLANGAN MO?" sigaw nya mula sa likuran ko. Pagharap ko ay isang walang suot na pang-itaas na Xander ang nakita ko. As in ang ganda ng pagkakahubog ng katawan nya especially his chest, his arms. his abs. Parang lahat ata.
"SAGOT!" muling sigaw nito na dahilan upang mabalik ako sa tamang wisyo. Seriously, wala bang ibang alam itong lalaking 'to kundi ang sumigaw at manakot.
Pero hindi ako nagpatalo sa takot ko sa kanya. May sugat sya at dahil sakin kaya sya nito nagkaroon. Kahit man lang dito ay matutulungan ko sya.
Lumapit ako sa kanya hawak hawak ang first aid kit ko na nakalagay sa isang kahon.
"Wag kang mag-alala, lilinisan ko lang ang sugat mo at pagkatapos nito ay aalis na ako."
Sabi ko sa kanya.
"Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo hah!" pabulyaw na sabi nito sakin.
"ALAM MO IKAW, KALALAKI MONG TAO, KUNG MAKASIGAW KA SA BABAE AKALA MO BABAE KA RIN, SABIHIN MO NGA BAKLA KA BA?" my god! He's pushing me to my limit pero mukhang nagkamali ata ako ng sinabi. At kitang-kita ko sa mga mata nya ang sobrang galit dahil dito.
"Ikaw naman hindi ka na mabiro, pero alam mo, gwapo ka sana." pambawing sabi ko sa kanya. Ano ba yan Cielo, wag ganyan, kagagaling mo lang sa sakit tapos ngayon ehh hindi ka pa nadadala. Sabi ng utak ko.
Unti-unti syang lumapit sakin. At ako naman ay umaatras na. Pero patuloy pa rin sya sa paglapit habang nakatitig sakin ng masama. Patuloy din ako sa pag-atras hanggang sa masandalan ko na ang pinaka-dingding ng kwarto. At ngayon nga ay na-corner na nya ako.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang malakas ang kaba sa dibdib ko.
"Sa susunod na sabihin mo pang bakla ako, I'll make sex with you, right here! Right now!" matigas na bulong nya sakin. Ramdam na ramdam ko naman ang tigas ng mga dibdib nya na dumikit sakin at agad akong nakaramdam ng kuryente sa pagitan ng mga katawan namin.
"Tigilan mo yan" sigaw ko pa dahil humiwalay sya sakin at nagtatanggal na sya ng sinturon ng pantalon.
Pero nanatili lang syang nakatitig sakin habang ginagawa iyon. Tinanggal na nya ang pantalon at halos boxer nalang nya na sobrang sikip at banat na banat sa pangibaba ang natira.
"Will you stop what you are doing!" sabi ko sa kanya habang tinatakpan ko ng aking kamay ang aking mga mata.
Naramdaman ko nalang ang pag-hawak nya sakin at hinila nya ako paupo sa kama.
"WAG! KAYLANGAN MO MUNA AKONG PAKASALAN PLEASE!" sigaw ko sa kanya.
"Mangarap ka Miss Gamot!" narinig kong sabi nya. At bigla naman akong nagising at pinagsisihan ang sinabi kong iyon.
"Eh ano pala ang gagawin mo sakin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa seryoso at sobrang perpekto nyang mukha. Mukha talaga syang isang prinsipe. Ano kaya ang trabaho ng mga magulang nito, siguro hindi ito masyadong pinakikilos sa kanila kaya ganito nalang ang ugali nito sobrang seryoso sa buhay.
"Gamutin mo na ko para makaalis kana sa paningin ko!" sabi nya habang kinakalikot nya ang libro na hawak nya.
"okay!" sabi ko sa kanya.
Pero naiilang pa rin talaga ako sa ayos namin ngayon, sya na naka-boxer lang at sobrang lantad na lantad ang ka-sexyhan nitong lalaking ito. Plus pa na maliwanag sa loob ng kwarto
"O ano na gamot! Akala ko ba gagamutin mo ko, bat hindi ka makapagsimula dyan hah?" biglang sabi nito sakin.
Pagkatapos ng 123456789000000 years eh natapos ko na rin syang gamutin. Nalinisan at nalagyan ko na rin ng benda ang braso nya. Tumayo na sya at nagtuloy papasok sa ng C.R.
Inayos ko naman ang mga gamit ko at lumabas na ako ng kwarto. At bumaba na.
Naabutan ko namang papaakyat na rin si MJ.
"MJ I have to go. Thanks for saving me and for the ride." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Hindi kaba kakain muna? Dinner is already prepared in dining area. Eat with us and we'll take you home." He said.
"Nah, maybe next time, my Dad just texted me a while ago waiting for me."
"Okay then, I'll take you home" akma na sana syang tatalikod pero pinigilan ko rin sya.
I told him na ilang lakad nalang naman at may susundo na rin sakin. Ayoko na rin naman kasi silang gambalain pa. Sobra-sobra na ang perwisyo na ibinigay ko sa kanila at tulong na natanggap ko. Sa huli ay hindi na rin naman sya nagpumilit pang ihatid ako kaya ayun.
Naglalakad na ako ngayon hila-hila ang bagahe ko. Malapit na ako sa gate ng hacienda. Maya-maya pa ay may naramdaman akong yabag ng mga paa na parang sumusunod sakin. Muli na naman akong kinabahan.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad pero bumibilis lang din ang sumusunod sakin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang huminto at nilingon ko ang nasa likuran ko.
At nakita ko si Xander na nakatingin lang sakin.
"Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya.
"Wag ka nang maraming tanong pa!" iyon lang naman ang sagot nya at nilagpasan na nya ako.
Tignan mo itong lalaking to. Tinatanong tapos hindi naman ako sinagot.
Dahil nga sa nauuna na sya, hila-hila ko ang bagahe na tumakbo palapit sa kanya.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Wala ka na don" sabi nya habang naka-focus lang ang mga mata nya sa daanan.
"Ihahatid mo ba ako?" nakangiti kong tanong sa kanya. Pero wala naman akong sagot na nakuha galing sa kanya.
"Sabihin mo nga, ganyan ka ba talaga?" bigla naman syang huminto at tinitigan ako.
Napabaling naman ang tingin nya sa dala-dala kong maleta. Lumapit sya sakin at kinuha ito.
"hindi kita ihahatid, mangarap ka!" sabi niya. Ang harsh lang! Pero kinilig naman ako sa ginawa nyang pagkuha ng maleta ko. At nagpatuloy na sya sa paglalakad.
Walang imikan lang kaming naglalakad habang tinatahak ang daan pauwi ng hacienda. Nakakapagtaka lang dahil parang alam nya rin ang lugar na pupuntahan ko.
Makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw ko na ang gate namin. Nakita ko namang pumasok lang dito si Xander at may kinausap na isang security guard. Nagtuluy-tuloy lang din ako ng lakad.
Wala pa rin talagang pinagbago ang lugar na ito. Mula sa malayo ay may nakita na akong nakatayo na lalaki at alam ko na kung sino ito. Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya.
"Kamusta ang byahe mo anak?" tanong ng Papa sakin.
"Ayos naman po" sagot ko sa kanya.
"At kasama mo pa pala itong si Xander" baling nya kay Mr. Sungit. Tinignan ko naman sya at may dalawang matanda na syang kasama.
Napag-alaman ko nalang na ito pala ang mga magulang ni Xander at nagtatrabaho sila dito sa hacienda.
itutuloy
Comments
Post a Comment