Chapter 35 FBBF

 

Chapter 35  FBBF

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

"Halika ditong mangaagaw ka!" rinig kong sabi ni Elaine at hila-hila nya akong dinadala sa isang lugar.  Hindi na ako makapanlaban pa dahil agad akong nakaramdam ng takot, hindi sa kanya kundi sa maaring mangyari sa baby ko.

Pilit ko nang hinihigit ang isang kamay ko sa kanya pero sadya atang malakas din 'tong babaeng to.  Kinakabahan na ako sa mga maaring mangyari.

"What's going on here?"  rinig kong tanong ng isang malaking boses

"Renz!"  agad kong sigaw sa pangalan nya.

Nakita ko naman syang lumapit samin.

At hinila nya ako at tinago sa likuran nya.

"Wag kang makikialam dito!"  pagalit na sigaw ni Elaine.

"You're insane!  Wag na wag mo na uli lalapitan si Yoshabel or else hindi mo magugustuhan ang maari kong gawin sayo!"  iyon lang ang narinig kong sinabi nya at agad nya na akong hinila palayo sa lugar ni Elaine.

"Ano ba naman kasi ang ginagawa mo dun?  At nasan ang boyfriend CEO mo hah?"  pagalit nyang tanong sakin habang hila-hila nya ako.

"Nag-CR lang naman ako ng makasalubong ko sya!"  sagot ko dito.

"Sinaktan ka ba nya?"  - Renz

"Okay lang ako, mabuti nalang at dumating ka!  Salamat Renz."  - ako

"Nah, it's okay!  Oh pano hindi na kita mahahatid sa table, baka mamaya biglang magwala pa ang Big Boss natin pag nakita tayong magkasama!"  Renz said at naglakad na nga sya paalis.

Kinawayan ko na sya bilang pagpapaalam at dumiretso na ako sa table namin.

Nakarating na ako sa table namin ngunit wala parin doon si Jayden.   Si Sebastian naman ay may kausap sa cellphone.

Umupo na ako sa upuan ko at uminom ng kaunting tubig.  Maya-maya pa ay nakarinig ako ng putok ng baril at nasundan pa ito ng isa hanggang sa nagsunod-sunod na ito.  Agad akong kinabahan sa nangyayari.  Nakita kong tumayo si Sebastian at lumapit sakin.

"Mam, we need to leave the place as soon as possible."  Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Wait!  What's happening here?  Where's Jayden?"  tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam, but my priority right now Mam is you, we have to leave." -  Sebastian

"NO!  HINDI AKO AALIS DITO HANGGAT WALA SYA!"  tumayo ako at tumakbo papunta sa lugar kung saan lumabas kanina si Jayden.

Hindi ko alam kung ano ang mga nangyayari pero kaylangan ko syang makita.

Napahinto ako sa pagtakbo ng may makasalubong akong lalaki na may takip ang mukha.  Nakamaskara sya ng puti.  Natuon naman ang paningin ko sa baril na hawak nito.

Itinaas nya iyon at itinutok sakin.  Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit nalang ako at marinig ang putok ng baril.

Patay na ba ako.  I opened my eyes and saw him lying on the floor with blood.  Tumingin ako sa likod and I saw Sebastian holding a gun.  So sa kanya nga nanggaling iyon.

Lumapit sya sakin at hinila na ang kamay  ko.

"Sebastian, we need to find Jayden!"  naiiyak kong sabi.

"I'll do that Mam!  Kapag alam kong nasa ligtas na lugar kana.  That's the protocol of Sir!"  sabi nito.

Nagkakagulo na ang mga tao sa loob.  Kanya-kanya na ng mga takbo.  Ano ba ang nangyayari dito.

Jayden nasan ka na ba.  Tumatakbo-takbo pa rin kami ni Sebastian masyadong malaki ang hotel na 'to.  Maya-maya pa, nahagip ng paningin ko si Jayden na tumatakbo malapit sa entrance ng hotel.  Agad akong bumitaw sa pagkakahawak kay Sebastian at pumunta sa lugar kung saan ko sya nakita.

"Mam Yosh!"  rinig kong sigaw ni Sebastian pero nagtuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.

Nasaan na ba sya, nandito lang iyon kanina ahh!  Natakot ako dahil may mga naririnig ulit akong mga putok ng baril sa labas. 

Ano ba talaga ang nangyayari dito.

"Sumama ka nalang sakin kung ayaw mong masaktan"

Bigla akong kinabahan sa narinig ko at naramdaman ko ang pagdiin ng ulo ng baril  sa likuran ko.

"Anong kaylangan mo?  Bakit ako?  Anong gagawin mo sakin?"  tanong ko sa kabila ng matinding kaba na nararamdaman ko.

"Wag ka nang marami pang tanong"  rinig kong sabi nya.   "Maglakad ka nalang." He added.

Kaylangan kong makagawa ng paraan para matakasan sya.  Jayden nasaan kana ba.

Palabas na kami ng entrance ng hotel ng mamataan ko ang may kalakihan na flower base.  Agad akong nakaisip ng paraan.  Maya-maya pa, palagpas  na kami doon ay bigla kong kinuha ito at hinampas sa ulo ng lalaki na naka mascara.  

Tumatakbo na ako ng tumatakbo para lang makalayo doon pero bigla akong napahinto nung biglang may humawak sa kamay ko. 

"Bitiwan mo ak--- Jayden?"  ---  agad akong niyakap nito ng mahigpit.  Ganun din ang ginawa ko sa kanya. 

"Walang hiya ka!  Bakit mo 'ko basta-basta iniwan—sunod-sunod na hampas ko sa dibdib nya..

"Husshh honey!  I'm already here!"  sabi nito sabay yakap nya sakin ulit.

"Pinahirapan mo raw si Sebastian, ang tigas ng ulo mo"  sabi nito.

"Ehh gusto lang naman kitang hanapin"  I said while pouting my lips.

"Pssshhh papacute pa!  hindi ito ang tamang oras, we need to get out of here!"  sabi nya at sabay hawak sa kamay ko then we run again.

"Ano bang nangyayari dito?  Diba sa inyo naman itong hotel?"  tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami.

"Mamaya ko nalang ipapaliwanag,  ang importante, kaylangan muna kitang maialis dito."  Sya.

Nasa elevator na kami at pababa na kami papuntang parking lot.

Lumabas na kami doon ng biglang may nagpaputok sa amin.

Agad akong itinago ni Jayden sa likod nya.

"Sh*t"  rinig kong sabi nito.

Nakatago kami ngayon sa likod ng malaking pader. At tumingin ako kay Jayden.  

"Oh my! May dugo ka!" sabi ko sa kanya.

May dugo sya.  Hinanap ko kung saan ito nanggaling.

"Stay still baby!  Parating na sila!  Pagbilang ko ng tatlo tumakbo ka kagad pabalik ng elevator, nakuha mo ba?" si Jayden

"No! Hindi pwede, kaylangan kasama kita!"

"Babe, listen, pag nakapasok kana don, I'll make sure na susunod ako sayo don!  Got it?  Please you need to hide for the sake of our baby, is that understood?"  sabi nya sabay yakap sakin pagkatapos ay sunud-sunod na tunog ng baril ang narinig ko dahilan upang mapayakap ako sa kanya ng sobrang higpit.

"Jayden!  Natatakot ako!  Please, samahan mo na ako!  I'm afraid!  Please, please"  pakiusap ko sa kanya habang umiiyak na ako sa mga dibdib nya.

"Hey hey, hush hush, stop crying honey!  Remember, our children, kaylangan pa nila tayo that's why we need to fight for them okay?"  paliwanag nya sakin sabay may kinuha sya sa likod nya.

"Here!  Just in case, I want you to use that to defend yourself okay?"  sabi nya sakin sabay abot ng isa pang baril.

"I love you, Yosh, mahal na mahal kita!"  He said, "Take care of yourself and our baby, okay?" he added.

Bigla uling may bumaril sa lugar namin

"Mahal na mahal din kita!  Please! Kaylangan mo kong sundan sa loob!"  sabi ko sa kanya.

"Of course I will do that!  Ready ka na ba?"

"One... two... THREE"

Sabay labas ni Jayden sa tinataguan at hinarap ang mga lalaking nakamaskara.  Kasabay niyon ang pagtakbo ko naman papunta sa elevator.  Sunod sunod na putok ng baril ang mga narinig ko habang tinatahak ko ang daan patungo dito.

"Please guide him and protect him, Lord!"  dasal ko habang papasok ng elevator.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2