Chapter 22 OPP
Chapter 22 - Kasal
"HINDI
KA PWEDENG UMALIS!" mula sa pinto ng kusina ay narinig nya
ang boses na 'yon.
"DADDY!"
malakas na sigaw ni Zian.
Tumakbo
ang bata palapit sa kanya. Habang si Yosh naman ay matamang nakatitig
lang sa kanya.
Kinarga
nito ang bata pagkatapos ay ibinalik sa dating pwesto si Zian.
Sya
na ang unang nag-iwas ng tingin dito.
"Zian,
bigyan mo na lang ng pagkain ang Daddy okay? Mommy will go upstairs to
prepare"
"Okay
Mommy, don't forget your baon po." Si Zian.
.......
Napabangon
sina Xander at Cielo sa malakas na pagkalabog at sabay na pagbukas ng
pinto. Kasunod nito ay ang sunud-sunod na pagpasok ng mga kalalakihan.
"Anong
ibig sabihin nito, sino kayo?" malakas na tanong ni Cielo.
Agad na inagapan ni Xander si Cielo at itinago ito sa kanyang likuran.
"SIGE!
KUNIN NYO ANG ANAK KO! AT TURUAN NYO NG LEKSYON ANG LALAKING YAN!"
malakas na utos ng Don.
Sabay-sabay
na nilapitan ng mga lalaki si Xander at pinag-bubugbog sa katawan. Hindi
pa sila nakuntento ay kaliwa't kanan din na sipa ang binigay nila dito.
Halos
magmakaawa na ang dalaga sa ama nya pero sukdulan ang galit nito dito dahilan
para hindi sya pakinggan. Masama syang tinitigan nito at sabay talikod sa
kanya.
Lumapit
sa Don ang pinaka-pinuno ng grupo at may binulong dito.
"Sunugin
nyo na ang lahat!! Ayokong may matitira kayo sa mga gamit nila!
Pagkatapos ay dalhin nyo na yan sa presinto! At gusto kong mamatay sya don
sa sobrang sakit na ipaparanas nyo sa kanya!"
Halos
mabingi naman si Cielo sa mga narinig nya mula sa kanyang ama! Hindi sya
makapaniwala na kaya itong gawin nito.
Kinagabihan
ay napagpasyahan na ng dalaga na kausapin ang ama. Lumabas sya sa kwarto at
naglakad papunta sa silid nito.
Nang
buksan nya ito ay doon nakita nya itong may sigarilyo sa bibig habang nakaupo.
Walang
sabi-sabi syang lumapit dito pagkatapos ay lumuhod kasabay ng mga sunud-sunod
na pagpatak ng mga luha.
"Dad,
gagawin ko na po ang gusto nyo! Papakasalan ko na si Michael!
Isasalba ko ang hacienda! At sasama ako sa kanya, kahit ihinto ko pa ang
pag-aaral ko basta.......
Basta
pakawalan nyo lang sya!"
....
Naglalakad
na paalis ng eskwelahan si Cielo. Katatapos nya lang gawin at icomply ang
lahat ng requirements na kaylangan nyang tapusin bago sya huminto at lumipad ng
ibang bansa.
Sa
paglalakad ay biglang may humigit sa kanya. Nagulat sya sa taong may gawa
niyon. Biglang bumilis ulit ang tibok ng puso nya nang magtama ng mga
mata nila. Nahabag sya sa itsura nito ngayon dahil may mga galos at pasa
pa ito sa katawan,ganund din sa parteng mukha nito.
"Xander?
Anong ginagawa mo?"
"Wala
na sila nanay at tatay." Lungkot ang biglang namutawi sa
itsura nito. "namatay sila sa sunog na gawa ng Papa mo!"
dagdag pa nito. pagkatapos nito ay nagulat sya at napapikit nang biglang
sumuntok ito. Akala nya ay sya ang matatamaan pero dumaplis ito sa halip
ay sa pader ito tumama.
Hindi
nya alam kung ano ang dapat nyang gawin. Gustong-gusto nyang pagaanin ang
nararamdaman nitong kabigatan pero hindi na pwede. She wanted to comfort
him, to take care of him, but this time, kailangan nyang kontrolin ang sarili
nya.
Xander
reached her face. Ikinulong ang mukha nya gamit ang mga kamay
nito. Pagkatapos ay inilapit sa mukha nya. kitang-kita nya
ang dugo na tumutulo mula sa mga kamao nya.
"Sumama
ka na sakin ngayong gabi, itatakas kita! Magpapakalayo-layo na tayo,
malayo sa Don, malayo sa Daddy mo." bulong sa kanya ni Xander.
Agad
syang pumalag at umiwas dito.
"Hindi
pwede ! Ikakasal na 'ko!" kasabay ng pagtalikod nya.
"Pero
ako ang mahal mo!"
"Nagkakamali
ka! Mahal ko pa sya! Mahal na mahal ko pa sya!"
"NAGSISINUNGALING
KA!"
malakas na sigaw ni Xander. "Alam kong sinasabi mo lang yan dahil sa
takot! Takot kang baka patayin na ako ng Don!" "Pero mas
mamatay ako kung mawawala ka!" pagkatapos nito ay niyakap sya mula
sa likuran.
"Sumama
ka na sakin! Please!" Xander
Bigla
nya itong tinulak.
"BAKIT
MAY PERA KA BA HA? MAPAPAKAIN MO BA AKO? MAYAMAN KA BA?
TINGNAN MO NGA ANG SARILI MO! PAARALIN KA LANG! ANAK KA NG MGA
KATULONG NAMIN!" habang sinasabi nya iyon ay ang
unti-unting pagkamatay ng kanyang puso. Pagkamatay dahil sa nakikita nya
ngayon kay Xander. Patawarin mo 'ko, pero kaylangan ko 'tong
gawin" sabi nya sa sarili.
"ALAM
MO TAMA ANG DADDY! WALA KANG MABIBIGAY SAKIN KUNDI YANG PURO LINTIK
NA PAGMAMAHAL NA YAN! Nakita nya namang para itong na-estatwa sa harapan nya
dahil sa mga pinagsasabi nito.
"AT
ANO ANG GAGAWIN MO? ITATAKAS MO KO? PANG HABANG BUHAY TAYONG
MAGTATAGO? MAHIRAP KA NA NGA, DUWAG KA PA!"
Nilapitan
pa nya ito. "Namulat na ako Xander! Hindi mo kaya ang
Daddy, wala kang mabibigay sakin! Wala!" sa huling
salita na 'yon hindi makapagsalita ang binata. Sobrang sakit!
Sobrang galit ang nararamdaman nya sa mga oras na to. Madami na ang mga
nawala sa kanya. At ngayon nga ay nakikita nyang unti-unting umaalis ang
buhay nya.
......
"Sumabay
ka na sakin!" mula sa pinto ay nakita nya si Yosh na pumasok ng
kwarto. Biglang kumalabog ang puso nya sa hindi malamang dahilan.
Siguro na rin sa nangyari sa kanila kagabi.
"Thanks
but no thanks Sir! Okay lang ako" tugon nya dito pagkatapos ay
naglakad sya papunta ng cabinet. Nararamdaman nya naman ang pagsunod ng
mga tingin ni Yosh.
"I
don't need that thanks but no thanks na yan, look at
you, it's obvious, you're still sore down there!"
Bigla
syang namula sa sinabi nito. Ganon ba sya kahalata. Hindi nya alam
kung ano nga ba ang dapat nyang isagot dito.
"Or
much better, kung wag ka na lang munang pumasok!"
"HINDI
PWEDE!"
mabilis na tugon nya. Ano yun, kabago-bago ko pa lang tapos
aakusahan ka na nilang pala-absent agad. O ano na lang ang mga iisipin
nila. "Papasok po ako Sir sa ayaw at sa gusto nyo"
"Bakit
hindi pwede? Makikipaglandian ka lang naman doon sa lalaking hindi na makakita
dahil sa sobrang pikit ang mata"
"Jared
po sir ang pangalan nya!"
"Whatever!"
sabay pinagtiklop ang dalawang kamay nito sa dibdib at irap.
Hindi
nya ito pinansin bagkus ay pinagpatuloy nya lang ang ginagawa.
"WAG
KA NA SABING PUMASOK EH!" this time ay pinipigilan na talaga sya
nito. bigla naman syang natawa sa inaakto nito. Hindi ba alam ng
lalaking to na para na syang bata sa ginagawa nya. Na nagseselos na sya.
"Sir!
Wag ka sanang magpahalata na nagseselos ka!" nagpakawala sya ng ngisi dito
pagkatapos ay tumalikod.
Naiwan
namang nakanganga este tulala si Yosh sa huling sinabi ni Cielo. After
then ay nakabawi na rin sya. Agad syang lumapit sa pinto ng CR na
nakasara pagkatapos ay sumigaw.
"PUMASOK
KA KUNG GUSTO MO!" sabay sipa dito! "KUNG
GUSTO MO AY MAG OVER-TIME KA PA O DUN KA NA MATULOG! PERO PARA SABIHIN KO
SAYO MISS! HINDI AKO NAGSESELOS" dagdag pa nito sabay sipa
ulit dito at walk-out palabas ng kwarto nila.
Natawa
naman ang dalaga sa mga narinig nya mula dito. Ito ang na-miss nya
dito. Ang mga pagseselos nito. Yun bang huling-huli na nga ehh
magsisinungaling pa. Nakaramdam sya ng kasiyahan dahil alam nya sa sarili
nya na unti-unti nang bumabalik ang Xander na kilala nya. Hindi man ito
alam ng binata, pero sya, nakikita nya na. At isa iyon sa mga gagawin
nya. Gusto nyang maibalik ang dating Xander at bubuuin na ulit nila ang
pamilya nila.
.......
Nasa
labas ngayon si Yosh at nakaupo lang sa lamesa nila kung saan malapit sa
swimming pool. Nandoon din si Zian at busy naman habang lumalangoy.
Pinapanood nya rin ito at binabantayan.
Hindi
na rin sya talaga pumasok dahil nga sa nawalan na sya ng gana. Hindi nya
rin alam kung bakit.
"Mukhang
malalim ang iniisip mo ahh!" sabi ng isang boses mula sa likuran
nya. Tumayo sya para yakapin at halikan ang babae sa buhay nya.
"Hindi
naman Mama, kukuhain nyo po ba ulit si Zian?" nakangiti nyang
tanong.
"Sana,
pero nandito ka naman kaya hindi na lang! At bakit ka naman nagmumukmok
dyan?" - Yoshabel
"Hindi
ako nagmumukmok, pang batang Gawain lang 'yon" sagot nya dito.
"Bat
nandito ka at ang asawa mo ay nandon sa MGC?"
"Wala
po akong asawa Mama!" natatawa nyang sabi.
"MAMSI!"
malakas na sigaw ni Zian habang kumakaway.
"ang
bibo ng anak mo talaga ahh!"
"Kanino
pa ba magmamana!" — Yosh
"Kaylan
ang kasal?" - Yoshabel.
Bigla
naman syang napatingin sa tanong nito.
"Wala
pong ikakasal Ma"
"So
okay lang sayo kahit mapunta sya kay Jared?"
"WHAAT?!" napatayo na
si Yosh sa biglang sinabi nito.
"Tinawagan
ng kumpanya nila si Papa mo, at gusto nilang kunin si Cielo para sa kanila na
lang magtrabaho." paliwanag nito.
"That's
insane! And why would they do that?" napaupo ulit ito.
"Nalaman
nila na may gusto si Jared kay Cielo, at naniniwala sila na si Cielo lang ang
tanging paraan para bumalik ang nagiisang tagapagmana ng mga Villa Franco"
"Tssssssk!" agad na
tumayo si Yosh sa kinauupuan at naglakad paalis.
"And
where are you going?" sigaw ni Yoshabel dito.
"Tumawag
ang P.A. ko kanina, kaylangan ako sa office! Son, let's go, you will go
with Daddy in the office!" sabi nya pagkatapos ay kinuha ang
bata sa swimming pool.
Natawa
na lang si Yoshabel sa inasal ng anak. Alam nya talaga kung ano ang
kahinaan nito. Hindi man nito aminin, pero naniniwala ito na hanggang
ngayon ay mahal nya pa rin ang ina ng anak nila.
Comments
Post a Comment