Chapter 49 FBBF

 

Chapter 49 FBBF  

 

 

Jayden's  POV

 

Flashback

 

"Kahit nung wala pa man si Yoshabel, wala talaga akong planong magpakasal.  Kaya pwede ba, tigilan mo na ako at ang pamilya ko.  Nagsasayang ka lang ng oras."  Matigas na sabi ko kay Hanah.

 

"Pero di ba sinabi mo sa ospital na papakasalan mo ako?"  desperation can be seen to her face.

 

"Sinabi ko lang yun dahil akala ko iyon lang ang tanging paraan para mabayaran kita sa pananakit ko sayo!"

 

"Jayden please,"  lumuhod sya sa harapan ko.  "Ako na lang, marry me, please, the first time I saw you, I have loved you!"  sabi nito sakin.

 

Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat.

"Hindi pag-mamahal yan Hanah, it's a LUST!" bulong ko sa kanya.   Nabigla nalang ako sa ginawa nya.  Hinahalikan nya na ako ngayon.  Naging malikot ang labi nya at ganun din ang kanyang dila pero hindi koi to tinutugon.  Maya-maya lang ay naramdaman ko ng isinabit nya sa batok ko ang kanyang dalawang kamay. Hihiwalay ko n asana ito ng may marinig akong sigaw galing sa pinto.

 

"Dadddyy!"agad naman akong tumingin dito.

 

 

Naputol ang pag-iisip ko ng may biglang pumasok sa ospital.  Hanggang ngayon kasi ay nandito pa kami dahil nga itong si Yoshabel ay hindi pa rin nagigising hanggang ngayon, at 11:30 na ng gabi. 

Niluwa non si Alex at Zach.

"Kamusta na sya" tanong ni Alex.

"Ayun hindi pa rin nagigising"  sabi ko sabay tingin kay Yoshabel na mahimbing na natutulog sa kama.  At binalik ko ang tingin sa kanila.  " Mabuti na rin yan para naman makapagpahinga sya."  Dagdag ko pa.

"Ano ba na naman kasi ang ginawa mo?"  muling tanong nito sakin.

"misunderstanding lang"  sabi ko sa kanya.

"We saw him, Daddy is kissing a girl"  tinignan ko ng masama si King.

"King, hindi ka dapat sumasali sa usapan ng matatanda"  sabi ko sa kanya.

"Aray!"  batok sakin ni Alex.

"Eh ikaw naman pala ang dahilan kung bakit sya nagkaganyan."  Si Alex.

"Wag nyo pong saktan ang Daddy!"  at lumapit ito sakin.  Kinulong nito ang sarili sa akin.  At nagtataka naman syang tinignan ni Alex.

"Gwapo lang talaga ang Daddy kaya marami naghahabol sa kanya, diba Dad?"  gusto ko namang matawa sa sinabi ni King.  Napakabata pa talaga ng isip nito pero masyado lang kasing maingay.

"Pero alam ko na mahal na mahal nya ang Mommy."  Dagdag pa nito.

 "Hay naku, ikaw hah, pati anak mo hahawaan mo pa ng mga pinag-gagagawa mo sa buhay."  Si Alex.

"Mahal, ayos lang yan, ganun talaga pag mga macho gwapito,"  nakisingit na si Zach.  "Isa ka pa"  batok nya rin dito.  Bigla syang tumingin sakin at itinuon ang paningin sa natutulog na si Yoshabel.

"O ano ba nangyari dyan?"  - Alex

"Hinimatay habang nagbabato ng mga gamit"  pairap kong sabi sa kanya.

"What?  Don't tell me?"  bakas sa mukha nito ang pagkabigla.

"Yes, you're right!"  sabi ko sa kanya.  "She's three weeks pregnant" 

"Ayos ka talaga Pare!  Sharp shooter ka talaga!"  si Zach.

"Syempre!"  sabi ko habang nakangiti.  Umapir pa kaming dalawa nyan.

"Daddy, gusto ko rin po maging sharp shooter, turuan mo po ako!"  si King.

"Anak,hindi pa pwede, diba sabi  ko naman sayo na kaylangan mo pang lagpasan ang Daddy!"  pabiro ko namang sabi sa kanya.

"Ehh Daddy, sobrang tagal pa non ehhh!"  nagmamaktol nyang sabi.

"Wag ka nang makulit"  saway ko sa kanya.

"Daddy!"  nagulat naman ako sa biglang sigaw ni King.  Nang tinignan ko kung saan sya nakaturo ay agad ko itong nilapitan.

"Nasan ako? Anong nangyari?"  sabi nito habang nakatingin sakin.  Agad ko naman syang niyakap.

"Ano ba.  Bitawan mo nga ako!  Galit pa ako sayo"  sabi nito sakin.

"Mommy ko!"  biglang labas ni King mula sa likuran ko.

Agad naman itong niyakap ni Yoshabel. 

"Na-miss po kita, akala ko po kung anong nangyari sayo, yun pala sharp shooter lang ang Daddy!"  bigla naman akong natawa sa sinabing iyon ni King.  Totoo talagang napaka-isip bata pa nito at wala pang muwang.  Agad naman akong binigyan ni Yoshabel ng nakakatakot na tingin. 

Sumenyas lang ako sa kanya ng "hindi ko alam sinasabi nito"

 

"Mommy, you're pregnant daw po.  Ano ibig sabihin nung sa sharp shooter?"  paulit-ulit na tanong ni King.

"King pumunta ka na don kila Tita Monika para tawagin ang ate at kuya mo, tell them that Mommy's already awake"  sabi ko dito para tumigil muna sa kakatanong.

"Sige, dad"  sabi nito sakin at humarap sa Mommy nya.  "I'll be right back Mommy!"  ngumiti ito pagkatapos ay bumaba na sa kama.

"Totoo ba ang sinabi ng anak mo?"  tanong nito sakin.

"Yes hon, you're three weeks pregnant"  sabi ko sa kanya habang palapit ako pero bigla syang umusog palayo.

"Hon, sabi ko naman sayo ehh, wala akong ginagawang masama, you just misunderstood things"  paliwanag ko dito.

"So hindi totoo ang nakita ko ganon ba yon?"  - sya

"Bigla nya nalang akong hinalikan"

"Tapos nag-enjoy ka naman kaya natagalan, kung hindi pa nga siguro kami dumating dun eh  baka kung saan na kayo napunta"  nilapit ko pa lalo ang sarili ko sa kanya at niyakap ko sya.

"Hon, hear me first, okay."  I told her.

"Makakasama sa baby natin." sabi ko sa kanya. 

Umuwi na kami ng mansion.  Nakapagpaliwanag na rin ako sa kanya kung ano nga ba ang totoong nangyari during that time.  At mabuti nalang ehh maayos na kami ngayon.  Ang kaylangan ko nalang gawin ay alagaan sya ng mabuti lalo pa ngayon na tatlong linggo na syang syang buntis. 

"Daddy san po kayo pupunta ng Mommy?"  malakas na tanong samin ni King.

"Ihahatid ko lang sya sa kwarto namin, kaylangan nya nang magpahinga King."  - ako

"But it's too early yet" – King

"King, kaylangan ng Mommy magpahinga"  napatingin naman sya kay Yosh.

"Ganon?"  malungkot na sabi nito sa kapatid.

Nakita kong lumapit si King sa Mommy niya.

"Gusto mo ba tumabi samin matulog?"  si  Yoshabel.

"WHAAT?"  sigaw na tanong ko sa kanya.  "Hindi ka pwede sa kwarto"  dagdag ko pa habang nakatingin kay King.

"Jayden!"  si Yoshabel

"Pero kaylangan mong magpahinga!"

"Daddy, hindi naman po ako manggugulo sa inyo ehh"

"King, wag kanang makulit.  Halika na at may gagawin pa tayo."  Lumapit samin si Yosh at hinawakan sa kanang kamay si King at hinila ito palayo samin.

"Okay!  Dun nalang po ako matutulog sa kwarto mo Kuya"  masayang sabi nito sa kapatid.  "Good night Mommy"  yumakap sya kay Yoshabel at hinalikan ito.  Ganun din ang ginawa nya kay King.

"Bahala ka kung saan mo gusto"  at nakita ko ng umalis ang dalawa.

"Hon akyat na tayo sa kwarto halika na para makapagpahinga ka pa"  hinawakan ko na sya sa braso at inalalayan.

"may gusto ka bang kainin?"  tanong ko sa kanya habang nagtatanggal na ako ng mga suot ko.

"melabs" 

Natigil ang pag tatanggal ko ng mga damit ko dahil sa sinabi nya.

"What did you say?"  lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang balikat.

"melabs?"  patanong na sambit nya.

Sa sobrang kasiyahan ko ay bigla ko nalang syang niyakap.  It's a good sign na unti-unti nang nagbabalik ang mga ala-ala nya.

"Sabihin mo, may iba ka pa bang naaalala?"  humiwalay ako sa kanya sa pagkakayakap at tinanong ko sya nito.    Iling lang ang sinagot nya sakin.  Dahil sa mga nangyayari ngayon kay Yoshabel, mas lalo lang na tumataas ang pag-asa kong malapit na syang makaalala.

.....

"Sir, ito na po"  narinig kong pumasok si Sebastian.

"Aatend ba sila dyan?  Sigurado ka ba?"  tanong ko dito.

"Yes Sir, isang araw lang po iyan, alam din po nila na kayo po ang pinaka-guest speaker dyan." 

"Good" tiningnan ko ang folder na inabot sakin ni Sebastian.  Hanggat hindi ko sila nahuhuli at nalalagay sa bilangguan ay hindi ako matatahimik at hindi rin ligtas ang pamilya ko sa kanila.  Kaylangan ko pang pumunta ng Berlin para lang dito. 

"Si Hanah ba sasama sa trip?"  tanong ko kay Sebastian.

"Kapag nalaman po nyang kasama ka, baka kasama din po sya" 

Gusto ko na ring lumagay sa tahimik, pero bago ko magawa  yon, kaylangan ko munang ayusin ang mga kaguluhan na nangyayari at mangyayari pa.  Sinarado ko na ang folder. 

....

Nakarating na ako sa bahay.  Papasok na ako ng nahagip ng paningin ko si Yosh na  nakaupo sa damuhan sa garden ng bahay. 

Lumapit ako sa kanya.

Umupo ako sa tabi nya.

"At ano naman ang iniisip mo hah"  pambungad kong sabi sa kanya.

"Wala naman po dad."  Sagot nya sakin.

"What's your problem?"

"Nalulungkot lang po ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-alala ang Mommy"  malungkot na sabi nito.

"Kung sana naging malakas ako dati, hindi mangyayari sa kanya ito."

Nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya.

"Don't worry, malapit nang bumalik ang mga memories ng Mommy at malay mo bukas o sa susunod na araw ehh maalala na nya talaga tayo."  Sabi ko dito.  Nabigla ako dahil bigla akong niyakap nito.

"Daddy!" at naramdaman ko nalang ang pagtaas at baba ng mga balikat nya.

"You're a strong man, Yosh!  At your very young age, you already know how to protect someone who is very important to you."  I told him.  Tumingin naman sya sakin habang may mga luha pa sa mga mata nito.

"Remember, walang taong hindi malakas, pero walang tao naman na walang kahinaan.  Just keep on fighting and protecting okay."  Tumango naman sya.

"Because if you love someone, you will do all the possible means to protect them"  dagdag ko pa sa kanya.

"Kapag nawala si Daddy, gusto ko, ikaw muna ang pumalit sa kanya"  dagdag ko pa.

"And where are you going dad?" 

"May kaylangan lang ayusin ang Daddy anak.  But you have to promise me one thing."  I said to him seriously.  Yosh just nodded to me.

"You will take care of your Mommy, Drew and King"

"Pero babalik pa po kayo di ba?"

Niyakap ko lang sya ng mahigpit na mahigpit.  I have to end this. 

......

 

Yoshabel's  POV

"King, nahihirapan daw sayo ang Ate mo na papasukin ka sa loob."  Sabi ko sa kanya.

Binigyan nya lang ako ng isang malungkot na tingin at muli nitong binalik ang tingin sa langit.

Umupo naman ako sa tabi nya.  Sa pag-alis ni Jayden ay si King ang pinaka-naapektuhan sa lahat.  Kung ako man ay kaya ko namang tiisin ang pag-alis nito pero iba talaga kapag si King na ang naghahanap.

"Mommy, kaylan po ba babalik ang Daddy."  Naiiyak na namang tanong nito sakin.

"Malapit na anak."  Sabi ko sa kanya.

"Eh bakit dati mo pa po iyan sinasabi pero hanggang ngayon ehh wala pa rin sya."  sabi nito sakin.  

Malapit ng mag-dalawang buwan mula ng umalis si Jayden ng bansa.  At aaminin ko na, sobrang miss na miss ko na sya.  Iba talaga kapag  nandito sya.  Maging ang mga bata.  Lalong-lalo na si King. 

Wala naman akong nagawa kundi ang yakapin lang sya.

"Mommy, miss na miss ko na po sya, bakit ba ang tagal-tagal nyang dumating"

 

 

"BAKIT BA AYAW MONG SABIHIN SA MOMMY ANG NANGYAYARI SA DADDY!" 

Bigla akong nagulat at nakuha ang atensyon ko sa malalakas na boses na nanggaling sa loob.

Agad akong tumakbo papasok dito.

"WALA KANG ALAM!"  - Yosh

"BAKIT KUYA, MAY ALAM KA BA?"

"LABAS TAYO SA MGA NANGYAYA---

"Anong kaguluhan to?" pagpuputol ko sa pagsasalita ni Yosh.  Nakita ko naman syang agad na tumigil at tumalikod sakin.

"Anong pinag-aawayan ninyong dalawa?" pagtatanong ko ulit sa kanilang dalawa.

"Mommy ang Daddy...."

"Drew I SAID STOP!"  narinig kong sigaw nito sa kapatid.

"Why?  What about your Dad?"  tanong ko sa kanila.

"OUR MOM NEEDS TO KNOW!"  sabi nito habang nakikipagtalo sa kapatid.

Naglakad palayo si Yosh at tumayo sa labas ng pasukan ng bahay.

"Daddy is engaged and he's getting married in Germany!"  parang biglang tinusok ng mga maliliit na karayom ang puso ko pagkarinig pa lang sa sinabi ni Drew.

"Nagkakamali ka Drew.  Hindi yan gagawin ng Daddy mo sa atin"  seryoso kong sabi sa kanya.  Nakita ko namang pumunta sya sa couch at kinuha ang backpack nito.  Sa loob nito ay mayroon syang nilabas na isang dyaryo.  Lumapit sya sa akin.

"Then read this!"  abot nya sakin ng dyaryo.

Binuklat ko ang pinaka-frontpage nito at tumambad sakin ang headline ng dyaryo.

THE DIZON-MONTEREAL MERGING:  Hanah Maria Dizon and Jayden Andrew Montereal 's secret engagement party.  See page 6

Agad na hinanap ko ang page 6 nito.  At ito lang ang naintindihan ko. 

Magpapakasal sila 1 week from now because Hanah is pregnant and carrying Jayden's heir.  Agad akong nakaramdam ng panghihina at agad na umikot ang buong paligid ko.  Then everything went black.

.....

Author's corner:

Last three chapters na lang ang natitira.  Sa lahat ng mga umabot hanggang dito, cheers at maraming-maraming salamat sa pagbabasa ng FBBF.   

Promote ko lang ulit, baka magustuhan nyo rin "One Poor Prince"  Yosh's story.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2