Chapter 50 FBBF

 

Chapter 50 FBBF  

 

 

Yoshabel's  POV

"Mommy!"  naiiyak na sabi ni Drew.

 

 

 

  "Yosh, kapag sinabi kong push, just push it okay!"  Monika

 

 

"NOW PUSHH!"  - Monika

 

 

"Ahhhhhhhhhhhhhhh"  malakas na sigaw nya.

 

"Hu  hu hu hooo!"  hinihingal nyang sabi.

 

"One more, Push!"  - Monika

 

"Ahhhhhhhhhh ohhhhhhhh"  - Monika

 

Halos wala ng lakas pa ito para ilabas ang bata.

 

 

"Monika, hooo hoooo, hindi ko ata kaya"  hinihingal nyang sabi.

 

"Kayanin mo, kaya mo yan, don't give up!"  tumingin sya sa kambal.

 

"Mommy!  Hu hu"  "Please you can make it" – Drew.

 

 

"Mom, look at me, please, don't sleep, don't close your eyes, just look at me po, please"  naiiyak na sabi ni Yosh sa ina habang mahigpit na hawak ang kamay nito.

 

 

 

"PUSSH YOSHABEL, PUSSH!"  -  Monika

 

"Mommy, let's stand up na po."  si Drew

 

 

 "Mommy, wag ka pong matulog, tumayo ka na po dyan, I'll carry you nga po ehh!"  si Yosh.

 

She opened her eyes at tumingin sa kanya. 

 

 "No baby, gusto ko, you go first with Tita Monika and I'll follow you as I regained my strength." 

 

"No Mommy, I'll stay with----

 

"No!  Just listen to me okay?"  "I want you, Yosh, to listen first, lead Drew and our baby out of this place, only you can do that and Tita Monika really needs your help.  You have to promise me, whatever happens, you'll gonna live.  Okay?" 

 

"Yes mommy."  Umiiyak na sagot nito.

 

"If ever, kapag nakapagpahinga na si Mommy,  susunod ako para puntahan kayo at bantayan.  Naiintindihan mo ba?"  paliwanag pa nito.  Sabay yakap sa dalawa.

 

 

 "Monika, kaw muna bahala sa kanila hah, please take care of them for me, dalhin mo sila ng ligtas Kay Jayden please."  Nanghihina nyang sabi.

 

 

"I will Yoshabel, wag ka mag-alala, babalikan kita dito."  

 

"Uwaahhh uwaaahhh"

 

 

"NO!"  sigaw nito.  "AS I SAID, YOU GO!  I'LL STAY HERE!"  tumalikod ito at umupo.

 

"TARA NA SABI!"  hinila na nya ito at palabas na kami ngayon ng kwarto.

 

 

Iyon lang at unti-unti nang nagdilim ang paningin ko.

 

 

Naramdaman ko nalang na parang gumagalaw ang paligid ko at naramdaman ko nalang na parang may bumubuhat sakin.  Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at mga puting dingding ang tumambad sakin.  Tinuon ko ang pansin sa taong umaalalay sakin.

 

"James?"  gulat na sabi ko sa kanya.

 

"Thank God your already awake."  Nakangiti nyang sabi.

 

"Anong nangyari sakin?  Nasaang lugar ako"

 

 

"Kinuha kita mula sa abandonadong building na iyon.  Naabutan kong wala kang malay kaya nga itinakas nalang kita.  Noong araw ng kasal mo, hindi mo lang alam na nakasunod ako sa inyo non at nang makita ko nga yung engkwentro, agad akong nagtago at sinundan kayo."  Paliwanag nito sakin.

 

"Yoshabel, mamaya ko na ikukwento ang buong ditalye, kaylangan muna kitang maialis sa lugar na ito."

 

"Bakit, anong nangyayari?"  tanong ko

 

"Ang grupo nila Elaine at Renz ay papunta na dito, nalaman nilang dito kita dinala"

 

"What?"  sigaw ko sa kanya.

Maya-maya pa ay nakarinig na kami ng kaguluhan sa labas.

Agad na lumabas kami ni James sa kwarto at mabilis na dumaan sa fire exit.

 

 

....

 

"James bilisan mo, maabutan na nila tayo."  Sigaw ko sa kanya habang sya naman ay nakatingin lang sa kalsada.

Pero mukhang huli na ang lahat mga tatlong sasakyan ang humahabol sa amin.  Nagpapaputok din sila ng baril sa sasakyan namin.

 

 

"James, natatakot ako!"  pag-amin ko sa kanya.

 

"Wag kang maga-alala hindi ko hahayaan na may masamang mangyari sayo"  seryoso nyang sabi.

 

"Yosh"  - James

Tumingin naman ako sa kanya

 

"Gusto ko lang malaman mo, na mahal na mahal kita, dati pa man!" sabi nya sakin habang nakatutok pa rin ang mga mata nito sa kalsada.

 

"Na handa kong itaya ang buhay ko maligtas ka lang"  sabi nya

 

"Anong ibig mong sabihin?"  nagtataka ko syang tinignan.

 

"I want you to live a  happy life with your family"  sabi nito.  nakita ko syang ngumiti sakin.  Gamit ang isang kamay ay tinanggal nya ang kanyang seat belt.

 

 

"JAMES ANONG GAGAWIN MO?"  pasigaw na sabi ko sa kanya.

Bigla nyang niliko  sa bangin ang sasakyan at saka nya binitawan ang manibela at niyakap ako ng sobrang higpit. 

Jayden nasan kana ba tulungan mo ko, Jayden!  Jayden!  Jayden! 

 

 

"MOMMY!  MOMMY! MOMMY!"

"JAYDEEEEEEEEEEN!!!!!!"  napabalikwas ako ng bangon. At tumingin sa paligid.  Nakita ko si Drew, Yosh at King sa tabi ng kama.

"Mommmy!"  biglang yakap sakin ni Drew at King.

Naaalala ko na ang lahat ng nangyari. 

"Nasan ang Daddy niyo?  Nasan na sya?" naiiyak kong sabi.

 

 

Jayden's  POV

 

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko.  Kagabi na lang ulit ako nakainom ng sobrang dami. Tumayo na ako ng kama sa kama para na rin magbihis.  Ngayon na ang kasal ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Sebastian.  Agad naman itong sinagot ng kabilang linya.

"Hello Sebastian, ayos na ba ang lahat?"  tanong ko dito sa kabilang linya.

"Yes sir"  anytime soon, darating nadin dito ang mga bisita, kasama na rin lahat ng inimbitahan mo"  sagot nito sa kabila.

"Ayokong may media na makakapasok maliwanag ba yun?"  sabi ko sa kanya.

"Noted Sir"  iyon lang at tinapos ko na ang tawag sa kanya.

Nakahubad na akong pumasok sa CR at tumapat sa salamin.

"Kamusta na kaya sila"  I asked myself.  Almost 1 month ko na rin sila hindi nakikita o nakakausap man lang.  Sobra-sobra na ang pagkamissed ko sa kanila.

"Sana ay okay lang sya"  sabi ko pa sa sarili ko.

Itong kasal na 'to ang nakikita kong paraan para lang tuluyan na kaming matahimik lahat.

 

 

Third Person's  POV

 

"Mommy, sigurado ka po ba  sa gagawin mo?  Baka mapahamak ka!  Pati si baby"  sabi ni Drew.  habang nakatayo lang sina King at Yosh sa gilid ng kama ng Mommy nila.

"Hey,  kuya?  Hindi mo ba sya pipigilan?  Baka mapahamak ang Mommy"  baling nito sa kapatid.  Pero iling lang ang sinagot nito sa kanya.

Papunta kasi ngayon si Yoshabel ng Germany para sundan ang asawa at pigilan ang kasal.  Dalawang araw mula ngayon gaganapin na ang kasal nito.  kaya desidido sya na puntahan ito at hilahin pabalik ang lalaking pinakamamahal nya sa lahat.

"Yosh, I want you to take care of King and Drew while I'm gone"  sabi nito sa anak

"Yes Mommy!"  sagot naman ni Yosh.

"Mommy!  LET ME GO WITH YOU!"

"NO!  YOU STAY HERE!"  sabi nito sa anak na babae

Sumakay na ito ng kotse papunta sa airport na pagmamay-ari ng mga Montereal. 

"Hintayin mo ako Jayden!  wag kang magpapakasal.  Bumalik na ako."  Bulong nya sa sarili.

 

Nasa loob na sya ng eroplano at naghihintay na lang sya na lumipad ito. 

At iyon nga, nagsimula nang umandar ang eroplano at dumako ang paningin nya sa bilog na bintana nito.

 She's about to close her eyes when she heard small voices coming from somewhere.  Nagtataka nya naman itong hinanap.  Dahan-dahan syang tumayo.

"Ate ano ba, masikip, ang takaw mo kasi ehhh"

"Aba ako pa hah, ikaw kaya tong matakaw"

"Kuya, si ate ooh"

"Kahit magsumbong ka pa dyan, saka wag ka ngang maingay!"

"Marinig pa tayo ehh"

Naririnig nya na ang ingay ay nanggagaling sa isang cabinet na puti.  Bigla nya itong binuksan at tumambad sa kanya ang tatlong anak na nagsisiksikan dito.  Bigla naman itong napahinto sa paggalaw .   

Pinalabas sila isa-isa nito.

"Sino ang nagsabi sa inyo na gawin ito?"  galit na tanong nya sa mga anako

Bigla namang tinuro ni King at Drew si Yosh.

.....

 One last chapter before the BREAKING ending.  Promoting again, "One Poor Prince"  Yosh's love story.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2