Epilogue FBBF

 

Epilogue

May mga bagay na napakadaling simulan pero mahirap tapusin.  Eto yun ehhh...

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

I'm here and standing while looking at his gravestone.  It seems that everything just happened yesterday.

Ngayon nga ay tinitignan ko na ang batong parisukat kung saan nakasulat ang pangalan nya.

 

Flashback

 

"To be honest with you, we only have 10% chance that your son will be able to survive this.  His body is so fragile, even his heart na natamaan ng bala.  We don't have nothing but miracle can only save his life."  Nakatingin lang ako sa table ng doctor habang sinasabi nya ang kalagayan ni King.  Ayoko nang umiyak, kaylangan naming maging malakas.  Halos si Jayden lang din ang nakikipag-usap sa doctor.  I'm just listening to them.

Simula ng dinala namin dito si King, dalawang araw na ang nakakaraan ay wala pa rin syang malay.  Sinabihan na rin kami ng doctor na wala na ring pag-asa na malalagpasan pa nya ito.  Naramdaman ko nalang ang pagtapik sakin ni Jayden dahilan para tumayo na ako at lumabas na kami ng opisina nito.

Dumiretso na kami sa kwarto kung saan naroroon si King.  Naabutan namin doon sina Drew at Yosh na hanggang ngayon ay gising pa.  Pumasok na kami dito at lumapit sa kanila.

Tinignan ko naman si King na nakahiga sa kama nito.  Sobrang dami na nakatusok sa katawan nito.  Magtatatlong araw na rin syang nakahiga dyan at walang malay.

Lumapit ako dito at hinawakan ko ang kanang kamay nito. 

"King sorry, pero ayoko pang payagan kang umalis, hanggat nakikita kong lumalaban ka, lalaban din kami."  Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Hon, kaylangan mo munang umuwi para makapag-pahinga"  sabi sakin ni Jayden.

Tumingin lang ako sa kanya.

"I'll stay here"  sabi ko

"Okay, dito lang din ako."

"Pero kaylangan ng makauwi ng mga bata."  sabi ko.

He looked at Yosh and Drew.  "Ikaw na muna ang bahala sa kanila,  ayokong iwan si King dito"  sabi ko sa kanya.

"Pero kaylangan mong magpa—

"Pero kaylangan ako ng anak natin!"  lumapit ako sa kanya.

"Jayden, ngayon ko nalang makakasama ulit ang anak natin,  iniwan ko sya non,  at gusto ko na ....."  napahinto ako sa pagsasalita dahil hindi ko kayang sabihin ito.

"gusto ko na kahit sa huli, kasama ko sya at kasama nya ako."  Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.

"Okay, isasama ko lang ang mga bata para bumili ng pagkain, babalik din kami agad"   hinalikan ako ni Jayden sa labi pagkatapos ay lumapit  na sa dalawa.

Nagising ako ng makaramdam ako ng panginginig at tuluy-tuloy na pagtunog ng isang bagay.  Agad kong inangat ang ulo ko at nakita ko si King na nanginginig ang katawan nito. Kasabay nito  ang unti-unting pag pantay ng linya sa makina na malapit dito.

"King"  sigaw ko.  "Dok..."  agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa opisina ng doctor para tawagin ito pagkatapos nito ay bumalik ako kay King pero hindi na ako pinayagan na makapasok sa loob.

"Mommy!"  sabay na tawag sakin ng kambal.  Lumapit sila sakin at niyakap ako.

"Hon, what happened?"  tanong sakin ni Jayden.

"Hindi ko alam kung bakit pero  bigla na lang may nangyari kay  King kaya tinawag ko ang mga doctor."  Naiiyak kong sabi.

After a while, nakita na naming lumabas ang mga doctor galing sa kwarto ni King at tumingin samin. 

"At this point, tuluyan ng humihina ang katawan ng bata, and sad to say, he's counting for another hours left before his heart stop beating."  Tuluyan na akong umiyak.  Buti na lang ay nakayakap ako kay Jayden na nagsisilbing sandalan ko.  "I suggest, never leave his side."  Iyon lang at nagtuluy-tuloy na syang bumalik.

Tinitignan ko ang kalagayan nya ngayon,  nakaupo ako katabi ng kama ni King.  Naramdaman ko namang lumapit sakin si Jayden at naglagay din ng isang upuan katabi ko. 

"Nakatulog na ang kambal"  sabi nya sabay akbay sakin.  Tiningnan ko naman sya at pinilit kong ngumiti.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat nya. 

.....

 

"Mommy!"

"Mommy!"  nanaginip ako ngayon na naririnig ko si King na tinatawag ang pangalan ko.  Sa pagtawag nyang ito, naaalala ko lang lalo kung gaano sa kabibo before,  although gising na ang diwa ko

"MOMMY!  GISING PO!  I'm hungry po, gusto ko ng lollipop!"

"King, hindi dapat lollipop ang mga kinakain mo, hindi maganda sa katawan mo 'yon"  sabi ko sa kanya.

"Mommy, you're sleep talking"  rinig kong sabi nya.

Bigla naman akong nabigla sa sinabi nya'ng iyon.  Agad kong inangat ang ulo ko and there I saw King looking at me habang nakaupo sa headboard ng kama.

I hurriedly close the distance between us and I am now hugging him while tears keep on flowing from my face.

"Mommy, stop crying na po.  I'm so sorry if I made you worry"  sabi nito sakin habang nakayakap ako sa kanya.

"Ano ng nararamdaman mo?  May masakit ba sayo, tell me."  Nagaalala kong tanong sa kanya habang hinahawakan ko ang mga iba't-ibang parte g katawan nito.

"Nagugutom lang po ako.  Wag na po kayong umiyak."

"Masaya lang ako anak dahil magaling kana, akala ko iiwan mo na kami"  naluluha ko pa ring sabi.

"I'm too young for that, Mommy.  Gusto ko pa pong magka-girlfriend syempre"  natawa na lang ako sa huling sinabi nito.

....

"Mommy, let's go na po!"  narinig kong tawag ni King.  "Baka po mahuli tayo at hindi pa ako masukatan ng susuutin ko." Narinig kong sigaw ni King sa likuran ko. Nginitian ko naman sya at umalis na ako sa lugar kung saan nakalibing si James.

Pagbukas ng pintuan, kasabay nito ang tunog ng pagtugtog ng piano.  Sinimulan ko nang tahakin ang daan patungo sa lalaking pinakakamamahal ko. 

 

Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you stand alone
All of my doubt
Suddenly goes away somehow

Nauuna sakin si King habang nakakapit naman ako sa braso ni Papa. Ganoon na lang ang pasasalamat ko sa Diyos dahil binigay niya sakin si Jayden.  Isang lalaki na hindi ko akalain sa una na makakatuluyan ko pala.

"Done examining my face, lady?  Will you get my notebook already?"  - ito ang mga unang salita na narinig ko mula sa kanya.  Isang tao na napakahirap malapitan at nakakatakot makausap.

 

"Sabihin mo nga, isa ba 'to sa mga technique mo para mapansin ko ha?"

"at pano naman ako naging bastos? Hah?!"  mga sigaw ni Jayden noon na hanggang ngayon ay sobrang nakatatak pa rin sakin.  Nakakatawang isipin ngayon kung gaano na kalalambing ang mga pinagsasasabi nito ngayon.

 

"Bakit ka lumabas ng nakahubad?! At bakit hindi ka pa umaalis sa tapat ko?" I said as I keep on covering my eyes.

"hindi ako nakahubad, Miss-  may suot pa naman ako ahh, tingnan mo" – natatawa niyang sabi habang palapit ng palapit sa akin.

 

"Better close your mouth Lady, or else I'll kiss you AGAIN". 

"Good morning classmate, I'm Jayden Andrew Montereal, - "Yoshabel's FIANCE!"  

 

One step closer

I have died everyday
waiting for you
Darling don't be afraid
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

"Hoy lalaki---"  napadako  ang mga mata ko sa dala niyang isang malaking bag.

"anong ginagawa mo dito ha?"  "pinapapasok na ba kita?! At anong masamang hangin ang nagpadala sa isang masamang tao na  katulad mo dito hah? Tuloy-tuloy kong sabi!

"Pwede ba, ang ingay-ingay mo, kanina ka pa hah! Nakakaiirita kana!"  pagsasalita niya.

 "ang liit naman ng apartment mo." 

 

 "sabihin mo, bakit ka nga nandito?  At bakit may dala kang bag?  Gabi na ahh!  Wag mong sabihin na pinalayas ka sa mansion niyo?" 

"dito muna ako titira."

"ano?  At bakit dito ka titira?  May bahay ka naman ahh, saka mas malaki pa dito."

"I don't feel like staying there, that house of mine is too big for me.  Mababagot ako dun" tugon niya.

Bigla akong natawa nung naalala ko 'yon.  Iyon yung nagbigay samin ng pagkakataon para mas magkalapit pa kami ni Jayden.

Time stands still
beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything 
Take away
What's standing in front of me
Every breath, 
Every hour has come to this

One step closer

"Wag kang aalis hah, wag kang bibitaw, dapat pangako mo sa akin na ako lang ang pipiliin mo sa lahat.  Ipaglalaban kita, kaya dapat ipaglaban mo rin ako."

"DON'T YOU DARE TOUCH HER OR I'LL KILL YOU!"

 

I have died everyday
Waiting for you
Darling don't be afraid,
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a
Thousand more

 

And all along I believed
I would find you
Time has brought 
Your heart to me
I have loved you for a
Thousand years
I'll love you for a 
Thousand more

Tumayo na sya nung nakalapit na ako sa pinaka-unahan ng simbahan.  Bagay na bagay sa kanya ang suot nya na puting amerikana.  At nakangiti syang nakalapat ang kanyang kanang kamay.  Buong puso ko itong tinugon at nagpatuloy na kami hanggang sa makalapit na kami sa pari na magkakasal samin.

.......

"Hon, gumising ka muna, gusto ko ng mangga at ice cream na flavour avocado."  Gising ko kay Jayden.

"melabs, anong oras na akong dumating ohhh!"  nakita kong sabi nya habang nakapikit ang mga mata nito.

"Pero nagugutom na ako ehh" pamimilit ko sa kanya.

"papasalubungan na lang kita mamaya pag dating ko, matulog ka nalang muna."

"BAHALA KA!  KUNG AYAW MO KAMI NALANG NI BABY ANG BIBILI SA LABAS"  agad akong tumayo at umalis sa kama.

"Hon naman, hindi ka na mabiro ehh"  naramdaman ko naman syang yumakap mula sa likuran ko. Pero hindi ko pa rin sya tinitignan.

Pumunta sya sa unahan ko at hinalikan ako sa labi.

"I love you melabs,  mwuaahhh!  Wag ka nang magtampo hah" 

"Ano ba Jayden put me down!"  sabi ko sa kanya dahil bigla nya akong binuhat. 

"Buhatin na lang kita pababa, sasama ka naman sakin di ba?"  sabi nito sakin.

"Jayden"  seryoso kong tawag sa kanya.

Napahinto sya habang nakangiti at tumingin sya sakin.

"Yes melabs?"  tanong nya.

"Bakit ba ang gwapo gwapo mo?"  sabi ko sa kanya sabay pisil sa pisngi nya.

"Aray!  Ang sakit naman"  angal nito sakin.

"Ang arte mo lang"  - ako

"At dahil dyan, dapat may mangyari satin ngayong gabi"  dinala nya naman ako sa kama at ibinaba ako dito.

"Jayden yung pinapabili ko sayo!"  sigaw ko sa kanya.

"Pwede bang ako nalang ang kainin mo?"  bulong nya sabi sakin.

"Ito gusto mo?" pananakot ko sa kanya habang nakaamba ang kanang kaamo ko sa kanya.

"Ikaw naman hindi ka na mabiro"  sabi nito.

"tulog na lang tayo hon, wag na tayo lumabas, pagod pa ako oooh.  Gusto kitang makasama."  sabi sakin ni Jayden habang nakayakap pa rin sakin at nakabaon ang ulo nito sa leeg ko.

"sa isang kundisyon."  - ako

"Spill it"  sabi nya.

"wag kang pumasok bukas"  nakangiti kong sabi  sa kanya.

"'Yon lang ba?  Sure!"  sabi nito at mas lalo pa nya akong niyakap.

 

  The End......

 

Author's note:

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga umabot hanggang dito sa Epilogue. Sa wakas, nakatapos na rin ako ng isang story dito sa wattpad with more than 70 readers in a row.  Promote ko lang, sana po ay suportahan nyo ang story ni Yosh "One Poor Prince"  iyon naman ang tututukan ko na. 

 And the FBBF is now signing-off

God bless everyone

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2