Chapter 47 FBBF
Chapter
47 FBBF
Jayden's
POV
Parang
tumigil ang ikot ng mundo ko sa taong nakatayo ngayon sa harapan ko.
Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyayari o panaginip lang. Walang ni isa
man sa amin ngayon ang gumagalaw o nagsasalita man lamang.
Narito
sya ngayon at buhat-buhat si King. Totoo ba ito, nahanap sya ni King para
samin.
Unti-unti
ko ng tinatanggal ang distansya sa pagitan naming dalawa.
Naka-focus
lang ang mga mata ko sa kanya. Ayokong pumikit dahil baka sa isang iglap
lang ay mawala ang babae na ngayon ay nakatayo nga sa harapan ko.
Hindi
ko na rin namamalayan ang unti-unting pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Ramdam
ko rin ang maslalo pang paglakas ng tibok ng puso ko.
Nakita
ko rin ang pagtataka sa kanyang mga mata at ang mga magagandang pagtitig nito
sa akin.
Agad
ko syang hinagkan ng makatapat ko na sya.
"Sabihin
mo sakin na hindi ako nananaginip Yoshabel" ang sarap sa pakiramdam
na makita ko sya ulit. Hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyari,
sobrang dami kong tanong, pero sa ngayon, gusto ko muna syang maramdaman.
"Daddy,
naiipit po ako!" narinig ko ang pagsasalita ni King. Nagising
pala sya mula sa pagkakatulog. Bumaba na sya sa pagkaka-karga dito at
umayos ng tayo.
"Ahhh
ehh sorry anak, hindi ko lang talaga napigilan."
Sabi
ko dito sabay tingin ulit kay Yoshabel.
"Wala
po syang maalala Daddy." Pagsasalita ulit nito.
"What
do you mean?" tanong ko kay Yoshabel "Ako natatandaan mo
ba ako?" pero nanatili lang syang nakatitig sakin. Na para
bang may kung anong iniisip sya na malalim.
"MOMMY!"
mula sa likuran ko ay sumulpot si Drew.
At
sinalubong ito ng yakap. At maya-maya pa ay kasunod na nito si Yosh.
Nakita
ko naman ang pagtugon nito sa mga anak ko. Nakayakap na rin sya sa dalawa
habang si King naman ay lumapit sakin at nagpapabuhat. Kinuha ko naman sya at
kinarga.
"Iha,
san kaba nanggaling, ang buong akala namin ay wala ka na" - si Mama.
Pero
ngiti lang ang naisagot nito dito.
.......
"Nakatulog
na ang mga bata, kaylangan ko nang umuwi." Agad naman akong napatayo
sa kinauupuan ko sa swing at tumingin sa likod. Doon ko ulit syang
nakita.
"Kamusta
kana? Marami pa akong gustong malaman, hindi mo na kaylangan pang
umalis." Nakangiti kong sabi sa kanya. Grabe lang, mas lalo pa
ata syang naging maganda sa paningin ko. Ang laki na rin ng pinagbago
nya. Tumingin sya sakin at tumitig na nagpabilis naman ng tibok ng puso
ko.
"Pero
kaylangan kong makauwi sa bahay." Nalungkot ako sa sinabi nya.
Meron na ba syang kinakasamang iba.
"Sabihin
mo, may kinakasama ka na ba?" malungkot kong sabi dito.
"Wala
akong kasama sa bahay."
"Eh
yun naman pala, ako ang asawa mo, hindi kana dapat pang umalis dito dahil
nandito kaming pamilya mo." Ako.
Lumapit
ako sa kanya at kinuha ko ang kaliwang kamay nya. Mabuti na lang at nagpatangay
sya. Umakyat kami sa kwarto at doon ay ipinasok ko sya. Dinala ko
sya sa kama at pinaupo doon.
"Anong
gagawin natin dito?" tanong nito sakin. Nakita ko naman ang
pagtataka sa mukha nya. At akma sana syang tatayo pero hinawakan ko sya
sa magkabilang balikat.
"Don't
worry, wala akong gagawing masama sayo" tumalikod ako sa kanya at
may kinuha sa drawer. "Pwera nalang kung gusto mo"
nakangisi kong sabi sa kanya.
Tinitigan
nya naman ako ng masama pero nakasilip dito ang kaunting ngiti.
"Biro
lang syempre. Tingnan mo to" inabot ko sa kanya ang isang
picture frame na magkasama kaming apat at buntis pa sya noon.
Agad
nya itong kinuha at ngayon nga ay tinitignan na nga nya ito .
"Tell
me, ano ba talaga ang nangyari sayo?" tanong ko dito. Nag-angat
sya ng tingin sakin.
"Wala
talaga akong maalala" malungkot nyang sabi.
"Pero
ako ba ngayon, naaalala mo ba ako?" tanong ko ulit sa
kanya.
"Parang
nakita na kita dati, pero hindi ko alam kung saan."
"It's
because before, 3 years ago, magkasama tayo."
"Ano
ba ang nangyari sakin dati, hindi ko kasi talaga kilala ang sarili ko hanggang
ngayon." Nakita ko namang hinawakan nya ang ulo nya.
Kasalukuyan nya itong hinihimas ngayon.
"Hey,
ayos ka lang ba? What do you feel?" nag-aalala kong tanong sa
kanya.
"Okay
lang ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko" sabi nya.
"Ang
mabuti pa ay magpahinga kana." "Gusto mo bang maligo
muna?"
"Gusto
ko sana, kaso wala akong pamalit." Sagot nito sakin.
"Dito
ka nakatira, natural, nandito pa ang mga damit mo" nakangiti kong
sabi sa kanya.
Tumayo
ako at dumiretso sa cabinet para kumuha ng damit nya. Inabot ko na nga
ito sa kanya. Pinanatili ko talagang itabi at itago ang mga damit
nya.
"Salamat"
sabi nya sakin at tumuloy na sya sa loob ng banyo.
Inayos
ko naman ang kama namin para naman hihiga nalang sya. Kumuha na rin ako
ng isa pang unan at comforter. Nilagay ko iyon sa sahig para dito
matulog. Ayoko kasing makaramdam sya ng pagkailang sakin.
....
"Daddy!
Ano pa po bang ginagawa mo dyan?" pagkabukas na pagkabukas ng pinto
ay ito agad ang bungad sa akin ni King. "Mommy is waiting
downstairs." Dagdag pa nito.
Tinignan
ko sya pagkatapos ay lumapit ako dito. Nakasuot din ito ng itim na
t-shirt at puting maong pants with black shades. Pagkatapos ay kinarga ko
sya.
"Daddy,
ibaba nyo po ako, wag nyo akong buhatin" reklamo nya.
"At
bakit naman?"
"I'm
a big boy na po, at nakakahiya kay Mommy!"
"Tumigil
ka nga, ang dami mong alam, eh ang liit mo pa nga." Ako.
Pagkatapos ay hinalikan ko pa sya sa pisngi.
"Yuck!
Daddy! Ano ba yan!" reklamo pa ulit nito.
nakita ko pa ngang pinunasan nya pa iyon. Natawa na lang ako sa tinuran
nitong batang ito.
Paalis
kami para ipa-check up si Yoshabel. Para na rin malaman namin ang totoong
estado nya.
At
ngayon nga ay nasa harapan na kami ng doctor na humahawak ng kaso nya.
At
base na rin dito, kasalukuyan nga syang may amnesia at ang dahilan nga ng
pagsakit-sakit ng ulo nya ay dahil na rin sa unti-unting pagkilala ng parte ng
utak nya sa mga nakikita nya.
Positibo
naman ang naging resulta dahil unti-unti daw ay maaring magkaroon ng magandang
resulta ang pagkikikita-kita namin.
.....
Yoshabel's
POV
"Mommy,
bakit po ang sarap-sarap mo magluto?" tanong sakin ng anak ko.
Si King.
Halos
isang linggo na rin ang nakakaraan ng magkita-kita ulit kami.
Magpasahanggang-ngayon ay wala pa rin akong maalala, pero malakas ang
pakiramdam ko na totoong sila nga talaga ang pamilya ko. Naniniwala ako
na darating din ang tamang panahon at muling babalik ang lahat ng mga nakalimutan
ko at kung ano nga ba ang totoong nangyari sakin. Sa ngayon, hindi ko rin
masagot ang mga tanong ni Jayden sakin dahil wala rin talaga akong masagot.
"Mommy,
nakikinig ka po ba sakin?" natigil naman ako sa pag-iisip ng muli
akong tanungin ni King.
"Ahhh,
yeah late nga dumating ang daddy mo kagabi" sagot ko dito.
"WHAAAT?!"
nabigla naman ako sa sigaw nito. Nagtataka naman nya akong
tiningnan. "Ang layo po ng sagot nyo sa tanong ko. Hindi naman
po ata ako mahalaga sayo ehh, puro si Daddy na lang" si King.
"Uyyy,
biro lang, kaw na bata ka talaga." Iyon lang at niyakap ko sya.
Natapos
ko na ring pakaiinin ang mga bata at nandito na ako sa kwarto namin.
Nitong mga nakaraang araw ay sobrang busy ni Jayden, late na rin syang
umuwi. Pero ang kagandahan lang dito ay hindi pa rin sya nawawalan ng
oras sa mga anak nya ganun din sakin. Sobra ko syang hinahangaan ngayon
dahil sa kabila ng trabaho nito, ay nagawa nya pa ring palakihin sina Yosh ng
maayos at mga sobrang mapagmahal na mga bata.
Gusto
ko nang mapabilis ang pagbalik ng ala-ala ko para na rin makumpleto na ang
buong pagkatao ko at matulungan ko na rin sya ng buong-buo.
Maya-maya
pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng kwarto.
"Bakit
gising ka pa? Anong oras na ahh." nakangiti nyang tanong
sakin. Papalapit sya sakin ng bigla syang parang matutumba. Agad ko naman syang
dinaluhan.
"Ayos
ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Tawa lang naman ang sinagot
nya sakin. Grabe lang, alam ba nya kung gaano sya ka-attractive every
time na ganito sya. Napakalinis pa rin ng itsura nya at napaka-presko na
paring tignan.
"Lasing
ka ba?" dagdag na tanong ko sa kanya. Habang akay-akay ko syang
dinadala sa kama. At naiupo ko naman sya.
"Nakainom
lang ako ng kaunti" sabi nya habang tinatanggal nya ang suit nya at
ganun din ang kurbata nito. Yumukod naman ako sa kanya para tanggalin ang
sapatos nito.
"Hinihintay
mo ba ako?" tanong nito sakin. Mapupungay na rin ang mga mata
nya, pero ang gwapo nya pa ring tignan.
"Masyado
ka nang nagpapagabi sa opisina mo" sagot ko naman sa kanya.
"Marami
lang talagang tinatapos" sabi nya sakin.
"Wag
kang mag-alala, hindi naman ako nambababae" dagdag pa nito.
Natanggal
ko na ang sapatos nya at tiningnan ko sya, wala na syang suot na
pang-itaas. Nagtama naman ang mga paningin namin. Tumayo sya para
naman tanggalin na ang suot nyang pang-ibaba at ngayon nga ay brief nalang ang
nagtatakip sa hubad nyang katawan. Namula naman ako sa nakikita ko
ngayon. Grabe lang, buti nalang at wala pa syang nakikitang ibang babae.
Imposible namang walang umaaligid sa lalaking ito dahil na rin sa itsura
nya. He really possessed a perfect body, abs, v-line, muscles at mas
nagpadagdag pa sa kanya ang tindig nito hanggang sa baba. Dahan-dahan nya
akong nilapitan.
"Alam
mo ba na nung nawala ka, isa ito sa pinaka-hinanap-hanap ko sayo."
Kinuha nya ang ang dalawa kong mga kamay at hinahalikan na nya ito.
"Akala ko talaga hindi na kita mahahawakan."
"Magdamit
ka nga, baka lamigin ka pa" tinalikuran ko sya dahil hindi ko na
talaga matagalan pa ang nakikita ko pero bigla nya naman akong niyakap.
"Don't
you find me attractive?" he whispered in my ear.
itutuloy
....
Author's
corner:
Hi
readers,
Baka
po magustuhan nyo rin ang kwento ni Jayden Yosh. New story ko, "One Poor
Prince" Happy 2.5k reads. Salamat
po sa mga feedback and messages. Last 4 Chapters to go.
Comments
Post a Comment