FBBF - Chapter 4
Chapter 4 (FBBF) – Yoshabel's Fiance
Flashback
Naglalakad na siya papasok sa eskwelahan.
"Yoshabel!" - sigaw ng dalawang babae sa likuran niya. Agad naman siyang huminto at sinalubong ng ngiti ang dalawa. Si Monika at Alex! Bestfriend ko sa eskwelahan na ito.
It's almost Three weeks ng magsimula ang first semester ng pasukan namin.
Sabay-sabay kaming pumasok sa classroom at umupo.
"Hi Yosha! Flowers for you" - sabi ni James sabay lapag ng isang pirasong rosas sa desk ng upuan ko.
"James masyado pang maaga hah, nanliligaw ka na agad! - usal ni Alex na parang mas kinikilig pa kaysa sa akin.
"Hayaan mo na sila, malay mo makuha na nya ang matamis na oo ni Yoshabel after a year of courting her!" pangaasar pa ni Monika at sabay natatawa.
"Pwede ba, tigilan niyo nga muna ako, kayong dalawa talaga."
"At ikaw naman James, diba malinaw na ang usapan natin na iba ang prayoridad ko?" "Wala kang mapapala sakin" baling ko naman sa binata na nagbigay ng mga bulaklak.
"Awtts! Ang sakit naman non, ang aga-aga ehh basted na naman agad ako sayo" arti-artihang usal ni James.
Asaran parin sila ng asaran ng biglang pabagsak na sumarado ang pintuan ng classroom. Agad na nakuha nito ang atensyon namin dahil na rin sa lakas ng impact nito na nagpatahimik sa buong klase.
"Bakit sya naririto?" bulong ko!
'O---EEMMM---GEEE" –"at may bago tayong kaklase na sobrang gwapo" -sabi ni Monika
"diba sya yung transferee sa College of Engineering?" bulong ng isa naming kaklase.
"So Masculine" komento naman ni Alex
"Hah eh anong tawag niyo saken? Greek God?!" buong yabang naman sa sabi ni James habang pinagtiklop ang mga braso sa dibdib.
Nakatingin pa rin sila sa lalaking iyon habang ako naman ay nakanganga pa ring tinitignan sya.
"Better close your mouth Lady, or else I'll kiss you AGAIN". Walang pakundangang sabi ni Jayden. Sa kanya ito nakatingin.
Sabay-sabay na napatingin sa akin ang mga kaklase ko! Hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga sandaling ito.
"What? Magkakilala ba sila?"
"Siguro eh naghalikan na nga diba" –ito lang naman ang mga tanong na umalingawngaw sa loob ng classroom.
Nang tiningnan ko naman sina Alex, Monika at James,
Binigyan nila ako ng "WHAT'S-THE-MEANING-OF-WHAT-HE-SAID" LOOK
Bigla naman akong nanliit at feeling ko na halos sasabog na ko sobrang pula ng mukha ko.
Ang lokong lalaking yon, parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Kaylangan pa ba nyang iemphasized ang salitang AGAIN??
Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok ang professor namin na syang naging dahilan kung bakit automatic kaming nagsibalikan sa kani-kaniyang mga upuan.
"Good morning Businessmen and Businesswomen!" segunda ng professor.
"Good morning Dr. Lim!" we said in chorus.
"Ok! To begin with, I would like to introduce to you your new classmate. He's actually a shiftee from College of Engineering and I know that your class are all friendly and accommodating." Mahabang sabi ni Dr. Lim.
"May I call on Jayden Andrew Montereal to introduce his self to you"
Parang walang pakialam naman na tumayo si Jayden at agad na pumunta sa unahan. Tumayo sya sa gitna. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kaliwa, kanan, hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa. Bigla akong nagulat sa tinuran niya at nagsimula na siyang magsalita.
"Good morning classmates, I'm Jayden Andrew Montereal, - sabi niya nang hindi tinatanggal ang paningin sa akin – I feel uncomfortable right now, dahil ramdam ko na rin na lahat na ng mata ng mga kaklase ko ay sa akin na rin nakatingin. Bukod pa sa mga mata niya na parang tigre kung makatitig.
"Yoshabel's FIANCE!" bigla akong nabingi sa sinabi ni Jayden. Napalaglag na lamang ang panga ko sa tinuran nito! Ito ohh 0__________0
"ano daw?"
"What?"
"Oh no they're getting married"
"Ginayuma ba sya ng hampas lupa na yan?"
Ito lang naman ang mga komento na narinig ko matapos iyon sabihin ng lalaki na ang pangalan ay JAYDEN!
Agad agad syang umupo pero ang mas ikinagulat ko pa ay pinaalis at pinatayo niya sa tabi ko si James na agad namang sinunod nito. Sabay nangingiti itong umupo sa tabing upuan ko!
SUMPAIN KA JAYDEN MONTEREAL! Lakas ng loob mong pagtripan ako sa mga kaklase natin! Pagngingitngit ko sa galit. Buti na lang at may hawak akong ballpen. Dito ko nalang binubuhos ang pagtitimpi ko sa lalaking 'yon.
............
Katatapos lang ng subject namin. Tatlong oras din yon. Dali-dali akong tumayo at hinawakan sa braso ang unggoy at hinila ko sya. Natatawa namang sumunod ang lalaking ito. Aba napansin ko lang, marunong din pala syang ngumiti.
At bakit mas lalong nagiging gwapo sya sa paningin ko habang nakikita ko ang sobrang linis nyang mukha habang tumatawa. Nasa likod na kami ng classroom.
"Mr. Montereal, ano ba ang problema mo hah?!" sigaw ko sa kanya.
"Wala naman! Kaw ba?" sinusundot ang tenga niyang sabi habang nakapikit ang isang mata.
"At bakit mo ako pinahiya sa kanila? Aber"
"hindi kita pinahiya, Yosh, hindi mo ba nakita, sumikat ka nga sa loob" at ngayon naman nakatingin sya sa cellphone nya. Ang totoo!
"At bakit mo naman sinabi sa kanila na Fiance mo ako ha!" "Ano bang trip mo? Anong laro 'to?"
"Wait nga lang!" this time tumingin na sya sakin. Nagulat naman ako sa tinuran nya.
"Ang alam ko, nung una, hindi mo ako kayang sigawan! Pangalawa, boss mo ako! At pangatlo kaya ko sinabing Fiance kita dahil sinabi ko sa kanila na hinalikan kita! Anong gusto mong isipin nila na katulad ka rin ng iba na kung kani-kanino ka lang nagpapahalik? Hindi ba dapat pasalamatan mo pa ako?!" -sunod sunod niyang sabi na parang batang lalaki na nakikipag away.
Yung totoo, isip bata ba sya.
"but... .. but. You... Ahhhhh" napasigaw nalang ako sa sobrang inis.
"You should have thanked me, Yosh" after what he said, he walked away and gone.
...........
Nandito na ako ngayon sa canteen at hinihintay ko ang mga kaibigan ko.
Maya maya lang ay dumating na sila.
"Yosha, may hindi ka sinasabi sa amin hah" - pambungad na sabi ni Alex.
"At ikakasal ka na pala, take note, isa pa sa pinakamayaman around the globe" – bigtime ka talaga besty! Hangang-hanga na turan ni Monika at umupo na silang dalawa.
Ang dami dami pa nilang mga tanong tulad ng paano kami nagkakilala, saan ang first kiss namin, masarap daw ba –
"Alam niyo, imbis na inuubos nyo ang oras nyo sa walang kwentang mga tanong na yan, why don't try to start ordering now, para makakain na tayo, mga Maams?
"Wag mo nang alalahanin yan, ayun oh, nakapila na si James " pagtuturo ni Monika ng nakanguso pa.
At dumating na nga si James, dala-dala ang mga pagkain namin. May kasama pa syang crew na katulong niya sa pagbubuhat.
Tahimik lamang itong umupo sa tabi ko na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Agad naman akong nakonsensya ng marealize ko na halos matagal na nga pala niya akong nililigawan tapos malalaman na lang niya na ikakasal na pala ako.
Ano bang dapat kong gawin, ano bang dapat kong sabihin.
Medyo naging awkward tuloy ang ang pakikitungo namin ni James sa isa't-isa.
..........
Nandito ako ngayon sa apartment ko. Katatapos ko lang gumawa ng report at bumaba na ako. It's already 7 pm at kaylangan ko ng kumain, nagugutom na ako.
Dumiretso ako sa kusina. Ano nga ba ang laman nito. Binuksan ko ang cabinet at nakita ang nag-iisang "maling" (luncheon meat). Agad ko itong binuksan. Pinirito at kumuha na rin ako ng kanin. Maluwag naman ang apartment ko, wala kasi masyadong laman. Halos bilang lang ang mga mga gamit ko dito. Maliit na TV, radio, laptop, electricfan, at kalan lang ang meron ako.
Pagkatapos kong kumain ay umupo muna ako para manood ng TV.
Nasa gitna na ako ng panonood ng tv ng marinig kong tumunog ang doorbell.
"sino naman kaya yun, wala naman akong inaasahang bisita Ahh."
Dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan ito.
Agad namang may pumasok na "isang diyos galing pa sa Mt. Olympus" este lalaki sa pinto na syang nagpatabi sa akin.
"Hoy lalaki---" napadako ang mga mata ko sa dala niyang isang malaking bag.
"anong ginagawa mo dito ha?" "pinapapasok na ba kita?! At anong masamang hangin ang nagpadala sa isang masamang tao na katulad mo dito hah? Tuloy-tuloy kong sabi!
Ayan na naman sya, kinakalikot ang tenga niya gamit ang isang kamay na animo'y nabibingi sya sa mga sinasabi ko.
Itutuloy.....
Comments
Post a Comment