Chapter 20 FBBF

 

Chapter 20  FBBF -  The New Heir

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

"Drew at Yosh, papakabait kayo sa school hah.  Yosh, wag makikipag-away bantayan lang ang kapatid at ikaw naman Drew--- sabay tingin dito

"Wag masyadong malikot at makulit para hindi magalit ang kuya mo."

"Yes Mommy"  sabay na sabi ng dalawa.

Sumakay na ko ng taxi papunta ng MGC tower. 

Almost 1 week na rin ang nakakaraan simula nung magkasakit si Jayden.  Hindi na kami masyadong nagkikita o madalas na nagkakasama.  Kinabukasan ng gumaling sya, bigla na lang nya akong hindi kinakausap.

Nakabalik na rin pala ako sa dati kong opisina at simula noon, madalang nalang kaming magkita.  Parang iniiwasan na nya ako.

Busy kaming lahat sa mga sunud-sunod na mga events na pinaghahandaan namin.  At isa na nga dito ang  Annual Company Retreat.  And here we are together with my team in the conference room planning about the annual company retreat to be conducted this coming Saturday someplace in Palawan.

Busy ako ngayon sa pagbabasa ng mga plans, programs and activity habang ang iba naman ay naguusap usap.

"Excited na talaga ako dito sa retreat natin, hay dalawang araw din tong pahinga libre pa."  rinig kong sabi ng isa sa mga employee ko.

 

"Alam mo ba na napapadalas na sa opisina ng Big Boss ang girlfriend nya,  it's seems that they are already planning their wedding."

 

"Oo nga ehh, alam mo ang swerte ni Mam Elaine,  bukod kasi sa mayaman na ang big boss ehh sobrang hot pa" sabi pa ng kausap nya.

Para naman akong binagsakan ng langit at lupa sa mga naririnig ko ngayon.

Kung ganun girlfriend nga talaga nya iyong si anghel at nagpaplano na sila sa para sa kasal nila.  Totoo kya to?  Kung totoo naman, ano naman ang pakialam ko diba.

At long-time girlfriend pa pala nya ito.

Bigla kong naalala ang kambal.  Paano na ang gagawin ko sa kanila, mukha atang wala na kaming pag-asa na mabuo ang pamilya namin.

 

Kahit naman hindi maganda ang pinapakita sakin ni Jayden, I'm still hoping that there's a possibility na maging isang buong pamilya kami.

I'm starving already.  Maya-maya pa ay kinuha ko ang cellphone ko and dialed his number.

"Hello, Renz, nasan ka?"  I asked on the other line. 

"Here at my office Sweety, why?" tanong nya.

Ayan na naman po sya.  After a month of knowing him, he became so vocal to me at mas naging open pa ang feeling nya sakin ng malaman nya na wala naman akong karelasyon.

"Samahan mo akong kumain, breaktime ko naman ehh"  -ako

"Ngayon na ba?"  -sya

"Ayy hindi mamaya.  Ngayon ako nagpapasama di ba?"  pambabara ko sa kanya.

"Sorry na po mahal na prinsesa, sige na puntahan kita dyan sa office mo" – sya

"Thank you so much.  I'll wait for you"

 

After 3 minutes dumating na nga si Renz.

"Let's go sweety"  sabay offer nya ng kanyang kaliwang braso at hinawakan ko naman iyon.

"So how's the preparations?  Hindi ka ba nahihirapan?" – Renz

"I'm a bit pressured, pero buti na lang magagaling yung mga empleyado ng department kaya yun mas napapagaan para sakin."  - ako

"That's good"  -sya

"After ng activity natin siguro naman pwede na kitang ligawan?"  Renz

"Lakas trip ka rin talaga ehh noh?"  tinititigan ko sya.  Nandito na kami ngayon sa tapat ng elevator para bumaba.

"Ehh kaw lang naman trip ko ahh"  sya

"Magseryoso ka nga"  natatawa kong sabi sabay pingot sa ilong nito habang tumatawa.  Sabay naman ng pagbukas ng elevator.  Pagtingin ko dito nagulat ako sa dalawang tao na nasa loob nito.

"Good morning Sir"  bati ni Renz kay Jayden.  Nakita ko namang tinignan sya nito.  Kasama nya si Elaine na nakakapit din sa braso nya.

"Good morning Sir"  bati ko rin dito sabay tingin sakin.  Napadako ang tingin nya sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Renz.  Nananatili lang sila sa pwesto nila at pumasok na kami ni Renz sa loob nito.  Parang biglang uminit ang paligid sa pagitan namin.

Bali ang pwesto namin ay:

Elaine – Jayden – Ako – Renz

"Honey, san mo gustong kumain"  - Elaine

"Your decision"  maikling sagot nya.

"Dun nalang tayo sa coffee shop hah" sabay hilig nito sa balikat ni Jayden.

Hindi ko matagalan ang nakikita ko sa mga sandaling ito.   Para bang sobra akong nasasaktan na hindi ko malaman.

Maya-maya pa naramdaman ko  nalang na hinawakan ni Renz ang isang kamay ko at inilagay nya iyon sa kanyang mga bibig. 

"Halata talagang gutom kana Sweety"  sabi nya sakin.  Nagulat naman ako sa tinuran nito.

Nakuha nito ang atensyon ni Elaine

"Ang sweet naman ng boyfriend mo"  tumingin ito at nakangiti  nitong sabi.

"No not yet,  hindi pa kasi ako pwedeng manligaw, sa Saturday pa daw"  nakangiting sabi ni Renz habang nakatingin lang sakin.

Hindi ko naman alam ang dapat kong sabihin sa mokong na to.

Nagkaroon na kami ng usapan na as of now, wala pa talaga akong plano na mag-entertain ng mga manliligaw, sya lang talaga itong makulit.

"At ngayon nga, tinawagan nya ako dahil nagugutom na daw sya"  - Renz ulit.

Pati ba naman yun kaylangan pang sabihin?!  Sabi ko sa sarili ko.

"Really?  Well, I wish you luck!  Sana mapasagot mo sya."  Masayang tugon nito kay Renz.

Tiningnan ko si Jayden.  Wala pa rin syang pakialam sa mga  nangyayari sa paligid nya.

Bumukas na ang elevator at nasa ground floor na kami.

 

 

....

 

Katatapos lang namin kumain sa isang masarap na restaurant.

"OA lang? Ang mata mo ang laki. Ano problema mo ha?  Tanong ko kay Renz.

"Alam mo Sweety, kung hindi ka lang sexy, iisipin kong buntis ka"  - Renz

Bigla naman akong nasamid sa sinabi ni Renz at napaisip ako, kaylan nga ba ako huling nagkaroon.  SHOCKS hindi  pwede.  Sana mali ang akala ko.

"Ang dami mong alam, makabanat ka lang sasabihin mo na lahat ng  hindi mo dapat sabihin." kumento ko sa sinabi nya.  "saka sexy naman talaga ako ahh."  Dagdag ko pa.

I'm here inside my office and already finalizing the entire program for Saturday.

Muli na namang bumalik sa akin ang sinabi ni Renz.  Oh God, sana hindi mangyari ang kinakatakutan ko.  Please, wag naman sana. 

I'm done already finalizing it then put it in the folder.  Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at lumabas nang opisina ko. 

"Andy, akyat lang ako, pag may-naghanap tell them that I'm having a meeting with the CEO"  I said.

"Yes Mam"  sagot naman nito.

Nagtuloy-tuloy na ako papunta sa opisina ni Jayden.

"Hi Sebastian, nanjan ba ang boss?"  tanong ko dito.

"Nasa loob  po sya Mam"  sagot nito.  "Pwede na po kayong pumasok."  He added

I smiled at him "thanks" then entered his office.

Naabutan ko syang nakatayo at nakaharap sa glass wall nya na halos kita ang lawak ng buong syudad.

"Good afternoon Sir Jayden, here's the finalized program of our department for the company retreat this coming Saturday, just review it and have it signed"  tuloy-tuloy kong sabi.

Humarap naman sya sakin at tiningnan ako, dumako naman ang tingin nya sa folder.  He opened it and he is now scanning the content.

Maya-maya pa'y pinipirmahan na nya ito.

 He returned to me the folder.  Pagkatapos magpasalamat ay nagsimula na ko maglakad palabas ng opisina nya.

"Don't allow him to court you!"  rinig kong sabi nya.

Humarap ulit ako sa kanya.

"What do you mean?"  tanong ko dito.

"Wait for me, Yosh!  Wait for me!"  -sya.  Nakita kong naglakad sya papunta sa kwarto.   Lumabas na ako ng opisina nya ng gulong-gulo ang isip. Minsan talaga, hindi ko sya maintindihan.

......

 

Nandito ako ngayon sa clinic.  I will have my check-up about my current conditions.  Natatakot man ako sa maaaring maging resulta, still, I have to face the consequence.

"Good morning Ms. Martinez, I'm Dr. Israel Perez and I'll be the one in charge of your check-up."  The doctor said.

Bigla naman akong nahiya.  Bakit ba lalaki ang kailangan na mag-attend sakin.

"Don't worry Ms. Martinez, I'm harmless, I've been in a lot of this cases."  He said. 

Wow lang, alam nya ang iniisip ko.

At the end, nag patingin na rin ako sa kanya, check up pa lang naman ehh.

After a moment,  lumabas na sya carrying papers with his hands.

 

"Congratulations Mrs. Martinez, you're 6 weeks pregnant."  Masaya nyang bati sakin.

Bigla naman akong natigilan.  Ini-expect ko na to di ba, hindi na dapat ako mabigla.

Pero bakit.  Hindi dapat, ang tanga-tanga ko na naman. 

Paano ko nalang haharapin ang kambal?  Ano nalang ang sasabihin ko sa kanila.

"So far, you have to start taking your vitamins.  Avoidto stress yourself and always be cautious of the foods to eat.  Ito na ang reseta, so Miss Martinez, please come to my office at this date for your regular check-up. Ok?"

Lumabas na ako ng clinic at uuwi na ako ng bahay. Ano na kaya ang gagawin ko.  Nahihirapan na ako. 

"Welcome to the world, new Montereal"  I said while caressing my tummy.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2