Chapter 17 FBBF

 

Chapter 17  FBBF -  My loves

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

Kasalukuyan akong kumakatok ngayon sa condo ni Jayden.  Napansin kong hindi naman pala ito nakalock.   Ine-expect naman nya ang pagdating ko so pumasok na ko even without his permission.

Hinanap ng mga mata ko si Jayden.

 

"Bakit ba ang tagal tagal mo hah!" nagulat ako sa boses nya.  Napaka-bossy lang talaga nitong lalaking to.

 

"Pasensya naman, marami din naman kasi akong ginagawa.  Hatiin ko nalang kaya ang katawan ko."  - ako

"At bakit may pamilya ka na ba?  Daig mo pa ang pamilyadong tao ahh!  May mga anak ka na bang inaalagaan?"  - sya

Bigla naman akong natigilan sa mga sinabi nya.  Mga anak, meron.  Mga anak mo rin yun uy.

 

"Bakit ba ang dami mong tanong, hindi naman kasama sa kontrata yang mga sinasabi mo hah?"  - ako

"Magluto ka na lang jan, nagugutom na ako"  pairap nyang sabi sabay pinagdikit ang dalwang kamay sa dibdib nya.

"Hindi kapa kumakain?"  gulat na tanong ko.

"Ehh sa hinihintay kita ehh para magluto."  Sya

Natutuwa ako sa kanya ngayon dahil tuwing ganito sya, nararamdaman ko ang dating sya.  Yung isip bata.  Yung mga paglalambing nya.

"Hayyst!  Alam mo ang asa mo pa nga!"  sabi ko

"ANO?!!"  gulat nyang tanong.

"WALA!  Eto dinalhan kita ng pagkain"  sabay halungkat sa bag at nilabas doon ang niluto ng kambal.

Dumiretso naman ako sa kitchen nya at sinimulan ng ayusin ang mga pagkain.  Sumunod naman sya sakin at umupo sa lamesa.  Eto ang gusto kong mangyari samin dati.  Ang pagsisilbihan ko sya pagkagaling nya sa trabaho.  Mahal na mahal ko talaga sya. 

Nakita ko naman na nagtanggal sya ng damit leaving him naked up there.

"Hey, bakit ka naghuhubad?"  sigaw ko sa kanya

"Mainit"  walang gana nyang sabi.

"Naka-on na nga ang aircon naiinitan ka pa rin?"  nakapamewang kong sagot sa kanya.

"Eeh ano bang problema mo kung nakahubad ako ha?  Eh nakita mo na nga ang buong katawan ko"  ayan umirap na naman sya.

Nilagay ko na sa kanya ang mga pagkain.  Yung porkchop na prito ng kambal, Gelatin, at kanin.  Tinimplahan ko rin sya ng Pineapple juice nya at naglakad na ako palabas ng kitchen.

"Saan ka pupunta?"  I heard him asked.

"Sa couch, manonood ng tv."  Sagot ko.

"Iiwan mo na naman ba ako?" makahulugan nyang tanong.  Biglang nakuha niyon ang atensyon ko while he's still looking at me seriously.  Lumapit ako sa kanya at humila ng isang upuan at umupo. 

At nagsimula na syang kumain.  Grabe lang kahit kumain sya ang gwapo nya pa rin. 

He has a perfect style of hair.  Yung tipong hindi na kailangan pang suklayin.  Biglang pumasok sa isipan ko si Yosh, namana rin pala nito ang buhok nya.

"You know that it's rude to watch someone while eating"  sya.

Binaling ko nalang ang paningin ko sa ibang bagay.  Pero sya ayun, sarap na sarap sa kinakain nya.  Kung alam lang nya.

"Dito kana matulog!"  sabi nya.

"Hindi pwede!"  sagot ko

"At bakit hindi pwede, may kinakasama kana ba?" sya

"Wala pa, wala akong dalang damit, paano ako makakapasok bukas?"  tanong ko sa kanya.

"Eh di wag ka pumasok, ako naman ang boss!"  sya habang iniinom ang juice

"Ayoko nga" kinuha ko ang panyo sa bag, tumayo ako at lumapit sa kanya saka pinunasan ang pawis nya sa noo.    Nabigla sya sa ginawa ko

"Mr. CEO, mainit ka ahh" tugon ko sa kanya.  Nagsisi naman ako kung bakit ganon pa ang pagkakatanong ko.

"I told You!"  tumayo sya saka naman ako biglang hinalikan sa labi.  Naging malikot ang mga labi nya kasabay ng paggalaw ng mga kamay nya.  He inserted his hands inside my shirt and caress it. 

Patuloy na nilibot ko ang kabuuan ng katawan nya mula sa leeg nito patungo sa kanyang mga dibdib.

And again, we made sex on his kitchen.

Nakatulog na sya.  Rinig na rinig ko na rin ang malalalim nyang mga hikbi.  Nag-ayos na ako at umalis na.

......

Papasok na ako sa opisina ng bigla akong nabigla sa mga nakita ko. 

"Andy"  malakas na tawag ko sa kanya.

Agad namang pumasok ito at humarap sakin.

"Yes Mam,"  bungad na tanong nya.

"Nasaan ang mga gamit ko?"  nagtataka kong tanong.

"Pinalipat na po ng Big Boss Mam!"  nangingiti nyang sabi.  "Iba na daw po ang office nyo mam"  parang kinikilig pa nyang turan.

 

"What?  Hindi man lang nya ako sinabihan?"  Napatulala naman sakin si Andy.  Ngayon ko lang din narealize ang nasabi ko.  Bakit pa nga ba sya magpapaalam, eh sya naman ang boss.

"Saan na tayo ngayon?"  - ako

"See him na lang daw po"  sya

Dali-dali akong lumabas ng office at tinungo ang elevator paakyat sa kanya.

"Good morning Mam"  nakangiting bati sa akin ni Sebastian.

Ang totoo?  Anong meron ngayon at bakit masasaya ang mga tao?

"Andyan ba Boss natin?" tanong ko dito

"Yes Mam, he's actually waiting for you inside his office."

Kumatok muna ako sa pinto nya at saka iyon binuksan.

Pansin ko lang, bakit may nagbago sa opisina nya. 

Nakita ko sya na busy sa pagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape.

Hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Good morning Sir, saan na po ang bago kong office."  -ako

Tiningnan nya ako

"Here"  he answered shortly

"Sorry, again sir?"  pagpapaulit ko sa kanya.

Tumingin sya sa isang lugar ng office nya may nakita  akong  isang table.  Later I realized na nandoon ang mga gamit ko.

"Seriously?"  pagtatanong ko

"Pinapatanggal mo ang CCTV sa opisina mo na ayoko namang gawin dahil hindi kita mababantayan kung nagtatrabaho ka ba.   Your reason is your privacy.  So I'm sharing my own privacy with you.  Meaning, starting today, this will be your office."  - Jayden

"Are you insane?" – ako

"Wag ka nang magreklamo dahil wala ding magagawa yan Yoshabelle, so better start working para maging productive ka naman"  sya yan.

Hindi ko na talaga alam ang tumatakbo sa isipan nya.  Lumapit na ako sa table ko at umupo na nga doon. Yung totoo, paano ang magiging set-up ko nito?  Pagtatanong ko sa sarili ko.

Natapos na ang ilang oras at lunchbreak na.

Tumunog ang intercom nya.

"Yes?" – rinig kong tanong nya.

"Ok!  Let him in"

Pagkasabi nya non ay may pumasok na isang lalaki na may hila-hilang tray ng food.  Nakikita ko itong nagseset-up ng table sa pantry area nung office.  Tapos na ata.  Ang bango ng mga pagkain.  Nagutom ako bigla.

 

Nakita kong tumayo na sya at pumunta sa harapan ko. 

"Let's eat" hindi sya nag-aaya nyan hah, its actually a command.  At dahil gutom na rin naman ako ay sumunod na ako sa kanya.

 

Nagsimula na kaming kumain.  Grabe ang sarap ng kain ko.  Bakit ba ang sasarap ng mga inorder nitong lalaking to.  Ang sarap-sarap pa rin ng kain ko ng mapansin ko sya na hindi pa ginagalaw ang pagkain nya. Napahinto ako at tinignan sya.  Nakatingin lang sya sakin.

"Bakit po?"  pagtatanong ko dito

Para naman syang nabigla sa tanong ko at pinilig ang ulo nito. 

" Wala-wala don't mind me.  Just continue eating" sya yan at kinuha ang kutsara at nagsimula na rin syang sumubo.

Natapos na kaming kumain.

Hayy inaantok ako.  Ang dami ko rin kasing nakain.  Hihikab-hikab na ako.

"I'll just go down and have a meeting"  narinig kong sabi nya at tuloy-tuloy na syang lumabas.

Wow lang hah, bakit pa sya nagpapaalam.  Natuwa naman ako doon.

Grabe! Antok na antok na talaga ako.  Hindi ko na mapigilan.  Tutal wala naman sya at may meeting iidlip muna ako ng 30 minutes.

.....

 

 

Naririnig ko ang tunog ng cellphone ko, may tumatawag.  Ano ba yan istorbo, natutulog ang tao ehh.  NATUTULOG?  SINO AKO BA?  Sh*t!  sabi ko sabay dilat ng mga mata. 

 

Nagulat ako dahil hindi pamilyar ang lugar na 'to.  Ang ganda nito nakakarelax.  Nasa kama ako ngayon o kwarto to be exact.  Sino naglipat sakin ditto.  Si Jayden ba?  Bigla akong natuwa sa naisip ko.  Gaano naba ako katagal na nakatulog.  I looked at the clock only to find out that it's already 3:30 pm.  HALA MAGAGALIT SAKIN YUN. 

Agad naman akong tumayo at may nakita akong pintuan, saka agad na lumabas sa dito.

"Jayden sorr-----

Natigilan ako dahil hindi lang pala sya ang tao doon.  Isang  babae.   Isang magandang babae na kausap nya.  Shocks!    Bigla akong nakaramdam ng sakit.  Lalo nang maabutan ko silang nagtatawanan.  

Nakuha ko pa nga ang mga atensyon nila.

 

"SORRY" tila nanliliit kong sabi.  At umupo na sa table ko.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap.  Ako naman tahimik lang. maya-maya pa'y narinig kong tumunog ang cellphone ko.

 

Singagot ko ang tawag dito "Mommy"  rinig kong sigaw ng kambal.

"meLabs"  sigaw ko naman.  Bigla namang tumahimik ang palagid at nakita kong napatingin sila sa akin.  Nakita ko naman ang matatalim na titig ni Jayden. Doon ko lang narealize ang nasabi kong endearment over the phone.   

"Sorry"  sabi ko ulit sabay pasok sa kwarto na pinagtulugan ko kanina.

"Mommy what time ka po uuwi?"  - Yosh

"mga 5 pa meLabs"  - ako

"We'll cook again for you Mom"  - Drew

"Talaga?  Wow I'm so excited mga mahal and because of that, ill buy you your favorite doughnut and ice cream." 

"Yehey" rinig kong hiyaw ng dalawa.

"O sige, Mom is still have to work pa,  pakabait kayo dyan ha"

"Okay Mommy we love you po"  -sila

"Ok! Goodbye and take care!  I love You too meLabs."  Sabi ko and I end the call.

"TURN-OFF THE LIGHTS AND LOCKED THE DOOR AFTER USING IT." rinig kong sabi ni Jayden.  Kanina pa ba sya dyan?

Lumabas na ako dito at hindi ko  na sila naabutan.  Napansin ko na maayos na ang table ni Jayden.  Siguro umalis na yung at magkakaron sila ng date.  Bigla naman akong nasaktan.  Sino kaya yung babae na yun?

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2