Chapter 17 OPP

Chapter 17  -  Cars

 

 

 

"AAKYAT KA BA O HINDI?  I'M GOING TO LOCK MY ROOM!" 

Parehas silang napalingon sa boses na pinanggalingan nito. 

 

"Sige po, aakyat na 'ko, salamat manang dahil kahit papano ay may nakausap ako"  sabi sa kanya ni Cielo sabay dali-daling tinungo ang hagdanan at umakyat na dito. 

Nakita pa nya si Yosh na tumalikod at naglakad na rin papasok sa kwarto.  Sinundan nya lang ito pero dumaan muna sya sa kwarto ng anak at nakita itong mahimbing nang  natutulog.  Sobrang likot rin kasi nito kanina sa mall kaya hayan, bagsak na bagsak ang katawan. 

 

Naabutan nyang bukas ang kwarto ni Yosh kaya naman pumasok na lang sya dito.  Agad nyang hinanap ito nakita nyang matikas itong nakatayo habang nakatalikod sa kanya.  Ang kaliwang kamay nito ay nakapamewang habang hawak naman ng kanang kamay nya ang cellphone na busy sa pagkalikot dito.   Wala pa rin itong suot na pang-itaas. 

 

Sobrang laki na nga ng pinagbago ng katawan nito.  Mas lalo pa itong naging matipuno at makisig.  

 Hindi nya alam kung saan sya humugot ng lakas ng loob dahil dali-dali syang naglakad papalapit.  At mula sa likuran ay niyakap nya ito.

Nabigla ang binata sa ginawa sa kanya.

 

"I'm really sorry for everything."  bulong lamang pero rinig na rinig 'yon ni Yosh.

Mas hinigpitan pa ni Cielo ang yakap sa binata at ibinaon pa nya ang sarili dito. 

 

"I'm really really sorry, sana bigyan mo pa ko ng huling pagkakataon para itama lahat ng maling nagawa ko sayo noon"

 

Pero naramdaman na lang nya ang dalawang kamay ni Yosh na tinanggal ang kamay nya sa pagkakayakap sa kanya at dumistansya dito.

 

"As I've said earlier, magsasama lang tayo para sa anak natin hanggang sa maintindihan nya ang lahat.  Other than that wala na!  After that, magkakanya-kanya rin tayo!  Matulog ka na sa kama, marami pa tayong gagawin bukas."   Iyon lang at nakita nya na pumasok ito sa CR.

 

"wala na ba talaga!"  naitanong nya na lang sa hangin.  Pero bigla nyang naisip ang sinabi sa kanya ng matandang katulong. 

 

"Tama, masyado pang maaga para sumuko Cielo!"  sabi nya sa sarili.  Umupo sya sa kama at hihintayin nyang lumabas mula sa banyo si Yosh.

Ilang sandali lang ay lumabas na rin ang binata sa CR.  Kasalukuyang pinupunasan nito ang mga basang parte ng katawan ng tingnan nya si Cielo.

 

"What?"  tanong nya dito.

"Gusto kong maligo pero alam mo naman na wala akong dalang damit."  Tugon nito ng hindi nya nang nakatingin lang sa sahig.

 

"Pumili ka muna ng damit ko sa cabinet, bukas kukunin natin ang mga gamit nyo kung saan man kayo nakatira."  Naglakad na papunta sa cabinet nito si Cielo at namili nga ng mga susuotin doon.   May nakita syang puting v-neck na shirt at agad nya itong kinuha.  Sunod na naghanap sya ng undergarments.  Dahil nga malaki sa kanya karamihan, kinuha nya na lang ang isa sa mga boxer nito at iyon na lang ang susuutin nya.  Pagkatapos ay agad na syang pumasok ng cr para maligo.

 

Pagkatapos nyang maligo ay tiningnan nya muna ang sarili sa salamin bago lumabas.  Dahil masyadong malaki ang damit sa kanya ni Yosh ay parang wala tuloy syang suot na pangibaba.  Naabutan nyang nakahiga at nakapikit na ang dating kasintahan.

 

Tatanungin sana nya ito kung may hair dryer ito pero mukhang tulog na sya. Nakita nyang may isang stand fan sa isang sulok at agad nya itong binuksan pagkatapos ay tinapat doon ang buhok para matuyo. 

 

Maya-maya lang ay humiga na sya sa kama kung saan din nakahiga si Xander.  Mula sa side ay tinignan nya si Yosh.  Ito na lang ulit ang pagkakataon na kung saan matititigan nya ng matagalan ang dating kasintahan.  Nakatakip sa mga mata nito ang kanang kamay.  Halatang mas sanay itong matulog ng walang suot kundi ang boxer lang. 

 

Ang laki na talaga ng pinagbago nya hindi lang sa ugali bagkus sa katawan din.  Dahil nga mahimbing na itong natutulog ay unti-unti syang lumapit mula dito at iniyakap nya ang kanyang kaliwang kamay dito. 

Kinakabahan syang unti-unti pang inilapit ang sarili nya.  Isa ito pinaka-pinangarap nya na sana mangyari at ngayon nga ay natupad na.  Unti-unti nang bumigat ang kanyang mga mata dahilan para makatulog na sya.

.....

 

 

Lingid sa kaalaman ng dalaga ay kanina pa nagpipigil sa sarili si Yosh.  Nahihirapan sya sa mga pinapakita nito.  Alam nyang hindi pwede ito.  Hindi pwedeng may maramdaman  pa sya dito.  Mas lalo pa syang nahirapan ng yakapin sya ni Cielo.  Halos buong sistema nya ay nawala sa focus at biglang may kung ano ang nagising sa kanya. 

 

"Oh sh*t not now!"  bulong nya sa sarili.  Naramdaman pa nya ang paghaplos ng kaliwang kamay nito sa parteng bewang nya na mas lalong nagparamdam sa kanya ng kakaibang pakiramdam  which makes him feel of wanting more.  Nagwawala na ang kaloob-looban nya.  And now, his manhood is completely reacting and responding to the sensation that this girl is bringing  him.

 

"Damn you!!"  he cursed.  You're always killing me down there, bulong pa nya sa isip.   Naramdaman nyang humihinga na ito ng malalim.  Ibig sabihin ay di tulad nya, totoong tulog na ito.  Dahan-dahan nyang tinanggal sa pagkakayakap sa kanya ang kamay nito at dali-dali syang tumakbo papasok ng CR.

...

 

 

Maagang nagising si Zian kaya naman bumangon agad sya.  Nabigla sya sa tuwa dahil sa nabungaran nya sa paligid.  Marami syang nakitang mga laruan na kotse na nakaayos sa cabinet.  Karamihan ay puro mga transformers yung sa movie.   Agad syang tumayo at tinungo ang kulay dilaw na sasakyan. 

 

"Woowww!  Ang ganda!"  malakas na sabi ng bata.  nilibot pa nya ang kanyang paningin sa paligid.  Namangha din sya sa disenyo nito.  Colored in skyblue ang tema at may mga wallpaper pa ng transformers sa paligid. 

 

"Ang galing ng Daddy!"  nasabi na lang nya sa sarili.

Pumasok si Zian sa CR para mag hilamos pagkatapos ay kinuha nya ang dilaw na kotse at masayang lumabas ng kwarto.

 

"Wooww, ang laki!"  muling paghanga ng bata sa nabungaran nya.  Bumaba na sya ng hagdanan para libutin pa ang buong mansion ng ama.  Bawat mga nakikita nya ay katumbas nito ang paghanga sa mga ito.

"Good morning, little master!"  agad iyong narinig ni Zian at nakita ang babae na nakaharap sa kanya.

 

Tumingin sa likuran nya si Zian para tignan kung sino ang kinakausap nito pero wala namang tao sa likod.

 

"Me?" turo pa nito sa sarili.

"Opo, little master, kakain na po ba kayo?"

Patakbong lumapit dito ang bata.

 

"But my name is Zian Xander" 

 

"But in here, we call you little master, because you're our Young Master's son"

"Si Daddy?"  tanong nya na sya namang tango nito.

 

"Where's their room?" 

 

Ahh dun po sa taas din sa pinakadulong kwarto na kung saan naroroon din ang kwarto mo.  Sagot sa kanya nito.

 

"Is mommy there too?"

 

"Yes, little master."

 

"ohhh"  yun na lang ang nasagot sa kanya ng bata.  Maya-maya pa ay may malakas silang busina ng kotse na narinig.  Agad na tumakbo ulit ang bata palabas ng pintuan para tignan ang dumating na dalawang sasakyan.  Parehong kulay itim ang mga iyon.

 

Nung huminto na ang sasakyan ay may dalawang tao, isang lalaki at babae, ang lumabas sa pinakauna.  At may lumabas din na dalawang tao sa ikalawa.

 

Agad na nagtago si Zian sa likod ng stand ng flower base. 

 

"JAYDEN YOSH!!!"  nagulat si Zian sa sobrang lakas ng sigaw ng babae papasok.

 

"JAYDEN YOSH LUMABAS KA JAN!!!"  hindi na natagalan pa ni Zian at sa sobrang takot ay agad na lumabas ito sa tinataguan.

 

"DADDDDY!"  sigaw ng bata habang mabilis na tumatakbo paakyat.

 

Napahinto naman sa kakasigaw si Drew at nagulat sa batang umakyat.

"Oo ate, sya lang naman, ang batang tinakot mo."  Walang ganang sabi ni King.

 

"Oh my, ang apo ko!"  mabilis na naglakad na rin si Yoshabel paakyat ng hagdanan.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2