Chapter 36 FBBF

 

Chapter 36  FBBF

 

 

Jayden's  POV

"Here!  Just in case, I want you to use that to defend yourself okay?"  sabi ko sa kanya.

"I love you Yosh, mahal na mahal kita!"  I told her.

Bigla uling may bumaril sa lugar namin

"Mahal na mahal din kita!  Please! Kaylangan mo kong sundan sa loob!"  she said to me.

"Of course I will do that!  Ready ka na ba?"  I asked her

"One... two... THREE"

Tinulak ko na sya patakbo sa elevator sabay labas ko.  Mga limang lalaki ang tumambad sa akin pero sunod-sunod na putok na baril ang narinig ko.  Sabay ng pagbagsak ng mga iyon.

"Sorry Sir kung nalate kami ng dating!" 

Nakita ko si Sebastian na bumaba galing ng sasakyan at kasama nito si Zach (Zachary  Kho-  sya po yung dating Presidente na pinagtatrabahuhan ni Yoshabel na matatagpuan  sa Prologue).

Sa backseat naman ay lumabas ang dalawang kaibigan ni Yosh, sina Alex at Monika.

"Nasaan si Yosh?"  agad na tanong ni Alex.

Bigla kong naalala si Yoshabel.  Dali-dali kong tinungo ang elevator at pinindot ko 'yon.

Pagbukas nito ay nakita ko si Yosh na nakataas ang kamay hawak hawak ang baril kasabay niyon ang pagputok nito. Ibinagsak ko naman ang sarili ko sa sahig.

"Oh my god!" rinig kong sigaw ni Yoshabel

"I'm so sorry Jayden, hindi ko sinasadya!  Hindi ko sinasadya!  Gumising kana!"  "Tulungan nyo kami!" rinig kong sigaw niya.  Pero nanatili lang akong patay-patayan.

Narinig ko naman ang takbuhan nila Sebastian sa lugar namin.

"OMG!  Bessy!  Ikaw na ba yan?"  - Alex

"Alex? Monika?  Sir Kho?"  rinig kong sabi ni Yosh.

"Anong nangyari?"  - Monika

"Aksidente ko syang nabaril, akala ko kasi yung mga lalaking nakamaskara lang"  sagot nya.

"Tulungan nyo ko, kaylangan nating dalhin sa ospital si Jayden"  umiiyak na sabi ni Yoshabel.  Natatawa naman ako sa mga nangyayari.

"Ahh ganon ba?  Asus may naisip na akong paraan para magising yan"  Alex

"Hoy Zacko, diba na miss mo si Yoshabel?"  tanong nito kay Zack.

Teka anong balak gawin nito?  Tanong ko sa sarili.

"Oo naman noh, ang galing galing nga nyang employee ehh, sobrang miss ko na yan"  rinig kong tugon ni Zack

"Oh ano pa hinihintay mo?  Eh di yakapin mo na!  I-kiss mo pa kung gusto mo"  si Monika

Wait!  Hindi pwede yon!  Sigaw ko sa isip.

Naramdaman ko namang papalapit na si Zach samin.

"ONE WRONG MOVE AND YOUR DEAD!"  hindi ko na napigilan pang magsalita.

Tumayo na ako sa pagkakahiga ko kay Yosh at pinagpagan ko ang suot!

"Brad, yayakap lang naman ehh"  - Zach

"Untog kita sa pader gusto mo?"  tanong ko dito.  Bumaling naman ako sa kinauupuan ni Yoshabel.

"Oh ano pang tinitingin-tingin mo dyan?  Buhay ako, kala mo sakin multo?"  tanong  ko naman sa kanya sabay abot ng kamay ko dito.

"WALANG HIYA KA! MANLOLOKO!  MANLOLOKO!"  - Yoshabel.  Ayan at  hinampas na nga ako, sinipa pa, hinagis pa sa pader at binaril na talaga (syempre joke lang yun)

"Aray!  Ano ba! Nakakasakit kana hah!  Aray stop it!  Isa!"  salag ko sa mga hampas nya.

Bigla nya akong niyakap.

"Pinag-alala mo ako ng sobra!  Akala ko may masamang nangyari na sayo."  naramdaman ko ang pagbaba at taas ng mga balikat nya!  Eto na naman po kami at umiiyak na naman ang Prinsesa ko.

"Hay naku baka langgamin kayo dyan!  Mauna na kami!  We'll go ahead at the hotel!"  - Alex

"Eh kung sinasagot mo na sana ako, edi sana antik pa ang lumapit satin sa sobrang kasweetan ko!"  Zach

"Kadiri ka! Manahimik ka nga, ipakulong kita dyan ehh!"  iyon lang at isa-isa na silang nag-alisan.

"Attorney!  Sakin kana sumabay ohhh!"  rinig kong sigaw ni Zach habang hinahabol si Alex.

"O pano, let's go?  Tsansing kana ehh"  sabi  ko kay Yosh!

Tumango naman sya at sabay ko syang binuhat (wedding style syempre))

"Hey, put me down!  I can take care of myself!"  sya

"Hindi na!  baka mapano pa si baby ohhh!"  sagot ko sa kanya.

"Pero may dugo ka pa sa braso!  Baka kung mapano yan!"  sya ulit

"Gamutin mo nalang mamaya sa KAMA!"  sabi ko sa kanya sabay kindat.

"Alam mo, mamamatay kana nga lang lahat-lahat ang bastos pa rin ng nasa isip mo!"

"O bakit?  Ano bang sinabi ko?  O sige sa banyo na lang!"  maang-maangan ko.

"Baka lang makalusot ehhh!"  bulong ko pa

"What did you say?"  - sya

"Wala sabi ko ang ganda-ganda mo talaga!"  sabi ko at dumiretso na nga kami sa kotse ko.

.....

 

 

Elaine's  POV

 

 

"Mga inutil kayong lahat!!  Ang dami-dami nyo na nga ni mabaril man lang ang babaeng yon hindi nyo pa nagawa?"    - sigaw ko sa kanila.

"At ikaw na lalaki ka!  Wala ka ring kwenta!  Masyado na akong naiinip sa mga sinasabi mong plano na hanggang ngayon plano pa rin!"  baling ko naman sa kanya.

"Di ba sinabi ko naman sayo?  Wag ka masyadong padalos-dalos?  Magtiwala ka lang, dahil sinisigurado ko sayo babe, after this, makakasama mo na ulit ang taong kinababaliwan mo!"  sagot nya sakin.

"O sige, maghihintay ako!  Pero hindi ko lang alam kung hanggang kailan!"  yun lang at lumakad na ako palayo sa kanila.

 

 

Yoshabel's  POV

 

"Hindi ko alam na may koneksyon pa rin pala kayo kay Jayden after all these years."  Sabi ko sa kanila.

Nandito kami ngayon sa restaurant ng hotel at kumakain.  Ako, si Monika at si Alex.

"Yeah, our companies were partnered by his company, alam mo naman diba sa business world!"  sagot ni Monika.

Si Monika ay isang sikat na Doktor na sa iba't-ibang bansa.  Ang mga ospital nya ay sikat na rin sa iba't-ibang panig ng mundo.  Si Alex naman, as usual, nag-shift na pala sya sa  pagiging pagaabogado at sa ngayon, Head Legal counsel sya ng MGC.

"Ikaw hah, inunahan mo pa kami, akalain mo yun nakadalawa na pala kayo ni Jayden, hindi pa namin alam"  - Monika

"Yeah right!  Look at her, pregnant pa sya!"  - Alex

"Kamusta na pala kayo ni Jayden?  Kaylan ang kasal?"  tanong ni Monika.

"Hindi ko alam, wala pa atang balak yun na magpropose.!"  Malungkot kong sabi.

"Eh ano bang status nyo ngayon?"  Alex

"Boyfriend-Girlfriend"  ako

"WHATTTT??????"  sabay nilang sigaw.

"Wag nga kayong OA!  Pinagtitinginan na tayo ohh"  sabi ko sa kanila.

"Naka-tatlo na kayo pero magboyfriend at girlfriend pa lang kayo?"  Alex.

"O  Attorney, kakasuhan na ba natin ang CEO?"  -  tanong ni Monika

"Pwede!  Ilang taon ang gusto mong makulong sya?"  sabay sagot at tanong sakin ni Alex.

"Wag nga kayong ganyan,  syempre, naghihintay  pa rin ako dun nu"  sabi ko sa kanila.

"Teka, bakit ba puro ako ang nasa hotseat, dapat kayo rin, ikaw Alex, san ka ba galing at bakit ngayon ka lang nagpakita?"  tanong ko dito.

Nakita kong umirap lang ito pero si Monika ang narinig kong sumagot.

"Nasa Business trip yan with his Mr. Prince Charming!"  pang-aasar nito.

"Tigilan mo nga ako Monika!"  asar na sabi ni Alex.

"Totoo?  Kayo ba ni Mr. Kho?  Sya yung presidente nung kumpanya na dating pinagtatrabahuhan ko ehh"  sabi ko sa kanila.

"Actually, nandun din ako nung kinausap ka nya!  Hindi mo nga lang ako nakikita, pero nakikita kita!"  nakangiting sabi ni Alex.

"Ano kayo na ba nung Zackho na yun?"  Monika ulit.

"Tigilan mo ako Monika hah, baka gusto mong tawagan ko si Renz para manahimik   ka lang dyan!"  Alex.

"Si Renz?  As in Renz Villa?"  gulat na tanong ko sa kanila.

"EXACTLY"  nakapikit na sabi ni Alex.  "Long time love nya yun ehhh"  dagdag pa nito.

"Hep hep hep, tama na attorney, baka kung saan na mapunta ang usapan natin."  sabi ni Monika

"Uy, besty, gusto ko kapag manganganak ako, ikaw hahawak sakin hah!"  sabi ko kay Monika.

"Wag kang magalala, kinontrata na ako ng boyfriend mo about that, kaya nga nya ako pinabalik dito sa Pilipinas ehh"  sabi nito sakin.

"Ahh ganon?  Kung hindi pa pala sa ginawa nya, hindi mo pala ako mapagbibigyan!"  nagtatampo kong sabi dito.

"Syempre hindi noh, kahit di mo pa ako sabihan, authomatic ko nang gagawin yun, gusto mo ngayon ko na ilabas ang bata ehh!"  sya.

"Uy wag naman, Apat na buwan pa lang ang tyan ko!"  at nagtawanan lang kaming tatlo,

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2