FBBF - Chapter 5
Chapter 5
Yoshabel's POV
Dali-dali akong pumunta sa pinto at binuksan ito.
Agad namang may pumasok na "isang diyos galing pa sa Mt. Olympus" este lalaki sa pinto na syang nagpatabi sa akin.
"Hoy lalaki---" napadako ang mga mata ko sa dala niyang isang malaking bag.
"anong ginagawa mo dito ha?" "pinapapasok na ba kita?! At anong masamang hangin ang nagpadala sa isang masamang tao na katulad mo dito hah? Tuloy-tuloy kong sabi!
Ayan na naman sya, kinakalikot ang tenga niya gamit ang isang kamay na animo'y nabibingi sya sa mga sinasabi ko.
"Pwede ba, ang ingay-ingay mo, kanina ka pa hah! Nakakaiirita kana!" Aba't sya pa ang may ganang magalit!
Agad-agad syang pumunta sa sala at naupo doon.
"Ang liit naman ng apartment mo." Turan nito.
Pagdating sa kanya, maliit nga talaga, malaking tao kasi at halata naman.
"Sabihin mo, bakit ka nga nandito? At bakit may dala kang bag? Gabi na ahh! Wag mong sabihin na pinalayas ka sa mansion niyo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Dito muna ako titira." Walang ganang sagot niya.
"Ano? At bakit dito ka titira? May bahay ka naman ahh, saka mas malaki pa dito."
"I don't feel like staying there, that house of mine is too big for me. Mababagot ako dun" tugon niya.
"Hindi ka kasya dito. Isa pa, lalaki ka at babae ako, ano na lang iisipin nila?" - ako
"Wala silang iisipin na masama dahil fiancé naman kita!" sabi niya at naglakad papuntang kusina.
"Don't worry, I will not harm you nor have sex with you, you're not my type in bed, unless you'll take the initiative to do that then why not give it a try, right?" tuloy-tuloy niyang sabi. "bahay ba to?" nakataas ang kilay niyang turan.
"at ano sa tingin mo hah?"
"wala ka man lang kagamit gamit!" sabi niya.
"UMALIS KANA! HINDI KA PWEDE DITO" sigaw ko sa kanya.
"My decision is final, I'll stay here whether you like it or not" " san ba ang pwede kong maging kwarto dito?"
"Bahala ka sa buhay mo! Dun ka pumunta sa ikalawang pinto sa taas."
Pagkasabi ko nun ay dali dali na akong umakyat sa itaas at pumasok sa kwarto ko.
Hindi ko sya maintindihan. Nung una naman halos hindi ko sya makausap. Parang halimaw pa nga sya. Pero ngayon, akalain mo nga naman dito pa sya titira. He's so unpredictable.
...........
"Hoy, gumising ka nga dyan, nagugutom ako!" saad ng isang boses sa gilid ko.
"ano ba natutulog pa ang tao ehhh" nakapikit kong sabi.
"Eh sa nagugutom ako! Bakit ba ang tamad-tamad mo" - Jayden
"Bumangon ka dyan at ipagluto mo ako ng makakain"
Hindi na ako makatiis at agad-agad akong napaupo sa kama ko.
"Ano bang problema mo hah! Ang aga-aga pa!" bulyaw ko sabay tingin sa orasan!
"For Pete's sake Jayden, alas-dos palang ng madaling araw."
"bakit kaba naninigaw hah! Eh sa nagugutom ako" – sabi niya sabay irap at pagdikitin daw ba ang mga kamay nito sa dibdib.
"Seriously? Magluto ka sa baba!"
"I don't know how to cook! Ipagluto mo ako ng makakain!" sabi pa nya.
In my frustration, tinitigan ko sya ng masama and I have no choice but to get out of my bed and go downstairs.
Dumiretso ako sa kusina at umupo naman sya sa lamesa. Binuksan ko ang rice cooker at kumuha ako ng pinggan. Good thing dahil may natira pa akong ulam na maling. Ibinigay ko ito sa kanya.
Kumuha rin ako ng dalawang baso at nagtimpla ng gatas.
Pumunta ako sa lamesa at naabutan syang kumakain. Mukhang gutom nga ang loko. Inabot ko sa kanya ang isang basong gatas.
"I don't drink milk" usal niya habang may laman pa ang bibig nya.
"Kaylangan mo yan, para naman makatulog ka at hindi mo na ako abalahin pa" sabi ko sa kanya.
"Bakit ba takot na takot kang hindi makatulog? Hindi ba dapat matakot ka ng hindi ka magising?"
Sinamaan ko sya ng tingin. "Ikaw bakit ka ba nakikipag siksikan dito sa apartment ko ha? Baliktad ka rin eh"
"sabi ko naman sayo diba? Ayokong magisa lang sa malaking bahay." Sabi niya.
"Kaya dito ka sakin nakikipagsiksikan?" "mapanganib ka kaya kasama." I said.
"At bakit mo naman nasabi?" tanong nya.
"ahh ewan, bahala ka," tumayo na ko pagkaubos ko ng gatas. "matulog ka na pagkatapos mo."
"IM SORRY!"
Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka. "huh?" reaksyon ko habang nakakunot ang noo.
"Alam ko hindi naging maganda ang mga nangyari sa unang pagkikita natin. I hope you give me a chance to correct the mistakes I have committed." Litanya nya.
Ako NGANGA lang ang naging reaksyon ko at patakbo akong umakyat sa kwarto ko.
..........
Malapit na ang sembreak namin. Marami na ang nagbago, especially sa aming dalawa ni Jayden. Mas nakilala ko pa kung sino nga ba talaga sya.
Akalain mo nga naman na para sa isang pinaka perpektong nilalang na katulad nya, as in mala-adonis na itsura, at napaka seryosong awra ay nagtatago ang isang napaka-isip batang personality nya.
Naging mas malapit pa kami sa isa't-isa magpasa-hanggang ngayon, sa apartment ko pa rin sya nakatira. Nakakatawa nga eh, dahil kinabukasan nung gabing pumunta sya sa bahay ay namili na sya ng maraming gamit. Refrigerator, aircon, sala set, kitchen ware, at marami pang mga gamit sa bahay. Wala nga akong nagawa kasi gusto nga raw nyang maging komportable.
Araw-araw, lagi kaming sabay sa pagpasok. Ang alam nga sa school ay talagang malapit na kaming ikasal.
Habang tumatagal, hindi ko na rin namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sa kanya. Na unti-unting nagugustuhan ko na sya. Ewan ko ba, pero feeling ko hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya ngayon, kaya nga natatakot na ako.
I know from the start that I should not like him. Sobrang hindi pwedeng maging kame and there's no chance na maging kami! That's so impossible.
Bakit? Simple lang, langit sya, lupa ako. Bituin sya, buhangin lang ako. Prinsipe sya, alipin lang ako. Gustong-gusto ko na talaga sya. Lagi ko na lang nga naiisip na sana hindi nalang sya pinanganak na mayaman. Kaya habang maaga pa, kaylangan ko ng patayin ang nararamdaman ko sa kanya. Kaylangan ko na syang iwasan. And I need to start as early as now.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Sinadya ko talaga ito para hindi kami magkasabay sa pagpasok.
Nagluto na agad ako ng agahan, hinanda ko na ito sa lamesa para pagkagising nya ay kakain na lang sya.
Dumating sya sa classroom ng hindi naman late. Umupo sya sa upuan katabi ko pero napagdesisyunan ko rin na tumayo at lumipat ng ibang pwesto. Nagtataka naman syang napatingin sakin pero wala ni anumang mga salita ang lumabas mula sa bibig nya.
.....
"Yosh may problema ba tayo? May problema ka ba sakin?"Naglalakad ako pauwi nang bigla na lamang syang sumulpot at hawakan ako sa braso.
I suddenly felt the electricity coming through me from him as he touched me.
I just nodded and continued walking.
"Well then, kausapin mo 'ko!"
"Wala naman kasi akong sasabihin" from then nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.
"THEN WHAT IS WRONG WITH YOU? WHAT'S WITH THE SUDDEN CHANGE OF YOUR MOOD?" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nito pero pinigilan ko ang sarili ko na harapin sya, na patulan sya. I need to maintain my self-control. I just continued walking.
"FOR PETE'S SAKE! WILL YOU TALK TO ME!" he commanded me. Narinig kong sinipa nya ang malapit na trash can and it created a loud noise.
Huminto ako at naglakad ako pabalik sa lugar kung saan sya nakatayo.
"Ano bang gusto mong marinig sa akin hah? Ang layuan mo ako dahil hindi ko na kaya? Yung tipo na ayoko na? Ayoko na sa nararamdaman ko sayo? Yun ba?
Ayoko na dahil habang tumatagal, mas lalo akong nahuhulog sayo? Na sa bawat pagkakataon lagi kong hinihiling na sana hindi ka nalang sinilang na sobrang yaman para kahit papano may pag-asa ako sayo?Na sana dumating ang panahon na mahalin mo rin ako kagaya ng pagmamahal ko sayo.
Na sana yung pinaka pangarap ko makuha ko? Yun ba ang gusto mong sabihin ko hah?!"
Hindi sya nakapagsalita sa lahat ng mga sinabi ko. Okay Yosh, what can you expect. Tinalikuran ko sya at naglakad na ulit ako palayo.
Sa paglalakad ko ay hindi nya na ako sinundan pa. So ibig sabihin naintindihan na nga nya. Nag-uunahan sa pagbagsak ang mga luha ko. I felt so pathetic. Napaiyak na lang ako dahil sa isiping kahit kaylan ay hindi sya mapapasakin.
Maya maya pa, isang ikot nalang at malapit na ako sa apartment. Tuluyan ko na lang syang nilakad at hindi na nga ako sumakay pa. Nakaramdam muli ako ng mga yapak na nanggagaling sa likuran ko. Pagtingin ko sa likod, nandun nga sya at nakasunod na. Nang tumingin ako sa kanya ay bigla syang huminto sabay tingin sa ibang direksyon. Inirapan ko sya sabay talikod at nagpatuloy sa paglalakad. Bakit ba hindi na lang sya sumakay, may kotse naman sya ahh.
Tuloy pa rin ako sa paglalakad "Bakit ba naglalakad ka rin? Hindi ba may kotse ka? Ano na naman ang trip mo?"
Wala syang sinagot sakin ni sinabi man.
.......
Biyernes na at kaylangan ko ulit gumising ng maaga para maunahan sya.
Pumasok ako ng CR para maghilamos at bumaba na. I go straightly to the kitchen at napansin ko ang maliliit na ingay na nanggagaling dito. Only to find out that Jayden is there and he is busy in preparing breakfast I guest.
After then, naramdaman siguro nya ang prisensya ko at lumingon sya sa akin.
"Gising ka na pala, umupo ka na dyan, malapit na akong matapos dito" he said with the smile on his face
Kung ganito ba araw-araw ang magiging tagaluto mo, siguro gaganahan kang kumain sa umaga.
Pero naagaw ang atensyon ko sa mga pagkain na nakalagay sa lamesa.
Let me describe it.
Hotdog na sunog, tinapay na sunog, tortang itlog sa eggshell na sunog?! Seriously? Lahat sunog!
At Bacon na hindi mo na makilala. Napadako ang tingin ko sa kanya na mukhang tuwang tuwa pa sa mga pinaggagagawa niya sa kusina.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon.
Alam mo yung sinasabi ko sa sarili ko na dapat ko syang pangaralan habang pinipigilan ko ang sarili ko na tumawa ng sobrang lakas. Ganito pala magluto ang mahal na Prinsipe sa kusina.
Umupo na ako sa lamesa habang nakatitig pa rin sa mga pagkaing inihain nya. Naghahanap man ako sa mga ito ng pagkain na kahit konti lang ay ligtas kainin, pero wala talaga ehh. Itsura pa lang nakakatakot ng kainin paano pa kaya ang mga lasa nito.
Maya maya lang ay inabutan nya ako ng isang baso ng gatas. Naku naman, sa itsura pa lang ng gatas mukhang sasamain pa ata ang tyan ko nito ehh. "Heto gatas, ubusin mo yan hah." Seriously?! Nagtitipid ba sya sa gatas, o naubos lang talaga ito kaya tinipid nya. Napalunok na lang ako habang sinasagot ko ang sarili kong katanungan.
"Salamat" nasabi ko nalang.
Syempre sinimulan ko nang sumubo para naman hindi mareject ang feelings nya. First time nya nga talagang magluto, no doubt! At sa sobrang kamalasan ko nga naman, ako pa ang nasampolan ng luto nya. Nang Makita nya akong kumukuha nang mga niluto nya, ALAM NYO YUNG NGITI NA ABOT HANGGANG TENGA? Sya yun. At natutuwa pa ang Prinsipe nyo!
"OMG" naisigaw ko nalang sa isip. Sa totoo lang, feeling ko ginagantihan ako ng lokong to ehh dahil sa nangyari sa amin kagabi.
Comments
Post a Comment