Chapter 10 OPP

Chapter 10  -  Don't leave

 

 

 

 

Cielo's  POV

 

 

"Tadaaaaa!"  sigaw ko matapos kong ilabas ang lahat ng mga niluto ko kanina.  Gumising pa talaga ako ng maaga nyan para naman ipagluto sya.  maganda ang naging takbo ng practice ng team nila sa lugar na pinuntahan namin at ngayon nga ay back to normal na ulit kami.  Habang tumatagal ay mas lalo ko pa syang nakikilala.  At mas lalo pa kaming napapalapit sa isa't isa.

 

"Ano yan?" — Xander.

"Malamang, pagkain, ano ba namang tanong yan!"  sabi ko sa kanya ng may himig na pagtatampo.

Nakita kong kinuha nya ang tinidor pagkatapos ay sumandok ng kapirasong karne at tinignan ito na para bang nandidiri.

 

"Ligtas ba 'tong kainin?"  sunod pa na tanong nya.

 

"Wow hah!  Biruin mo na 'ko sa lahat wag naman sa niluto ko!  Pinaghirapan ko kaya yan."  sabi ko sa kanya.  Nandito kami ngayon sa greenfield na malapit sa puno at naka-upo, yun bang parang nagpipicnic. Tinalikuran ko sya at hindi  na lang nagsalita.

 

"Ikaw naman, tampo agad, o sige na pagsandok mo na ang mahal mo." 

 

"eh bakit ka natatawa?"  tanong ko pa sa kanya.

 

"Kaw naman kasi, di ka na mabiro, sige na, gutom na ko ohhh!"  naka-pout na sya nyan.  Grabe lang mas gwapo pa syang tignan dyan.  Kahit naman siguro anong anggulo ang gawin nito ay  mas lalo lang nagpapaangat ng kakisigan nito.

Nagsimula na syang kumain at mabilis nyang sinubo ang kinuha nitong baboy at gulay na niluto ko.  habang ako naman ay nakaabang sa magiging reaksyon nya.

 

"Anong lasa?"  nakaabang na tanong ko sa kanya.

Pero nagpatuloy lang sya sa pagnguya at nakita kong lumunok sya.

 

"okay?"  Pilit syang ngumiti.  Teka, parang may mali ehh.

Kumuha na rin ako ng pagkain at nagsimula na akong sumubo.  Pagkakain na pagkakain ko nito ay agad akong kumuha ng tubig.  Grabe, ito ba ang luto ko.  sobrang alat na mapait.  Susubo pa sana sya pero agad ko syang pinigilan at kinuha ko ang kutsara nya.

 

"Anong ginagawa mo?"  bigla nyang tanong.

 

"Sorry, wag kang mag-alala sa susunod ay pagbubutihan ko."  malungkot kong sabi.  Kinuha nya ang kamay ko at mataman itong tinitigan.

"Anong nangyari dito?"  tanong nya ulit pero this time ay mahina na. Binawi ko ito sa kanya at nilagay ko sa likod ko.

"Wala to, kaninang umaga lang, medyo nadaplisan ng kutsilyo, pero hindi na masakit."  Pilit ko syang nginitian.  Inabot nya ako at kinuha muli ang kamay ko.  inilagay nya ito sa pisngi nya na para bang pinapakiramdaman ito.  "At dahil dyan, kakainin ko tong lahat ng niluto mo, dahil ikaw ang nagluto nito"  nakangiti nyang sabi.

Namangha naman ako dahil sa tibay nyang maubos ang lahat ng niluto ko.  Kakatouch lang dahil pinilit pa talaga nya.

 

"Gamot, una na ko, may gagawin pa ko sa klase"  may inabot sya saking isang maliit na notepad.

"What's this?"  tanong ko.

"4:30 ang uwian mo di ba?  Dyan ka pumunta, dyan kita susunduin."  Sabi nya sabay karipas ng takbo.  Grabe naman makapagmadali yung taong yun, ayaw pa nyang sabihin na kaylangan nya nang mag-CR dahil sinamaan sya ng tyan sa kinain nya.

 

Katatapos lang ng last subject ko at papunta na nga ako sa address na nakalagay dito sa notepad na binigay ni Xander.  "Narra Tree at the back of University soccer field"  agad kong tinungo ang lugar.

 

Nang makarating na ko sa nasabing lugar ay wala pang katao-tao, wala pa sya.  Lumapit pa ako sa Narra tree para umupo.  Pero maya-maya lang ay bigla akong nakarinig ng pagtunog ng gitara.

Pagtingin ko sa likod ay nakita ko si Michael na nakatayo dito at may hawak-hawak na gitara.  Nginitian ko naman sya kasabay ng pagkindat nito.  Maya-maya pa ay nagsimula na nyang i-strum ang gitara.

 

Just an ordinary song To a special girl like you

 

Nabigla ako sa isang pamilyar na boses na nagsimulang kumanta.  Sa likod ng puno ay nakita ko syang lumabas  with his very elegant black Americana with red long sleeve inside it. 

 

From a simple guy Who's so in love with you

 

Unti-unti syang lumapit sakin  "May I have this dance?"  tanong nya sakin.  I don't know what is the right reaction to react pero isa lang ang sigurado ako, parang biglang nagkaroon ng mga paro-paro na nagwawala sa loob ng tyan ko na gustong kumawala.  

 

Bagay na bagay sa kanya ang suot-suot nya ngayong coat at suit, mas nagpaangat pa ito sa kanyang kakisigan.

 

"Gamot, pwede bang isayaw muna kita saka mo ipagpatuloy ang pagpapantasya sakin"   rinig kong sabi pa nya.  Bigla naman akong nahiya na lumapit sa kanya, dahil hindi ko lang alam kung ano ang itsura ko ngayon.

 

"Wow lang hah,"  hinawakan ko na ang kanang kamay nya at ngayon nga ay nakayakap na ako sa kanya at ganun din sya sakin. Kapwa ang mga mata namin ay nakatingin lamang sa isa't —isa.

 

I may not have much to show

No diamonds that glow

No limousines

To take you where you go.

 

Okay lang Xander kahit wala kang ma-ioffer sakin, ikaw lang ay sapat na.  Nilubog ko ang mukha ko sa malalapad nyang dibdib.

 

But if you ever find yourself

Tired of all the games you play

When the world seems so unfair

You can count on me to stay

Just take some time

To lend an ear

To this ordinary song

 

Ang sarap pakinggan habang kumakanta sya.  naramdaman ko ang bigla nyang pag-hila sakin palapit sa katawan nya.  Niyakap nya ako at pinatong ang ulo nya sa balikat ko.  I know right this time, ramdam na ramdam nya ang sobrang lakas at kabog ng dibdib ko.

 

Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you

I don't even have the looks

To make you glance my way

The clothes I wear

May just seems so absurd

 

But deep inside of me is you

You give life to what I do

All those years may see you through

Still, I'll be waiting here for you

If you have time

Please lend an ear

To this ordinary song

 

Sobra akong nahahalina sa pinaparanas sakin ni Xander ngayon.  Ramdam na ramdam ko ang sincerity sa bawat lyrics ng mga kanta na lumalabas mula sa kanyang mga bibig.

Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you.

 

He distance his self to me and I saw him kneel in front of me.  Mula sa likod nito ay naglabas sya ng tatlong rosas.

"Jacky Cielo Villazar will you be my girl?"  Tinitigan ko lang sya habang pinaprocess ang mga magagandang nangyayari samin sa oras na 'to.  Nanatili syang nakayuko habang siguro hinihintay nya kung ano nga ba ang isasagot ko sa kanya.

Umupo na rin ako para pumantay sa kanya.  "Indeed"  kinuha ko ang tatlong piraso ng mga  rosas sa kanya.  Pagkarinig nya non ay mabilis ako nitong niyakap ng sobrang higpit.

 

 

"Congratulations Pre, sa wakas ay may girlfriend ka na"  tinitigan lang sya ng masama ni Xander saka hinigpitan pa lalo ang yakap nya sakin habang sinasayaw-sayaw ako.

 

"Upo na tayo"  yaya nya sakin.  Pumunta muna sya sa likod ng puno para siguro may kunin.  At nakita kong may dala-dala na syang lunch box at isa-isa nang nilabas ang mga pagkain.  Adobong manok, itlog na maalat na may kamatis at may nakita pa akong kalamansi, kanin, at C2 yung 1.5 na litro.

 

"Wow mukhang masasarap, amoy pa lang, ikaw ba nagluto ng lahat ng 'yan?"  mangha kong tanong sa kanya.

 

Tumango naman sya bilang sagot sa tanong ko.  "Sorry kanina hah"  sabi ko sa mababang boses.

"For what?" — Xander.

 

"Sa hinanda ko" 

 

"Ah yun ba?  Ayos lang naman ahh, masarap nga ehh"  sabi nito.

 

"hmmmm, liar" 

 

"Basta next time, wag mo nang uulitin yon"  sinamaan ko sya ng tingin.  

 

"Syempre biro lang yon"  ngumiti sya.

"Magluto ka lang ng magluto para pag mag-asawa na tayo, masasarap na mga luto m...ARAY!"  hiyaw nito sa sakit dahil hinampas ko sya sa kanang braso.  Maloko din kasi, mahirap kayang mapintasan ang mga bagay na pinaghirapan mo.

 

"Pikunin ka talaga, tara kain na tayo"  binigyan nya ako ng plato na may mga lamang pagkain.

Una kong tinikman ang itlog na maalat na tinimpla nya.

 

"Uy ang sarap"  makatotohanang deklara ko dito.  "kumuha din ako ng adobo at kinain ito.  "Wow, ang sarap din"  nakangiti kong tugon sa kanya.  "Pwede ka ng mag-asawa"

 

"Gusto mo na ba?"  natatawa nya namang sagot.

 

"Baliw!!!"  namumula kong sabi.

 

"Sayo!!!"  biglang sagot nya.

 

"Okay, sige ako na talaga sabi ko sa kanya.  "Kain na nga lang tayo, baka mamaya, ehh mabusog ka na sa sobrang kilig dyan. 

 

Tapos na kaming kumain at ngayon nga ay nakasandal ako sa balikat nya.  habang nakaupo kami sa lilim ng puno. 

 

"Gamot."  Mahina nyang sambit.

 

"yepp"  - ako

 

"Gusto ko hintayin mo ako."  Seryoso nyang sabi.  Umalis ako sa pagkakahilig sa kanya at tinignan ko sya ng may pagtataka.

 

"What do you mean?  Aalis ka ba?"

 

Nakita ko syang napangiti.  "Syempre hindi, ang gusto ko lang ay hintayin mo akong yumaman pagkatapos ay papakasalan kita" 

 

"WHAAAAAAAAAAAT?"  nabigla talaga ako sa sinabi nyang yumaman.

"Don't get me wrong, ang gusto ko lang ay para naman may maiharap ako sa Daddy mo, na kaya kitang buhayin."  Bigla nya na lang akong niyakap.

 

"Isn't it too early for that?"  sabi ko sa kanya.

 

"Bakit, ayaw mo ba akong maging asawa?"  tumingin na rin sya sakin.

"Hindi naman sa ganon,"  sabi ko,  "its just that...."  Hindi ko alam kung ano nga ba ang tamang term para dito.

 

"Kung ayaw mo eh di wag"  ayan na naman po kami.  Tumalikod sya sakin at hayun nag-inarte na naman ang mahal na prinsipe.  Nalungkot naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag sa kanya.  Sa totoo lang ay mahal na mahal ko talaga sya at gustog-gusto ko na syang makasama, pero alam ko rin na marami pa syang obligasyon na gagawin.

 

"Please promise me, na hindi mo ako iiwan kahit ganito ako, na kahit ganito ang katayuan ko sa buhay ay hindi mo ko iiwan"  sabi nya habang nakatalikod sakin.

 

Mula sa likod ay niyakap ko sya sa bandang bewang nito.

"At sino namang may sabi sayo na iiwan kita dahil sa katayuan mo hah?" 

"Wala lang, naisip ko lang"  - Xander.

 

"And that won't happen, because I love the way you are"  sabi ko sa kanya at hinagkan ko sya.

 

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2