Chapter 25 OPP
Chapter
25 - Traveling
"Bakit
ako pa Dad? Send King there! Marami po akong ginagawa" angal nya
sa ama.
"Ano
ba namang tanong yan? Sino ba ang CEO ng MGC hah?" seryosong
tanong ni Jayden dito.
Lumapit
si Yosh dito. "Dad, please naman, not now! Kayo na lang
muna!" pagmamakaawa pa nya sa magulang.
"Son,
ano bang meron ha? What's new with this? Eh diba araw-araw ka
namang lumalabas ng ibang bansa?" pagtatakang tanong sa kanya ng
Ama.
"Not
now Dad, marami akong ginagawa at hindi ko pa tapos ang ibang mga dapat tapusin
dito!"
"Oh
come on Son, ikaw pa ba?" nangingiting sabi nito.
"Ang
sabihin mo ay hindi mo maiwan ang mag-ina mo" dagdag pa nito.
"Tssssk!" napaupo na
lang ito dahil nga nililihis na naman nito ang usapan nila.
"Fine!
Gano ba katagal?"
"Close
the deal as fast as you can and you can have it for three weeks."
"WHAAAAAAT?
THAT LONG???" malakas na react ng binata.
"FOR
PETE'S SAKE NAMAN DAD! ISANG BUWAN KO PA LANG NAKAKASAMA ANG ANAK KO
TAPOS MALALAYO NA AKO AGAD SA KANYA?" dagdag pa nito.
"Then
close the deal as fast as you can!" Jayden tapped his back.
"O pano, I'll go ahead son" naiwan namang problemado ang
binata. Palabas na sana ito ng sa huli ay lumingon pa si Jayden.
"I'm
glad to see you happy son. We have not seen you that happy
before" ngumiti ulit ito at tuluyan ng lumabas.
Seriously,
ayaw nya munang umalis ng bansa ngayon. Hindi nya alam ang dahilan,
sadyang ayaw nya lang talaga.
Naupo
sya sa table at nakita nya ang pictureframe na nakalagay dito. Picture ng
mag-ina nya 'yon. Kung iisipin ay halos isang buwan na rin nyang
nakakasama ang mga ito, pero bakit ba pakiramdam nya ay kahapon nya lang ito
sila natagpuan at nakasama.
.......
Narinig
ni Cielo na may kumatok kasunod nito ang pagpasok ng secretary nya.
"Doctora,
Mrs. Montereal is here" kasunod nito ang mama ni Yosh.
Agad
naman syang tumayo para salubungin ito. Nahihiya man ay kaylangan nya
itong harapin.
"Good
morning po, Mam, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" nahihiya nyang
tanong dito. Yosh's mother is the best example of simplicity is
beauty. Hindi ito katulad ng ibang mayayaman na sobra kung
makapanamit at kailangan ng mga magagarbong palamuti sa mukhat at katawan upang
lumutang ang ganda. Makikita dito ang angking kagandahan ng Ginang
na talaga namang isinisigaw ng pananamit nito, pagngiti, pagsasalita at
maging sa paglalakad. No wonder kung bakit talaga namang artistahin din
ang mga anak nito, especially si Yosh. Ang swerte lang talaga.
"Stop
the formality Cielo anak, just call me Mama" iyon lang
at nagtuloy-tuloy itong pumasok.
Mas
lalo pa syang nahiya sa sinabi nito. Awkward yun sa kanya kung tatawagin
nya itong Mama, hindi pa nga sila kasal ni Yosh. O ikakasal nga ba sila.
Natawa
naman sya sa isiping iyon. Sya at si Yosh, ikakasal, eh hindi nga sya nun
pinapansin, sa totoo lang ay hanggang sa kama lang talaga sya nito
kaylangan. Other than that, wala na. Kaya napaka-imposibleng
mangyari yon.
"Yayayain
lang sana kita, let's go" at hindi na sya hinintay nitong sumagot.
Agad na sya nitong hinila. Sya naman dahil sa pagkabigla ay nagpatangay
na lang.
Cielo's
POV
Grabe,
nakakaintimidate talaga ang aura nang mama nya. tinitingan ko sya ngayon
habang hila-hila nya pa rin ako.
"Saan
po tayo pupunta?' tanong nya habang mabilis silang naglalakad.
"Dyan
lang sa resto sa baba" tiningnan sya nito pagkatapos ay ngumiti.
Kuhang-kuha
nito ang mga mata at labi ni Yosh.
........
Nilagay
na ng waiter ang mga inorder ni Mrs. Montereal sa lamesa kung saan sila
nakaupo.
"Let's
eat" sabi nito habang nakangiti. Sinimulan nya na ring galawin
ang mga pagkain nya.
"Siguro
ay nagtataka ka kung bakit kita biglang niyaya dito iha" panimulang
sabi nito sabay subo ng pagkain sa bibig.
"Yun
nga po ang gusto ko rin malaman, kinakabahan nga po ako" sambit nya
dito at mahahalata mo ang kaba dahil sa tono ng kanyang pagsasalita.
"Gusto
lang kitang pasalamatan dahil bumalik ka sa buhay ng anak ko"
napatingin naman sya dito sa huli nyang sinabi.
"Alam
mo ba, it is very obvious to him, simula nung dumating ka sa buhay nya ngayon,
bigla syang nagbago. Ang dating laging seryoso na Yosh, parang napalitan
ng ibang katauhan, bumalik ang pagiging bata nya, yun bang lumambot sya
ulit. Lumabas din ang pagiging protective nya sa isang bagay. And
that's all because of you and your son."
"Hindi
po ata ako ang dapat nyong pasalamatan, I think, it's because of Zian,
tinutulungan ko lang po silang dalawa para mabilis nilang matanggap ang
isa't-isa, after that, pag okay na ang lahat.....
Natigilan
sya sa huli nyang sinabi. Hindi nya alam kung ano ang idudugtong nya
dito. Ayaw nyang mahiwalay sa anak. Teka, handa nga ba sya na
mawalay kay Zian. Kakayanin nga ba nya? Kasi panigurado na hindi na
hahayaan pa ni Yosh na malayo sa kanya ang anak niya.
"iiwanan
mo sila?" si Mrs. Montereal na ang tumapos ng dapat ay sasabihin
nya.
"May
hihilingin sana ako sayo iha." Yoshabel holds her hand while looking
at her with sincerity.
"Pwede
bang hintayin mo ang anak ko? " tumingin ulit sya sa mga mata nito.
"Ano
po ang ibig nyong sabihin" pagtataka nyang tanong dito.
"My
son, so far, is in denial stage. Ayaw man nyang aminin, pero alam ko at
halata sa kanya, the way he looks at you, treats you, talk to you, alam kong
mahal ka nya. Just wait for him iha, wait for him to find out and to
realize na mahal na mahal ka pa rin nya" bigla naman syang nasamhid
sa sinabi ni Mrs. Montereal. Pero pa'no kung hindi iyon mangyari, paano
kung hindi naman talaga, paano kung nagkakamali lang ito bulong ng kanyang isipan.
....
Pagkatapos
nilang kumain ay bumalik na ulit sya sa opisina nya. Balak nyang
mag-under time ngayon. Ewan ba nya pero lately ay parang tinatamad syang
magtrabaho. Wala sa wisyo nya ngayon ang mag-isip ng mag-isip.
Tinawag
nya ang secretary nya para mag-habilin ng iba pa nyang mga gagawin.
Eksaktong 4 pm ay paalis na sya ng building.
Hindi
muna sya didiretso ngayon sa kanila. Dun sya sa bahay nila Claire at
Michael.
.......
"CIELO!!!!!" malakas na
tili ni Claire dito at sinalubong sya nito ng yakap.
"Ano
ba naman yan Claire, 3 linggo pa lang naman tayong hindi nagkikita
ahh" natatawa nyang sabi dito habang nakayakap sya at humalik.
Sinalubong
din sya ni Michael para yakapin naman.
"Naku
buti naman at napadalaw ka, akala ko talaga ay nakalimutan mo na
kami." Tuloy-tuloy na sabi nito.
"Hon
dun muna ako sa study room" narinig kong sabi nito kay Claire,
"Cielo,
feel at home, nagpaluto na rin kami ng pagkain para dito ka na
mag-hapunan" nginitian ako nito saka tumalikod.
"Okay
girl magkwento ka na tungkol dito sa poor prince mo who turned out to be the
richest prince in town"
Ayun
kinuwento ko nga sa kanya kung paano naging iisa si Xander at si Yosh. At
kung ano nga ba ang status namin ngayon.
Natatawa
na nga lang sya sa set-up namin nito ngayon ehh. Pero sa totoo lang,
kaylangan ko lang talagang makuha pabalik ang hacienda ng mama pagkatapos ay
aayusin ko na ulit ang sarili ko.
"So
ano na nga ang plano mo kay Zian? Iiwan mo na lang sya dun sa ama
nya?" sunod na tanong niya.
"Hindi
ko nga rin alam, ayoko namang humantong pa kaming dalawa sa korte dahil alam
kong talo na agad ako, ayoko rin namang malayo pa si Zian sa Daddy nya"
"E
di pakasalan mo na lang sya, magsama kayong dalawa"
"Mukhang
malabong mangyari yan" malungkot kong sabi sa kanya. Mas lumapit pa
sakin ang kausap ko sa narinig nya.
"Bakit
naman?"
"Halata
namang hindi ako ang papakasalan nun" she said in a matter of
factly.
"Bakit,
tinanong mo na ba?"
"Ewan,
ahh ehh, Claire, inaantok kasi ako, saan ba ako pwedeng matulog dito?"
tinawanan lang sya nito pagkatapos ay tumayo ito.
"Halika,
dun ka muna sa guest room at gisingin na lang kita kapag kakain na!"
sumunod naman sya agad pagkasabi nito.
......
"Helo
Ma."
Daliang salita ng binata pagkasagot ng tawag sa kabilang linya.
"O
Yosh, napatawag ka baby?" tanong ni Yoshabel dito.
"Tsssk!
Stop that baby thing!"
"Baby
pa rin kita kahit anong mangyari. Anong kaylangan mo?" -
Yoshabel
"Kasama
mo raw si Cielo kanina, hanggang ngayon kasi wala pa sya. Saan mo ba sya
dinala?"
"What?
Eh nag-lunch lang naman kami ahh, after that, binalik ko na agad sya sa office
nya." tugon nito.
"May
sinabi po ba kayo sa kanya? Nag-under time din kasi sya kanina, hindi
naman sya dumiretso dito."
"Naku,
wala naman, tinanong ko lang naman kung ano ang gagawin nya kapag tapos na ang
pinag-usapan nyo tungkol sa hacienda, nalungkot ata yun!" malungkot
na sagot sa kabilang linya.
"WHAAAAAT?!
Bakit naman pati yun tinanong mo pa!" halos kino-control nalang ni
Yosh ang boses nya para hindi mapagtaasan ng boses ang ina.
Tumingin sya sa orasan, at eksaktong 8:30 na ng gabi. Pero wala pa rin si
Cielo.
"Aray
ko hah ang lakas, sige ang mabuti pa, pahanap na natin sya sa mga security
guard natin."
"That's
what I'm going to do Ma, good bye, I love you" yun lang at binabaan
nya na ito ng telepono.
Muli
syang nag-dial ng panibagong number at tinawagan nya ang kanyang assistant to
contact their security department.
Isa
lang ang nasa isip nito. Paano kung iniwan na sya nito. Paano kung
iniwan na nga sila nito. Paano kung pagtaguan na naman sya ulit nito.
Half
of his mind is convincing him that she won't do that because of Zian.
Wait,
si Zian.
Agad
nyang inakyat ito at pumasok sya sa kwarto ng anak. Pero wala ito
dun. Mabilis syang tumakbo palabas ng bahay para hanapin ito. Hindi
nya ito nakita sa swimming pool o sa garden. Bigla na lang syang
kinabahan.
Habang
papalapit sya sa gate ay may nakikita syang isang imahe na nakaupo.
Dahan
dahan syang lumapit sa anak.
"Son"
mahina nyang tawag dito.
Nakita
nya namang sinulyapan sya nito. Nahabag sya dito dahil halatang
kagagaling lang nito sa iyak dahil mamasa-masa pa ang mga mata nito.
"Pumasok
na tayo sa loob, malalamigan ka dito at magkakasakit" pumantay sya
sa anak.
"No
Daddy, I need to stay here, hindi pa po umuuwi si Mommy" ayan na
naman naiiyak na naman ang anak nya.
"Sabi
nya po, hintayin ko sya kung saan nya ako iniwan Dad"
"Come
on son hindi ka naman iiwan ng Mommy, uuwi din yun, busy lang sa
office." Pagsisinungaling nya kay Zian.
"Eh
bakit ikaw po nandito na, si Mommy wala pa, di ba iisa lang naman office
nyo?"
at nagsimula na namang umiyaka ang anak nya.
"Waaaaahh,
Mommy! Umuwi ka na po! Uwaaaahh wahhhh" naglilikha
na ito ng malakas na ingay sa lugar nila dahil sa iyak nito. Seriously,
hindi nya rin alam ang gagawin kapag ganito ang anak nya. Kung paano ito
papatahanin dagdagan pa na kahit sya ay natutuliro na rin sa isiping baka
tuluyan ngang umalis si Cielo. Hindi nya kaya, hindi nya kakayanin na
namang mag-isa.
Kinarga
nya ito pagkatapos ay tumayo sya.
"Daddy,
hanapin mo po ang Mommy ko!" naiiyak na sabi ng bata.
"Hinahanap
na sya ng Daddy anak, ginagawa ko na ang lahat, saka for sure, hindi ka non
iiwan, mahal na mahal ka ng Mommy di ba? Mahal nya
tay...."
Napaisip
sya sa isiping pati nga rin ba sya ay mahal pa din non.
Comments
Post a Comment