Chapter 13 FBBF

 

Chapter 13  FBBF 

 

 

 

 

 

 

Flashback

 

Yoshabel's POV

 

 

Nandito kami ngayon sa tapat ng mansion ng mga Montereal kung saan ginaganap ang birthday niya.  Isang malaking handaan nga talaga to.  Nasa kabilang side ko naman sila Alex at Monika.  Kaylangan ko syang makita.  Tinanong nya ako dati kung kaya ko ba syang ipaglaban.  At narito nga ako ngayon sa tapat nila kukunin ko sya.  Ipaglalaban.  Hindi ko hahayaan na mawala sya sa akin.

 

 

Masyadong mahigpit ang security nila. 

 

"Besty, ready ka na ba?" tanong sakin ni Monika.

 

 

"handang-handa na ako kanina pa,"  -ako

 

Bumaba na kami sa sasakyan ni Monika.  Naunang bumaba si Alex.

 

 

Papasok na sana kaming tatlo ng bigla kaming hinarang ng mga security guard.

 

 

"Mga Maam, nasaan po ang gate pass ninyo?" tanong samin ni Security guard 1

 

Nagkatinginan lang kaming tatlo.  Maya-maya pa nakita ko naman ang titig sa akin ng isa pang guard at bumulong sya dun sa Security guard 1.  Mukhang nakilala ata ako ahh.

 

Bigla silang tinulak ni Monika at sya namang karipas namin ng takbo.  Malapit na kaming maabutan, huminto si Alex at hinarangan ang mga guard.  

Tiningnan namin sya ni Monika at sumenyas na mauna na kami.  Mas marami pa kaming makakasalubong ni Monika na mga bantay at medyo nagkakagulo na sila.  

Nalaman ata nila ang tungkol sa gulo na nagawa namin.  Maya-maya narinig ko ang tili ni Monika.  Nahawakan na pala sya hahawakan na rin sana nya ako ng bigla syang kinagat ni Monika sa kamay dahilan para hindi ito matuloy.  Sinenyasan nya akong tumakbo at yun nga ang ginawa ko.

 

Unti-unti ko ng nakikita ang lugar kung saan ginaganap ang handaan para kay Jayden.  At nakikita ko na rin sya.  Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko habang unti-unti kong nasisilayan ang masungit nyang mukha.  

Eto sya ehh, eto yung mukha nya na sobra kong namimiss araw-araw.  Ang Jayden ko.  Ang mahal na mahal ko.

 

Lalapit na sana ako pero bigla akong pinalibutan ng mga security guard.  Grabe lang, ano bang tingin nila sa akin, nakatakas na inmate?  Tinanggal ko ang isa kong sapatos at binato ko sa isa na nagtangkang lumapit sakin, natamaan ko ito sa ulo. 

Habang kinuha ko ulit ung isa pa, at ibinato rin iyon.  Dahil nga marami sila, nakalapit na sila sa akin at nahawakan na nila ako.  Pero pilit pa rin akong kumakawala.  Dahilan para makatakas ako.

 

Hahawakan sana ulit ako ng isa pang guard ng bigla akong may marinig na sumigaw.

 

 

"DON'T YOU DARE TOUCH HER OR I'LL KILL YOU!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses.  At nakita ko si Jayden na humahangos na nakatayo.  

Maya-maya pa ay sumugod na sya, isa-isa na nyang pinagsusuntok ang mga guard habang ako heto nakatayo lang habang pinapanood sya.  Naalala ko ang sinabi nya noon.

 

"Just love me, and let me do the fighting"  ito nayun.  Bigla nalang may humablot sa akin na malaking lalaki.  Hinawakan nya ako sa braso.  

Nagpumiglas ulit ako, pero sobrang higpit ng hawak nya sakin kaya kinagat ko nalang sya.  Napasigaw sya sa sobrang sakit dahilan para maitulak nya ako at napahiga ako sa lupa.  

Narinig ko nalang ang pagsigaw ni Jayden.  Ang sama ng titig nya at bigla nyang sinugod ang lalaking tumulak sakin.  Sinuntok nya lang ito ng sinuntok.  Nakakakita na ako ng dugo sa mga kamao nya pero hindi pa rin ito tumitigil.  Nakita ko na marami pang parating sa amin.

 

 

"Jayden, we have to go" I told him  pero parang wala syang naririnig.  Panay pa rin ang suntok nya sa guard. 

Niyakap ko na sya, "Jayden, stop please, I'm so afraid, we have to go"  I said

Parang doon lang nya ako narinig at bigla syang tumingin sa akin, pinunasan nya ang konting luha na namuo sa mga mata ko at tumayo sya.  Hinila nya ang mga kamay ko at agad kaming tumakbo. 

 

 

Jayden's POV

 

Kaylangan na naming makaalis dito ni Yosh.  Kanina nang makita ko sya, sobra akong sumaya.  Natuwa ako.  Buti nalang pala at birthday ko dahil pumunta sya at nakita ko pa sya.  

Mabilis akong tumakbo papunta sa lugar nya dahil pinapalibutan na sya ng mga body guard.

Hindi ko naman sinasadyang paluhain sya kanina eh.  Nagdilim lang talaga ang paningin ko sa tao na nanakit sa kanya kanina.  Gusto ko syang patayin.  

Wala syang karapatan na saktan ng ganon-ganon na lang ang taong pinakaiingat-ingatan ko. Bumalik lang ako kanina sa katinuan ng yakapin nya ako at halos maramdaman ko ang katawan nya na nanginginig nga sa takot.  

Nang tiningnan ko sya, parang bumalik ulit ako sa katinuan.  Ayokong ako ang maging dahilan kung bakit sya malungkot o matatakot man.

 

 

Tumatakbo na kami ngayon palabas ng gate.  Mas dumami pa ang mga humahabol sa amin, at may mga sasalubong pa sa amin.  Niliko ko sya sa pinaka-parteng likod ng bahay.  Shi*t meron pa din.  Nakita ko ang labasan sa isang gate, may mga nagbabantay.  Bahala na, dali-dali naming iyong tinahak habang hawak ko sya.

 

Basta't kasama ko sya, magiging malakas ako.  Sinugod ko ang guard na nagbabantay doon at nakalabas na nga kami.  Nagtuloy-tuloy lang kami ng takbo.  Palayo na sana kami pero naririnig ko na ang mga sasakyan na humahabol sa amin.  F*ck mahuhuli kami nito, Jayden kaylangan mong magisip ng paraan.  

Maabutan na nila kami.  Patuloy pa rin kami sa pagtakbo ng biglang may huminto na dalawang sasakyan.  Nakita kong dumungaw doon si Alex at bumaba si Monica sa sasakyan nya at sumenyas na sumakay kami.  Agad kong dinala si Yoshabel doon.  Sumakay na ako sa driver's seat at umalis na kami sa lugar na yon.

 

.......

 

Nakalayo na kami sa Mansyon at hindi na nila kami maaabutan.  Tiningnan ko ang katabi ko.  Nakatulog na pala sya sa sobrang layo nang narating namin.  Hinaplos ko ang mga pisngin nya.  Masayang-masaya talaga ako ngayon dahil nagawa nya akong puntahan.  Pinaglaban nya ako.   Wag kang mag-alala Yosh, walang sino man ang maaaring manakit sayo.  Sinusumpa ko, ipaglalaban kita hanggang sa wakas.

 

 

Hininto ko ang sasakyan sa isang resort.  Binili ko tong rest house na 'to kung sakali man na ayokong sa mansion mamalagi.  Hindi rin ito alam nila mama.  Tiningnan ko si Yoshabel, grabeng himbing lang ng tulog.  

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.  Mahal na mahal kita.  Bulong ko sa kanya.  At hinalikan ko ang mga labi nya.  Buti nalang at hindi pa sya nagigising.  Akmang tatanggalin ko na sana ang mga labi ko sa kanyan ng maramdaman  kong gumalaw ang mga labi nya.  Tumutugon sya sa mga halik ko.  Nilayo ko na ang sarili ko sa kanya dahil baka hindi na ako makapagpigil at kung ano pa ang magawa ko.

 

 

 

 

Yoshabel's POV

 

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar.  Tiningnan ko ang paligid kung nasaan na nga ba ako.  Classic brown ang kulay ng mga dingding at halata mo na panglalaki ang kwarto na to.  Pinilit kong inalala ang mga huling nangyari.  Ang huli kong natatandaan, nakasakay kami sa isang sasakyan ni Jayden.  Si Jayden.  Teka si Jayden?  Tanong ko sa sarili ko.  Napatayo ako para hanapin sya.  "Jayden"  tawag ko sa kanya.

Palakad na ako papunta sa pintuan ng may marinig akong bumukas na pinto.  Pagtingin ko "wahhhhhhhhhhh" sigaw ko sabay takip ng dalawa kong mga mata.

Narinig ko pa syang tumawa.  At akmang lalapit sa akin

 

"Wag kang lalapit"  sabi ko pa sa kanya ng hindi tinatanggal ang mga kamay ko sa mukha.

 

"At bakit naman my loves?"  tanong nya.

 

"Nakahubad ka, for Pete's sake, magdamit ka muna" – ako

 

"Hindi kaya, may suot pa naman akong brief ahh" maang-maangan pa nya.

 

 

"Ahh basta nakahubad ka parin"  - ako

 

Naramdaman ko na lang sya na yumakap sa akin.  Ramdam na ramdam ko ang matigas na bahagi ng katawan nya.  Naiinitan ako.

 

 

"Birthday ko pa rin ngayon, anong regalo mo sakin?"  tanong nya habang nakakulong pa rin ako sa mga bisig nya.

 

 

"Wala!"  sabi ko ng nakapikit pa rin.

 

 

"Unfair bakit wala?" halata mo sa boses nya ang pagnguso.

 

 

"Gawa na lang tayo ng baby"  sabi nya.  Bigla naman akong namula sa sinabi nya.

 

"Lakas trip lang, Jayden?"  tanong ko sa kanya.

 

 

"I love you, Yoshabel" napataas ang tingin ko sa kanya, at nakita ko ang mukha nya.

 

Bigla nalang nya akong hinalikan. At binuhat na parang bagong kasal at naglalakad na sya papunta sa kama.

Unti-unti nang tinanggal ni Jaydan ang mga suot ng kasintahan....

(At eto ang araw ng mismong nakabuo sa dalawang makukulit na kambal.)

----------

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2