Chapter 29 OPP
Chapter
29 - Afraid
Nandito
at kaharap ngayon ni Cielo ang mag-asawang Montereal, ang mga magulang ni Yosh.
"Please
cooperate with us. We need your help. Gusto lang namin turuan
ng leksyon ang anak namin." - Jayden
"Lahat
po ay gagawin ko para lang kay Yosh, ano po ba ang maitutulong ko sa
inyo?" – Cielo
"Kaylangan
ka naming ilayo sa kanya. Maybe sumosobra na sya sa'yo. And now is
the time to help him realize something that he needs to give important
to. We will send you away from him. Dadalhin ka namin sa isang
lugar na kung saan kahit na hanapin ka pa nya ay hindi ka nya makikita."
Natigilan
naman si Cielo sa isiping malalayo na naman sya kay Yosh. Ganon din ang
anak nila.
Pero
kung tutuusin ay mabuti na rin iyon para lang siguro malaman nya kung
importante pa nga ba sya sa binata.
Ngunit
kung iisipin ay sa simula pa lang talaga, alam na nya kung ano nga ba ang
estado nila sa isa't-isa. "Patawad po." Mahina
nyang sambit sa mga ito.
Nagtataka
naman syang tinignan ng mag-asawa.
"Tutulungan
ko po kayo sa kanya but not in this way."
Kinakabahan nyang sabi. Ayaw man nya silang suwayin o gusto man nya na
sila ay tulungan pero hindi talaga pwede. Ayaw nya na muling maramdaman
ni Yosh na iwanan ulit. Alam nya kung bakit ito nagkakaganun, at alam nya
rin na tanging sya lang ang makakatulong dito.
She
knew that Yosh needs their son more than anything else, hindi man sya ang
kaylangan nito, pero ang anak nya at magiging anak nya ang makakapuno ng lahat
ng pagkukulang nya dito.
"But
why? This is for you and for him" - Yoshabel
Tiningnan
nya ang mag-asawa. Palipat-lipat ang tingin nya dito.
"Sobra
na po ang sakit na nabigay ko sa kanya" pasimula nya.
"Ako
po ang dahilan kung bakit sya ganito ngayon"
nanginginig nyang sabi. unti-unti ay hindi na nya napigilan pang bumagsak
ang mga luha nya.
"Ako
po ang dahilan kung bakit sobra-sobra ang galit na itinatago nya at kinokontrol
sa puso nya"
she said while her tears continue from falling.
Dahil
sa sobrang panghihina na nararamdaman nya sa mga oras na iyon ay hindi
nya na napigilang mapaluhod sa harapan nila para na rin masuportahan ang
sarili.
"Pero
kung sasabihin nyo na lumayo ako sa kanya ngayon at iwan sya ay hinding-hindi
ko po talaga magagawa, ayoko na po syang saktan pa. Ayoko nang maramdaman
pa nya na iniwan sya ulit ng tao na minsang nang-iwan sa kanya."
"At
kahit masakit man, ay handa kong ibigay ang lahat sa kanya para lang mapaligaya
sya, para lang maibalik ang dating sya, ang Xander na nakilala ko noon.
Even if it takes me a long time. Hangga't gusto nya na nasa paligid nya
lang ako gagawin ko, hanggang sa makahanap na talaga sya ng babae na kukumpleto
sa kanya." Sabi nya habang patuloy pa rin sa pag-bagsak ang
mga luha nya sa mata.
"Please
po, hayaan nyo nang bumalik kami ng anak ko sa kanya"
"Tumayo
ka na iha, alam mo, sobrang swerte ng anak ko sayo, dahil nandyan ka pa rin
para sa kanya" si Yoshabel habang hinihimas ang likod nya.
.......
"Tol
ano ba, tama na yan, halika, iuuwi na kita sa bahay mo" yaya ni King
sa kapatid. Kanina pa kasi ito umiinom at niyaya pa sya nito. Pero
sa sobrang dami at bilis talaga uminom ng alak nito, ngayon ay lugmok na lugmok
na ito sa sobrang kalasingan.
"AYOKO
PA! BAKIT AKO UUWI NG BAHAY, WALA NA NAMANG NAGHIHINTAY SHAKIN 'DON"
Hindi
naman alam ni King kung ano nga ba ang gagawin. Ngayon nya na lang ulit
ito nakita na uminom ng sobra. Dati kasi, nung bumalik ito sa kanila at
bumalik ang ala-ala ay halos gabi-gabing laman ito ng mga bar. Pero
nagbago ito ng maaksidente ulit ang kapatid.
"Iniwan
nya na naman ako 'tol. Umalish na naman sha!" at muli ay
lumagok ng alak.
"Malay
mo naman bumalik pa di ba?"
"Hindi
na babalik 'yon! Malamang binigyan yon ng Papa ng pera para
magpakalayo-layo!"
"Mahal
mo pa ba sya?"
kausap ni King dito.
Bigla
ay natigilan ito at uminom ulit ng alak.
"SHOBRA!
SHOBRANG MAHAL KO 'YON 'TOL, DAMN HER! SHE DIDN'T EVEN NOTICE IT"
"Oh
yun naman pala ehh! Eh di sabihin mo sa kanya yan pag hindi ka na
lasing."
......
Nagulat
naman ang mga security guard ng makita nila sya na lumabas galing sa
kotse ng mga magulang ni Yosh.
6
na rin sila ng umaga pinauwi ng mga ito. Sabi kasi nila ay hayaan nya
muna na makapag-isip isip ang binata. Hindi naman daw ito iiwan ng bunso
nilang kapatid na si King.
"Masaya
po kami at bumalik na kayo Mam" sabi ng matandang katiwala nila sa
bahay.
"Si
Yosh po ba ay tulog pa?" tanong nya dito.
"Naku
opo, nagwala po sya kagabi, at malamang ay maraming basag na bote at mga baso
sa kwarto ninyo"
"Sige
po, favour po, pwede po bang ako muna ang mag-luto ng agahan? Para naman
hindi nya ako masigawan" nakangiti nyang sabi sa matanda.
"Sige
po, kung yan ang gusto ninyo."
Si
Zian naman ay mamaya pang 9 ng umaga ihahatid ng mag-asawang Montereal.
Ang sabi kasi nila ay ayusin muna namin ang nangyari kagabi.
Umakyat
na sya at pumunta sa kwarto nila. Pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto
ay bumungad sa kanya ang napakaruming kwarto nila. Totoo nga na maraming
mga basag na baso dito.
Agad
syang kumuha ng mga panglinis para ayusin ito.
Tiningnan
nya ang tao na pinakamamahal nya sa lahat. Mahimbing itong
natutulog. Amoy na amoy nya rin ang alak sa buong kwarto.
Pagkatapos
nyang linisin ang loob ng kwarto ay bumaba na sya at pumunta sa kusina.
....
Even
on his dreams, he can still smell her sweet scent. Her scent that keeps
his body shaking every time that she's around.
Ayaw
nyang buksan ang mga mata nya dahil baka kapag ginawa nya 'yon ay mawala ang
pabango ng babae na mahalaga sa kanya.
Na
kahit man lang sa panaginip nya ay maramdaman nyang malapit lang ito sa kanya
at hindi sya iniwan. Iniwan? Umalis? Nag-iisa sya?
Dahan-dahan
nyang binuksan ang mga mata. Kahit masama ang pakiramdam nya ay kaylangan
na nyang tumayo. Hindi para pumasok sa trabaho kundi para hanapin ulit
ang asawa nya. Mali, ang magiging asawa nya pala.
Ang
ina ng mga anak nya.
Kahit
nahihilo pa at may hang-over pa ay pinilit na nyang bumangon. Anong oras
na ba?
Tumingin
sya sa orasan na nasa wall and it's already 7:30.
Nagugutom
na rin sya pero ramdam nya talaga ang sobrang sama ng pakiramdam. Ito na
siguro ang pinaghalong stress, alak, gutom, jetlag at walang pahinga.
Pero
kaylangan nya itong indahin. Kaylangan pa nyang kausapin ang Daddy nya na
ibalik ang kanyang mag-ina.
Napansin
nya na malinis na ang loob ng kwarto. Wala na ang mga kagabing
pinagbabasag nya na mga baso at bote ng alak.
Kaylangan
nya muna ng mainit baka sakaling gumaan ang pakiramdam nya.
Dahan-dahan
ay naglakad na sya palabas ng kwarto para dumiretso sa kusina.
"MANANG!" sigaw ng
isang pamilyar na boses. Bigla syang kinabahan. Yung kaba na
para bang any moment ay makikita mo yung crush mo.
Alam
nya at hindi sya pwedeng magkamali. That voice! That voice.
That's her voice.
Mas
binilisan pa ni Yosh ang lakad nya para lang makita sya. He wants to
confirm that it's her.
And
there he saw her. Nakatalikod ito sa kanya. He don't know what he's
feeling right now, pero isa lang ang sigurado sya, masayang masaya sya ngayon,
unti-unting namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakaka-bakla man pero
iba ang saya na nararamdaman nya ngayon na makita syang nandito ngayon sa
kusina nya at ipinagluluto sya.
"Manang
buti dumatin..... hindi
na natuloy pa ni Cielo ang sasabihin nya ng makita kung sino ang tao na
nakatayo ngayon sa harapan.
Comments
Post a Comment