Chapter 18 OPP
Chapter 18 - JCVM
"DADDDDY!"
sigaw ng bata habang mabilis na tumatakbo paakyat.
"DADDY!
MOMMY! DADDY! MOMMY!" malakas na sigaw ng anak nila ang narinig ni
Yosh sa labas ng pinto ng kwarto. Kaya naman kahit na inaantok pa ay
pinilit nyang tumayo. Tiningnan nya muna ang katabi at mahimbing pa rin
itong natutulog.
"Hindi
ba dapat ako muna ang mahimbing na natutulog, wala kaya akong
tulog!" sabi sa isip ng binata.
"DADDDY!
MOMMMY!" rinig pa nyang sigaw ulit ng anak.
Nung
binuksan nya ang pinto ay agad syang sinalubong ng anak kaya naman kinarga nya
ito agad.
"What's
with your shouting son?" wala itong sagot, pero ramdam nya ang
mahigpit na yakap sa kanya ng anak.
"Heyyy
heyy, your shaking! What's that for?" tanong nya ulit habang
hinihimas ang likod ng bata para pakalmahin ito.
"Anak,
sya na ba ang apo namin?" napalingon si Yosh sa pinanggalingan ng
boses.
"Mom?
Dad?" nabigla sya sa pagsulpot ng mga ito sa kanyang kwarto.
Agad na nilapitan nya ang mga ito para yakapin.
"Tinakot
lang naman sya ng Ate." Walang ganang sabi ni King.
"Magtigil
ka nga hindi ko naman alam na nandito pala anak nya ehh"
Tinitigan
nya ng masama ang dalawang kapatid.
"What???"
maang-maangan na tanong ni Drew.
"Kaya
pala!" nasabi na lang ni Yosh.
"Hey,
baby, listen" sabi ni Yosh sa anak. "Look at
them!" dahan dahang sinilip ni Zian ang tinuturo nito.
"They
are family" nakangiti pang sabi ni Yosh. "She is my Mom,
so she's your lola" pakilala ni Yosh sa Mommy nya.
"Come
on baby." Pagkuha ni Yoshabel sa apo. Nung una ay parang ayaw
pang sumama ni Zian, pero nung nakita nya itong nakangiti ay nagpabuhat na rin
ang bata. May nakita pa syang matangkad na lalaki sa likuran
ni Yoshabel.
"Daddy?"
nasabi na lang ni Zian.
"Sya
ang daddy ng daddy mo, magkamukha sila di ba? Sya ang lolo
mo!" natatawang sabi ni Yoshabel dito.
"melabs,
ang pangit pakinggan, parang matanda na tuloy ako" mas lalo pang
lumapit si Jayden dito.
"Finally,
new generation of Montereal" sabi nito dito habang hinihimas
ang ulo niya.
Pinakilala
pa ni Yoshabel sina King at Drew. Buti na lang at nakapalagayang loob
agad ng bata ang mga ito kaya naman dinala na ng mag-asawa ang apo sa baba.
..
"Sya
na ba yun?? Okay na ba ulit kayo? Nagkabalikan?"
sunud-sunod na tanong ni Drew habang nakatingin sa mahimbing na natutulog pa
rin na si Cielo.
"Of
course not, why would i!" agad na depensa ni Yosh.
"Mahal
pa rin kasi nya yung isa" - King. Yosh glared at him.
"Aray!
What's that for?" bigla kasi syang binatukan ni Drew!
"Wag
pride ang pairalin, kapag yan nawala pa at may kumuha, iyak-tawa ka na
naman sa isang sulok!" mahinang sabi sa kanya ni Drew.
"Nag-usap
na kami, at alam na namin kung ano ang gagawin namin sa isa't-isa!"
Tumalikod
na si Yosh. "Mabuti pa at lumabas na kayong dalawa, hintayin nyo na
lang ako sa baba, magbibihis lang ako!" agad namang sumunod si King.
"Aalis
na ako brad!" sabi ni King. Napatingin naman sa kanya si
Drew. "Sinamahan ko lang sila dito, gusto ko rin kasi makita ang
bata, may kaylangan pa akong gawin."
"Asus,
gawin daw hahabulin mo lang ang anghel mo ehh!" pang-aasar ni Drew.
Lumabas
na nga ang dalawa at sinarado na ni Yosh ang pinto ng kwarto.
Dahil
nga inaantok pa ay dumiretso pa rin sya ng kama para matulog, ngayon na lang
ulit sya magtatagal ng ganito katagal sa kama nya. Sa hindi nya
alam na dahilan, parang meron na kung ano sa kama nya ang nagyayaya sa kanya
para humiga pa.
Nung
nakahiga na sya ay humarap sya sa tulog mantikang si Cielo.
Unconsciously, napangiti sya sa isiping madami na ngang nangyari kanina ehh
tulog na tulog pa rin ito.
She's
far more beautiful than before. Those lips, that face, her body, her
skin, she wanted more of her. His body is really eager to take her body
now. Pero hindi pwede! Biglang naisip na lang nito. Hindi na
ulit sya pwedeng padala sa nararamdaman nya. tumalikod sya dito at
unti-unti ay pinikit na nito ang mga mata.
.......
"Si
Zian?" tanong ni Cielo dito.
"He's
with Mom and Dad" habang hinihigop ang kape at nagbabasa ng
dyaryo.
"Sila
na rin ang mag-aasikaso ng school na papasukan ni Zian" dagdag pa
nito sa kanya.
Umupo
na rin sya sa mahabang lamesa kung saan nag-aagahan ito. Pero malayo
dito. Nagsimula na syang magtimpla ng kape at kumuha ng mga pagkain
habang si Yosh naman ay hindi man lang sya tinatapunan ng tingin.
"Nagbago
na ang isip ko, gusto ko dito ka na lang, alagaan at bantayan mo na lang ang
anak natin"
sa gitna ng katahimikan nila ay nagsalita na rin si Yosh. Nabigla naman
sya sa biglang sinabi nito.
"Kung
hindi ako magtatrabaho sayo, atleast let me practice my profession
here!"
Natigilian
sya sa pagkain.
"And
why?" tinanggal na ni Yosh ang atensyon nya sa dyaryo at tumingin na
rin dito.
"Kaylangan
ko rin magtrabaho para masuportahan ko si Zian"
"I
can do that for him." Yosh said coldly.
"Ikaw
kaya mo, how about me? I need to support myself too"
Tumingin
sya sa kape nya, "Sabi mo nga you're doing this for Zian, kaylangan ko rin
mag-ipon para sa kanya, para sakin, para sa hacienda"
"Okay
if that's what you want! MGC has a hospital on the 4th floor of the
tower. Work for it, in one condition"
Napatingin
sa kanya ang dalaga para malaman kung ano nga ba ang kundisyon nito.
"They
should not know that your Zian's mother or we know each other, I'll just ask my
assistant to arrange it for you!" iyon lang at tumayo na si Yosh.
Nasaktan
na naman si Cielo sa isiping ayaw ni Yosh na makilala syang may kaugnayan
dito.
Ayaw
ba nyang malaman nila ang kaugnayan naming dalawa? O hanggang ngayon ay
umaasa sya na babalik yung Liz na yon. Malungkot na turan nito sa sarili.
.....
"Good
morning Dr. Villazar, Im Patrick, CEO's Assistant, this way
Mam" sabay turo sa elevator. Nginitian ko naman sya at
nagpasalamat ako. Sinamahan nya ako hanggang sa 4th floor ng building.
The
moment when elevator opened, I was shocked with the ambiance. Isang
magandang paligid para sa isang ospital ang nabungaran nya.
Para
itong isang maliit na hospital pero kung titignan ay halata ang pagiging
kumpleto nito sa kagamitan at mas high tech pa ang mga equipment.
Sa
bungad ay ang reception area na kung saan sa pinakataas nito ay nakalagay ang
apat na letra. Ito ata ang pangalan nito.
"JCVM
Hospital" basa nya dito. Nu ibig sabihin nito tanong nya sa sarili.
"Welcome
sa JCVM Hospital Mam Cielo" bati sa kanya ni Patrick.
Pinakilala
na ako ni Patrick sa mga officials ng ospital. Ang head pa rin talaga
dito ay walang iba kundi si Yosh.
"Chief
Medical Officer agad????" gulat na tanong ko sa Assistant secretary
ni Yosh.
"Yes
mam, so far po kasi, iyon lang talaga ang pinaka-bakante dito sa
hospital." Pagpapaliwanag nito sakin.
"Hindi
ba pwedeng pangkaraniwang doctor lang muna?" sabi ko pa.
"Sorry
Mam, pero 'yon po ang instruction na binigay ng CEO"
"Welcome
Doctora sa JCVM hospital, I'm Joan, ang head nurse dito."
"Ito
naman si Daisy, Finance Officer" turo nya sa katabi nito.
"At
iyan pong paparating, ang Chief-Operating Officer natin dito."
Tinitingnan
nya ito habang naglalakad papalapit sa lugar nila. May kasama din itong
lalaki na siguro ay secretary nito.
"Good
morning Ms. Villazar, I'm Jared De Leon, just call me Jared" he
offered his right hand at inabot ko naman ito.
"If
you don't mind, I'll be the one to tour her on this floor." Sabi
nito nang nakatingin sa ibang mga kasama namin.
Sumang-ayon
naman sila sa suggestion nito. Ang assistant naman ni Yosh ay umalis na
rin.
....
"So
Miss, you still have questions?" nakangiti nitong tanong sakin.
"Nasabi
mo na lahat sakin ng lahat ng dapat kong malaman, pero pansin ko lang hindi mo
pa sinasabi sakin ang ibig sabihin ng JCVM." Sabi ko sa kanya.
"Nakakahiya
man sabihin pero hindi ko rin alam ehh. Pero ang alam ko, ang CEO ang
nagpangalan nito dito. Baka sya, masagot nya tanong mo. Tutal naman
ay sya ang nagrefer sayo dito."
"A
ganon ba, sige bayaan mo na" hindi naman na siguro mahalaga yun.
"Sa
monthly meeting, required tayong dalawang sumama"
......
"Jacky,
uuwi na ako, gusto mo bang sumabay?" pambungad na tanong sakin ni
Jared nung pumasok sya ng opisina ko.
"Mr.
Jared, call me Cielo, hindi ako sanay ng Jacky." Nangingiti kong
sabi sa kanya.
"Ms.
Jacky, mas gusto ko pong tawagin kang Jacky" sabay kindat sakin.
Aba,
ayos na chinito to ah, daanin ba ako sa pa-cute nya.
Natutuwa
lang ako dahil hindi naman pala mahirap pakisamahan itong si Jared. Buong
maghapon ay sya na rin ang nag-orient sakin pati na rin sa lahat ng mga
ginagawa ko.
"O
pano, let's go?" sya.
"You
go ahead, tatapusin ko lang ito."
"Sige
hintayin na lang kita dito."
Tiningnan
ko sya ng masama. Pero imbis na matakot sya ay sinalubong nya rin ang
tingin ko ng nakangiti.
"Seryoso
ako." Pananakot ko sa kanya.
"I
know, and so am I." Sya pa rin.
"Tsssss"
wala akong nagawa at tumayo na rin ako. Inayos ko na ang mga gamit ko at
inaya ko na rin syang lumabas.
"So
let's go?" tanong nya ulit sakin. tinawanan ko lang sya at
nauna na akong lumabas sa kanya ng office.
"Wait!"
sabi nya pagkatapos ay naramdaman ko na lang na kinuha nya ang dala kong bag.
"Let
me" sabi nya sakin nung tiningnan ko sya ng may pagtataka.
Sumuko
na lang ako dahil wala din naman akong magagawa sa kakulitan nya.
Nakatayo
na kami sa harapan ng elevator ng tumunog ito at bumukas ay nagulat ako sa
taong nasa loob nito.
Yosh
is there busy making out with this girl.
Comments
Post a Comment