Chapter 6-OPP
Chapter 6
Marissa's
POV (Xander's mother)
"Gising
ka pa rin hanggang ngayon, may gumugulo ba sayo?" tanong ko dito
habang nakititig sya sa kawalan. Halatang malalim ang iniisip nito.
Tiningnan
lang ako nito at muling binalik ang tingin sa kalawakan. Lumapit ako at
umupo sa tabi nya.
"Nay,
kaylan mo ba masasabi na mahal mo na ang isang tao?" nabigla ako sa
tanong nya. Pero natutuwa ako dahil sya na mismo ang nagbukas nito para
pag-usapan namin ito.
"Para
sakin, kapag lagi kang masaya kung kasama mo sya, gusto mo sya laging nakikita,
at kapag bumibilis ang tibok ng puso mo kapag malapit sya sayo o kaharap mo
sya." Natatawa kong sabi.
"Bakit
po kayo tumatawa?" tanong nito sakin.
"Bakit
masama ba? Masaya lang naman ako para sayo dahil mukhang may babae nang
nakahuli sa Xander ko!" sabi ko sa kanya.
"Sige
nga, sino ba ang maswerteng babae?" pang-uusisa ko sa kanya.
Tumingin
sya sakin na halatang-halata sa kanya ang pamumula ng mukha.
"Si
Cielo po" Nabigla ako sa sinabi nyang pangalan.
"Iho,
bakit sya pa?" malungkot na sabi ko dito.
"Alam
ko po Inay, pero wala ehh, sobra ata akong natamaan sa kanya!"
"Masasaktan
ka lang. Iho, pwede bang iba na lang, iwasan mo sya hangga't
maari?" alam ko ang panganib na maari nyang kaharapin kung
ipagpapatuloy nya lang ang pag-ibig nya dito.
"HINDI
KO PO KAYA NAY." tumaas na ang boses nito.
"Hindi
mo kilala si Don Frederico, ayokong mapahamak ka!" nag-aalala ko
nang sabi.
"Pero
Nay kaya ....
"GUSTO
KONG IWASAN MO SYA ANAK! HABANG MAAGA PA, GUSTO KO NANG PUTULIN MO
ANG NARARAMDAMAN MO SA ANAK NYA!" hindi ko na sya pinatapos sa
pagsasalita pa at iniwan ko na sya kung saan sya nakaupo.
Third
Person's POV
"Iho,
pwede ba kitang makausap?" nilingon ni Xander ang boses ng taong
nagsalita mula sa likuran nya at nakita nya si Don Frederico na may hawak na
baston sa kaliwang kamay.
Sabado
ngayon at nasa hacienda sya ng mga Villazar, tuwing sabado at linggo kasi
ay nagtatrabaho sya sa hacienda para na rin sa dagdag allowance na binibigay
nito sa kanya. Kinuha nya ang towel mula sa balikat at pinunas ito sa
mukha at katawan.
"Ano
pong maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang na tanong nya.
"Didiretsuhin
na kita, hindi ko gustong napapalapit ka sa anak ko Xander. Simula
ng dumating sya dito, puro pangalan mo nalang ang bukam-bibig nya."
simula ng Don. Kinuyom ni Xander ang kamao nya sa galit dahil alam na nya
ang gusto nitong iparating.
"Mataas
ang pangarap ko sa kanya, sya din ang magmamana ng buong hacienda Villazar,
mabait na bata ka naman, at maganda ang relasyon namin ng mga magulang mo,
maganda rin ang re...
"Mawalang
galang na, pero ano po ang gusto nyong sabihin?" sabi ng binata sa
Don. Bigla namang natawa ang matanda sa sinabi nito.
"Gusto
kong layuan mo sya! Wala kang maipapakain sa kanya kundi puro
kahirapan lang, hindi kayo pwede! Hindi ka pwede sa kanya! At sana
hindi ito ang magiging dahilan kung bakit magkakasira kami ng mga magulang
mo!" mahabang litanya ng Don.
Walang
nagawa ang binata kundi pagbuntunan ng galit ang hawak nyang towel at
nakita nyang tumalikod ito.
Akala
nya ay magtutuloy-tuloy na ito ng lakad pero bigla itong huminto at nilingon
ulit sya.
"Sya
nga pala, MALAPIT NA RIN PALA SYANG IKASAL!" seryosong
sabi ng Don kay Xander, iyon lang at mabilis na naglakad paalis ito.
Walang
nagawa ang binata kundi ang suntukin ang lupa. Galit ang nararamdaman nya
ngayon. Isa ito sa dahilan kung bakit iniiwas nya ang sarili sa
pag-ibig. Ayaw nya sa mga mayayaman na nang-aapi ng mga mabababang mga
tao.
Tama
ang nanay nya, kaylangan nya nang patayin ang nararamdaman nya para sa dalaga
habang maaga pa kung hindi ay parehas lang silang mahihirapan sa bandang huli.
Cielo's
POV
"Daddy,
gotta go." Masayang sigaw ni Cielo sa Daddy nya bago umalis ng
bahay. Pagkalabas at pagkalabas nya ng hacienda ay agad na
tumingin-tingin sya sa palagid para hanapin si Xander.
Alam
nya kasi na nasa paligid lang nito ang binata at hinihintay sya. Isa pa,
lagi naman itong nauuna sa kanya. Pero ganun na lang ang lungkot nya ng
hindi makita ang taong hinahanap nya. Kaya nagpatuloy na lang syang
naglakad papunta ng eskwelahan.
"Cielo,
Mariz and Faye, maiwan kayo, okay class dismiss" narinig kong sabi
ng professor ko.
Buong
period ata ng mga subject ko ay puro siya nalang ang nasa isip ko. Hindi
ko kasi sya nakita buong maghapon. Inayos ko na ang mga gamit ko para
umalis. Lalabas na sana ako ng classroom ng bigla akong tinawag.
"I
told you not to go yet Cielo." Agad naman akong bumalik at umupo sa
upuan kung saan kaharap ang table ni Mrs. Cruz.
"One
week from now is the University Cup na gaganapin sa kabilang siyudad. I
choose you three to be part of our school's medical team since our university
is in charge of the medical committee. So I want you to grab the opportunity
for this extra-curricular activity and for your practice purposes as
well. Is that okay with you?"
Sabay-sabay
naman kaming sumagot. Iyon lang at lumabas na kami ng classroom.
Habang
naglalakad ako sa corridor ay may narinig akong mga naguusap-usap. Grupo
sila ng mga kababaihan. Huminto ako dahil ito rin ang mga babae na
madalas pag-usapan si Xander.
"Alam
nyo na ba ang balita?" sabi nung isa na maikli ang buhok.
"Si
Xander at Jacky na!" pagdudugtong pa nito. nabigla naman ako
sa narinig ko.
"O
talaga paano mo naman nalaman? Totoo ba yan?"
pagkukumpirma nung babae na kulot ang buhok.
"Oo,
saka marami raw ang nakakita sa kanila sa canteen na magkasamang kumain, todo
ingat pa nga si Papa Xander sa kanya ehh" sabi nung maikli ang
buhok.
Nabigla
naman ako sa narinig ko mula sa kanila, paano kung totoo ang sinasabi ng mga
to. Pero ano naman kung magkaganun nga.
"Pero
akala ko ba nililigawan nya si Cielo?" sabi naman nung mahaba ang
buhok.
"Ewan,
baka nagsawa na sya don"
Naglakad
na lang ako papunta sa isang lugar kung saan ay matatagpuan ko sya. Gusto
ko syang makita.
Naghihintay
ako dito sa baba ng hagdan ng building ng college of accountancy. Nakita
kong pababa si Mj at may mga kasama syang kaklase nya ata. Agad ko syang
nilapitan.
"O
Cielo, anong ginagawa mo dito?" nakangiti nyang sabi sakin.
"Ahh
ehh tatanong ko sana kung nandyan ba si Xander?"
"Nauna
na sya sakin kanina ehh, ang alam ko may practice sila at malamang eh nasa
soccer field na sya." Sabi nito.
"Sige,
salamat" I smiled at him and proceed to the place he just said.
Masyadong
malawak ang soccer field na 'to at halata naman na mahihirapan talaga akong
hanapin sya.
Lumapit
ako sa lugar kung saan naroroon ang mga nagpa-practice ng soccer. Kaylan
ko lang din nalaman na player pala si Xander ng Soccer team. Habang
palapit ako ng palapit sa kanila ay unti-unti ko nang namamataan si Xander na
nakaupo kasama ng mga ka-teammate nya.
Papunta
na ako sa kanya ng may makita akong isang babae na lumapit sa kanya. Si
Jacky. May dala-dala itong bote ng tubig at iniabot iyon kay Xander.
Wala
akong nagawa kundi ang huminto at panoorin lang sila mula sa malayo.
Xander is topless at kita dito ang pawisan na mga dibdib habang pinupunasan
iyon ni Jacky. I saw him looked at my direction at nagtama ang mga mata
namin pero agad syang umiwas at tumingin kay Jacky nang nakangiti.
Agad
akong tumalikod at naglakad na palayo.
Sobrang
sakit lang ang maramdaman na makita mo ang taong gusto mo na may kasamang
iba. Na tumatawa kasama hindi ikaw kundi ang ibang tao.
Dumiretso
ako sa kubo kung saan madalas kaming tumambay ni Xander. Alam ko naman na
wala akong karapatan ehh na masaktan, pero bakit ganito, kahit anong kumbinsi
ko sa sarili ko, I can't stop my self from hurting.
Third
Person's POV
"Dude,
sasama ka ba sa club?" si MJ habang nagbibihis.
"Pass
muna ako, anong oras na rin, marami pa akong tatapusin." Sagot ni
Xander dito.
Kinuha
na nya ang sports bag at nagsimula ng lumabas ng locker room nila.
Suot-suot ang jersey short at sando. 6 na rin pala ng hapon. Sabi
nya sa sarili.
Nakalabas
na sya ng gate ng may marinig syang magsalita.
"Iniiwasan
mo ba ako?"
sabi ng isang pamilyar na boses mula sa kanyang likuran.
Hindi
nya ito pinansin bagkus ay nagpatuloy lang sya sa paglalakad.
"Anong
problema mo? May nagawa ba akong mali? Bakit bigla ka nalang
nagbago?"
garalgal na boses na sabi ng dalaga. Nagtuloy-tuloy pa rin sa paglalakad
ang binata.
"Ganyan
ka ba talaga hah? DUWAG KA XANDER! ISA KANG MALAKING
DUWAG" sigaw nya.
Huminto
na sya at hinarap ito.
"hindi
pa ba halata? Kaylangan ko pa bang sabihin sayo? Hindi pa ba sapat
ang mga kinikilos ko? AYOKO SAYO! Kaya lang naman kita sinasamahan
noon ay dahil amo kita! At ngayon, tapos na ang obligasyon ko
sayo!" iyon lang at naglakad na sya paalis dito.
Para
namang napako sa kanyang kinatatayuan si Cielo. Sobrang sakit ng
nararamdaman nya ngayon. Nakatitig lang sya sa lalaking papalayo sa
kanya.
Flashback
"Ano
ba ako sayo?" tanong ni Cielo sa kanya.
Napahinto
ang binata sa paglalakad at tinignan sya. Nakangiti itong lumapit sa
kanya at inakbayan sya.
"Hindi
ko rin alam" bigla namang nalungkot ang dalaga sa
sagot na iyon ng binata. Sa totoo lang ay sya naman ang may
kasalanan. Hindi nya dapat binibigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa
nito.
"Pero
masaya ako tuwing nakikita kita at nakakasama kita..." sabi nya
habang nakatingin sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay likod na lang ng
binata ang nakikita nya habang papalayo sa kanya.
End
of flashback
Comments
Post a Comment