Chapter 9 OPP

Chapter 9  -  Feeling

 

 

 

 

Cielo's  POV

 

"At paano mo nalaman na ako to?"  pagsusungit ko sa kanya.  Sinabi nya yon even without removing the book covering his face.

 

"Don't answer my question with another question"  lumapit pa ako sa kanya pero sya naman ay nanatiling nakahiga lang at hindi man lang nag-abalang umayos ng upo.  Well, what's new.

 

"Even if you keep on pushing me away from you, this time, I will no longer listen to you, because I will only listen to my heart."  Mas lalo pang lumakas ang tibok ng puso ko ng humiga na rin ako sa tabi nya at niyakap ko sya gamit ang kanang kamay ko.  Hindi ko alam kung saan nga ba ako kumuha ng lakas ng loob para gawin ito.  Xander is still showing no reaction with my actions kaya naman mas humilig pa ako sa malalapad nyang dibdib.  Buti na lang at tago itong lugar na 'to kaya wala masyadong dumadaan o napapadpad na mga estudyante. 

 

Naramdaman ko syang gumalaw, tinanggal na nya ang libro na nakatakip sa mukha nito and I know that he's now staring at me. 

 

"Tell me, sasagutin mo ba ang lalaking yon?" he said.

Natuwa naman ako sa tanong nya at agad akong nakaramdam ng sobrang kilig dahil sa tanong nya.

 

"Sino?"  tinaas ko na rin ang paningin ko sa kanya na sya namang pag-iwas nya ng tingin.

"Tssss!  Maang-maangan."  Pabalang nyang sabi.

 

"Sino nga?  Hindi ko naman alam ehh"  natatawa kong sabi.  Sa totoo lang eh kilala ko na kung sino ang tinutukoy nya.  Kunwari lang na wala akong alam.

 

"Yung unggoy!"

"Maka-unggoy ka naman!  Ang gwapo kaya non"

 

"Ehh bakit ka pala nandito?"

 

"Kasi mas-hot ka"  pagbibiro ko sa kanya.

 

Nakita ko naman syang umirap sakin.  Isa sa dahilan kung bakit ko sya nagustuhan ay dahil na rin sa mga ganito nyang inaakto.  Yun bang huli na nga hindi pa umaamin.  Nakikita ko sa kanya ngayon ang other side nya, yung hindi seryoso, hindi magagalitin, yung bang parang bata nyang side.

 

"Ayy wait"  umalis ako sa pagkakahiga at umupo.  Binilhan ko nga pala sya ng pagkain kanina bago ko sya hanapin dahil nga hindi man lang nya nabawasan ang mga pagkain na binili nya kanina. 

Since dalawang naka-styro naman ang binili ko, sasabayan ko na rin sya. 

 

"Hindi na 'ko nagugutom"  sabi nya.  bigla naman akong nalungkot dito.  Hindi ba nya man lang alam ang salitang appreciate? 

 

"Kumain kana, binili ko talaga to para sayo"  pagmamakaawa ko pa.

"You heard me right!"  matigas nya pa ring sabi.

 

"Okay!  Bibigay ko nalang to kay Jason"  akma na sana akong tatayo ng bigla nya akong hinawakan.

 

"Ayos ka din eh noh! Hindi mo man lang ako pipilitin!  Akala ko ba hindi ka na makikinig sa mga sasabihin ko!"  sabi nya sakin sabay kuha sa pagkain na hawak-hawak ko.  Napangiti na lang ako sa ginawa nya.  Kinuha nya ito sakin at sinimulan ng buksan ito.  Sunud-sunod na subo ang ginawa nya.  Tinitigan ko lang sya habang kumakain.  Grabe langs, ang sexy pa rin nyang tignan, hindi man lang nawawala ang postura nya.

 

"Wag mo nga 'kong titigan."  Sabi nya habang may laman ang bibig.

 

"Na-miss lang talaga kita"  pag-amin ko sa kanya.

 

"Tssss!  Mukhang nag-eenjoy ka nga sa mga lalaki mo!" tumalikod sya sakin.  Ayan na naman po tayo.

 

"Wag ka nang magselos, wala lang yun promise"  nangingiti kong sabi sa kanya.

 

"Sino namang nagsabi sayo na nagseselos ako?  Madami kayang naghahabol sakin." 

 

"Umamin ka na kasi, huling-huli kana ohh!"

 

Tinignan nya lang ako ng masama bago nagsubo ulit ng pagkain.

 

....

 

Ngayong tapos na ang lahat ng subjects ko, nag-aayos na ako para makauwi.  5:30 na at kaylangan ko pang maka-uwi agad ng maaga para lang makapag-handa ng mga gagamitin ko kinabukasan.

Pagkalabas ko ng  classroom ay nakita ko si Xander na nakasandal sa isang haligi ng building habang nakasabit sa balikat nito ang sports bag.  Naka sando shirt lang sya na kulay pula partnered with red short.  Umayos sya ng pagkakatayo ng makita nya akong papalapit.

"Sasabayan mo ba ako pa-uwi?"  nakangiti kong tanong.

 

"Ano pa nga ba, lapitin ka pa naman ng panganib."  Sabi nito.

 

"Asus dati nga nung iniwasan mo ko nakakauwi ako ng ligtas ehh."

 

"kung alam mo lang"  mahinang sabi ni Xander.

 

"Ang ano?" tanong ko sa kanya.

 

"Wala! Tara na."  Kumapit ako sa kaliwang braso nya at bigla naman syang nagulat sa ginawa ko, yun bang parang nakuryente. 

 

"Bawal PDA"  rinig kong sabi nya.

"Bakit, college na po tayo saka kapit lang naman ahh."  Nakanguso kong sabi.

 

"Tsss pa-cute pa"

 

"Xander, bakit ang ganda ng katawan mo?"  biglang namula ang mukha nya ng tinanong kong 'yon.  "Di ka na nakasagot?"  pang-aasar ko pa sa kanya.

 

Sumakay na kami ng jeep hanggang sa makarating na kami sa lugar namin.

 

"hanggang dito na lang ako."  He said.  Nagtataka ko naman syang tinignan.

 

"hatid mo na ako hanggang sa bahay"  sabi ko.

 

"Hindi na pwede"  makahulugang sabi nya sakin habang mataman syang nakatingin sakin.  Lumapit ako sa kanya at tumingkayad para maabot sya.

 

"Thanks for this day.  Masaya ako dahil kasama na ulit kita"  sabi ko sabay takbo palayo sa kanya.  Alam kong nabigla sya sa ginawa ko.  That's the first time na ginawa ko iyon.  Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, animo'y may kung ano na humahampas sa loob nito.

 

 

Third Person's POV

 

Nanatili pa rin syang nakatingin sa lugar kung saan tumakbo paalis ang dalaga hawak-hawak ang kanang pisngi nito. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong humalik sa kanya at sa babae pa na sobrang espesyal sa kanya. 

 

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEPPPPPP*  nabingi sya sa sobrang lakas ng busina na nanggagaling sa sasakyan.

 

"Ano ba naman Pre, magpapakamatay ka ba at dito pa sa gitna ng kalsada?"

 

Tinitigan nya lang ito ng masama.

 

"O anong meron?  May beke ka ba hah at dyan pa sa pisngi?"

 

"Tsssssss!!!"  nilagpasan nya ito saka nagtuluy-tuloy na pumasok sa sasakyan ng kaibigan.

 

"Alam mo para kang tanga!!!"  - MJ

 

"Ano bang problema mo?"  sambit nya dito.  Hanggang ngayon kasi ehh nakahawak pa rin si Xander sa pisngi kung saan sya hinalikan ng dalaga.

 

"What's with your face dude?"  MJ

 

"A kiss?"  nangingiti nyang tugon dito.

"WHAAAAT? Kanino?"  gulat na tanong nito.

 

"Gamot."  - Xander

 

"O my god pare!!!!  Napatunayan ko na rin sa wakas!!!"  malakas na sigaw ni MJ.

 

"Na ano?"  taka nyang tanong.

 

"NA HINDI KA TALAGA BADING!!!!"

 

Tinitigan nya lang ito ng masama saka ibinaling ang tingin sa labas." 

 

........

 

 

 

Cielo's POV

 

"May katabi ka ba?"  tumingin ako sa taong nagtanong and there I saw him looking at me.

"tanong tanong ka pa, nakikita mo na ngang wala di ba?"    sabi ko sa kanya sabay irap at tingin sa labas ng bintana.  Nakaupo na ako ngayon sa loob ng bus at hinihintay ko sya.  But to my dismay, hindi pa rin sya nagpapakita.   Plano ko pa naman sanang makatabi sya sa upuan pero mukhang sa kabilang bus sya uupo eehh.

 

"Aba't anong meron sayo hah?  Ang aga-aga sungit-sungit mo?"

 

"Wala lang yun, kaw naman hindi na matarayan"  sabi ko kay Rico.

 

"Wag kang mag-alala makikita mo rin sya mamaya"  sabay kindat.

 

"Bahala ka nga dyan"  matutulog na lang ako para naman mawala ang pagkainis na nararamdaman ko ngayon.  Tutal naman mamaya ehh makikita ko sya.  I wear my earphones and cover my eyes and went to sleep, dalawang oras at kalahati daw ang estimated na byahe kaya eto na lang ang gagawin nya, sayang talaga.

 

Maya-maya lang ay naramdaman ko nang umandar ang bus.  Naramdaman ko rin na may kamay na humawak sa ulo ko at inihilig ito sa isang matigas na bagay.  Yun bang parang sa balikat.  Akalain mong gentleman din pala itong si Rico.  Pero biglang natigil ang pagiisip ko nang maamoy ko ang isang pamilyar na pabango.  A familiar scent that he's using.  Agad kong tinanggal ang nagtatakip sa mga mata ko and tinignan ko sya.

 

"YOU'RE HERE!!!"  sigaw ko sabay yakap sa kanya.

 

"Wag ka nga sumigaw nakakahiya ka."  Angal nya.

 

"What's with your eyes?"  ang pungay kasi ng mga mata nya ngayon, halata mong walang tulog.

 

"TSSSSS!"  yun lang ang sinagot nya sakin.

"Walang tulog yan kagabi dahil sa halik"  narinig kong sambit ni MJ sabay tawa.  Nasa katapat na upuan lang namin sya.  "Awwwww"  daing ni MJ nang sinuntok sya ni Xander.

 

"Whaaat?  Sinong humalik sayo?"

 

"Tatanong-tanong pa akala  mo naman hindi sya."  sabay irap nito.

Naalala ko na, ang unang halik ko sa kanya kahapon.  Grabe lang, bigla tuloy akong nahiya when I remember that.

 

"Gusto ko munang matulog, kaya wag kang maingay"  Xander said.  Bigla naman syang humilig sa balikat ko at hinawakan  ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay nya .   Hindi ko masabi pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon.  Our hands fit together as if they are meant to hold each other.

 

I know that it's too early to say, but I know this feeling.  A feeling that makes my heart beats so fast, a feeling that is satisfying and fulfilling. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya sakin, pero pero para sakin, it is very obvious, my mind and my heart have the same answer.  I love him.  I love this man seated beside me.  At sobrang saya ko ngayon na sya ang taong kasama ko ngayon.

 

Itutuloy...

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2