Chapter 46 FBBF
Chapter
46 FBBF
Third
Person's POV
"Kaylangan
nyo pong sumama sakin, kaylangan po kayong makita ni Daddy, kung hindi ay
magpapakasal na sya sa iba." Sabi ng bata sa kanya. Muli nya
itong tinignan at maaaninag sa kanya ang pagtataka.
Yung
itsura ng bata, para bang matagal na nya itong nakita. Gusto man nya
itong alalahanin ay sumasakit lang lalo ang ulo nya.
"Kilala
mo ba ako?" tanong nya sa bata.
"Opo,
kayo po ang Mommy ko." Nakangiti ng tugon sa kanya ni King.
"Pano
mo naman nasabi?" dagdag nya pa.
"Ikaw
po ang nasa picture na kasama ng Daddy, ni Ate at ni Kuya." Sabi sa
kanya ng tatlong taong gulang.
"Mommy,
ihatid nyo nalang po ako sa amin, I can give you my exact address. Please
po" hawak-hawak na sya ng bata sa kanang kamay. Dahil sa
marami din syang tanong na gusto nyang masagot, tumayo sya at nagpatangay sa
panghihila sa kanya ng bata.
Jayden's
POV
"Kasalanan
nyo po ito Daddy, kung hindi po sana ninyo sinabi na papakasalan nyo ang babae
na yun, hindi sana nawawala ngayon si King" iyak na sabi sakin ni
Drew.
"DREW!
STOP IT!" si Yosh.
"Hindi
mo dapat sinasabihan ng ganyan ang Daddy mo!" si Mama.
"Kayo
po Lola, hindi ba kayo din po ang nagtutulak kay Daddy na magpakasal?
Diba ikaw din ang pumipi----
"DREW!"
nakita kong nakatayo na si Yosh. Tinitigan nya lang ito ng masama at
maya-maya pa ay nakita kong tumakbo sya paakyat ng kwarto habang umiiyak.
Kasalanan
ko talaga lahat ng ito. Kung sana ay naging malakas lang ako hindi sana
ganito ang mangyayari. Alam ko na sa simula pa lang ay ito na talaga ang
magiging reaksyon ng tatlo. Bakit ba ang tanga-tanga ko.
Yoshabel, kung nasaan ka man, please, bantayan mo ang anak natin. Alam
kong hindi mo sya papabayaan.
"Tignan
mo na ang inasal ng anak mo na babae? I told you Jayden, kaylangan na
talaga nilang magkaroon pa ng tatayong ina." Si Mommy habang
hawak-hawak nito ang noo at nakapikit.
"Hindi
po masama ang ugali ng kapatid ko!" nakatingin lang sa sahig si Yosh
habang sinasabi iyon.
"Isa
pa, masaya naman kami kahit walang tumatayong ina para sa amin, dahil
naaalagaan kami ng Daddy!" napatingin ako kay Yosh. Nakikita
ko ang pagtaas-baba ng balikat nito. Umiiyak sya. Nakita kong
lumapit si Mama dito.
"Apo,
syempre, kaylangan din namang sumaya ng Papa mo, kaylangan din nya ng
magmamahal sa kanya." Rinig kong paliwanag nya dito.
"Bakit
po? Hindi po ba namin sya napapasaya? Hindi nya po ba nararamdaman
na mahal na mahal namin sya?" si Yosh.
"No
no no, hindi ganoon ang ibig kong sabi---
"Daddy!"
tumakbo palapit sakin si Yosh na umiiyak at yumakap sakin.
"Nahihirapan
ka na po ba samin? Daddy!" si Yosh "Hindi mo na ba
kami mahal? Ang mommy, hindi mo na po ba sya mahal" patuloy pa
rin sya sa pagiyak sa mga bisig ko.
"No!
Hindi totoo yan" hinihimas ko ngayon ang ulo nya.
"Mahal
na mahal ko kayo. Kapag nawala pa kayo kay Daddy, mawawala na rin
sya." Sabi ko pa dito. "Kapag nawala ang isa sa inyo,
sobra akong malulungkot" dagdag ko pa. At niyakap ko sya nang
sobrang higpit.
......
Third
Person's POV
Napansin
ko ang bata na unti-unti nang pumipikit ang kanyang mga mata. Nakasakay
kami ngayon sa taxi at pauwi sa bahay nila.
"Ilang
taon ka na nga pala at ano ang buong pangalan mo?" tinanong
ko sya para naman hindi sya makatulog. Hindi kasi sya pwedeng makatulog,
hindi ko alam kung saang bahay ko naman sya dadalhin.
"My
complete name is King Andrew Montereal, I'm 3 years old"
"Ano?
Tatlong taon ka pa lang?" gulat na sabi ko sa kanya. Totoo
naman ehh, hindi halata sa paraan kung paano sya magsalita at kumilos.
Ganun din ang pisikal na katawan nito.
"Bakit?
Mukha na po ba akong matanda? Hindi naman po diba?" pagtataka
nyang sabi.
"Hindi
naman, ang gwapo-gwapo mo nga ehh" pagmamalaki ko sa kanya.
"Syempre,
mana po ata ako kay Daddy" sabay pogi sign pa sya at
pikit pa ang kanang mata nito. Kita mo nga naman, kahit ba sobrang antok
nang batang ito ay ganito pa rin ito kabibo.
"Bakit
ka nga pala napadpad sa parke malapit samin?" usisang tanong ko sa kanya.
"Tumakbo
po kasi ako palayo samin, ang Daddy kasi, magpapakasal na sya sa
iba." Nalungkot ang hitsura nito habang sinasabi iyon.
"Pero syempre hindi na po iyon matutuloy kasi nandito kana"
sabay tingin nya sakin.
"Kapag
nakita nyo po ang Daddy, baka po maalala nyo po sya, gwapo yun, matangkad,
maputi, may abs at muscle kaya nga po maraming nagkakagusto dun"
bibong dagdag pa nito. Kung pabidahan lang siguro ang labanan dito, tyak
ay panalo na 'to, grabe lang kung itaas nito ang Daddy nya ehh. Natatawa
kong naiisip.
"Eh
bakit ayaw mo namang makasal ang Daddy mo?" tanong ko ulit sa kanya.
"Alam
ko po kasi at nararamdaman ko na darating ka pa po at iyon ang sabi ni Daddy,
ikaw lang po ang gusto kong Mommy, alam mo po, ang ganda-ganda mo sa picture,
kaya siguro nagkagusto sayo si Daddy, at mas maganda pa po pala kayo sa
personal." Sabi nya.
"Kasing
ganda nyo rin po ang gusto kong maging girlfriend" dagdag pa nito habang
nakangiti.
"hehehheh"
natatawa nalang ako. "Pero syempre, dapat daw po ay magaral muna
akong mabuti, kaso..." napahinto sya at pinagdikit ang dalawang
braso sa dibdib, magkasalubong pa ang kilay nya hah.
"Kaso
ano?" tanong ko sa kanya.
"Mukhang
mahihirapan akong magka-girlfriend agad" seryoso nyang sabi.
Seriously??? At his very young age, 'yon na agad ang problema
nya? Sige na nga sakyan ko nalang sya.
"Bakit
naman? Eh gwapo ka naman ahh?" sabi ko sa kanya.
"Alam
ko po naman yun ehh, hindi naman yun ang problema ko, sa totoo lang, ang dami
nga pong nanliligaw sakin sa school."
Reaksyon
ko? NGANGA!!! Ang hangin ng batang to ahh, anu-ano bang tinuturo ng ama
nito dito.
Sige,
sasakyan ko pa sya para lang di makatulog.
"O
eh ano namang problema mo?" usisa ko dito.
"Si
Daddy kasi ehh, ang sabi nya, pwede lang daw akong mag-girlfriend kapag
nalagpasan ko ang kagwapuhan nya at kamachuhan nya. Ehh parang
matatagalan pa bago ko sya malagpasan ehh"
Alam
mo yung gusto ko na talagang humagalpak sa tawa kaso hindi ko magawa kasi
naman, seryoso sya sa mga sinasabi nya ehh. Seryoso din ang itsura ng
batang ito.
"Eh
di hintayin mo nalang na tumanda o maging lolo ang Daddy mo,,tyak ako na
magagwapuhan mo sya dun" pagbibiro ko dito.
"Hala,
ayoko po nun." - King
"o
bakit naman?" - ako
"Eh
baka po kunin sya samin ni Lord agad, ayoko po mangyari yun" sya.
"Bahala
ka nga dyan." Sabi ko sa kanya. "Mag-isip ka nalang ng
iba pang paraan para malagpasan mo ang Daddy mo!" inayos ko na ulit
ang upo ko sa taxi.
Ilang
sandali pa ay nananahimik na sya, nilingon ko sya at nakita ko na pabagsak na
talaga sya. Nakapikit na nga ang mga mata nito at pabagsak na ng pabagsak
ang ulo nya.
Lumapit
ako dito at inalalayan ko syang mahiga sa mga hita ko. Walang
pagpupumiglas naman syang sumunod sa ginawa ko.
Maya-maya
pa ay narinig ko nang magsalita ang driver.
"Mam,
nandito na po tayo sa address na binigay nyo." Tiningnan ko naman
ang bahay, mali hindi pala ito bahay, Mansyon o palasyo ata ang tamang
sabihin. Grabe, tama ba ang binigay na address ng batang 'to? Baka
naman nanggu-gudtym lang sya. Tinignan ko naman ito pero halatadong tulog
na tulog ito sa sobrang pagod narin siguro. Inabutan ko na ng bayad and
driver at binuhat ko na sya.
Grabe
lang ang bigat ng batang to ahh. Akalain mong 3 years old pa lang ehh
ganito na to kalaki. Tulog mantika pa, hindi man lang nagigising o
nagagambala sa pagbubuhat ko sa kanya.
Nakita
ko namang umandar na paalis ang taxi at heto ako ngayon, nakatayo sa tapat ng
mataas na gate ng mansion.
Agad
ko namang nakita ang doorbell at pinindot iyon.
Pagkapindot
ko nito, ay agad naman na parang may makina na tumunog at nilabas nito ang isang
parang cctv. Tinignan ko naman iyon.
Agad
na bumukas ang gate.
"Mam
Yoshabel?" isang matandang guard ang tumambad sa harapan ko.
Ako ba ang tinutukoy nya? Pero pamilyar ang pangalan na narinig kong
tinawag nya. Tumingin ako sa likuran ko pero ako lang naman ang tao dito
kasama ang batang karga-karga ko.
"Tumuloy
po kayo at pumasok sa loob" sabi nya sakin.
"Ahh
hindi na po, tatanong ko lang sana kung dito nakatira ang batang
ito." Sabi ko sa kanya.
"Sya
po ang Senyorito, pasok po kayo sa loob dahil nandoon po sila at kanina pa sya
hinahanap, mabuti pa po at kayo na ang maghatid sa kanya."
Tuluy-tuloy na sabi nito sa kin.
Hihindi
na sana ako pero bigla na lang nya akong hinila kaya wala na akong nagawa.
"Tuluy-tuloy
lang po kayo nandyan lang po sila at naghihintay sa bata."
Jayden's
POV
"Hindi
po ako kakain hangga't wala ang kapatid ko" sabi sakin ni Drew.
"Drew
naman, wag mo nang dagdagan pa ang paghihirap ko, we're doing our best only to
find King" pagmamakaawa ko sa kanya. Ang hirap talagang amuin
nitong babaeng to.
"Drew,
iha, wag mo nang pahirapan pa ang Daddy mo" dagdag ni Mama.
"Eh
kung ako po ayokong kumain, ano nalang ang nararanasan ni King ngayon?
Walang makain? Paano po kung magutom sya, Daddy, ayoko pong maranasan nya
iyon, ang bata bata pa nya para maranasan iyon." Litanya pa nito.
"AHH
EHH, MAWALANG GALANG NA PO, KAMAG-ANAK PO BA NINYO ITONG BATA?"
sabay-sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.
....
Author's
corner:
Na-post
ko na po ang Prologue ng "One
Poor Prince" wala lang, baka gusto nyo lang pong
basahin. Please give it a try. One Poor Prince is Jayden Yosh
Montereal's story. Twice to thrice a week po lagi
ang update ko.
To Glamar28 salamat sa pagappreciate
:-)
Comments
Post a Comment