Chapter 5 - OPP

 Chapter 5

 

 

Cielo's  POV

 

"How's your school anak?"

"Okay naman po"  sabi ko sa kanya habang kumakain ng agahan.

"Hindi ka ba naman nahihirapan?  How about your adjustment?"  tanong ng Papa.

"Papa, go straight to the point?  What are you up to?"  tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman na kahit nagtransfer ka dito, eh hindi ka mahihirapan, isa pa, dapat business course nalang ang kinuha mo." 

 

"Papa, we already talked about this matter, babalikan na naman ba natin ito?"  sabi ko sa kanya.

 

"O sya, sige hindi na.  My only point is that I'm getting older, and I want you to settle with our business" 

 

"Papa, look at you.  You're  as strong ten times of the youth outside, I don't think that that's your problem."  Natatawa kong sabi sa kanya.

 

"O tapos ka na agad?"  nagtataka nyang tanong ng tumayo ako. 

 

"Yes Papa, baka ma-late ako sa first subject ko."  Pumunta muna ako ng kusina at mula doon ay nakita ko si Nanay Marisa, ang mama ni Xander.

 

"Use our car Cielo" rinig kong sigaw ng Papa.

 

"Ayoko pong gumamit ng kotse"  sabi ko sa kanya.  Magko-commute na lang ako.  Pagkalabas at pagkalabas ko ng gate ay dumiretso na akong naglakad palayo sa bahay.

 

Bumaba na ako ng jeep, naglakad ng kaunti at nakapasok na ako sa gate ng school.  Kaylangan ko ng masanay dahil ganito na ang magiging buhay ko araw-araw.

Habang nilalakad ko ang corridor, biglang nahagip ng paningin ko ang dalawang babae na nagbubulungan at nakatingin sila sa iisang direksyon.  Kapwa sila nagtatawanan pa.  As I looked to direction they are looking at, nakita ko na sina MJ ito at Xander na nakaupo sa isang bench katapat ng basketball court.  May isang babae na papalapit sa kanila na may hawak-hawak na bagay na nababalutan ng panyo ata 'yun.

 

Nakita kong lumapit ang babae kay Xander at iniabot ang dala-dala nito.  Akala ko ay aabutin nito ang dala pero tumayo si Xander, tumalikod dito at naglakad paalis.

 

 Tumalikod na rin ako at nagpatuloy na ko sa paglalakad papunta sa klase ko.

Napaka-hard talaga nang lalaking yun.

 

"Okay class, kaylangan ko ng dalawang volunteers na magiging part ng UDLP Medical Team.  As I've said, volunteers, meaning to say, you will be part of a team and render service for free."  Pinakiramdaman ko ang buong klase, pero wala sa kanila ang nagtaas ng kamay.

 

"Wala ba ditong may gustong sumali?"  pag-uulit na tanong ng professor ko.

 

"Mam, ako po , I would like to be part of that org"  sabi ko habang nakataas ang kanang kamay ko.

 

"Okay Ms. Villazar, you're in"  sabi nito.  "Tomorrow is the UDLP club day and I want you to go to this place"  may iniabot sya sakin na maliit na card.  Nang tinignan ko ito ay may mga detalye na nakasulat dito about sa org.

 

"That's all for today and class dismissed"  tumayo na ko pagkatapos ay inayos ko na ang bag ko together with my books.  Imagine, tatlong makakapal na libro lang naman ito na kaylangan kong bitbitin araw-araw.

 

Nang nakalabas na ko sa may pintuan ng classroom ay bigla kong nakita si Xander na nakasandal sa isang haligi ng building namin.  Agad naman akong lumapit sa kanya.

 

"Anong ginagawa mo dito?  May hinihintay ka ba?"  tanong ko sa kanya.

 

"Wala"  maikli nyang sagot.   Umalis sya sa pagkakasandal at kinuha nya ang mga libro na hawak ko.

"Masyadong makakapal ang mga  libro na dinadala mo araw-araw, mayaman ka naman, bakit hindi ka kumuha ng locker?"  tanong nito sakin.

 

"Hindi ko rin naman kasi pwedeng iwan ang mga libro ko dito, ginagamit ko rin ito sa bahay gabi-gabi"  sabi ko sa kanya.  "May klase ka pa ba?"  tanong ko sa kanya.

"Meron, pero mamaya pang 1:30"  sya.

"parehas pala tayo."  Bigla akong natigilan sa paglalakad namin.

 

Nagtataka naman syang napatingin sakin.

 

"Alam mo hindi kita maintindihan"  - ako

 

"Why?"  - sya

 

"Nakita ko kasi yung ginawa mo sa babae kanina, masyado lang rude"  - ako

 

"Yun ba?  Sanay na 'ko dun, same thing with them."  sabi nito.

 

"Pero hindi ka dapat ganon."  Ako 

 

"Why?  I'm giving all of them the same treatment.  At wala silang magagawa dun."

 

"All of them the same treatment?  Eh ano tawag dito sa ginagawa mo?"  tanong ko sa kanya.

 

"Anong ginagawa ko?"  sya.

 

"Bakit sakin hindi ka naman ganon?"  -ako

Bigla naman syang tumingin sa ibang direksyon.  

 

"O ano?  Sagot!"  sabi ko sa kanya.

 

"Ahh ehhh ahhh wala!  Bakit ayaw mo ba ha?  Ikaw na nga itong binabantayan." 

 

"Bakit may magtatangka ba sakin?"  nakangiti kong tanong sa kanya.

 

"KUNG AYAW MO NG GINAGAWA KO EH DI WAG!"  nagulat naman ako sa bigla nyang pagsigaw at naglakad na sya ng mabilis palayo sakin.  Ako ano ang reaksyon ko?  NGANGA!! 

May masama ba akong sinabi?  Ang gusto ko lang naman eh hindi sya maging rude sa mga babaeng nagpapakita sa kanya ng paghanga. 

 

Nasaktan ko ata ang pride nung lalaking yun ahh.  Anyways nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad. 

Nauna na syang pumasok sa canteen, nakasunod lang ako sa kanya.

 

"Sila ba?"

 

"Hindi ko rin alam, eh" 

 

"Baka nililigawan ni Xander"

 

"Imposible"

 

"Tignan mo dala-dala pa ni Xander ang mga libro nung babae"

 

"Baka pinikot"

 

Napatingin naman ako sa babae na huling nagsalita.  Anong pinikot, eh wala ngang nangyayari samin.

 

Nang nakalapit na ako sa table kung saan sya nakaupo ay tumayo sya pagkatapos ay pinaghila nya ako ng upuan.  Kinilig naman ako sa ginawa nya.  Hinila nya iyon ng walang tingin-tingin sakin at umalis na sya para pumunta at umorder ng pagkain naming dalawa.

 

 

.....(fast forward)

 

 

Natapos na din ang klase ko sa wakas.  Ngayon nga ay papunta na ako sa kubo kung saan ako madalas na dumaan.  Titingnan ko lang naman kung nandoon ba si Xander.  Si Xander na sobrang hindi ko maintindihan.  Hindi ko rin alam pero itong mga nagdaang araw ay masaya ako  everytime na nakikita at nakakasama ko sya.  Ganun din sa mga pinapakita nya sakin.  Although hindi sya nagsasalita, o madalas ay ganun sya kasungit, ramdam ko kung paano sya mag-alaga. 

 

Palapit na ako ng kubo ng mamataan ko na nga ang postura nito kasama si MJ. 

"Hi Cielo"  si MJ.  Binati ko rin sya pabalik at tumingin naman ako kay Xander pero hindi man lang nya ako pinagtuunan ng pansin. 

Lumapit sakin si MJ at may binulong.

 

"Pagpasensyahan mo na 'tong bestfriend ko hah, ganyan talaga yan kapag may mga bagay sya na ayaw gawin pero kaylangan nyang gawin dahil wala syang choice"  natatawa nitong bulong sakin pero hindi ko naman maintindihan ang gsinasabi o ang ibig nyang sabihin.  Nakita ko namang tumitig ng masama samin si Xander.

 

Dahilan para dumistansya si Mj.  Tumayo na si Xander at kinuha na nya ang mga dala-dala kong libro at nauna na ulit syang maglakad.

Tuwing magkikita kami ay ganito na ang set up namin.  S'ya na kukunin at dadalhin nya ang mga libro ko.

"Let's go MJ"  sabi ko sa kanya.

"Nope, may kaylangan din akong punatahan" 

 

.....

 

"Cielo, niyaya ka na ba ni Xander sa Grand ball?"  tanong sakin ni Mia, classmate ko sa halos lahat ng subject ko dito.  Naalala ko na, malapit na nga pala ang grand ball ng school.  Ito yung ball night ng school na ginaganap nila taun-taon.

 

"Hindi naman ako umaasa"  sagot ko sa kanya.

 

"Ganun?  Pero panigurado ikaw ang yayayain nya."  nakangiti nitong sabi sakin.

 

"Sa totoo lang, ano ba talaga ang status ninyong dalawa?"  Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanya. Ano nga ba?  Lagi nya lang naman akong sinusundo at hinahatid ng bahay.  Dinadala nya ang mga gamit na dala-dala ko.  Lagi kaming sabay mag-lunch.  Other than that wala na.  

 

Although natutuwa ako dahil, of all the girls in this world este eskwelahan lang pala,  ako lang naman ang pinakaswerte na nilalapitan nya.  Pero sa totoo lang, wala naman talaga kaming pormal na usapan ni Xander.  

Hindi rin kasi masyadong masalita yung lalaking yun.  Kung baga, he's a wordless man.  Kapag aasarin ko naman sya tungkol sa estado namin, walk-out lang ang ginagawa nya.

 

 

Naglalakad na kami pauwi.

Tahimik lang ako ngayon, medyo maraming bagay kasi akong gustong linwin.  Bakit ganun, natatakot akong magtanong sa kanya.  Dahil din ba natatakot ako sa maari nyang isagot sakin? 

 

Totoo, hindi mahirap magustuhan at lalong mahalin si Xander.  Kung baga, kahit scary sya, still, his mysterious personality and behaviour are enough to make someone fall for him.

 

"May problema ka ba?"  nahuhuli na pala ako sa paglalakad.  Nakalingon sya sakin ngayon ng tinanong nya sakin ang tanong na 'to.

 

"Ahhh ehhh"  hindi ko matuloy-tuloy ang gusto kong itanong sa kanya.

"What?"  tanong nya ulit.

 

"Ano ba ako sayo?"  lakas loob kong tanong sa kanya.

 

 

 

....itutuloy.

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2