Chapter 11 OPP

 

Chapter 11  -  His return

 

 

 

 

Cielo's  POV

 

"Don Frederico, sinabihan ko na po ang anak ko na layuan ang Maam Cielo, alam ko pong alam nya ang ginagawa nya at maytiwala po ako sa kanya."  Rinig kong sabi ni nanay Marissa.

 

"Ganun din ako Marissa, sinabihan ko na sya na layuan ang anak ko, pero bakit ba ang tigas-tigas ng ulo ng anak mo!!"  sabi ng Daddy.

 

"Anong ipapakain nya sa anak ko hah?  Alam ba nya ang kalagayan nya sa buhay?  Alam ba nya na wala syang mararating sa buhay?"

 

"Mawalang galang na po Don, pero wala po kayo sa lugar para pagsalitaan sya ng ganyan!" 

 

"Pwes, kung ayaw mong masabihan sya ng mga masasakit na salita dap---

 

"DAD!!!"  dahil sa hindi ko na matagalan pa ang mga naririnig ko mula sa kanya ay napagpasyahan kong lumabas na sa lugar na pinagtataguan ko.

 

"Kayo po ba ang dahilan kung bakit ako nilayuan ni Xander noon?" 

 

"That's nonsense!!"  sigaw nya sakin.

 

"What's with the change of attitude Dad?  What is this all about?"  this time ay pinipigilan ko nang umiyak sa harapan nya.  Lumapit sya sakin nang may matatalim na mga tingin.

 

"Simple lang ang gusto ko Cielo anak!!  Gusto kong layuan mo ang hampas lupa na 'yon!"

 

"STOP!!! Ang sinasabi nyo pong hampas lupa ay ang taong mahal ko!"  nilabas ko na ang talagang nasa saloobin ko.

 

"Mahal?  That's BULLSH*T CIELO!!! Habang maaga pa ay putulin mo na ang kahibangan mo dahil hinding-hindi ako makakapayag na mapunta ka lang sa wala."

 

"No!  Xander is not just nothing, Dad!  And I hope you do understand that!" 

 

"No!! Cielo, sinunod kita sa lahat ng gusto mo, pero this time, hinding hindi na kita pagbibigyan,  ako naman ang masusunod." dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya ay tumalikod ako at naglakad paalis.

 

"Wag na wag mo akong tatalikuran kapag kinakausap kita!!  Wag kang bastos!!"  sobrang higpit ng kapit nya sa mga braso ko.  Bakit sya ganito, bakit sya biglang nagbago.  Pinakitaan ko lang sya ng isang blangko na ekspresyon sabay hawi sa kamay nya at tumakbo palabas ng bahay.

 

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako sa bahay  namin.  Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na  ngang naglandas ang mga luha ko sa mga mata.

 

Hindi ko talaga sya maintindihan, bakit kaylangan pa nyang gawin yon.  Hindi naman sya ganun dati ahh.  Hindi nya rin kaylangan pang manghamak ng ibang mga tao. 

 

Dahil sa nakaramdam ako ng pagod ay huminto ako sa pagtakbo.  Dito ako sa maliit na batisan napahinto kaya dito na rin ako umupo.  Nag-indian seat ako at tumingin sa kawalan, pinipigilan ko na mas lalo pang bumagsak ang mga luha ko galing dito.  Maya-maya pa ay may naramdaman akong mga braso na pumulupot sakin.  

 

He pressed his head towards me at mas lalo pang nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko mula sa aking mga mata. 

 

"Don't control it, just cry, I'm here for you"  mas naramdaman ko pa ang higpit ng mga yakap nya.  hindi ko na talaga napigilan at tuluyan na akong umiyak sa kanya.

 

But if you ever find yourself

Xander started to sing


tired of all the games you play
When the world seems so unfair

Truly the world is sometimes so unfair.


You can count on me to stay
Just take some time
To lend an ear
To this ordinary song

 

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkaantok and  through his voice, there's assurance that everything will be alright.  And with his embrace I feel so secure.

 

 

"How do you feel?"  pagkamulat ng mga mata ko ay ito agad ang tanong sakin ni Xander.

 

"I'm okay now, what happened?" – ako.

 

"Nakatulog ka, I'm glad to hear that"  - Xander.

 

"What time is it?"

 

"Almost 3 pm.  Let's go, hatid na kita, baka hinahanap kana sa inyo."  Inalalayan nya na akong tumayo at tuluyan na kaming umalis sa lugar na 'yon.

Nung nasa tapat na kami ng gate ay huminto kami.

Hinarap ko sya at saka niyakap.  "I love you"  bulong ko sa kanya.

 

"I love you more than you do"  hinaplos nya ang likod ko and he brushed my hair na abot hanggang balikat ko.  Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay si Daddy agad ang nabungaran ko.

"Saan ka nanggaling?

 

"I'm tired Dad"  walang gana kong sagot sa kanya at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

 

"H'wag kang bastos Cielo, sumosobra kana, Daddy mo pa rin ako!  Hindi mo ba naiisip na kapakanan mo lang ang iniisip ko dahil mahal kita." 

 

"Kung kapakanan ko po ang iniisip nyo di sana iniisip nyo rin ang kaligayahan ko, na masasaktan ako kapag nasasaktan nyo ang taong mahal ko!"

 

"Sa ayaw at sa gusto mo, ititigil mo na ang kabaliwan mo sa lalaking 'yon"

 

"I'm sorry Dad, but with all due respect, I know what I am doing"  nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa kwarto ko. 

 

Pahiga na ako ng maramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko.

 

Tiningnan ko ito at number lang ang nakalagay.

 

From: 0909***

Hi Ms. Beautiful

Agad akong nagtype para replyan ito.

To: 0909***

Sino to?

 

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ulit ang pagtunog nito.

 

From:  0909***

Your one Poor Prince.

 

Napangiti ako ng mabasa ko ang reply nito.  Nilagyan ko ng ng pangalan ang number nya.

 

To:  My Poor Prince

Poor prince talaga?  Mahal na mahal kita.

 

From:  My Poor Prince

Mas mahal kita.  Wag ka nang malungkot, okay!  Everything will be alright.

 

Buong maghapon ay wala akong ibang ginawa kundi ang makipagtext kay Xander.  

 

Nakakatawa lang dahil napaka corny nya pagdating sa mga jokes na pinapasa nya sakin.  Iyon lang ang ginawa namin hanggang sa nakatulugan ko na ito.  

 

.......

 

 

Malapit na pala ang sembreak namin, hay ang bilis talaga ng araw.  Parang kaylan lang ay dumating ako dito sa Portaleza at nag-enrol sa pinakasikat na eskwelahan, nakilala ko si Xander,  at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami okay ni Daddy, pero nanatili lamang syang tahimik at hindi ako kinikibo.  

 

Napag-usapan na rin namin ni Xander na itatago muna namin ang tungkol samin, lalong lalo na kay Daddy para wala nang gulo pa.  

Weeks from now, Xander and I will be celebrating our second monthsary together and weeks from now, I will be celebrating my 18th birthday.  

 

 

"CIELO!!"  napahinto ako sa paglalakad sa narinig kong boses na tumawag sakin.  Agad akong tumingin sa likuran ko at doon ko nakita ang isang tao na kaylan man ay hindi ko na pinangarap pang makita ulit.  Michael.

 

Nakita kong naglakad ito ng mabilis palapit sakin.  Nang tuluyan na syang nakalapit ay agad akong niyakap nito. Walang anu-ano ay mabilis akong umiwas sa kanya ng may pagtataka.  Pagtataka kung bakit ay nasa harapan ko ito ngayon.  

Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman nya akong niyakap.  But this time, hinayaan ko lang sya.  Gusto kong iparating sa kanya na I have already moved-on over him at wala na akong nararamdaman sa kanya.

 

"Miss na miss na kita, alam mo ba kung gaano kita gustong makita?  Napakadami kong gustong sabihin sayo, ipaliwanag sayo."  Nakayakap pa rin sya sakin.  When I opened my eyes, nakita ko si Xander na nakatingin lang samin at mababakas sa mga mata nya ang sobrang galit.  Nakita ko syang tumalikod at nilayo ko na ang sarili ko sa pagkakayakap ni Michael.

 

Hindi ko na inalala pa kung ano ang naging reksyon ng lalaki na una kong nagustuhan.  Agad akong tumakbo at hinabol ko sya.

 

"Xander!  Wait!"  sigaw ko habang hinahabol ko ito.  Sobrang bilis nyang maglakad, halos takbuhin ko na ito para lang maabutan sya.

 

"Xander!"  sigaw ko pa.  Pero nanatili lang syang hindi sumasagot at patuloy sa paglalakad ng mabilis.

 

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para lang mahabol ko sya.  Pero sa kamalas-malasan ko ay natapilok ako sa isang maliit na bato dahilan para ma-out of balance ako at madapa.

 

"Araay!"  sigaw ko pa ng maramdaman ko ang sobrang sakit sa parteng tuhod ko dahil ito ang unang bumagsak sa lupa.

Marami ng mga mata ang nakatingin sa akin, at halos naagaw ko na nga ang atensyon ng lahat ng mga estudyante na nasa paligid ko.  Nakita ko namang naglakad pabalik si Xander at papunta na sya sakin nang biglang may nagsalita mula sa likod ko dahilan para umatras ulit ito at tuluyan na nga nya akong tinalikuran.

 

"Cielo, are you okay?"  nag-aalalang tanong sakin ni Michael mula sa likuran ko.

 

Tuluyan ng bumagsak ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha.  Hindi dahil sa sakit sa tuhod kundi dahil sa sakit na hindi man lang nya ako pinansin. Wala akong nagawa kung hindi ang mapapikit na lamang  para maitago ang sakit na nararamdaman ko.  

Pinipilit ko nang tumayo pero iba talaga ang sakit sa parteng tuhod ko.  

"Cielo, tulunga...."  Hindi na natapos ni Michael ang sasabihin nya dahil sa sigaw na iyon.

 

"GET OFF!!!"  malakas ang boses na narinig ko.  Naramdaman ko nalang ang pag-angat ko mula sa lupa.  At nang buksan ko ang mga mata ko, there I saw Xander's face at ang mga mala-tigre nyang mata na nakatingin lang sa daan. 

 

"Binalikan nya ako."  Masaya kong sabi sa sarili.

 

"Nasaktan ka na nga, masaya ka pa!"  matigas na sabi ni Xander.

 

"Masaya lang ako dahil binalikan mo ko." 

 

"But it doesn't mean na pinatawad na kita, ang akin, akin lang dapat at wala nang ibang pwedeng kumuha!"   Xander is very unpredictable.  Alam ba nya na sa mga sinasabi nya ay mas lalo lang syang napapamahal sakin. 

 

Halos lahat ng mga kapwa ko estudyante na nasasalubong ay napapatingin na lang samin.  Yung iba pa nga ay masasama pa ang tingin samin o sakin to be exact. 

 

"San mo ko dadalhin?"  tanong ko nang hindi nakatingin sa kanya.

 

"San pa ba, e di sa clinic!"  malamig na tugon nya.

 

"I have my med kit inside my bag, just bring me to the tree."  Dun kung saan kami madalas nakatambay, sa lugar kung saan sya nanligaw at san  ko sya sinagot.

Nakita kong tinitigan nya lang ako at nag-iba na sya ng direksyon.

Nang makarating na kami sa lugar na sinasabi ko ay dahan-dahan nya akong isinandal sa puno.  Kinuha nya ang bag ko at nagsimula na nyang ilabas ang mga gamit ko sa panggagamot.

 

"Xander, hear my explanation first,"  I told him while seeing him busy applying medicines to me.

 

"This is not the right time"  sabi nya.

 

"Kaylan naman?  Kapag selos na selos kana at hanggang sa makipaghiwalay ka?"  - ako.

 

Tinitigan nya lang ako ng matalim, yung titig na nakakatusok.  "Ganyan ka naman ehh, hanggang pagtitig lang ang kaya mong gaw---- hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa bigla nyang ginawa.  Parang huminto ang oras ko sa ginawa nya.  

 

Naging mas malikot pa ang mga labi nya sa mga labi ko.  At unti-unti pa ngang mas lumalim pa ang mga halik nya.  I closed my eyes to feel more of him, with the sensations he's  bringing to me.  He stopped kissing me.

 

"Alam mo kung anong problema sayo?"

 

Mahinang sabi nya habang nakatitig sakin ng matalim.

 

"What??"  syempre, tinapatan ko ang katigasan nya.

 

"You are not even aware of how beautiful you are!  You're a big damn temptation to everyone Cielo!  And you're tempting me bigtime!   That even I can't even contain you in my self!!"  tumalikod sya sakin at naka-indian seat lang sya. 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2