Chapter 31 FBBF

 

Chapter 31  FBBF -  The Little Prince

 

 

Third Person's  POV

 

Sa kusina ay busy ang kambal sa paghahanda ng agahan nila.  Nakasanayan na kasi ng dalawa na 'to na maagang magising at sila ang magpiprepare ng agahan nila.  Pancake ang pinagkatuwaang lutuin ng dalawa at fried rice.

"Kuya ubos na po ang cooking oil natin"  sabi ni Drew  habang busy ito sa pag-aayos ng mga nalutong pancake sa lamesa. 

"We still have fried rice to cook"  - Drew

"Okay, I'll go outside and buy some"  - sagot naman ni Yosh.

Naglalakad na sya papunta sa bukas na bakery when he saw a man wearing all black approaching his way.

Tumingin-tingin sya sa paligid, wala pang katao-tao.  Palapit na ng palapit ang lalaki sa kanya at akma na sana syang tatakbo pabalik sa bahay ng may isa pang lalaki na nakaabang na doon.

Lumiko si Yosh at pumasok sa isang maliit na eskinita.

Tumakbo na ang bata ng sobrang bilis ganun din ang humahabol sa kanya.

Huminto si Yosh ng malaman na nasa high way na sya at makita ang mga sasakyan na dumadaaan.

Tumingin ang bata sa likod at nakita na papalapit sa kanya ang dalawang humahabol.

Lumingon lingon sya at nakita ang Bus stop station na may maraming tao.  Tumakbo sya papunta doon.

Maya-maya pa ay may huminto ng Bus dito at nakisabay sya sa agos ng mga sumasakay para lang hindi sya maabutan ng mga humahabol sa kanya.

Nakatingin lang ang bata sa labas ng sasakyan. "What should I do"  Yosh asked himself.  "Kaylangan nyang makabalik ulit sa bahay nila and his parents need to know about the men in black"  He whispered.  While his eyes still looking outside, agad syang napangiti  ng makita ang malaki at mataas na building.  He felt the bus suddenly stopped and he stood up approaching its door.

"MGC Tower Mall"  basa nya dito.  Ito yung mall kung saan sila dinala ng Daddy nya.

"Excuse me Sir, where can I contact the owner of this mall?"  tanong nya sa security guard.

Tiningnan lang naman sya ng guard at hindi ito  pinansin.

"Excuse me again Sir, I want to know where can  I contact the owner of this mall?"  He asked again.

"Bata umuwi ka na nga, bawal kang pumasok dito ng walang kasama."  - Security Guard #1

"But I'm the son of the owner, and I'm lost, I need to see him"  - Yosh

Tiningnan naman sya ng dalawang guard, after that, they then looked at each other and laughed.

"Wag ka ngang magbiro ng ganyan, sobrang nakakatawa"  - Security Guard #1

"Alam mo bata, hindi lang ikaw ang bata na nagsasabi nyan, kaya pwede ba, tulungan mo nalang nanay mo sa bahay nyo"  -Security Guard #2

Sa sobrang pagkainis ni Yosh ay pumwesto sya ng maayos at biglang sinipa ang isang guard sa tuhod.  Agad namang napahiyaw ito sa sakit. 

Dali-dali naman syang tumakbo papasok ng mall.

Nang makarecover ay mabilis syang hinabol ng mga security guard at humingi pa nga ng tulong sa iba.

Takbo dito at takbo doon ang ginawa nya para lang hindi sya maabutan ng mga guard.

Maya-maya pa ay napahinto si Yosh dahil namataan nya ang isang store na nagtitinda ng ice cream.

"I'm so hungry."  Bulong nya sa sarili.

Agad namang lumapit ang batang Jayden sa nagtitinda ng ice cream.

"Excuse me Sir, will you give me that ice cream, please!  The Ube and cheese flavor with bread"  sabi nya sa lalaki.

"May pambayad ka ba?"  tanong ng tindera.

Hinalungkat nya ang bulsa at may nakuha syang isang 10 pesos na coin. Kinuha nya ito at inabot sa lalaki.

"This is the only money I have"  sabay pakita nya ng pera habang nakangiti.

"Sorry boy, pero sobrang kulang ng pera mo, kaylangan mo pa ng 50 pesos para lang mabigyan kita nito."  Sabi ng lalaki.

"But this is the money I only have in my pocket."  Malungkot na sabi nya.

"Go to your parents and asked for the additional."  - lalaki

"But they're not here"  tumingin na sya sa nagtitinda.  Bigla naman syang may naisip.

"But my Daddy is the owner of this mall, he can give you a lot of money"  masayang sabi nya.

"Bata, umalis ka na nga dito, magsisinungaling ka pa para lang mabigyan kita nito, get out"  galit na sabi nito.

"But I'm starving already, I haven't take my breakfast yet, pretty please"  pagmamakaawa nya na.

"Pwes hindi ice cream ang dapat mong kainin."  -lalaki

"Give him what he wants, I'll pay for him!"  malakas na sabi ng Ginang sa likod nito.

Agad namang napatingin doon si Yosh.  Isang matandang babae at isang matandang lalaki ang nakita nya.

Nakatitig lang sa kanila si Yosh habang tinitignan din sya ng dalawang matanda.

"Boy, ito na ohh"  naagaw nito ang pansin ni Yosh at tinignan sya.

Kinuha nya naman ito ng nakangiti na.

Naglakad na si Yosh papalapit sa dalawang matanda,

"Thank you so much po sa Ice cream, I'm really starving and this is my favourite food."  Nakangiti nyang sabi.

Lumapit ang matandang lalaki sa Ice cream vendor para magbayad.

Habang pumantay naman ang matandang babae kay Yosh.

"You said earlier that the owner of this mall is your father, is it true?"  tanong ng Ginang.

"Yes po"  He answered  habang kinakagat ang tinapay na may palamang ice cream.


.....

 

 

Eden Drew Montereal's POV

 

(Eden Drew Montereal – Jayden Andrew's mother")

 

"I keep on telling you Jay, wala nang matino pang magagawa ang anak mong lalaki.  Hindi nga sya marunong sumunod sa mga gusto ko!  Eh kung pakasalan nya nalang si Elaine, then everything will be fine."  - Eden

"We talked about this already Honey, hindi na natin sya papakialaman sa mga gusto nyang gawin, unless, you want to happen again what happened last six years ago."  Rinig kong sabi nya.

We are here at MGC Tower Mall and checking how it is operating.  Surprise visit kung baga.   This is what we usually do whenever we are here in the Philippines.

"Good moring Mam, Good morning Sir,"  ito ang mga bati sa amin kapag may nakakasalubong kaming mga empleyado.

I  stopped walking when I heard a little voice arguing with somebody.

"Honey wait lang"  sabi ko sa asawa ko.  Nagtataka naman syang huminto and looked in the direction I am looking at.

"But this is the money I only have in my pocket."  Malungkot na sabi ng bata sa tindero ng ice cream. 

I remembered Jayden, my son, to him when he was 6 years old, he's a perfect figure of Jayden when he was a child.

"Go to your parents and asked for the additional."  - rinig kong sabi ng nagtitinda.

"But they're not here"  the boy suddenly paused for a while then talked again.

"But my Daddy is the owner of this mall, he can give you a lot of money"  masayang sabi nya.

Bigla silang nagkatinginan ng asawa ng may pagtataka.

"What does that child mean?"  tanong ni Jay.

I just shrugged off saying I don't know.

"Bata, umalis ka na nga dito, magsisinungaling ka pa para lang mabigyan kita nito, get out"  galit na sabi nito.

"But I'm starving already, I haven't take my breakfast yet, pretty please"  pagmamakaawa nito. 

Bigla akong nakaramdam ng awa sa bata.  Ganitong-ganito ang anak nya noon, sobrang kulit at mapilit.  Even the voice, that child made me remember his voice.

"Pwes hindi ice cream ang dapat mong kainin."

Hindi na ako nakatiis at lumabas na ako sa tinataguan namin.

"Give him what he wants, I'll pay for him!"  I said loudly to the vendor.

Agad namang napatingin sa akin ang batang lalaki.

"Boy,ito na ohh"  naagaw nito ang pansin ng bata nung inabot nang tindero ang hinihingi nito.

 Kinuha nya naman ito ng nakangiti na.

Naglakad na ang bata papalapit sa amin.  Kitang-kita ko talaga sa kanya ang batang Jayden, pinapaalala nya sa akin ito nung bata pa ito.

"Thank you so much po sa Ice cream, I'm really starving and this is my favourite food."  Nakangiti nyang sabi sa amin.

Nakita ko namang lumapit na si Jay sa Ice cream vendor at inabot ang bayad doon.

Ako naman ay lumuhod sa bata para naman makapantay ko sya.

"You said earlier that the owner of this mall is your father, is it true?"  nakangiti kong tanong.

"Yes po"  magiliw na sagot nito habang kinakagat na ang pagkain nito.

"What is your name?"  - Jay

"My name is Yosh"  seryoso nang sagot nito.

"How about your complete name?"  pahabol kong tanong.

"Jayden Yosh Martinez."  I was shocked as I heard his first name.  Agad kaming nagkatinginan ni Jay.  Nagkataon lang ba ito na magkamukha sila ni Jayden at magkapangalan pa?  tanong ko sa sarili.

Akma na sana itong tatalikod matapos sabihin ang pangalan, pero nahawakan ko agad ang isang kamay nito.

"Heyy, what's wrong, where are you going?"  tanong ko dito.

"My Mommy said, don't talk to stranger"  sya.

"Really?  But will you allow us to introduce ourselves to you?"  tanong ko ulit.

"Sure!"  may sumilay na kaunting ngiti dito.

"My name is Eden Drew Montereal and this is my husband Jayson Montereal"  nakangiti kong sabi.

Nakita ko naman ang panlalaki ng mga mata nito.

"What's wrong?"  takang tanong ni Jay.

"Nothing, it's just that you and my daddy have the same surname"  sabi nya.

Agad ko syang niyakap ng mahigpit.

Hindi ko alam pero automatic na lumapit ako dito at niyakap ko sya.

"Saan kaba nakatira ngayon?  Ihahatid ka namin"  rinig kong sabi ni Jay.

....

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2