Chapter 19 FBBF

 

Chapter 19  FBBF -  You're Free

 

 

Jayden's  POV

 

 

Nagising ako sa sobrang uhaw.  Ano na bang nangyari sakin.  Kahapon lang sobrang sama ng pakiramdam ko.  Pinilit kong igalaw ang katawan ko.  Pero naramdaman ko ang bigat nito. 

Nanaginip ako na nandito si Yosh sa condo.  Si Yosh?  Teka nandito talaga sya.  Maya-maya pa sinubukan ko ng bumangon pero natigilan ako dahil nakita ko sya na nakayakap sakin habang mahimbing na natutulog.  Totoo nandito nga sya at inalagaan ako.

Alam ko na sobrang pagod sya kahapon.

Muli ko na naman naalala ang mga nangyari way back 6 years ago.

Kung paano nya non sinabi na hindi na ako ang mahal nya.  Na si James ang totoong tao na mahal nya.  Hindi pa nga sana ako maniniwala but the moment I saw them lying on the bed and they were naked, bigla na lamang gumuho ang mundo ko at para bang pinatay nya ang puso ko.  Galit na galit ako sa kanya. 

After that incident, I decided to move in Europe.  Dahil kung mananatili ako sa Pilipinas, maaalala ko lang kung paano nya ako niloko at pinabagsak.  And  sinabi ko nun na kapag ok na ako  babalik ako at hahanapin ko sya para paghigantihan.

But the first time I saw her again after 6 years, para bang nawala ang lahat ng galit ko sa kanya.  Oo inaamin ko na biglang tumibok muli ang puso ko during that time.  Bigla pa nga akong kinabahan.  I had almost lost my control.  Buti nalang at napigilan ko syang yakapin noon.

Nung muling makita ko sya, alam ko sa sarili ko na ayaw ko na syang mawala pa sa paningin ko.  Gusto kong lagi kong alam ang mga ginagawa nya.  Kaya nga pinalagyan ko ng CCTV camera ang office nya nun ehh.  Lintik na Renz yun, pinopormahan pa sya.

 

When she got mad at me and eager to remove the CCTV, I then decided to move her office to mine.  Para na rin hindi sya mapuntahan ng kung sinu-sino nalang.

The same day, pagkatapos namin kumain ni Yosh, nagkaroon ako ng biglaang meeting. 

The meeting with Elaine and her family.  It's about the merging of our company that will happen only when we get married.  During that time, bigla syang pumasok sa isipan ko.  

Her family is discussing to me something but I understand nothing until when the meeting was adjourned.  Agad-agad akong tumayo para bumalik na sa opisina ko dahil alam kong naiinip na sya doon mag-isa.  Hindi ko na hinintay pa si Elaine.

Sumenyas naman ako kay Sebastian to take charge of everything na nakuha naman agad nya.

Agad kong binuksan ang pintuan ng office ko.  There she is.  Sleeping so soundly.  Ano ba ang mga pinaggagagawa nito at para bang pagod na pagod sya.  Hinawi ko ang buhok nya at nilagay iyon sa gilid ng tenga nya.  Damn, lagi ko syang namimissed.

My heart beats fast once again.  Naramdaman kong gumalaw sya that's why I distance myself to her.

Binuhat ko sya at inilipat sa loob ng kwarto nitong opisina ko. 

Pagkalabas ko, nabungaran ko naman si Elaine sitting on the chair near my table.

"Hi Jayden"  sabay halik sa labi ko.  "Bakit ba bigla ka nalang umalis"  may himig na pagtatampong  turan nito.

Si Elaine, my long-time girlfriend.  She's been my girlfriend for almost 5 years although alam nya na mayroon pa akong ikinakama na iba't-ibang mga babae.  Why?  Dahil alam naman nya na sa huli sa kanya din naman ako babagsak.  F*cking sh*t lang.  after so many hours kasama ko parin itong babaeng ito.

"Ang tagal naman nyang magising"  I said to myself.  Kasama ko si Elaine for more than an hour pero sya lang ang naging laman ng isip ko.  Maya-maya pa ay may narinig kaming boses.  At nagising na nga sya.  Halata naman ang pagkapahiya nya dahilan para tahimik syang umupo.  Gusto ko na sana syang kausapin pero hindi ko yon magawa dahil nandito si Elaine at kinukulit ako ng kinukulit. 

Maya-maya pa ay narinig ko ang cellphone nito na tumunog.  Agad nya iyong sinagot.

At nagulat ako sa biglang sinigaw nito sa kausap  "meLABS" 

Tama ba yung narinig ko?  Eh tawagan namin dati yun ahh?  Akala ko ba wala syang karelasyon?

I then remembered what happened to us back then.  Oo nga pala.  She's nothing but a b*tch.  At hindi nya lang sakin pinangtatawag yun kundi kung kani-kanino pa.  Bumalik lahat ng galit ko sa kanya.  Dahilan para tuluyan na akong mawalan ng gana.

Niyaya ko ng umuwi si Elaine at ihatid na sya.  Agad naman itong lumabas.

Tumayo na rin ako at pumunta sa kwarto kung nasaan sya ng marinig ko syang magsalita

"Ok! Goodbye and take care!  I love You too meLabs."  -siya

Biglang nagngalit ang mga panga ko.  Parang gusto kong manuntok at pumatay.

"TURN-OFF THE LIGHTS AND LOCKED THE DOOR AFTER USING IT."  I said and walked-away.

 ........

I close the distance between us then whisper:

"I'm setting you free now.  You're free."  Bulong ko sa kanya at saka tumayo na. 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2