FBBF-Chapter 7

  Chapter 7 (FBBF)  - Father and Son and Daughter:  The Encounter





Third Person's POV


Samantala, hinihintay ni Jayden ang Personal Assistant sa loob ng sasakyan.

"Bakit ba sobrang tagal non" – sabi sa sarili ng binata.

Lingon dito at lingon doon na ang ginagawa niya ng biglang may mahagip ang kanyang mga mata sa isang lugar.  Nakita nya rin na nakapaskil ang kanyang larawan sa Shop na iyon.  Pero ang mas hindi nya nagustuhan ay nang Makita niyang tinulak ng taong nagbabantay  doon ang isang batang lalaki dahilan para matumba ito habang ang kasamang batang babae naman nito ay iyak na ng iyak ...



Dali-dali syang bumaba ng sasakyan at patakbong tinungo ang Shop.

"Sir!  Saan po kayo pupunta?"  sigaw at tanong ni Sebastian dahilan para mapalingon sya sa dito.

"May aayusin lang"  seryosong sagot nya dito.


Natumba si Yosh ng bigla syang tinulak ng tindera ng shop.  Agad syang napaupo pero hindi iyon naging dahilan para umiyak sya.  Kaylangan nyang maging matapang, kumbinsi nito sa sarili.  Tinitigan nya ng masama ang babae habang gusto na nyang puntahan ang kapatid na umiiyak.


Tumayo sya sa pagkakaupo para puntahan ang kapatid na umiiyak para patahanin ito, alam nya na  natatakot na talaga si Drew sa mga nangyayari. 


Nang makatayo ay dali-daling tumakbo ito sa kinaroroonan ng kapatid pero nahawakan ng tindera ang isa nyang kamay.


"Let me go, let me go, You witch! Let me go!" sigaw nya ng paulit-ulit habang hawak-hawak ang mga kamay nya.  Pero mas hinigpitan pa ng babae ang pagkakahawak sa kanya.  Dahilan para mapasigaw na sya sa sakit.  


Pinilit nitong abutin ang babae pero hindi nya magawa dahil maliliit lamang ang mga braso nya.  Halos mapapaiyak na rin sya sa sakit habang pumipiglas.  Hinawakan nang sobrang diin si Yosh sa mga pisngi nito. " I'll sue you! You witch! I'll sue you!" paulit-ulit pa nyang sabi. 


"Kung hindi ka tinuturuan ng magulang mo ng magandang asal, pwes ako ang gagawa sayo nun!"  turan pa ng babae


"Mommy!  Uwahhh, uwahhh! Mommy, I'm scared.  Mommy"  sigaw ni Drew sa loob ng store.


Dahil sa iyak na iyon ni Drew, mas lalo pang nagpumiglas si Yosh na makawala sa babae.  Nakaisip sya ng paraan.   Bigla nitong tinapakan ang mga paa nito dahilan para makawala sya sa pagkakahawak ng babae. 

Agad na nakabawi agad ng lakas ang babae at nahablot  sa likod ng damit ang batang lalaki.

"Sobrang laki na ng kaguluhan ang nagawa nyong magkapatid dito, at eto ang dapat gawin sayong batang bastos ka!"  itinaas ng babae ang kamay para sampalin si Yosh ng biglang bumukas ang pintuan ng store nila.


"Subukan mong ituloy yang gagawin mo at hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo!"  isang malakas at galit na tinig ang nagpahinto sa kaguluhan sa loob ng tindahan.


Agad na lumapit si Jayden sa umiiyak na batang babae at kinarga ito.  Napahinto si Drew sa pag-iyak at tinignan ang lalaking  bumuhat sa kanya.  


Agad na napatitig si Jayden sa itsura ng batang babae na ngayon ay nasa mga bisig niya.  Napako ang mga mata nito sa luhaang mga mata nito.  Sobrang puti ng bata na halatang hindi ito dito sa Pilipinas lumaki.  Pero pakiramdam nya ay nangungusap sa kanya ang mga mata nito at pati ang itsura nito na animo'y may gustong sabihin. 

This little girl looks familiar, sambit nya sa sarili.

Nagulat na lamang sya ng unti-unting  ngumiti ang batang babae.


"Daddy!"  sigaw ni Drew sabay yakap sa kanya.  Hindi nya alam, pero may tuwa syang naramdaman ng tawagin syang daddy ng batang ito.


He was left speechless, bigla ay may mga tanong na namuo sa isipan nya.  "Yehheyy!  Daddy!  Finally we met!"  muling sigaw ng bata.


Nasa malalim pa rin na  pag-iisip si Jayden ng maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanyang mga binti.


"Hey You! Big Man!  Put her down already!"  tinig ng isang maliit na boses pero maririnig mo rito ang tapang sa boses.


Napatingin ito sa batang lalaki.  "Kambal kayo?" pabalik-balik na tingin nya sa dalawang bata.  "May kamukha ka."  naisatinig nya na iyon.  

 "Pero bakit hindi ko maalala kung sino nga ba ang kamukha nitong batang to at saan ko sya nakita" - sabi nya sa sarili.


"Are you listening to me?"  bulyaw ng matapang na batang lalaki.  Tignan mo nga naman tong batang to, kanina lang halos umiyak na nung dumating sya ngayon bumalik na naman ang katapangan nito.


Maya-maya pa ay ibinaba na nya ang batang babae pero hindi pa rin ito bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya.


"Don't go, please!  Don't leave us again Daddy!" ayan naiiyak na naman ang batang babae.

Magsasalita pa sana sya pero hindi nya naituloy ng biglang magsalita ang kapatid nito.


"Drew, he's not our Daddy!  Stop the nonsense! We have to go and find Mommy, for sure she is worried to us"  litanya ng batang lalaki.

"But...but" malungkot na sabi ng batang babae, "Okay kuya, let's go" Hinawakan nang batang lalaki ang kapatid nito sa kamay.


"Wait!"  sigaw ni Jayden na nagpalingon sa dalawang bata. 

"Want me to give you a ride?"  tanong nito sa mga bata.


"No need Sir," sabi ng batang lalaki, "and thank you for saving us from the witch"  yumuko ang bata sabay tingin sa tindera.

Tumalikod na ang dalawang bata.  Habang nawawala sa paningin nya ang mga bata, sinisigaw ng isip nya na kaylangan nyang habulin ang mga batang iyon.


Matapos ang ilang mga sandali, naagaw ang atensyon nya sa pagpasok ni Sebastian. 

"Sir, we have to go!"  "You're meeting will start any moment from now,"  his Personal Assistant said.

Jayden nodded to his Assistant and look at the Sales lady inside the store.

"Ayoko ng makita ang tinadahan na 'to bukas."

Agad-agad syang lumabas ng shop at umalis na sa lugar na iyon.

..........


Yoshabelle's POV




Halos libutin na namin ni Ana ang lugar na ito pero hindi pa rin namin mahanap ang kambal.  Mangiyak-ngiyak na akong isipin na baka may masamang nangyari na sa dalawa.  Pero may tiwala ako kay Yosh.  I know him!  Hinding-hindi nya papabayaan ang kapatid nito.  Naiiyak nyang pagkukumbinsi sa sarili.

Nandito sila ngayon sa labas ng Jollibee kung saan sila nagkahiwa-hiwalay.  Naniniwala  sya na dito babalik ang kambal.  Naalala pa nya noon ang isa sa mga sinabi nya kay Jayden Yosh.


Flashback


"Jayden, whatever happens, always remember, in case na magkahiwa-hiwalay tayo, wag na wag mong iiwanan at papabayaan ang kapatid mo hah!  Always keep an eyes on her.  And when that time comes, kung saan tayo nagkahiwa-hiwalay, dun ka lagi babalik hah?!  Nandun lang lagi si Mommy at naghihintay."  Sabi ni Yoshabelle sa anak.


End of Flashback




Tumingin si Yoshabelle sa orasan.  Mag-5:30 na pero hindi pa rin niya nakikita ang kambal.  Buti nalang at nakita nya si Ana.  Si Ana kasi ang nag-iikot para hanapin ang dalawa at sya naman ang naiwan para maghintay ang dalawa kung sakali man bumalik ito.


Nawawalan na sya ng pag-asa sa paghihintay.  Gusto na nyang umiyak sa sobrang takot.  Pero may tiwala sya kay Jayden Yosh, matalinong bata ito at hindi nito hahayaan na may mangyari sa kapatid.


"Yosh, halika na, pumunta na tayo sa presinto para ireport ang nangyari.  Palagay ko mas matutulungan nila tayo.  Alas-Sais na ng hapon."


Tama sya, padilim na nga, at habang dumidilim, mas lalo lang akong nawawalan ng pag-asa na makita ang dalawa.  Napayuko nalang ako yakap-yakap ang dalawang tuhod.  Hindi ko na napigilan ang umiyak sa sobrang takot.


"O Diyos ko, patawarin niyo po ako sa pagpapabaya ko,  I need your help right now.  Please lead them home, please!"  sabi ko habang patuloy parin sa pag-iyak.


"Yoshabelle, tingnan mo!"  sigaw ni Ana habang nakaturo sa isang direksyon.

Napatingin ako sa direksyon kung saan sya nakaturo.


Biglang napawi ang takot ko at napalitan ito ng kasiyahan ng makita ko ang dalawa, si Jayden Yosh na naglalakad habang nasa likod nito si Drew na mahimbing nang natutulog.


Agad kong pinunasan ang mga luha ko sa mga mata at dali dali na tumakbo patungo sa kanila.


Sumilay naman ang isang nakakapagod na ngiti galing kay Yosh.  Lumuhod ako para mapantay sa dalawa. 

"I'm sorry Mommy if we made you cry and worry"  Yosh said.

"No! It's ok Love, I should be the one saying sorry here" I said .

Nabigla na lamang kami ng biglang bumagsak sa katawan ko si Jayden Yosh at nawalan na ng malay sa sobrang pagod siguro.

Niyakap ko nalang ang dalawang mga anak ko ng buong pagmamahal habang umiiyak pa rin sa kagalakan.

"oh thank God, for keeping my children safe" 

......


Malapit na ang POV ni Jayden at magsisimula na nga ang paghihiganti nya kay Yoshabelle.



Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2