Chapter 44 FBBF

 

Chapter 44  FBBF  

 

 

Jayden's  POV

 

"DADDDDDDDDDY--------- Gising po!  I'm starving already!"  sigaw ng malakas na boses sa kwarto ko.

"Andrew, I told you, let me be the one to cook for you."  Sabi ng isang boses na halatang nasa likuran lang din ng nagsalita.

Actually, I'm already awake, nakikiramdam lang ako kung paano nga ba ako ulit kukulitin ng dalawang ito.

"NO!  I don't want you to do that!  I want Daddy's cook, yours is terrible"  King said.

"That's enough, kiddo!"  umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Yehheey, gising na si Daddy!" sigaw nito.  

Sya nga pala si King Andrew Martinez Montereal, ang bunso ko.  

King is 3 years old already.  Kung gaano kakulit si Drew nung bata pa, triple pa sa sobrang kakulitan ang batang ito.  King Andrew is not just acting, doing, speaking just like a normal 3-year old do, but he acts like  a young adult.  Tatlong taon na rin ang nakakalipas ng mawala sya pero para bang kahapon lang ito.  

Sariwa pa rin ang sugat, ang sakit, and until now, I'm still praying that God will wake me up with this nightmare.  Pero hindi ehh!  Ito na talaga ang realidad ng buhay.  Kung nakikita rin siguro nya si King, for sure, matutuwa sya dito.

"Huy Daddy!  Gwapo ko ba?  Wag ka mag-alala, nagmana lang po ako sayo!"  nakita kong winasiwas nya ang kaliwang kamay sa mukha ko sabay pogi sign.  Agad naman nyang naputol ang pag-iisip ko at napangiti.  Hinawakan ko sya sa tuktok ng ulo at ginulo-gulo ang buhok nya dito.

"Hahahah, sorry ka boy, hindi mo pa rin mapapantayan si Daddy" pagbibiro ko sa kanya.

"Papantayan rin po kita, Daddy, just wait!"  balik na sabi nito habang nakangiti

"Ano bang kaylangan mo kay Daddy?"  tanong ko sa kanya.

"Cook for me please!"  sabi nya habang magkalapat ang dalawa nyang mga kamay.

"Okay!  Just wait for me downstairs, I'll be there in a minute."

"Yehheeyyyy!"  malakas na sigaw nito.

"Sige Dad, we'll wait for  you there, hoy Andrew, tara na"  sabi ni Drew. 

Natatawa nalang ako, nakahanap rin ng katapat si Drew, yun nga ay iyong kapatid nya.  

King is the combination of Drew and Yosh's attitude, sobrang kulit, pero napakaraming alam, mabilis pang matuto.  Yun nga lang, kapag hindi sya masyadong nabantayan, malamang ay mapapaaway ito dahil lapitin sya ng gulo.  

Nung nakaraang linggo lang ay pinatawag ako  sa eskwelehan nila only to find out na nakipagaway pala ito.  Naisip ko lang, hindi siguro ito lalaki ng ganito kung nabantayan ko lang at natutukan sila ng maayos.  

Sa ngayon kasi, I'm trying my best to balance everything. 

My work, business and my children.  Wala na nga akong oras para sa sarili ko.  Simula din nung nawala sya, nawalan na rin ako ng gana na tumingin sa ibang mga babae.  Kung may mga magtatangka man, mukha pa rin nya ang hinahanap-hanap ko.

Lumabas na ako ng kwarto at nagpatuloy na sa kusina para lutuan sila.  Don't get me wrong, may mga kusinera naman kami, pero ewan ko ba dito sa batang iyon, bakit ako pa ang naisipan nyang magluto. 

Nilabas ko na ang ham, bacon at hotdog sa ref.  kumuha na rin ako ng  mga itlog.  At sabay-sabay na niluto iyon.  Nagtitimpla na din ako ng pineapple juice.

"Daddy!"  - King

"Good morning Dad."  Yosh

"Wag ka na nga maingay!  Hi Dad"  - Drew.

"Luto na po ba yan?"  nakangiting tanong ni King.

"Malapit na anak, mauna na kayo sa lamesa at ihahatid ko na itong mga 'to!"  sabi ko sa kanila.  Isa-isa na rin silang nag-alisan.  Isa-isa ko namang nilagay sa tray na may hilahan ang mga pagkain na naluto ko.  I washed my hands at lumabas na ako dito.  Nakaupo na sila sa lamesa habang nagtatalo-talo.

"Kuya, may girlfriend ka na di ba?"  rinig kong tanong ni King kay Yosh.  Tinitigan lang sya nito ng masama na agad nagpaayos dito ng upo at tumahimik.  

Natawa naman ako sa tinuran nito.  Takot talaga itong si King pagdating sa kuya nito.  Kung kay Drew ay nakikipagtalo sya, hindi nya naman ito magawa kay Yosh.  

Naramdaman ata nilang papalapit na ko kaya nagsipag-tahimik na sila.

Inisa-isa ko nang nilalagay ang mga pagkain sa lamesa.  Nakangiti pa ako nyan hah.  Napansin ko naman ang pagtitig nila sa mga pagkain na nilalagay ko dito.  Mukhang excited na silang kumain ahhh.

Pumwesto na ko sa upuan ko at nakangiti ko silang tinignan.

"King, you pray"  sabi ko kay King.  Ngumiti si King at pumwesto na para mag-pray

"Lord our God, thank you for Daddy, for Ate, Kuya and very good food in front of me in Jesus name we pray AMEN."

Iyon lang at nagsimula na nga kaming kumain.  Tahimik lang sila sa harapan ko ngayon, halata mo sa kanila ang pagkagutom.

"Daddy pwede pong magtanong"  pagbabasag ni King sa katahimikan.

"Yes, what's that"  nakangiti kong tanong sa kanya.

"Pag Gwapo po ba hindi talaga masasarap ang luto?"  bigla naman akong nasamid sa tanong nito.

"King."  Tawag sa kanya ni Drew.  Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa tanong nito o ano.  Nakabawi na ko sa pagkabigla at tumingin ako sa kanya.

"Why son?  Hindi ba masarap ang luto ko?  Eh halos prito lang naman lahat yan ehh"  nangingiti  kong sabi sa kanya.

"Hindi naman po sa ganon Dad, in fact, gagayahin ko pa nga itong luto mo ehh, idol po kasi kita"  tumataas pa ang dalawa nyang kilay na sabi sakin habang nakangiti.

......

 

 

MGC tower.

 

Narinig kong bumukas ng malakas ang opisina ko and I saw my Mom as she approach my table.

"Yes Mom, anything you want?"  tanong ko sa kanya habang sya naman ay nakatayo lang at sinandal pa ang mga kamay nito sa table ko.

"Darating na si Hanah bukas, and I want you to fetch her at the airport."  Seryosong sabi nya.

"What is this this time?"  nababagot kong tanong sa kanya.

"Jayden, look, 25 ka na, ----

"At may mga anak."  Pag singit ko sa kanya.

"Yeahh, at may mga anak ka pa, hindi mo ba naiisip na kaylangan nang tatayong ina para sa kanila?  At para sayo na rin?"  sabi nito sa kin.

"Why?  I and my children are happy, we are contented with one another, and marriage will not resolve the problem because once and for all, there's no problem."  Tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya.

"NO!  HINDI NA PWEDE ANG GUSTO MO!  FETCH HANAH TO THE AIRPORT AND GET TO KNOW HER!  WE ALREADY FIX YOUR MARRIAGE MONTH FROM NOW!"

"WHATTT?!"  sigaw ko sa kanya pero hindi na nya ako nasagot pa dahil nagtuloy-tuloy na syang lumabas ng office.

"THE FUCK!"  nasigaw ko na lang.

......

Sa airport na ako dumiretso para sunduin ang sinasabi ni Mama.  May hawak-hawak ako ngayong banner na kung saan nakalagay ang buong pangalan ata ng babae.  Maya-maya pa ay may namataan na akong isang babae na nakasuot ng itim na salamin.  Mahaba at straight ang buhok nito.  

Maganda ang kurba ng katawan nito at hubog na hubog dahil na rin sa suot nitong pencil cut na dress colored with blue. Lutang na lutang naman ang kaputian nito dahil na rin sa suot nya.

"You're Jayden right?"  tanong nito sakin.  Bigla naman akong nairita dahil na rin sa kinakain nitong chewing gum.

"Hanah Maria Dizon?"  tanong ko sa kanya. 

"At your service!"  nakangiti nyang sabi.  "Ang gwapo pala talaga ng mapapangasawa ko!"  dagdag nya pa.

Hindi ko nalang sya pinansin bagkus ay tumalikod na lang ako dahil its nonsense to argue. 

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse ko at pumasok na kami doon.

"Saan kita ihahatid?"  I said without looking at her.

"Saan ba ang bahay mo?"  nakakalokong tanong nya.

"Hindi pwede don, nandun ang mga anak ko."  Diretso kong sabi sa kanya, this time, ay nakatingin na ako.

"And why not?  I will be their future step-mom, so better to introduce me, the early, the better."  Sabi nya sabay akbay sakin.   Naiirita na talaga ako sa kanya.

Ito ba ang babaeng sinasabi ni Mommy, mukhang napaka-liberated ng babaeng ito, hindi ko rin gusto ang pagsasalita at pagtawa nya.  Ngayon pa lang, gusto ko na lang syang iwan at pasagasaan, pero joke lang syempre.

Tinitigan ko lang sya ng masama.

"Sige hatid mo nalang ako sa condo unit ko".  Iyon lang and I started to run the engine.

Nakarating na kami sa condo unit nya at tinulungan ko na rin syang ipasok sa loob ang mga bagahe nya.

Ngayong okay na rin naman sya, ay nagtuluy-tuloy na akong lumabas ng condo nya.

"Aalis ka na agad?"  rinig kong tanong nya habang nakatingin sakin. 

"May kailangan ka pa ba?"  - ako

"Why so fast?  Let's get to know each other first."  Sabi nya sabay upo sa sofa nito.

"My children are waiting for me."  Maikli kong sagot sa kanya.

"Mahal na mahal mo talaga sila no?"  - Hanah

"Absolutely."  Iyon lang at lumabas na ako ng unit nya.

 ......

To Glamar28  -- thanks for keep on supporting the story kahit mukhang ewan talaga :-)  It means a lot.

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2