Chapter 23 OPP

Chapter 23  - Thumbler

 

 

 

 

Busy si Cielo sa pag-aasikaso sa mga paper works nila nang biglang may kumatok sa pinto ng office nya.  Iniluwa nito si Jarred.

 

"Good morning Doctora"  pambungad na bati nito habang naglalakad palapit ng opisina nya.

 

"Good morning Sir"  sabay salubong dito. 

 

"May dala-dala akong pagkain, sabay na tayong kumain"  saka inisa-isang ilabas ang mga pagkain na dala dala nito sa plastic.

"Wait, nagkakamali ka ata, hindi pa natin break ahhh"  pagtataka nyang tanong dito.

"Why?  Baka kasi hindi ka nag-breakfast, kaya sasabayan kita"  pagkatapos ay nakita nyang tinuloy nito ang pag-aayos ng mga pagkain.

"Baka naman mapagalitan tayo ng mga Boss nyan" 

"Don't worry, hindi kita papagalitan"  bigla namang sagot nito sa sinabi ng dalaga.

 

Nakagaanan nya na rin ng loob itong si Jarred kahit ba dalawang araw pa lang silang magkatrabaho.  Magaling din kasi itong makisama.  Natutuwa sya dahil at least ay hindi sya masyadong nabo-bore dito sa trabaho nya kahit na hindi kagaya nang ginagawa nya sa ibang bansa at isa pa ay may tumutulong sa kanya.  Doon kasi ay nasa public hospital sya.  Ibig sabihin ay sunud-sunod ang mga pasyente na dumarating.  Samantalang dito, masyadong madalang, karamihan ay puro mga empleyado lang din nila.

 

Sa totoo lang ay hindi talaga sya kuntento sa lugar na 'to, if she'll continue to stay in this company, tendency is, her  chance to grow professionally will be limited at yun ang ayaw nya sanang mangyari.  Kung hindi lang sana sa kundisyon ni Yosh sa kanya ay mag-aaply na lang sya sa mga pampublikong ospital.

 

"Uy kain na, alam ko gwapo ako pero wag mo namang ipahalata" 

 

"Asus, mga padali mo."  Sinimulan na nyang galawin ang mga pagkain na inihanda nito.    At nagsimula na silang kumain.

 

Pagkatapos nilang kumain ay sya na ang nagligpit, mag-iinsist pa nga sana itong si Jarred pero hindi na sya pumayag.

 

Nagpaalam na rin agad ito pagkatapos nilang kumain.  Ilang sandali lang ay may biglang pumasok ulit sa opisina nya.  Ganon na lang ang gulat nya ng makita ang anak nya na tumatakbo papalapit sa kanya.

 

"MOMMMMMMY!!!!!"  malakas na sigaw ni Zian Xander papasok sa opisina nya.

 

"Baby?"  agad syang tumayo para salubungin ang anak. 

 

"What are you doing here?  Paano ka nakapunta dito, don't tell me?"  tumingin ulit sya sa pinto and there she saw him with his  black v-neck shirt and white maong short.

 

Nakita nya namang umiwas ito ng magtama ang kanilang mga paningin.

 

That body again.  Bulong nya. Halos kumakawala sa suot-suot nitong damit ang mga muscles nya sa katawan at muli ay naalala nya ang nangyari sa kanila kagabi.

 

"Mommy, gala po tayo, gusto  ko pong pumunta ng mall"  nabigla sya sa gustong gawin ng anak. 

 

"Sandali lang baby hah, Mommy will talk to Daddy"  iyon lang pagkatapos ay lumapit sya kay Yosh.  Kinarga nya ito at isinampa sa upuan para makaupo.

 

"What is the meaning of this?"  mahina nyang sabi kay Yosh.

 

"What?"  pagtataka namang tanong nito.

 

"Akala ko ba ayaw mong malalaman nila ang tungkol sakin at kay Zian?  Bakit mo sya dinala dito?"  mahina nyang sambit dito upang walang ibang tao na makarinig.

 

"Nagpilit ang bata, alangan namang tanggihan ko!"  sagot nito sa kanya tapos ay inirapan sya.

"Isama mo na muna si Zian at dalhin mo sa mall nyo, hindi ako pwedeng sumama, may mga ginagawa pa ako."  Mahinang sabi nya dito.

"Ano pa bang mga ginagawa mo?  Akina, papatapos ko sa Assistant ko!"  iritadong sambit ng binata.

"As if naman doctor ang Assistant mo"

"Sumama ka na, hindi ko kayang mag-isa ang anak natin!  Buti kung nagmana sakin yan, hindi ehh!"

Wala na syang nagawa.  Tumalikod sya dito pagkatapos ay bumalik ng table nya.

 

"Baby, punta kana dun kay Daddy, mag-aayos lang ang Mommy."  Sabi nito.  Agad namang tumayo ang bata at lumapit sa daddy nya.

 

Lumapit ang bata sa daddy nya at humarap dito.

 

"Daddy, karga!"  Zian said while his arms are widely opened.  She smiled the way her son approached him.

 

"Son, maglakad ka nalang, masasayang ang porma ng Daddy mo ohh!  Rinig nyang sabi nito sa anak. 

"Pero gusto ko pong magpabuhat"  her son said again with a pouting mouth. 

 

Yumoko ang daddy nito at nagsalita  "Bahala ka, gusto mo bang ma-turnoff sayo ang mga girls na makakakita sayo, sayang ang gandang lalaki mo dahil nagpapabuhat ka pa."  sabi nito dito.

 

Nakita nya na parang napahinto ito na para bang may iniisip.

"Ahh ganun po ba, sige po wag na lang pala."  Ngumiti na ulit ito sa kanya.

 

"Let's go"  hinawakan nya sa kaliwang kamay ang bata.  Nagulat sya nung ganun din ang ginawa ni Yosh sa anak nila.  Bale naglalakad sila ngayon ng magkakahawak ang kamay.

 

Sa paglalakad naman nila ay hindi talaga maiwasan na pagtinginan sila ng mga tao doon.   

Ang mga tingin nila, at mga bulung-bulungan, alam na nya talaga kung sino ang mga pinag-uusapan nila.

 .

........

 

 

Nakapag-libot-libot na sila sa mall.  Kagagaling lang din nila ng arcade at katatapos kumain sa paborito nitong kainan.   Sa hindi nya alam na kadahilanan,  sa ibang mall sila dinala ni  Yosh.  Siguro ay para na rin walang masyadong makakita sa kanila.  O hindi malaman ng iba na may anak na sya. 

 

"Daddy, nood po tayong movie"  sandaling natigilan si Yosh sa sinabi ng anak nito.

 

"Okay sige, ano bang gusto mong panoorin natin?"  - Yosh

 

"Avengers po"   masiglang sagot ng anak nya.

 

"Avengers?  Boring yun!  Pambata lang yun"  mayabang na sagot ni Yosh sa anak.

Bigla namang naguluhan si Zian.  Agad na tumingin ito sa Mommy nya na para bang humihingi ng tulong.

 

Lumapit naman si Cielo kay Yosh pagkatapos ay biglang tinapakan ang kanang paa nito.

 

"ARAAAAY!  WHAT'S THAT FOR?"  malakas na sigaw nito sa kanya.

 

"ANONG PAMBATA BA SINASABI MO???  EHH BATA PA NAMAN ANG ANAK MO AHH!"

 

"Ehh bakit ba?  Paano magmamature yang anak mo kung puro pambata ang ipapanood mo dyan?"  balik na sabi nito.

"O sige nga!  Ano ang gusto mong panoorin hah?"  ganti nito.

Natigilan ulit ito at halata mong nag-isip muna ito saka sumagot.

"Fifty shades of grey?"  dahil sa sobrang inis ay sinipa na nya ito sa tuhod.

 

"ARRRAAAY!" daing ulit nito.  medyo napalakas na kasi ang sipa nito dito.

 

"Nakakahalata na ako sayo, baka nakakalimutan mo, boss mo ko at empleyado lang kita!!"  dagdag pa ulit ni Yosh.

 

"Baka nakakalimutan mo rin, na anak natin ang manonood, igagaya mo pa sya sayo na puro kabastusan lang ang alam!  Manyak!"  baling sa kanya ng dalaga.

 

"Hindi ako manyak, malakas lang talaga ang appeal ko sa mga babae.  Saka mabuti ngayon, habang maaga pa ehh tinuturuan ko na ang anak natin, right Son?"  pero bigla namang nagulat ito dahil wala na ito sa dating pwesto.

 

"Where's Zian?"  pasigaw na tanong ni Yosh sa katabi.  Nagulat din sya dahil sa biglang pagkawala nito.

 

 

"oh my god!!!"  tanging nasambit na lang nito.  Pagkatapos ay naglakad-lakad na sya para lang hanapin ang bata.

 

Susundan na sana ni Yosh si Cielo nang mamataan nya ang anak sa kalayuan na naglalakad papunta sa pwesto nila.

 

"Cielo!"  sigaw nya na agad namang nagpalingon dito.

 

 And there, they saw Zian Xander walking towards them habang hindi magkandaugaga sa mga dala-dala nitong mga thumbler.  Mula sa malayo ay tinatanaw lang nila ito papalapit sa kanila.

 

"Daddy! Mommy!"  Isang malaking ngiti ang nakita nila sa bata.  Kitang kita sa itsura nito ang kasiyahan sa mga yakap-yakap nitong mga thumbler.

 

A little smile draw in his face seeing his son carrying those habang papalapit ito sa kanila.  Actually, nagbibiro lang naman sya kanina ehh, about sa panonood ng fifty shades of grey na yun. 

 

Pero nawala ang ngiti sa mga labi nya ng makita nya ang biglang paglapit ng dalawang lalaki sa anak nya pagkatapos ay biglang hinawakan nila ito sa magkabilang kamay.   Kasabay nito ang sabay-sabay na bagsakan ng mga thumbler na dala-dala nito.

 

"WAIT!!!"  malakas na sigaw ni Cielo!  Pero nauna na syang kumaripas ng takbo.  Biglang nandilim ang paningin nya at agad nyang sinugod ang mga lalaki na ngayon nga ay mahihigpit na nakahawak kay Zian.  Para bang nakahuli sila ng isang magnanakaw na hinding-hindi nila papakawalan. 

 


Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2