Chapter 42 FBBF

 

Chapter 42  FBBF

 

 

Yoshabel's  POV

 

 

"Ready ka na ba?"  tanong sakin ni Monika.

"Kinakabahan ako Besty"  sabi ko sa kanya.

"Ano ka ba, basta mag-"I do" ka lang kay Father pwede mo nang ilabas ang anak mo. Hahahah!"  - sya.

"Baliw ka talaga eh no?  hindi naman tungkol dun.  Kinakabahan ako dahil agad-agad ay lalakad ako sa altar."  Pag-amin ko dito.  "Kakapropose lang nya nung nakaraang lingo."  I said to her.  "Isa pa, buntis pa ko, ano nalang ang iisipin nila?"

"Okay lang yan nu, ang sweet nga ng asawa mo eh, imagine, lalakad ka na lang sa simbahan, tapos sabihin mo na lang ang matamis mong "I do" then that's it, kasal na kayo, inasikaso na nya ang lahat para sa inyo.  Swerte mo pa, dahil ipagsisigawan pa ng nag-iisang prinsipe ng Montereal na ikaw ang asawa nya."  Sabi nito.    

"Saka wag ka ring mag-alala sa kalagayan ng baby mo dyan sa loob, aba, kasama mo ata ang pinakamagaling na doctor sa buong mundo."  Dagdag nya.

"Okay, ito na naman po tayo, ang hangin ohhh"  pagbibiro ko sa kanya.

"O pano, let's go?"  tanong nito.

Lumabas na kami ng pinto.

"Moommmmy!"  tawag ng kambal sakin.   Nakita ko si Drew sa suot nyang mini dress na color white, mas lalo lang tumingkad ang kagandahan nito.  Si Yosh naman ay naka-Americana na kuhang-kuha ang postura at itsura ni Jayden.

"You're so beautiful po Mommy, I want to be like you"  sabi ni Drew.

"Wag ka mag-alala anak, nakuha mo naman talaga ang itsura ni Mommy"  sabi ko sa kanya.

"Mommy, the car is ready, let's go na po, baka kanina pa sila naghihintay sa simbahan"  si Yosh.

"Okay, let's go."  Nakangiti kong sabi sa kanila.

Madaming nakaparada na puting sasakyan.  At syempre yung bridal car ang nasa pinakahuli.

"Dito po tayo Mam"  sabi ng butler na kasama namin.

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan.  Pinaggitnaan ako ng kambal.  At si Monika naman ay katabi ng driver.  Talagang pinapasama samin ni Jayden si Monika dahil nga sa nalalapit ko na ring panganganak.

"Mommy, excited ka po ba?"  magiliw na tanong ni Drew.

"Oo naman anak, medyo kinakabahan lang si Mommy kaya hindi masyadong halata."  - ako

"Baby, excited na si ate na makita ka, wag ka munang lalabas ngayon hah"  kausap ni Drew!  Natawa naman ako sa sinabi nito. Hahah

"BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!"

"Mommy!"  - sigaw ni Drew

"Anong nangyayari?"  tanong ko sa kanila.  Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Yosh sakin

"Hindi ko rin alam"  sagot ni Monika.

Sunod-sunod na baril ang naririnig namin at tuluyan ng huminto ang sasakyan.

"Mam, may mga tao na umaatake po sa atin, yumuko lang po kayo!"  sigaw ng driver.

Mas nadagdagan pa ang tunog ng mga baril at nagsunud-sunod pa iyon.

"Mommy, natatakot na po ako!"  iyak ni Drew.

"Hussh baby, Mommy is here, you shouldn't be"  sabi ko sa kanila habang yakap-yakap ko sila.

Maya-maya pa ay nawala na ang mga putukan ng baril.  Nabigla ako ng bumukas ang pinto ng kotse.

"LABAS!"  sigaw ng lalaki na nakamaskara. 

"Anong kaylangan nyo samin?"  tanong ko dito. 

"Wag ka nang magtanong o mapapadali ang buhay nyo."  - sya.

"MOMMY!"  umiiyak na tili ni Drew!

Lalabas na sana ako pero mahigpit akong niyakap ni Yosh!

"Mommy, don't please!  Wag po natin silang sundin, Mommy!"  -Yosh

"Yosh, look at me, look at me baby"  tumingin naman sya sakin, o god, he's trembling.

"Everything will be alright, okay?!"  kausap ko sa kanya at tumango naman sya.

"Mommy is just here, and I will never let something bad happened to us, do you understand that?" 

"Yes, Mommy."  Naiiyak na sabi nya. 

Sa totoo lang natatakot na ako, pero hindi ko dapat iyon ipakita sa mga anak ko.  Ayokong matakot sila ng sobra.  Then we went out of the car.

"FUCK ALL OF YOU! ANONG KAYLANGAN NYO SAMIN HAH?!!" sigaw ni Monika.

"Tumahimik ka o itong baril na to ang magpapatahimik sayo!" sabi ng isang lalaki.

"HUMANDA KAYO KAPAG NALA---

Hindi na natapos pa ni Monika ang sasabihin nya dahil pumutok ang baril ng lalaking nagsalita.

"MOMMY!"  bigla napayakap sakin si Drew.  Hinila ko rin palapit sakin si Yosh!

"ISA PANG SIGAW MONG BABAE KA AT ISUSUNOD KITA DYAN SA DRIVER NYO!"  paasik na sigaw nito.  Dalhin nyo na yan!  Pinasok nila kami sa puting van at nilagyan ng piring ang mga mata.

Natatakot na ko.  Jayden, please!

Nandito na kami ngayon sa isang kwarto na walang laman. 

"Yosh, how do you feel"  nag-aalalang tanong ni Monika.

"Okay pa naman ako, don't worry, ikaw kamusta ka?"  balik na tanong ko sa kanya.

"Don't mind me."   Sabi nya.  "We need to find our way out!"  she said.

"Malamang sila din ang mga tao sa likod ng pagsugod nila sa conference natin."

Maya-maya pa ay may mga boses na kaming naririnig na papalapit sa amin pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.

Bumukas ang pinto at nagulat ako sa lalaking iniluwa niyon.

"Hi Yoshabel!"  nakangising bati nito.

"Renz?  ANong ginagawa mo dito?"  nanlalaking mga mata na tanong ko sa kanya. 

"Please help us!"  sabi ko sa kanya.  Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa pisngi.

"Ang gandang bride mo naman, ayos lang ba kung sakin ka ikakasal?"  -  Mas lalo akong kinabahan dahil sa sinabi nya.  Ganun din sa tono ng boses nya sabayan p ang sarkastiko nitong pagngisi.

"Ano bang nangyayari sayo?  Anong mga pinagsasabi mo?"  nagtataka ko nang tanong sa kanya.

"Hindi pa ba halata hah?  I'm taking you out! I love you Yoshabel, sakin ka nalang pakasal." Parang baliw na sabi ni Renz.

"Leave my Mommy alone"  sigaw ni Yosh.   Napatingin naman sya dito ng masama  at tumayo para lapitan ito.

"No no no, Renz, wag ang anak ko, wag mo syang patulan. Please!"  - Yoshabel.

Hinawakan nito si Yosh sa buhok at wala akong magawa.

"Ikaw na bata ka,  nung nakaraan ka pa ehh!"  tinutukan nito iyon baril.

"RENZ!  WALANG HIYA KA!  BITAWAN MO ANG ANAK KO!"  pagsisigaw nya.

"Ahhhh aray  Ahhhh!"  sigaw nya dahil sa sakit ng tyan.

"Sabi ko naman sayo ehh, sumama ka na sakin!"  - Renz

"Buhay pa ba sila?"  rinig kong boses ng babae na nanggaling sa labas.

"Oh how's the run-away bride?"  mula sa likuran ni Renz ay sumulpot si Elaine.

 

"MGA WALANG HIYA KAYO!  KAYO BA ANG MAY KAGAGAWAN NITO HA?"  umiiyak kong sigaw sa kanila.

"Hush darling, kung hindi ka pa sana sumulpot at bumalik sa eksena namin ni Jayden, eh di sana wala kayo dito ng mga anak mo!"  - Elaine.

"TANDAAN MO!  HINDI MO PA RIN MAKUKUHA SI JAYDEN KAHIT NA ANO PANG GAWIN MO!"

"Aba't matapang ka pa ha!"  hinawakan nya ako sa pisngi at pinisil iyon.

"MOMMY!" rinig kong sigaw ng kambal.

"GET YOU HANDS OFF HER!"  - sigaw ni Yosh.

"Dearest Yoshabel, let me remind you about your condition right now,  any time soon, pwede ko kayong patayin gamit ang apat lang na bala."  Sabi nya sakin.

"Gusto mo ba simulan ko na?"  - Elaine.

"Elaine, please, nagmamakaawa ako sayo,  ako nalang, wag mo na silang idamay!" 

"Huh, marunong ka rin palang matakot!"  tumayo sya at tumalikod sakin.

"But it's too late Yoshabel!" 

"No, no, Elaine!  Sakin ka may galit di ba, ako na lang, pakawalan mo na ang mga bata, wala silang kasalanan!  Please!"  sigaw ko pa sa kanya. Pero nagtuloy-tuloy lang sya ng lakad palabas ng silid.

"Ready na ba ang lahat?  Ang mga bomba, ayos na ba?"  rinig kong tanong ni Elaine.

"Renz, Renz,  tulungan mo ko, sabihin mo sa kanya na ako na lang ang patayin.  Wag nya ng idamay pa ang mga bata at ang kaibigan ko!"  pagmamakaawa ko dito.

"Sorry Yosh"  nakangisi nyang sabi.  "But she's the boss!"  iyon lang at lumabas na rin  sya.

"Bantayan ninyo sila ng mabuti!"  pahabol pa nitong sabi.

Bakit ba kaylangan pa naming pagdaanan to.  Oh Diyos ko, tulungan mo po kami, parang awa nyo na.

"Ahhh, ahhh!"  nakaramdam ako ng pananakit ng tyan.

"Yoshabel!" tawag ni Monika sa kanya ng mapansin ang sunud-sunod nyang pagsigaw.

"Mommy!"  si Drew

"Okay lang ako, Monika, we need to get out of here!"  sabi ko sa kanya.

Tumingin ako kay Yosh.  "Yosh, kaya mo bang tanggalin ang mga tali dyan sa kamay mo?"

"I'll try Mom!"  Sinimulan na nya at maya-maya lang ay natanggal na nga nya ito.

At inisa-isa na kaming tanggalan ni Yosh ng tali.

"What will we do next?"  tanong ko.

"May naisip na ako!"  si Monika.

.....

 

 

Third Person's  POV

"Aray, ang sakit Ahhh!  Tulungan nyo ko!"  sigaw ni Yoshabel.

Agad na bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang lalaki.

"Anong---  bigla itong bumagsak sa sahig dahil sa hampas ni Monika ng tubo.

"Let's go"  sabi ni Monika, dali-dali silang lumabas ng kwarto.  Kinuha naman ni Yosh ang baril sa lalaki na nakahiga.

"Yung mga bilanggo, tumatakas!"  kidnapper 1

Tumakbo sila palayo dito pero maabutan na sila.  Isang malakas na putok ng baril ang nagpatigil sa kanila.

"Mommy!  I'm sorry, but I didn't mean it!"  naiiyak na sabi ni Yosh.

"It's okay baby, please give the gun!"  kausap ni Yoshabel dito.  Inabot ito ng bata at binigay naman ni Yoshabel kay Monika.

Biglang napahinto si Yoshabel sa sakit  sa tyan na naramdaman.


"Ahhh, aray!  Ohhh"  sabi nya at napasandal sya sa pader.

"How do you feel?"  si Monika

"Monika, ang sakit sakit na!  Hindi ko na kaya!"  sabi nya dito.

"Kaya mo pa bang maglakad?"  - Monika.  Tumango na lang sya.

"Let's go, we need to find a room!"  - Monika

"Mommy, they're coming!"  si Yosh.

"Mommy, natatakot po ako!"  - Drew

"Baby, kapit ka muna kay kuya hah, ako na muna bahala kay Mommy mo!"  si Monika.

Si Monika na ang kumikilos dahil halos mawalan na ng lakas si Yoshabel sa sobrang sakit na nararamdaman nito. 

 

Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2