Chapter 8 OPP

Chapter 8  -  Denial

 

 

 

Cielo's  POV

 

 

"Let's go, iuuwi na lang kita!"  rinig kong sabi ni Jacky although hindi ko sila nakikita dahil nga nakatalikod ako sa kanila.

 

 

"Hindi pa ako pwedeng umalis."  - Xander.

 

"Bakit naman?  Hindi mo ba nararamdaman na hindi maayos ang kalagayan ng kamay mo?"  Medyo tumataas na ang boses ng babae sa likod nya.  

 

"Hindi pa nya ako tapos gamutin"  hindi man nya makita ay alam nyang nakatitig lang sa kanya si Xander.

 

"Tell me"  naglakad palapit sakin si Jacky at humarap sya sakin.   "Hindi ka pa ba tapos sa boyfriend ko?" 

 

"JACKY!!"  - sigaw ni Xander.

 

I forced myself to remain calm and still and I manage to face her and talk to her.

 

"Yes, we're done already, pwede mo na syang iuwi para makapagpahinga na rin."  Sabi ko sa kanya.  For another time around, I was hurt.

 

Hearing those words claiming that Xander is hers, I felt like something that's inside me is dying.

 

"Well then, thanks for taking care of him.  Ciao!"   I just gave her a smile and then walk towards Jason and Rico's place to hide this unbearable feeling.  Ito na naman eh, I was  used to it.  Pero bakit kapag sya na ang nasa sitwasyon, nasasaktan ako knowing na sinabi nya saking hindi nya naman ako gusto.

 

"Are you okay?"  nag-aalalang tanong ni Rico sakin.

Inayos ko ang mukha ko at hinarap ko sya.  "Oo naman nu, why wouldn't I"  sagot ko sa kanya. 

 

 

.....

 

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at gumagawa ng assignment sa isa sa mga subject.  Naiisip ko lang, first year ko pa lang dito pero sobrang dami na agad ng mga ginagawa, plus pa na hindi basta-basta ang kurso na pinasok ko.  

At first, hindi talaga medisina ang gusto kong kunin na kurso, it's just that, nung namatay ang Mommy dahil sa sakit nya na cancer, that was the time when I promised her that someday, I will be a doctor that will cure patients who are suffering the same illness  that my mother had suffered.  

At gagawa ako ng paraan para madugtungan ko pa ang buhay nila, hindi ko man ito nagawa kay Mommy, atleast, gagawin ko to sa mga cancer victims.

 

*BEEEEEEEEEPPPP*  narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.  Hindi naka register sa phone ko ang number na lumabas sa screen nito.

 

From: 090********

Hi.

Dahil wala naman syang pangalan at hindi naman ito nagpakilala, hinagis ko na lang ito sa dati nitong pinaglalagyan at pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Maya-maya pa ay narinig ko ulit itong tumunog. 

 

From: 090********

Hi Cielo, it's me Jason.

 

Nilagyan ko na ng pangalan ang number nya then I replied.

 

Me:  "ikaw pala yan, akala ko naman kasi kung sino.  May kailangan ka ba?" reply ko sa kanya.

Jason:  Wala naman, bakit dapat ba may kailangan kapag nagtetext?  Hindi ba pwedeng nangangamusta lang?"  reply sakin nito.

I replied to him with the smiley face.

Jason:  "Yayayain sana kitang maglunch bukas, sabay tayo kung okay lang sayo" 

Me:  Libre mo?" 

 

Jason:  "sure" 

 

Me:  "okay shoot!"

 

Jason:  "sige matulog kana,good night Cielo"

 

Me:  "Goodnight din"

Inayos ko na ang mga gamit ko para narin makatulog na.  I turned-off the lamp at humiga na ako para matulog.

 

Kinabukasan ay maaga akong pumasok para na rin mas mahaba pa ang oras ko sa pagre-review.

 

"Hi Cielo."  Nagulat ako sa biglang tawag sakin ng pamilyar na boses.  Tiningnan ko ito at nakita ko si Jason na papalapit sakin.

 

"Hello Jason, why so early today?"  nakangiti kong tanong sa kanya.

 

"Sinadya ko talaga na maagang pumasok, para naman mahintay kita."  Nangingiting sabi nya.  halata sa kanya na nahihiya pa sya dahil hindi sya makatingin sakin ng diretso.

 

"Ahh kaya pala.  Ano nga palang kurso mo?"  magkasabay na kaming naglalakad.

 

"Engineering" 

 

"Magkalayo pala ang building nating dalawa"  sabi ko sa kanya.  Ang building of medicine kasi ay sa kanang parte ng eskwelahan at yung sa kanila naman ay sa kaliwa.

 

"Oo nga ehh.  May gagawin ka ba kaya ka maagang pumasok?"  tanong nito sakin.

 

"Pagpapatuloy ko lang ang pagrereview ko sa classroom"  - ako.

 

"Ahh so hindi pala kita pwedeng istorbohin ng matagal"

 

"Hindi naman" ngiti kong sabi sa kanya.

 

"O pano, mauna na ko sa classroom, see you later."  sabi nito saka tumakbo.  Natawa naman ako sa huling ginawa nito.  Nakakatuwa dahil kahit papano ay nilalapitan nya ako.   Matangkad sya, may hubog rin ang pangangatawan nito, singkit ang mga mata, kamukha nya si Chris tiu.  

Hay ang swerte lang talaga ng babaeng liligawan nito dahil mukha naman syang mabait at halata pang hindi ka mababagot na kasama ito.

 

"Cielo, the medical team will be going with the school varsities tomorrow  in Mt. Kapimpim.  Don't worry because during that 2 days practice trip, you are excuse in all your subjects and that also will make you exempted in midterm exam in my subject."  Mahabang sabi nito.  Two days daw, so ibig sabihin ay makakasama ko siya sa loob ng dalawang araw.  Natuwa naman ako sa isipin na makakasama ko sya sa trip na yun.

 

"Noted mam"  sagot ko sa kanya.

 

"Okay that's all and you may go"  as she said, lunch na at naglakad na ako palabas ng classroom.

 

I go straightly to the canteen  dahil dun ang usapan namin ni Jason na magkikita.  Pagkapasok ko pa lang dito ay agad ko syang nakita dahil tumayo sya at kinawayan ako.  He's very handsome with his t-shirt na kulay pink na saktong-sakto sa kulay ng balat nya.

I smiled at him and proceed to his table.  Pinaghila nya ako ng upuan at umupo na ako dito.

 

"Wait for me, mag-oorder na ko."  Tumalikod na sya at pumunta na sa counter para bumili ng mga pagkain.

 

After then, bumalik sya ng may dala-dalang isang tray at may kasunod pa syang waiter sa likuran nya.  Isa-isa na nya itong nilagay sa table namin.

 

"Wow ang dami naman, tell me, bibitayin na ba tayo?"  mangha kong tanong sa kanya.

 

"Oo bibitayin kita sa pagmamahal ko sayo"  I glared at him but he just smiled.

 

"Joke lang syempre, kaw naman 'di na mabiro."  He just simply said.

 

"Sumisimple ka hah"  pagbibiro ko dito.    "Let's eat"  sabi nya at nagsimula na nga kami sa pagkain.  Maloko talaga tong lalaking 'to dahil  pagdating sa kalokohan, sobrang daming alam.

Natigil ako sa pagtawa ng may isang lalaki na pumasok sa  entrance ng canteen.  Si Xander.         

Nakita kong huminto ito at umikot ang paningin nito sa paligid, biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko ng magtama ang mga paningin namin then I saw him proceed to the counter.

 

"Free ka ba sa Saturday?"  naagaw ng tanong ni Jason ang atensyon ko kay Xander.

 

Muli kong ibina ling ang paningin ko sa kanya at sa kinakain ko.

 

"Ahh ehh wala pa naman akong gagawin nun, depende kung may activity"  sabi ko sa kanya.  May mga sinabi pa sya na hindi ko na naintindihan dahil lumilipad ang isip ko sa kanya.  Nakatitig lang ako sa pinggan na ginagamit ko.

 

"Hey WHAT ARE YOU DOING?"  narinig kong tumaas ang boses ni Jason at nakita ko naman si Xander na naglapag ng tray sa table namin, nag-usog sya ng isang bangko at umupo ito.

 

"Isn't it obvious I'm joining you" malamig na sabi ni Xander.

 

"But it's our lunch date"  pagmamatigas pa nito.

 

"Then you're in the wrong place, as far as I know, you are not allowed to do any mutual activity inside the school premises."  Tuloy-tuloy na sabi nito.  Hindi nga talaga basta-basta 'tong si Xander. 

 

Magsasalita pa sana itong si Jason pero hinawakan ko na ang kanang kamay nya and signalled him to stop para hindi na sila magkainitan pa.  Good thing dahil nakinig naman sya sakin.  Nakita ko namang bumaba ang tingin ni Xander sa mga kamay namin ni Jason dahilan para bigla ko itong tanggalin.

 

"Yayain sana kitang manood ng movie, kung gusto mo lang" 

"Oops!  Sorry!"   biglang daing nang kasama namin sa table.

 

Tumama ang tuhod ni Xander sa table kaya gumalaw ito.  Buti nalang at walang natapon na tubig.  Tinitigan lang sya ni Jason ng masam ang kasamang lalaki.

 

"So what now?  Pwede ka ba?"  Jason asked me again.

 

"sige sasam—-

 

"EXCUSE ME!"  inusog ni Xander ang upuan nya at umalis sa table namin.

 

Naiwan naman kami ni Jason na nakatingin sa lugar na kung saan sya lumabas.  Tiningnan ko ang pagkain na naiwan nito, hindi man lang ito nabawasan.  Ano ba talaga Xander ang ibig sabihin ng mga kinikilos mo.  Naguguluhan na talaga ako sa kanya, alam ko, sa mga pinapakita nya.

 

"hindi pa ba halata?  Kaylangan ko pa bang sabihin sayo?  Hindi pa ba sapat ang mga kinikilos ko?  AYOKO SAYO!  Kaya lang naman kita sinasamahan noon ay dahil amo kita!  At ngayon, tapos na ang obligasyon ko sayo!" 

 

Agad akong tumayo sa lamesa at inayos ang mga gamit.

 

"What are you doing?"  mababakas sa mukha nya ang pagtataka.

"Maiwan na kita, Jason, salamat sa lunch, I really enjoyed it."  sabi ko sa kanya at mabilis na akong naglakad palabas ng canteen.

 

Kaylangan ko syang makita.  May gusto akong malaman tungkol sa mga kinikilos nya, sa mga pinapakita nya.  Pero ang tanong, saan ba sya dumiretso?

 

Lakad dito at lakad doon ang ginawa ko pero hindi ko talaga sya makita, pero may isang lugar na lang ako na hindi pa napupuntahan, SOCCER FIELD.

 

Binagtas ko ang daan patungo dito.  Maraming mga estudyante at players ang nasa lugar na 'to.  Dahil nga may kalakihan, kayalangan ko pang ikutin ang buong field na to para makita sya.  Sa isang maliit na bundok na maraming damo na kung saan ay may puno, may namataan akong isang lalaki na nakahiga.  Agad ko itong nilapitan.  May isang libro na nakatakip sa mukha nito habang ang dalawang kamay nya ay kapwa nagsisilbing unan sa kanyang ulo.  Grabe lang ang sarap nyang kuhanan ng picture habang ganito ang ayos nya.  Xander possesses a perfect sexy body.  Aware ba sya dito.

 

Lumapit ako at umupo sa tabi nya.  Ramdam ko ang sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.  Ito yung namiss ko sa kanya, ang makalapit at makatabi sya.  For almost a month na pag-iwas ko sa kanya, I know the fact that I can no longer pass the days without him seeing and talking.

"What are you doing here?"

 

 

 

 

Itutuloy...

 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

FBBF - Chapter 4

Chapter 24 FBBF

FBBF - Chapter 2