Chapter 7 OPP
Chapter 7
"When
things aren't like they're before; just accept, let go and move forward."
Cielo's
POV
"Masama
ba ang pakiramdam mo? Maputla ka ahh." Lumapit sakin si Daddy
at hinawakan ang noo ko.
"Hindi
ka naman mainit, tell me, what's your problem?"
"Wala
po ito Dad, it's just that, mabigat lang ang pakiramdam ko, alam nyo na, girl
thing." Palusot ko sa kanya para naman hindi na sya mag-alala pa.
"Wag
ka na kaya munang pumasok? Just take some rest"
"Hindi
po pwede, ngayon na po magsisimula ang meeting ko sa medical team, and I need
to be there"
"O
sya, bahala ka nga dyan, minsan gusto ko na talagang magduda na hindi mo 'ko
mahal ehh, you're always opposing what I want you to do"
Lumapit
ako sa kanya at niyakap ko sya.
"Dad
naman, always remember this, I love you love you and love you very
much" nakangiti kong sabi sa kanya habang yakap-yakap ko sya.
"Asus,
binola mo pa ako, o sige na umalis kana at baka mahuli ka pa." sabi
nya sakin.
Isang
linggo pagkatapos ng huling pag-uusap namin ay pinilit ko na syang
iwasan. Natatawa nga ako sa sarili ko ehh, dahil hindi naman naging kami,
hindi nya naman ako niligawan, pero nung araw na 'yon, para bang bigla syang
nakipag-hiwalay sakin ng walang dahilan. Ang masama pa nito, ay sobra
akong nasaktan at nasasaktan mag pa sa hanggang ngayon.
Tama
na rin siguro 'to na habang maaga pa ehh naputol na agad ang ugnayan naming
dalawa, but part of me is still hoping na isang araw ehh darating sya at
magpapakita sakin, kukunin nya ulit ang mga dala-dala kong libro at sasabayan
nya ako sa paglalakad.
Totoo,
nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon, pero bakit nga ba, hayyyst. Alam
ko rin na mas lalo pang nagkakamabutihan si Xander at Jacky. Hindi na nga
sila mapaghiwalay ehh.
"Dr.
Francisco, I have to go" agad akong tumayo at lumabas ng lab. Kinuha
ko na ang mga libro na dala ko para makahabol sa meeting ng medical team na
sinalihan ko. Dali-dali kong hinubad ang lab-gown ko at
sinabit ito saka ako mabilis na naglakad sa corridor.
Kinakalikot
ko ang loob ng bag ko dahil hinahanap ko dito ang cellphone ng bigla akong
mabunggo sa isang matigas na bagay. Agad na nag-laglagan ang mga libro na
hawak.
Pagtingin
ko sa taong nakabungguan ko, hindi ko inaasahan na sya pa iyon. Bigla
bumilis ang tibok ng puso ko at para bang may mga kung ano na nag-uunahan sa
likod niyon. Saglit kaming nagkatitigan, eto yung lalaki na sobrang
nagpagulo at nagpapagulo sa akin. Akma syang yumuko para siguro tulungan
ako pero maagap ko syang napigilan at naunahan.
"No,
let me! I can handle it" sabi ko sa kanya habang
inisa-isa ko na iyong pinagkukuha.
"I'm
okay, thank you" sabi ko parin sa kanya nang hindi ko sya
tinitignan.
Pagkaayos
ko ng lahat ng mga libro na nagkalat ehh agad akong tumayo at mabilis akong
naglakad palayo sa kanya.
......
"Sorry
I'm late" sabi
ko agad pagkapasok ko sa room kung saan ginaganap ang meeting namin.
"Kakasimula
pa lang namin Cielo, don't worry. Come in and have a sit" sabi
ni Dr. Cruz, ang adviser namin dito at syempre yung prof ko din.
Agad
naman akong umupo sa bakanteng upuan na kung saan may isang lalaki rin na
nakaupo sa tabi nito.
Nang
nakaupo na ako ay napansin kong lumingon sya sakin, tinignan nya ako mula ulo
hanggang paa pagkatapos ay inalis din agad nito ang tingin nya.
"Aba't
akala mo kung sinong tao to ahh, wag mong sabihing gwapo ka" bulong
ko sa hangin. Narinig nya ata ako kaya naman ay tumingin ulit sya sakin.
"Ahhehehe,
hi, ako nga pala si Cielo" pakilala ko sa kanya habang nangingiti.
"Rico"
maikling sabi nya sakin. May mga tao talaga na snob, mga tao na walang
pakialam sa mundo, kung hindi man ay mga walang kainte-interes sa lahat
ng bagay.
"Okay,
so may practice ang varsity team ngayon ng eskwelahan, and as your initial
volunteer service, ngayon na rin kayo magsisimula." Sabi ng prof ko
kaya naman ay nagsitayuan na kami.
Isa-isa
na silang naglabasan at nahuli naman ako. Lumapit sakin si Rico at tinignan
lang ako.
"Cass
and Diego" basketball team kayo
"Miguel
at Xandro" volleyball team.
"Cielo
and Rico" soccer team.
At
sa mga hindi natawag, dun kayo sa ospital maglalagi.
Naglalakad
na ako papunta sa soccer field nang bigla may sumulpot mula sa likuran ko.
"May
problema ba?" kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Wala
naman gusto lang kitang kasabay." Sabi nya.
"Ahh
ganon ba" nakangiti kong sabi "Let's go" yaya
ko sa kanya.
"Sa
isang kondisyon" sabi nito. Aba, sya na nga ang nagyaya sya pa
ang may kundisyon
"Ano
naman?" - ako
"Bawal
kang main-love sakin" seryoso nyang sabi.
"What?"
-ako
Lumapit
sya sakin at halos magkalapit na kami. Napaatras naman ako hanggang sa
wala na akong maaatrasan pa. Unti-unti n'yang nilapit sakin ang mukha nya
habang ako naman ay hindi magkandaugaga dahil nga sa balak nitong gawin.
"Alam
ko ang tungkol sa inyo ni Xander" nabigla naman ako sa pangalan na
binanggit nya.
"At
para sabihin ko sayo, hindi ako nagiging mabait sa mga karibal ko"
Pagkasabi
nya non ay sya namang malakas na pagsara ng pinto ang narinig namin dahilan
para tumingin kami dito. Hala baka kung ano ang isipin nung taong
nakakita.
"Seryoso?"
bawing tanong ko sa kanya.
"anong
seryoso?"
"Ganon
ka?" natatawa kong tanong. Nakita ko syang umirap sakin.
"Wehh
hindi nga, sayang" habol ko sa kanya.
.......
Nakaupo
ako ngayon dito sa tent ng medical team. Mula dito ay kita ko ang mga
nagpapractice.
"Huy,
baka matunaw si Papa Xander!"
Tininignan
ko sya ng masama.
"Wala
ka bang ibang alam kundi ang asarin ako?"
"At
wala ka bang ibang alam kundi ang titigan sya?"
"Ehh
bakit, wala pa namang pasyente ahh"
"Isa
pa Rica hah, ipagsisigawan ko dito ang sikreto mo!"
"As
if may maniniwala sayo." Sabay irap nya sakin. "Teka
anong ginagawa mo?" unti-unti syang umatras. Tumayo kasi ako
mula sa upuan at lumalapit ako sa kanya ngayon.
"Hahalikan
ka?" sabi ko sa kanya.
"Yucccck
kadiri ka!" sabi nya. "Hindi tayo talo!"
"Wow
hah, ang arte mo pa nga! Yung iba nga dyan gustong-gusto pa akong halikan
ehhh" natatawa kong sabi sa kanya.
"EHEM!
EXCUSE ME!" natigil naman kaming dalawa ni Rico sa
ginagawa namin.
"I
WAS HURT ....... Maikling sabi nito habang nakatitig
sakin. I NEED SOME MEDICINE" si Xander
habang nakawak sa kaliwang kamay nito.
"O
pano Brad, iwan na kita dito hah." Sabi nung kasama nya.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Rico sa umpisa, sumenyas ako na sya na ang
mag-assist. Agad naman syang bumalik sa katinuan at nilapitan si Xander
na nanatiling nakatayo. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko
ang mga matatalim na titig nya sakin.
Grabe
ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon kapwa ito naguunahan sa loob.
"What
happened?" rinig kong tanong ni Rico habang kinukuha nito ang
first-aid box nito.
"Isn't
it obvious?" Xander said sarcastically. Tumingin na
ako sa kanya at nakita ko syang nakatitig parin sakin habang inaasikaso.
"Hava
a sit" - Rico.
Nakita
ko naman syang umupo. Xander is wearing red t-shirt and short together
with his Puma shoes. Bakat na bakat sa kanya ang matipuno nitong
pangangatawan. Ganun din ang pagiging kutis labanos nito na kahit pa
sugsug ito sa pagtatrabaho sa hacienda, ay hindi ito man lang
nangingitim. Kung hindi nga lang talaga sya anak ng katiwala namin ehh
iisipin ko na anak mayaman talaga ito.
"STOP
STARING!" malakas na sabi nito. Bigla naman akong nahiya
sa tinuran nito. Agad akong tumalikod para maitago ang pagkapahiya
ko sa kanya.
"MEDIC
PLEASE!!"
narinig kong may sumigaw ulit.
Humarap
ako dito at nakita kong may mga lalaki na paparating at buhat-buhat nito ang
isang lalaki na namimilipit sa sakit.
"Jayson?"
sabi ko nang makilala ko sya.
"O
Hi Cielo" pilit na ngumiti ito sakin kahit ba mayroong iniindang
sakit. Inihiga sya ng mga kasama nya sa isa pang bakanteng bench na may
foam na nakalagay.
"How
are you? Long time no see." Agad akong lumapit sa kanya para alamin
kung ano ang kalagayan nya.
"Ako
ang dapat magtanong sayo nyan" seryoso kong sabi.
"Buti
nalang pala at naaksidente ako dahil after a thousand years ehh nagkalapit ulit
tayo.
"TSSSSSS!
'DI PA NATULUYAN" - Xander
Nilingon
sya at tinitigan sya ni Jason ng masama habang si Xander naman ay umirap lang
at dinako ang tingin sa ibang lugar.
"Ahh
ehh, hindi naman ikaw ang tinutukoy nya" sinimulan ko nang gamutin ito
para naman mabaling na sakin ang atensyon nya.
"May
partner ka na ba sa Unight?" tanong sakin nito. Ang Unight o
University Night ay ang annual grand party ng school to welcome the
freshmen. Sa ngayon ay hindi pa naman ito ang priority ko ngayon. I
found out that this year's theme would be masquerade and everyone should come
by pairs.
"Hindi
ko pa naman yan iniisip sa ngayon." Sabi ko dito habang busy ako sa
pag-aaply ng mga gamot at benda sa katawan nito.
"Gusto
sana kitang yaya——
"KAYA
KO NA! HINDI MO NA AKO KAYLANGAN PANG LAGYAN NYAN!" nagulat ako
sa malakas na sigaw ni Xander. Anong problema nun. Hindi na rin
tuloy nagawa matapos ni Jason ang sinasabi nya dahil nga dito.
"Hindi
nga pwede! Baka ma-infect pa yan at kami pa ang sisihin"
narinig ko na ring nagsalita si Rico.
"DON'T
MAKE ME REPEAT MYSELF!" hinampas ni Xander ang maliit na
lamesa katabi nito. dahil nga sa nagkakainitan na sila ehh dali-dali na
akong lumapit sa kanila.
"Rico,
magpalit na muna tayo, dun ka kay Jason at ako na dito." Sabi ko
habang nakatingin ako sa kanya. Agad namang sumunod ito at naglakad
papalapit sa lalaki.
"AND
WHAT ARE YOU DOING?" galit na sabi ni Xander nang hinawakan ko na
ang braso nya namay sugat para ipagpatuloy ang panggagamot.
"HINDI
MO BA AKO NARINIG?" dugtong nito.
"ALAM
MO, GINAGAWA NAMIN ITO NG LIBRE AT SAGUTIN PA NAMIN ANG LAHAT NG PASYENTE NAMIN
KAPAG MAY NANGYARI SA KANILANG HINDI MAGANDA! KAYA WALA KANG KARAPATAN NA
SIGAWAN KAMI!" nagtaas na rin ako ng boses para pantayan sya.
Mas
lalo pang sumama ang titig nya sakin at mababakas dito ang galit. Nakita
kong tumayo at tumalikod sya paalis pero agad ko syang nahabol. Hinawakan
ko sya sa magkabilang balikat pagkatapos ay iniupo. "Sa ayaw
at sa gusto mo ay gagamutin kita!" wala na syang nagawa,
after then, pinagpatuloy ko na ang panggagamot ko sa kanya.
Tahimik
lang sya habang tinatapos ko na ang paggagamot ko sa kanya.
"ANO
YAN?" tanong nya.
"Alcohol."
Mababang tugon ko sa kanya.
"Wait!
What will you do!"
"Malamang
, ilalagay ko sa sugat mo! Wait..." natigilan ako.
"Don't tell me na hindi mo kaya ang hapdi nito?" natatawa
kong tanong sa kanya.
"Wala
akong sinasabi, kaylangan pa ba nyan?" sya ulit habang namumutla na
ang mukha nito sa takot siguro. Akma sana syang iiwas pero hinawakan ko
na agad ang braso nya na injured. And then pinahiran ko lang ang paligid
ng sugat nya. bigla namang nawala ang kaba sa itsura nya.
nakakatawa lang dahil ang isang masungit at mala-dyos na kagay ni Xander, ehh
takot din pala sa alcohol.
"Xander!"
pareho kami ni Xander na napatingin sa tumawag sa kanya.
"How
are you? Hindi ka ba nasaktan?" si Jacky na biglang lumapit sa
kanya at ipinulupot lang naman ang mga braso nya sa leeg ni Xander. Agad
akong tumalikod para hindi ko masaksihan ang iba pang mga mangyayari.
"Let's
go, iuuwi na lang kita!"
Itutuloy...
Comments
Post a Comment